Lesson Plan Template Divine Heart of Mary Montessori School Week 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Divine Heart of Mary Montessori School (DHMMS)

6965 Old NIA Rd., Pasong Buaya II, Imus, Cavite


S.Y. 2023 - 2024

Pangalan: Dwight Joshua M. Dolorico Quarter: 1st Quarter


Grade: 8 Petsa: Pangalawang Linggo
Paksa: Ang Parilya ng Globo
Layunin  Malaman ang ibat ibang kathang isip ng mundo
 Malaman ang importansya ng mga guhit sa globo
 Mahanap sag lobo ang mga bansa

Gawain:
Abstraksiyon: Hugis ng Daigdig
Ang ating daigdig ay hindi perpektong bilog. Ang
tawag sa tunay na hugis nito ay 'oblate spheroid'.
Bagama't halos parang bola pa rin ito kung titingnan,
nagiging patag ito sa mga polo nito. Ang mga polo
ng daigdig ay tinatawag na Hilagang Polo o 'North
Pole' at Timog Polo o 'South Pole.'

Upang matukoy at masukat ang kinaroroonan ng


isang lugar sa mundo, naglagay ang tao ng mga
kathang-isip na guhit sa ibabaw na 'surface' nito.
May mga guhit na pahalang at may mga guhit na
patayo, kaya't makakabuo ng kathang-isip na parilya
o 'grid' kung pagsasamahin ang mga ito.

MGA KATHANG-ISIP NA GUHIT


NG PARILYA NG GLOBO

MERIDIAN

'Meridian' o 'meridyano' ang tawag sa alinmang


patayong kathang-guhit na nagsisimula sa isang
polo patungo sa kabilang polo.

Sa wikang Latin, 'tanghali' ang kahulugan ng


'meridian', kaya lahat ng pook na bumabaybay sa
kahabaan ng isang guhit meridian ay sabay-sabay
na nakakaranas ng katanghalian. Ibig sabihin nito,
nakatutok sa kanilang lahat ang sikat ng araw.

Dito rin kinuha ang katagang 'ante meridian' na ang


ibig sabihin ay 'bago sumapit ang tanghali.' Kung
paiikliin, ito ay magiging 'A.M.', na siyang ginagamit
nating pananda kung ang oras ay pang-umaga.

Ang 'post meridian' naman ay nangangahulugang


'pagkalipas ng tanghali', kaya ginagamit natin ang
katagang 'P.M.' bilang pantukoy sa oras na
panghapon.

PARALLEL

Ang alinmang dalawang linyang hindi maaring


magsalubong o magtagpo ay sinasabing 'parallel' sa
isa't isa.

Ang alinmang kathang-isip na pahalang na guhit na


umiikot nang buo sa mundo sa direksyong
pasilangan o pakanluran ay tinatawag na 'parallel'.
Ito ang pahalang na katumbas ng 'meridian'.

May apat na mahahalaga o pangunahing ng


kathang-isip na 'parallels' ang naiguhit sa umiinog na
daigdig sa pamamagitan ng sinag ng araw: ang

ekwador, ang 'Arctic Circle', ang 'Tropic of Cancer',


ang 'Tropic of Capricorn', at ang 'Antarctic Circle'.

EKWADOR

Ang pahalang na guhit na makikita sa kalagitnaan ng


globo ay tinatawag na ekwador o 'equator'. Isa ito sa
apat na pangunahing 'parallels' ng globo. Hinahati
nito ang globo sa hilaga hating-globo o 'northern
hemisphere' at timog hating-globo o 'southern
hemispher'.

Sa madaling salita, lahat ng lugar na nasa taas ng


ekwador ay sinasabing nasa hilagang bahagi ng
daigdig habang lahat ng nasa baba nito ay nasa
timog na bahagi ng daigdig.

LATITUD

'Latitud' o 'latitude' ang tawag sa anggular na layo o


'angular distance' ng isang lugar pahilaga o patimog
mula sa ekwador. Ang lahat ng puntong
matatagpuan sa anumang 'parallel' ay may iisang
latitud lamang. Ang latitude ay sinusukat gamit ang
yunit na 'degree.'

