Professional Documents
Culture Documents
Panitikan NG Rehiyon
Panitikan NG Rehiyon
LITANYA NI NINOY
-Patrocionio Villafuerte
• Isang guro at manunulat sa Filipino. Ipinanganak noong ika-7 ng Mayo taong 1948
• Kilalang makata, mananaysay, manunular at editor ang mga tula ni Professor
Patrocinio Villafuerte na mas kilala sa pangalang Pat V. ay patuloy na ginagamit
bilang piyesang pang-isahan at pansabayang bigkas tuwing sumasapit ang
pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
• Isinilang sa Tondo, Manila siya ay produkto ng mga publikong paaralan
• Tumaggap siya ng Oustanding Award 2017 ng Lungsod ng Maynila at ginawaran ng
titulong “Ama ng Sabayang Bigkasan” ng Camarines Sur noong 2018.
• Ang Litanya ni Ninoy ay nabibilang sa Panitikan ng Metro Manila, ang Metro Manila
ay ang pabansang kapital na rehiyon ng Pilipinas, ang sentro ng politika,komersiyo,
industriya,komunikasyon, kultura atedukasyon ng ating bansa Ang mga lugar sa Metro
Manila ay naging saksisa maraming mga makasaysayang pangyayari saating bansa,
mula sa pagkapiit ni Rizal sa FortSantiago, pagbaril sa kanya sa Luneta, Digmaan
saManila Bay, Pananakop ng mga Hapon,Inagurasyon ng halos lahat ng naging
Pangulo ngBansa, Asasinasyon ni Ninoy Aquino, hanggang saEDSA 1, EDSA 2 at
napakarami pang ibav
Para kanino ang Tula?
• Ito ay nakatuon kay dating Benigno Simeon “Ninoy” Aquino Jr.
• Isa itong panalangin na ginawa para sa kaniya.Ang Litanya kay Ninoy ay tula para
ipakita sa mga mambabasa ang kaniyang mga nagawa salipunan. Sa tula na ito ay
isinaysay ang mga pangyayaring naganap sa kanyang panunungkulan bilang isang
Presidente
• Siya’y hinangaan dahil sa kaniyang talino, tapang sa salita at gawa. Siya din ay
nagdarasal upang ang hustisya ay manaig at ang bayan ay umusbong sa ekonomiya
atteknolohiya at iba pa.
• Siya din ay hinusgahan at binatikos dahil sa kaniyang mga utos na hindi tanggap ng
mga tao sa lipunan dahil ito daw ay makasarili, awtoritateyb at barbadong mga utos .
Kaya marami ang nagalit at bumatikos sa kaniyang panunungkulan sa pamamagitan
ng masakit na mga salita.
Si Malakas at Si Maganda
Ang kwentong bayan ay isang kathang-isip na kuwento na ikinuwento mula sa henerasyon
hanggang sa henerasyon at walang malinaw na awtor.
Si Juan at ang mga Alimango
Ang kuwentong si Juan at mga alimango ay nagmula sa literatura ng mga katimugang
Tagalog. Isa itong uri ng kuwentong bayan kung kaya’t walang partikular na tao ang natukoy
na sumulat nito dahil ang kuwentong bayan ay pinapaunlad ng mga taong nagpasalin-salin sa
mga bibig ng mga tao kung kaya’t ito’y naisalibro ng mga iskolar.
Tungkol sa isang batang may kahinaan sa pag-iisip at hindi pa gaanong nahubog ang
kamalayan. Bagama’t isa itong kuwentong bayan, mainam ito sa mga bata sapagkat
kapupulutan ito ng aral.
Mga Tauhan
Juan – ang pangunahing tauhan, tamad at puno ng kursyusidadad ang isip.
Aling Maria – ina ni Juan
Tindera
Tapguan
Bahay nina Juan, palengke at silong ng puno.
Tikbalang
ni Araceli Calomos-Delgado
KWENTONG - BAYAN
■ Ito ay isang kuwentong nagsasalayay ng mga tradisyong Pilipino.
■ Karamihan sa kuwentong - bayan ay tungkol sa kanilang mga diyos at espiritu na siyang
nagtatakda ng kapalaran ng tao.
