Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Divine Heart of Mary Montessori School (DHMMS)

6965 Old NIA Rd., Pasong Buaya II, Imus, Cavite


S.Y. 2023 - 2024

Pangalan: Dwight Joshua M. Dolorico Markahan: Unang Markahan


Grade: 8 Petsa: Ikatlong Linggo
Paksa: Mga Katangiang Pisikal ng Daigdig
Layunin  Mailarawan ang mga larawan patungkol sa
daigdig
 Mailarawan ang importansya ng Pisikal na
katagian ng daigdig.
 Maka gawa ng sanaysay patungkol sa mga
katangiang pisikal ng Daigdig
Gawain:
Mula sa mga larawan ano ang iyong masasabi dito?

Abstraksiyon: ISTRUKTURA NG DAIGDIG

Isa ang daigdig sa walong planetang umiinog sa


isang malaking bituin, ang araw. Bumubuo sa
tinatawag na sistemang solar ang mga ito. Ang araw
ang nagsisilbing pangunahing pinagmumulan ng
enerhiya ng buong Sistema
.
Binubuo ang pisikal na katangian ng daigdig ng
kalawakan, kalupaan, katubigan, klima, buhay-
halaman, buhay-hayop, at mga mineral.
Nakaiimpluwensiya ang bawat katangian sa isa't isa.

Ang sistema ng halaman o behetasyon, halimbawa,


ay nakasalalay hindi lang sa tubig, hangin, at araw,
kundi pati na rin sa mga hayop na tumutulong sa
kanilang reproduksyon. Ang mga hayop naman ay
nabubuhay sa pamamagitan ng pagkain ng halaman
o ibang hayop.

Upang lalong maunawaan ang kaugnayan ng mga


buhay na nilalang sa isa't isa, mahalagang
maintindihan muna ang mga pisikal na katangian ng
daigdig.

MGA PATONG O 'LAYERS' NG DAIGDIG

Ang daigdig ay binubuo ng tatlong patong o 'layers':


ang crust, ang mantle, at ang 'core'.

Ang 'crust' ay ang matigas, mabato, at pinakaibabaw


na bahagi ng planetang ito. Dito nakatira ang mga
tao. Umaabot ang kapal nito nang higit sa 30
kilometro (km) palalim mula sa mga kontinente.
Subalit sa mga karagatan, ito ay may kapal lamang
na 5-7 km.

Ang 'mantle' ay isang patong ng mga batong


napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang
bahagi nito

Ang tinatawag na 'core' naman ang kaloob-loobang


bahagi ng daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng
iron at nickel. Ito ay binubuo ng 'outer core' na likido
at 'inner core' na solido.

Ang 'crust' at ang bahaging ibabaw ng 'mantle' ang


bumubuo ng tinatawag na 'lithosphere' ng daigdig.
ANG KALUPAAN

Humigit-kumulang sa 29% ng ibabaw ng daigdig ang


kalupaan. Tinatawag na 'kontinente' ang mga
pinakamalalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng
daigdig.

Sa pakahulugan ng mga siyentipiko, mayroon


lamang apat na kontinente. Subalit dahil sa
nakasanayan na ng tao, may itinuturing na pitong
kontinente sa daigdig. May mga kontinenteng
magkakaugnay samantalang ang iba ay
napapalibutan ng katubigan.

ANG PINAGMULAN NG MGA KONTINENTE

Kung susuriin ang isang mapa, mapapansing ang


mga baybayin ng silangang bahagi ng South America
at kanlurang bahagi ng Africa ay tila lapat at akma sa
isa't isa na parang mga piraso ng isang malaking
'jigsaw puzzle'. Ito ay sa kadahilanang dating
magkaugnay ang dalawang lupaing ito.

Ayon sa 'Theory of Continental Drift', noong may 200


milyong taon na ang nakaraan, ang mga kalupaan sa
daigdig ay magkakadugtong at bumubuo ng isang
dambuhalang kontinente sa gitna ng dagat
Panthalassa. Ang tawag sa kontinenteng ito ay
'Pangaea'.