LONGHITUD
'Longhitud' o 'longitude' ang tawag sa anggular na
layo o 'angular distance' ng isang lugar pasilangan o
pakanluran mula sa isang espesyal na meridyano na
kung tawagin ay 'prime meridian'.

PRIME MERIDIAN

Ang longhitud ay sinusukat din gamit ang yunit na


'degree'. Ang 'prime meridian' ang meridyanong
itinalaga sa '0 degree longitude.' Ito ay dumadaan sa
Greenwich, England.

Pansinin na ang lahat ng puntong matatagpuan sa


anumang 'meridian' ay may iisang longhitud lamang.

Ang 'International Date Line' (IDL) ay ang


meridyanong may layong '180 degrees' pasilangan o
pakanluran mula sa 'prime meridian'. Samakatwid,
ito ay nakatapat sa 'prime meridian' sa kabilang

panig ng daigdig. Ginagamit itong pantukoy sa


paglipat ng araw sa kalendaryo.

PAGGAMIT NG LATITUD AT LONGHITUD

Sa pagbibigay ng lokasyon ng isang pook sa


daigdig, nakasanayan nang sabihin muna ang
latitude, susundan ng longhitud at daragdagan ng
direksyon (kung timog, hilaga, silangan, o kanluran).
PAG-INOG NG DAIGDIG
AT BATAYANG ORAS

Patuloy ang daigdig sa pag-inog sa kanyang axis


habang umiikot ito sa araw. Taliwas ito sa paniniwala
noong sinaunang panahon na ito hindi gumagalaw.
Nakagagawa ito ng kumpletong pag-inog sa
kanyang aksis sa loob ng 24 oras.

Ang bilis ng paggalaw ng mga puntos sa ekwador


habang umiinog ito ay 1,609 kilometro bawat oras.
Nababawasan ang bilis na ito habang papalapit sa
magkabilang polo.

Inaabot naman ng 365 1/4 araw, sa bilis na 107,016


kilometro bawat oras, ang pag-ikot ng daigdig sa
araw. Hindi natin nararamdaman ang mga nasabing
pag-ikot dahil matatag at napakalaki nito kung
ihahambing sa tao at mga bagay.

Tulad ng nabanggit, umaabot ng 24 na oras ang


isang pag-inog ng daigdig sa kanyang axis. Kung
magsisimula ang pagtatala ng pag-inog na ito sa
hatinggabi ay aabot ito hanggang sa susunod na
hatinggabi.

Kung kakalkulahin, ang daigdig ay umiikot sa bilis na


'15 degrees' bawa't oras upang mabuo ang '360
degrees' na pag-ikot nito sa 'axis' sa isang araw.
Aplikasyon: Gamit ang Globo, Hanapin ang mga sumusunod na bansa
1. Zambia
2. New Zealand
3. Chile
4. Ecuador
5. Belarus
Pagsasanay: Sagutan ang mga sumusunod

1. Ang ______________' ang meridyanong


itinalaga sa '0-degree longitude.' Ito ay
dumadaan sa Greenwich, England.
- PRIME MERIDIAN
2. tawag sa anggular na layo o 'angular
distance' ng isang lugar pasilangan o
pakanluran mula sa isang espesyal na
meridyano na kung tawagin ay 'prime
meridian'.
- LONGHITUD
3. ang tawag sa anggular na layo o 'angular
distance' ng isang lugar pahilaga o patimog
mula sa ekwador. Ang lahat ng puntong
matatagpuan sa anumang 'parallel' ay may
iisang latitud lamang. Ang latitude ay
sinusukat gamit ang yunit na 'degree.'
- LATITUD
4. Ang pahalang na guhit na makikita sa
kalagitnaan ng globo ay tinatawag na
________
- EKWADOR O 'EQUATOR'.
5. ang tawag sa alinmang patayong kathang-
guhit na nagsisimula sa isang polo patungo
sa kabilang polo.
- Meridian
Takdang aralin: Kpluz,ph
 Ang Parilya ng Globo

You might also like