■ Ito rin ay naglalarawan ng mga kaugalian , pananampalataya at mga suliraning panlipunan
ng panahong iyon.
■ Ang mga pangyayari dito ay hindi kapani-paniwala o makatotohanan bagama’t may mga
pangyayari ditong kakitaan ng kultura ng mga Pilipino , gayndin ang mga gintong aral na
laging nakapaloob sa uri ng panitikang ito .
Si Araceli Calomos-Delgado ay isang Bikolanong manunulat at guro, kung saan ang
tubong ciudad niya ay Naga. Siya ay nagtuturo sa University of Nueva Caceres at sa Naga
Teacher’s College.
Naihayag ang ilan sa mga naisulat niya sa Bangaraw at sa Bikol Reporter.
Naging pinalista siya sa Premio Tomas Arejola para sa Literaturang Bikolnon na isang
rehiyonal na patiribayan sa pagsulat ng literatura sa Bikol, para sa kanyan rawidawit na
Magmata ka na, Uryol.
Ang Tikblang o tigbalang
ay isang nilalang na may mala-kabayong hitsura . Kabilang ito sa mga nilalang ng
mitolohiya at kuwentong bayan ng Pilipinas. Mayroon itong katawan ng isang tao subalit
may mga paa ng isang kabayo. Batay sa paniniwala , nakasasanhi ang tikbalang ng
pagkaligaw ng landas ng mga tao, partikular na habang nasa kagubatan at mga bundok.
Tumukoy ang tikbalangin sa pagkukulam sa tao sa pamamgitan ng pagsasaanyo ng isang
nilalang upang maligaw ito ng daan.
KALAKASAN AT KAHINAAN
Ang kalakasan ng akda ay naipapakita dito ang pagiging masunurin ng mga bata
sa mga nakakatanda sa kanila. Ang kahinaan naman nang akda ay ang paglinlang ni Mang
Punying kay Pising at ang kanyang pagsasamantalang ginawa dito , sa murang edad ni Pising
ay masasabi natin na siya’y inosente at walang kamuwang muwang. Nang dahil sa ginawang
pagsasamantala ni Mang Puying sa kanya ay nabahiran na ng dungis ang kanyang
kainosentehan .
ARAL
Ang aral mula sa akda ay nagpapaalala sa atin na huwag tayong makipagusap o
makisalamuha sa mga taong hindi pamilyar sa atin dahil baka ito pa ang dahilan ng ating
kapahamakan.Huwag tayong magpalinlang sa mga taong mapagsamantala sapagkat sa
panahon ngayon dumadami na ang mga kaso sa mga taong nananamantala lalong na sa mga
kababaihan.Ang mga taong mapansamantala ay maaaring magkaroon ng sarili nilang
“Tikbalang” o dahilan na kung bakit sila gumagawa ng masasamang bagay .
"Sarung Banggi"
ni: Potenciano V. Gregorio Sr.
Potenciano V. Gregorio sr.
•kilalang musiko at kompositor.
• isinilang sa libog (santo domingo albay, 19 mayo 1880.
• nag-aral ng musika sa pamamatnubay ni mons, jorge barlin, 1883-1885, katulong ang kapa
310 na si bernardo, kumaha ng humigit kumulang sa 12 dakilang komposisyon nilikha ang
"sarung banggi naging klaskong awitin sa kabikulan, bo mayo 1910.
•pumanaw sa sakit na pulmonya samantalang patungo sa eksposisyon 12, pebrero 1929.
Ang Sarung Banggi ay isang katutubong sayaw na Pilipino na nagmula sa rehiyon ng Bicol.
Bago ito umunlad sa isang piyesa ng sayaw, ang pinagmulan nito ay nagmula sa kantang
Bicolano kundiman na may parehong pamagat na "Sarung Banggi" na nilikha ng isang
kilalang musikero, si Potenciano Gregorio.
•Ang awit na ito ay napakapopular sa Kabikolan. Ang Sarung Banggi na ang kahulugan ay
Isang Gabi.