Pagkaraan ng 100 milyong taon nahati ang Pangaea


sa dalawang malalaking sub-kontinente sa hilagang
hemispero. Ang ikalawang bahagi ay tinawag na
'Gandwana Land', na napaanod naman sa timog
hemispero at nahati sa mga kontinente ng Timog
Amerika at Aprika.
Nang lumaon, dahil sa patuloy na pag-kakaanod at
pagkakahiwalay ng mga kontinente, pito (7) ang
nabuong kontinente na siya ngayong tinitirhan ng
iba't ibang lahi at nasyon sa daigdig.

ANG MGA KONTINENTE NG DAIGDIG

ANG PITONG KONTINENTE NG DAIGDIG AY ANG


MGA SUMUSUNOD:

ASYA

Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig.


Halos sakop nito ang ikatlong bahagi ng tuyong
kalupaan ng mundo. Sa bandang hilaga nito ang
Karagatan ng Arctic at inihihiwalay ito ng Reef Sea
sa kontinente ng Aprica. Ang pinakamalaking
Karagatan ng Pacific ang yumayakap sa kalakhan
nito.

Europa

Higit na maliit at hindi regular ang korte ng Europa


kaysa Asya. Matatagpuan din ito sa Hilagang
Hemispero. Mayroon itong tatlong pangunahing
peninsula sa silangan: ang Iberian Peninsula
(binubuo ng Espanya at Portugal), Italya, at ang
Balkan Peninsula.
Aprica

Pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig


ang Aprica. Nakalatag ito nang halos pantay ang
distribusyon ng lupain sa magkabilang bahagi ng
ekwador.

Hilagang America

Malawak ang Hilagang Amerika mula silangan


patungong kanluran. Mahaba rin ito mula hilaga
hanggang timog dahil sa mga pulo ng Arctic. Binubuo
ito ng malalaking bloke ng lupain na may sukat na
6,437-kilometre mula silangan patungong kanluran
kung magmumula sa Cape Race, Newfoundland
hanggang Cape Prince of Wales sa Alaska.

Timog America

Tulad ng Aprica, nakalatag din ang Timog Amerika


sa ekwador. May sukat itong 7,725 km. mula hilaga
hanggang timog. Mula silangan naman hanggang
kanluran, ito ay may sukat na 5,150 km.

Australia at Oceania

Binubuo ito ng mga lupain ng Australia, New


Zealand, at mga pulo sa mga karagatan sa silangan.
Nahahati ito sa Micronesia, Polynesia, at Melanesia.
Ang Australia ay itinuturing ding isang bansang
kontinente.

Antarctica

Tila isang madahon subalit baluktot na puno ang


korte ng Antartica. Hindi nakasentro ang Timog Polo.
Mayroon din itong hugis baywang na may sukat na
1,609 km. sa Palmer Peninsula na nasa 63°S at sa
dalawang Dagat ng Ross at Weddell.
Ang 'Pacific Ring of Fire'

Ang malawakang hangganan ng Asya, North


America, at South America ay matatagpuan sa
'Pacific Ring of Fire'. Saklaw nito ang kanlurang
hangganan ng South America at North America
patungong hilaga sa Aleutian Islands ng Alaska,
pababa sa silangang hangganan ng Asya hanggang
New Zealand sa Timog Oceania.

Tinatawag itong 'Ring of Fire' dahil matindi ang


pagputok ng mga bulkan at paglindol sa rehiyong ito
bunga ng pag-uumpugan ng mga 'tectonic plates' o
tipak ng 'crust' ng daigdig kung saan nakapatong ang
mga naturang kontinente.

Sa kasaysayan, tinatayang may 540 bulkan na ang


pumutok at 75% sa mga ito ay nasa Pacific Ring of
Fire. Ilan sa mga bulkan sa Pacific Ring of Fire na
pumutok at nagdulot ng malaking pinsala ang mga
sumusunod:

1. ang Tambora noong 1815 kung saan 70,000 ang


namatay,

2. ang Krakatoa noong 1883 kung saan 36,000 ang


namatay, at

3. Mt. Pelee noong 1902 kung saan 30,000 ang


namatay.

Samantala, ilan sa mga bansang labis na napinsala


ng malalakas na lindol ang China noong 1556
(830,000 ang namatay) at 1976 (242,000 ang
namatay), Japan noong 1923 (143,000 ang
namatay), Sumatra noong 2004(227,898 ang
namatay), at Haiti noong 2010 (222,570 ang
namatay).