•Ito ay tumutukoy sa panliligaw ng isang lalaki sa kanyang iniirog. Kapag ang lalaki ay
kumakanta, siya ay may kasamang kaibigan na sinasamahan siya sa pagtugtog ng gitara at
pati na din sa pagkanta. Kaya ating tangkilikin ang musika ng Bicol.
LITERATURA NG KABISAYAAN
Ang Kabisayaan ay isa sa mga pangkat ng pulo sa Pilipinas na mayroong napakayamang
kulturang maipagmamalaki. Ito ay pumapangatlo sa pinakamalaking pangkat ng pulo sa
ating bansa na pinangungunahan ng Luzon at pagkatapos ay Mindanao.
Ang panitikan sa Kabisayaan ay isang malaking bahagi sa pagkakaroon ng
pagkakakilanlan natin bilang mga Pilipino. Ito ay lumaganap sa pamamagitan ng pasalindila
na sumasalamin sa kanilang pamumuhay at kultura. Ito ay mayroong ibat- ibang wika gaya
ng Hiligaynon, wikang Cebuano at Tausug.
Sa kabila ng pagkakabuo ng ibat- ibang wika sa Kabisayaan ay nagkakaisa naman ang
mga ito sa diwa sa pamamagitan ng kaugalian at kultura na sumasalamin sa kanilang
panitikan.
Nangunguna naman ang Kabisayaan pagdating sa kasaysayan ng relihiyon at pananakop
ng mga Kastila. Pinaniniwalaang sila ang mga unang lumaban para sa ating kasarinlan kung
kaya naman maraming matatagpuang makasaysayang lugar sa ibat-ibang panig ng
Kabisayaan. Nariyan ang mga naglalakihang simbahan, mga sinaunang Unibersidad at mga
kabi-kabilang rebulto ng mga tanyag at makasaysayang personalidad gaya ni Lapu- lapu at
Heneral Douglas McArthur.
Si Eriberto Gumban ay binigyan ng karangalang maging Ama ng Panitikang Bisaya. Siya
ay Tubong Iloilo, nakasulat siya ng maraming moro-moro at komedya sa wikang Bisaya.
Ang kanyang mga moro-morong naisulat ay Ang Mutya Nga Matin-ao (Ang Makinang na
Alahas) Ang Yawa Nga Bulawan (Ang Dimonyong Ginto) at Ang Salamin San Pamatan-on
(Ang Salamin ng Kabataan). Ang kanyang mga komedya naman ay Carmelina, Felipro at
Clodones.
MGA PANITIKAN NA GINAGAMIT
Ang bulong ay isa sa mga pasalindilang tradisyon ng ating mga ninuno bago pa man
dumating ang mga Kastilang mananakop.Ginagamit ito sa pagpapasintabi kapag napararaan
sa kagubatan, kasukalan, nuno sa punso at tabing-ilog na pinaniniwalaang pinamumugaran o
tinitirahan ng mga engkanto at mga nilalang na hindi nakikita. Binibigkas ito ng mga ninuno
upang magbigay babala o pasintabi na sila ay darating upang maiwasan na sila ay masaktan
o maapakan. Kadalasan ding ginagamit ng mga albularyong bisaya ang bulong sa tuwing sila
ay manggagamot ng isang nasapian ng masamang espiritu, mga nausog, nakulam o mga
simpleng sakit ng tyan. Hanggang sa kasalukuyan, ginagamit pa rin ng mga nakatatanda ang
bulong sa kabisayaan.
Ang alamat rin ay isang malaking bahagi ng kultura ng mga Bisaya sapagkat dito nila
isinasaad kung paano nagsimula ang mga bagay-bagay. Karaniwang nagtataglay ito ng mga
kababalaghan at ang madalas na paksa ay mga katutubong kaugalian at kultura ng mga taga-
bisaya.
Nananatili naman hanggang ngayon ang alamat sa kabisayaan at sa natitirang pulo ng
Pilipinas bilang pang-aliw, panakot at isang mayamang sining na maipagmamalaki ng isang
Pilipino. Ang ilan sa mga alamat ay nakalimbag sa mga aklat na siyang pinag-aaralan ng
mga mag-aaral at dalubhasa ngayon.