ANG KATUBIGAN

Matagal ding panahong apat na karagatan lamang


ang kinilala sa daigdig: Pacific, Atlantic, Indian, at
Arctic.

Noong 2000 lamang itinakda ng International


Hydrographic Organization ang isang panibagong
karagatan na pumapalibot sa Antarctica: ang
Southern Ocean na umaabot hanggang 60 degrees
S latitude.

MGA KARAGATAN NG DAIGDI

1. Pacific Ocean

Lawak (kuwadrado kilometro): 155,557,000

Average na Lalim (talampakan): 12,926

Pinakamalalim na Bahagi: Mariana Trench,

35,840 talampakang lalim

2. Atlantic Ocean

Lawak (kuwadrado kilometro): 76,762,000


Average na Lalim (talampakan): 11,730

Pinakamalalim na Bahagi: Puerto Rico Trench,


28,232 talampakang lalim

3. Indian Ocean

Lawak (kuwadrado kilometro): 68,556,000

Average na Lalim (talampakan): 12,596

Pinakamalalim na Bahagi: Sunda Trench, 25,344


talampakang lalim

4. Arctic Ocean

Lawak (kuwadrado kilometro): 14,056,000

Average na Lalim (talampakan): 3,407

Pinakamalalim na Bahagi: Eurasia Basin, 17,881


talampakang lalim

5. Southern Ocean

Lawak (kuwadrado kilometro): 20,327,000

Average na Lalim (talampakan): 13,100

Pinakamalalim na Bahagi: katimugang dulo ng South


Sandwich Trench, 23,737 talampakang lalim,

Matatagpuan sa mga karagatan ang ilang


pinakamalalim na bahagi ng daigdig. Pangunahin sa
talaan ang Challenger Deep sa Mariana Trench na
nasa kanlurang bahagi ng Pacific Ocean. Iba pang
malalim na 'trenches' ang Puerto Rico Trench sa
Atlantic Ocean, Java Trench sa Indian Ocean, at
Eurasia Basin sa Arctic Ocean.

Epekto ng Heograpiya
sa Pamumuhay ng Tao

KAUGNAYAN NG HEOGRAPIYA
SA KULTURA

May malaking impluwensiya sa kultura ng tao ang


kanilang kinalalagyan sa ibabaw ng daigdig.
Halimbawa, dapat magsuot ang mga Eskimo sa
Alaska ng makakapal na damit at tumira sa igloo
upang malabanan nila ang lamig sa bahaging ito ng
daigdig.

Kailangan namang magsuot ng makakapal na putong


sa ulo ang mga Indian sa mainit na lugar sa
Kapatagan ng Deccan at mga tao sa Arabia upang
malabanan ang init dahil sa mainit na klima sa
kanilang lugar.

Ang mga istilo ng mga bahay sa pook na nagyeyelo


kung taglamig ay kakaiba sa mga tahanan ng mga
tao sa tropikal na mga bansa.

Pangingisda ang ikinabubuhay ng maraming nakatira


sa mga peninsula o hindi kaya ay paglalayag o
pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Higit na
maunlad ang kabuhayan ng mga bansang sagana sa
likas na yaman kaysa mga bansang salat dito.

May kinalaman din ang heograpiya sa paniniwala o


relihiyon ng mga tao.

Marami pang dagat na matatagpuan sa daigdig na


kadalasang bahagyang napaliligiran ng mga lupain.
Pinakamalalaking dagat sa daigdig ang West
Philippine Sea, Caribbean Sea, at Mediterranean
Sea.

KAUGNAYAN NG HEOGRAPIYA
SA PAG-UNLAD

Naging mahalaga ang heograpiya sa pagtatatag at


pagbagsak ng mga bansa. Naging makapangyarihan
ang Carthage noong sinaunang panahon dahil nasa
teritoryo nito ang Dagat Mediterranean. Subalit nang
mapasakamay ng mga Romano ang nabanggit na
dagat, bumagsak ang Carthage, nawalan ito ng
halaga sa daigdig at naging matatag naman ang
Imperyong Roma.

Mahalaga ang Dagat Mediterranean sapagkat ito ang


nag-uugnay sa mga bansa sa Europa, Asya, at
Aprica. Ang mga bansang nakatuklas ng ibang lupain
sa ibang kontinente, gaya ng Espanya at Portugal
noong ika-14 na siglo, ay nakaungos sa ibang bansa
dahil sa kaalaman sa heograpiya at naging mga
mananakop at maunlad na bansa.