Ang epiko sa kabisayaan ay isa ring malaking parte ng kanilang kultura sapagkat
masasalamin dito ang mga kaugalian at yaman ng kanilang kapaligiran. Madalas na
itinatampok sa epiko ay ang mga lalaking nakikipagsapalaran
Ang awiting- bayan naman ay pasalindila ring lumaganap. Ito ay paraan nila ng
pagpapahayag ng sariling saloobin o opinyon at naging daan na rin upang mapagtibay ang
sariling pagkakakilanlan. Ito ay nagsimula sa tula na mayroong sukat at tugma na kalaunan
ay nilapatan ng himig upang ipahayag nang paawit. Ito ay hindi nakatala o naisusulat noong
mga panahong iyon ngunit nananahan ang himig sa isip at puso ng mga taga-bisaya sapagkat
ito ay naging repleksyon na rin ng kanilang pamumuhay.
Narito ang mga uri ng awiting - bayan na lumaganap sa kabisayaan:
1. Balitaw- awit na nagpapahayag ng damdamin at pag-ibig
2. Dalit- panrelihiyong awit tungkol sa pagpuri sa Maykapal
3. Kumintang-awit sa pakikipaglaban o digmaan.
4. Soliranin- ito ay awitin ng mga taga-bisaya sa paggaod o pamamangka
5. Makaway- habang sama-sama ang mga tao sa paggawa ay kanila itong inaawit
6. Uyayi- panghele ng mga Bisaya sa sanggol o bata
7. Kutang-kutang- awiting karaniwang inaawit sa mga lansangan
Ang Kabisayaan
• Ang Visayas o kabisayaan (Kabisay-an sa Bisaya) ay tinagurian ding gitnang
Pilipinas, isa sa tatlong pangunahing pangkat ng mga pulo sa Pilipinas. Ito ay nahahati
sa talong (3) rehiyon at mayroong labing-pito (17) mga probinsya.
Introduksiyon
Ang mga sinaunang mga tao sa rehiyon ng Kabisayaan ay mga Austronesyo at Negrito
na dumayo sa kapuluan na tinatayang 6,000 hanggang 30,000 taon ang nakalipas. Ang
mga unang nanirahan ay mga tribong animista.
Noong ika-12 dantaon, ang mga mamamayan ng dating emperyo ng Srivijaya,
Majapahit at Brunei na pinamumunuan ni Datu Puti at ang kanyang mga katribo,
ay naglakbay at nanirahan sa pulo ng Panay at sa mga pulong nakapalibot dito.
Noong ika-14 na dantaon, ang mga mangangalakal na Arabe at ang kanilang mga
tagasunod ay nangahas na dinayo ang mga karagatan sa Timog Silangang Asya at
hinikayat ang mga tribong pangkat sa Islam.
Ang Kabisayaan ay nagtataglay ng makulay at mayamang kultura’t tradisyon na lalo
pang pinaningning ng mga katutubong panitikan.
Hanggang sa ngayon, nananatiling mahiwaga ang kasaysayan ng Kabisayaan bago
dumating ang mga Kastila. Maraming mga alamat at mga kwento tungkol sa
kasaysayan ng Kabisayaan subalit maraming hindi sang-ayon kung may katotohanan
ang mga ito.
Pasalindilang Panitikan
Ito ay naging laganap sa panahon ng ating mga ninuno bago pa man ang pananakop ng
mga Espanyol.
Ito ang mga panitikang lumaganap sa pamamagitan ng pagpapasalin-salin ng
pasalitang tradisyon mula sa iba’t ibang henerasyon.
Ang ilan sa mga uri ng panitikang lumaganap sa pamamagitan ng pasalindilang
pamamaraan ay ang mga salawikain, sawikain, bugtong, awiting-bayan at mga bulong.
Awiting Bayan
Ang awiting bayan ay kilala rin bilang kantahing bayan. Ito ay isang tulang inaawit na
nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya at mga gawain o
hanap-buhay ng mga taong naninirahan sa isang pook.
Dandasoy
Ito ay isang awiting-bayan na nagmula sa “payao” isang barangay sa Binalbagan
Negros Occidental at nakasulat sa wikang “Hiligaynon”
Batay sa awitin, ito ay patungkol sa dalawang taong labis na nagmamahalan ngunit
ang babae rito ay kailangan niyang mamaalam kay Dandansoy.
Ang mensaheng nakapaloob sa awitin ay “mahirap sa kalooban kapag nagkalayo ang
dalawang nagmamahalang magkasintahan ngunit sa huli ay pinatunayan ni
Dandansoyang ang wagas niyang pagmamahal sa dalaga.
Ito rin ay sumasalamin sa katangian ng mga Pilipino na pagiging “matapat at
mapagmahal”.
Ang awitin ding ito ay karaniwang kinakanta upang maghele o patulugin ang bata.
Nilalaman ng pyesa:
Sa unang bahagi ng kanta ay ang pag-iwan ng dalaga kay Dandansoy dahil kailangan
na nitong umuwi sa kanyang bayan, labag sa loob ang pag-iwan nito sa binatang kanyang
minamahal. Binigyan niya ito ng pagkakataon at sinabi niya sa binata na kung siya’y
nangungulila ay maglakas loob itong sumunod sa kanya sa Payaw ngunit binalaan niya
ito na kung ito’y susunod ay huwag nang magbaon ng tubig dahil sa daan ay may balon,
maaaring ipinapahayag dito na hinahamon ng dalaga si Dandansoy na gumawa ng mga
sakripisyo upang mapatunayan ang pagmamahal nito. Sinabi rin sa kanta na dalhin ni
Dandansoy ang kanyang panyo upang ikumpara sa panyo ng dalaga upang makita kung
magkatugma ito. Maaaring ito’y nangangahulugan na kailangan niyang patunayan ang
tunay na pagmamahal upang malaman at masiguro na sila talaga ang para sa isa’t isa.
Ang Pinagmulan Ng Araw At Gabi
Ang alamat o folklore sa wikang ingles ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa
pinagmulan ng isang bagay,hayop, o pook. Kung minsan, ito ay nagsasalaysay ng mga
pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook. Tumatalakay din ito sa mga katutubong
kultura, kaugalian o kapaligiran. Ito ay kadalasang mga kathang-isip lamang na
nagpasalin-salin buhat sa ating mga ninuno.
Noong unang panahon ay panay na daw liwanag. Walang dilim, sapagkat noon ay
magkaisang-palad si Araw at si Buwan, kaya noon ay walang gabi, panay na araw.
Ang dalawa ay nagka-anak ng maraming bituin. Ang kanilang mga anak ay mga tala at
bituin at nagsilagay rin sa langit tulad ng kanilaga mga magulang, kaya ang daigdig ay
lalong nagliwanag.
Ngunit minsan, ang mga bituin sa kalikutan ay nakagalitan ng amang Araw. Si Buwan ay
nagkaroon ng sama ng loob, hanggang sa nagkagalit tuloy ang mag-asawa. Sa wakas,
sapagkat hindi magkasundo, sila ay nagkahiwalay
Ang mga bituin at tala ay pinamili kung kanino sasama. Pinili nila ang kanilang ina, na
hindi nagpaparusa.
Naghiwalay si Araw at si Buwan, kasama ni Buwan ang mga tala at bituin. Kapag araw o
umaga ay sumisikat si Araw.
Ngunit kapag nakikita niyang papalapit si Buwan, siya’y umaalis at pinababayaan si
Buwan ay siyang magbigay naman ng Liwanag, kaya ngayon ay mayroon tayong araw na
maliwanag at gabing madilim.
Kapag ng gabi ay madilim na madilim, marahil ay abalang-abala si Buwan sa pag-aalaga
sa kaniyang mga tala at bituing may sakit.
Bilang kabuuan, ang Alamat ng Araw at Gabi ay isang akdang nagpapamulat sa bawat
kaisipan nating lahat dahil nagpapamalas ito sa atin na dapat tayong magkaroon ng
mahabang pag-intindi at pang-unawa upang ang samahang ating nabuo ay hindi matitinag
at hindi magkaroon ng lamat dahil lamang sa mababaw na dahilan.