May mga bansa ring naging maunlad dahil pinag-


aralan nila ang paggamit ng mga yamang-likas ng
kanilang teritoryo o kaya'y tumuklas at gumamit ng
mga yamang-likas ng ibang lupain upang manguna
sa kalakalan at mga gawaing pampulitika sa buong
daigdig, kagaya ng Inglatera at Amerika.

Kaiba ang lupa na nabubuo sa malapit na bundok sa


mga kapatagan kaysa doon sa malapit sa dagat.
Dahil dito, iba rin ang sistema ng pagtatanim, at mga
gawaing pang-ekonomiya sa bawat lugar.

Ang mga lupang sagana sa mineral ay


nakapagbibigay ng ginto, pilak, tanso, at iba pang uri
ng mineral na magagamit at nagpapaunlad sa mga
pamayanan.

Ang mga bulubunduking may minahan ng mga ginto


at mineral ay matatag na sandigan ng maunlad na
ekonomiya. Dahil dito, maraming mga lupaing
mayaman sa mineral ang nasakop noong panahon
ng kolonyalismo at pagpapalawak ng teritoryo.

Kaugnayan ng Heograpiya sa mga


Malalaking Pandaigdigang Pangyayari

Ang kaugnayan ng heograpiya sa mga


pandaigdigang penomena tulad ng El Niño, global
warming, greenhouse effect, bagyo, sandstorm,
tornado, lindol, tsunami, La Niña at iba pa.

May iba't ibang epekto ang pagkakaiba-iba ng klima,


elebasyon, porma ng kalupaan, katubigan,
behetasyon o sistema ng halaman, uri ng lupa, at
mineral.

Ang porma o elebasyon ng lupa ay


nakakaimpluwensiya sa klima. Naaapektuhan ng
elebasyon ang temperatura at patak ng ulan, ang
epektong tinatawag na rain shadow sa mga
bulubundukin, ang pababang pag-agos ng malamig
na hangin sa gabi, mga ihip ng hangin sa lambak at
kabundukan, ang lakas at direksyon ng hangin, at iba
pa.

Naaapektuhan din ng porma at elebasyon ng lupa


ang mga katubigan. Ang presipitasyon, distribusyon
ng katubigan, pagkawala ng tubig sa mababang
lugar, distribusyon ng karagatan, ilog at mga lawa ay
nakasalalay sa taas o baba at anyo ng lupa.

May epekto rin ang porma ng lupa sa behetasyon o


sistema ng halaman. Dahil sa epekto nito sa lupa at
klima, iba-iba ang uri ng mga halamang tumutubo sa
bawat lugar.

Ang klima ay may malaking epekto sa pag-iiba-iba ng


temperatura, pagkatuyo o pagkabasa ng lupa, at sa
pagkabuo at pagkasira nito. Reponsable ang klima
sa sukat ng ulan at dami ng tubig na nasa kalupaan.

Dahil sa klima, iba-iba ang uri ng lupa sa maiinit at


malalamig na lugar. Iba-ibang halaman ang tumutubo
sa iba't ibang lugar batay sa lamig o init ng panahon.
Dahil dyan, iba't iba rin ang uri ng mga kalakal na
ipinagbibili ng mga bansa sa pandaigdigang
pamilihan.

llan lamang ang mga nabanggit na halimbawa sa


mga nagiging kaugnayan ng bawat salik ng
heograpiya sa isa't isa at sa mga pandaigdigang
penomena.

Sa kasalukuyan, nararanasan natin ang tindi ng init o


global warming. Sinasabing matindi ang init na
nararanasan sa kasalukuyan kaysa naranasan ng
mga tao 50 taon na ang nakaraan.
Aplikasyon: batay sa mga nabangit bilang isang estudyante paano mo
mauugnay ang heograpiya sa pag-unlad ng Lipunan?
Pagsasanay: Sagutan ang mga sumusunod:
1. Ano ano ang mga pangunahing karagatan sa
daigdig
2. Ano ang kaugnayan ng Heograpiya sa pag unlad?
Takdang aralin: Kpluz,ph
 Mga Katangiang Pisikal ng Daigdig

You might also like