Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

 

 
Yunit 4: Pagsulat ng Sintesis 
Aralin 3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng 
Sintesis 
 
Nilalaman 
Pansinin 1 
Panimula 1 
Mga Layunin 2 

Tuklasin 3 

Alamin 6 
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis 6 
Tatlong Uri ng Pagkasunod-sunod ng mga Detalye 11 

Palawakin 13 
Gawain 1 13 
Gawain 2 14 

Suriin 15 

Paglalahat 19 

Bibliograpiya 20 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
 
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis 
 
 

Pansinin   
 

  Panimula 

Lar. 1. Pagbuo ng sariling pagpapakatuturan sa isang paksa mula sa iba’t ibang sanggunian 
ng ideya at impormasyon 
 
Tugon  ng  pagsisintesis,  o  iyong  pagbuo,  paggawa,  at  pagsulat  ng  sintesis  ang  isang  akto ng 
paghahanap  ng  makatuturan  at  makabuluhang  ugnayan  ng  mga  ideya  at  impormasyon  sa 
pagitan  ng  mga  sangguniang  nakalap  para  sa  layuning  makapaglahad  ng  isang  bagong 
pagpapakahulugan  o  talakayan  hinggil  sa isang paksa, o puwede rin namang konsepto. Dito 
napag-iiba  ang  sintesis  mula  sa  pagbubuod  ng  isang  sulatin  o  kaya  ay  pagsusuring-basa ng 
balangkas  ng  isang  kuwento.  Bilang  manunulat  ng  sintesis,  paghihimayin  ka  nito  ng  iba’t 
 
  1 
 
 
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis 
 
 
ibang  karunungang  bunga  ng  saliksik.  Sa  gayon,  buo  na  ba  ang  loob  mong  gumawang 
panibagong  karunungang  ikaw  mismo  ang  magtatahi?  Sa  mga  oras  na  ito,  nananabik  sa 
kasanayang  ito  o  nag-aalinlangan  ka  pa  kung  magagawa  mo  ito  nang  wasto?  Halina  at 
sundin ang mga ibinahaging gabay para sa araling ito. 
 

  Mga Layunin 
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang 
● naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsulat ng sintesis bilang isang akademikong sulatin; 
● nasusunod ang mga pagsasaalang-alang sa pagsulat ng sintesis bilang isang 
akademikong sulatin; at 
● nakasusulat ng isang akademikong sulatin sa anyo ng sintesis. 
 
Mga Kasanayang Pampagkatuto ng DepEd 
● nakasusunod sa estilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin 
(CS_FA11/12PU-0d-f-93)​, at 
● naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling 
akademikong sulatin ​(CS_FA11/12PU-0d-f-92)​. 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
  2 
 
 
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis 
 
 
 

Tuklasin   
 

 
     5 minuto 
 
Bilang pagsubok, bigyang-kahulugan ang bawat konsepto gamit ang tigtatatlong 
pagpapakahulugang nakaugnay rito. 
 

Konsepto  Mga kaugnay na kahulugan  Sariling pagbubuod ng 


mga kahulugan 

Malikhaing  Ito ay akto ng pagsulat ng pampanitikan ayon   


pagsulat  kay Rene O. Villanueva. 

Isang natatanging uri ng pagsulat na 


nagtataglay ng mahusay na diwa at paksa. Ito 
ay ang pagbubuo ng imahe o hugis na 
kakaiba sa karaniwan. Nangangailangan din 
ito ng kakayahang mag-isip, magdanas, 
magmasid at matuto (Castillo et al., 2008). 

Ito ay paggamit ng mayamang imahinasyon 


sa pagpapahayag ng iba’t ibang ekspresyon 
ng damdamin, ideya, mensahe, at mga aral 
na ibig ikintal sa mambabasa (Castro et al., 
2008) 

Pananaliksik  Ito ay sistematiko at siyentipikong   


pamamaraan ng pag-iipon, pagsusuri, 
paglilinaw, pag-aayos, pagpapaliwanag, at 
pagbibigay-kahulugan ng isang datos o 
impormasyong nangangailangan ng 

 
  3 
 
 
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis 
 
 

kalutasan sa problema (Calderon at 


Gonzales, 1993, mula sa Philippine News). 

Isa itong sistematiko, kontrolado, at 


panigurado sa obserbasyon at panunuri ng 
mga panukalang haypotetikal ukol sa 
inaakalang relasyon ng mga likas na 
pangyayari (Kerlinger, 1973, mula sa 
Philippine News). 

Ito ay isang maingat, kritikal, at disiplinadong 


pagtatanong ng impormasyon sa 
pamamagitan ng iba’t ibang paraang ayon sa 
kalikasan at kalagayan ng suliraning 
binibigyang-kalutasan (Good, 1963, mula sa 
Philippine News). 

Peryodismo  “Bukod sa pagbibigay lalim at konteksto sa   


araw-araw na balita, isa itong makabuluhang 
paraan ng pagtatala ng kasaysayan” (Araullo, 
2016).  

Ito ay “pag-aaral ng epektibong pag-uulat sa 


wikang naiintindihan ng ordinaryong  
mamamayan, sa loob o labas man ng bansa” 
(Arao, 2019). 

Ito ay isang anyo ng panulatang naghahayag 


ng mga pangyayari ukol sa isang kaganapang 
sariwa pa lamang at hindi pa batid ng 
marami (Niles). 

 
Kung tapos na, makipagpalitan ng papel sa inyong katabi sa kanan para sa pagbabahagi ng 
naisulat. 

 
  4 
 
 
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis 
 
 
 
Mga Gabay na Tanong 
 
1. Ano o ano-ano ang isinaalang-alang mo sa pagbubuod ng mga kahulugan sa bawat 
konsepto? 

 
 
 
 
 
 
2. Ano-anong paraan ang ginamit o sinunod mo upang mabigyang-kahulugan ang bawat 
konsepto batay na rin sa mga kaugnay na katuturan?  

 
 
 
 
 
 
3. Batay sa naging pagtugon sa gawain, sa aling bahagi ng proseso ng pagbubuod ka 
pinakanahirapan at pinakanadalian? Palawigin ang sagot. 

 
 
 
 
 
 
 
4. Sa palagay mo, paano naiiba sa karaniwang pagbubuod ang isinagawang gawain? 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
  5 
 
 
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis 
 
 
 

Alamin   
 
Itinuturing ang pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat bilang mga makrong 
kasanayan sa ilalim ng pangkalahatang asignaturang Filipino. Batid nating 
magkakasinghalaga ang bawat isa at may kakanyahang mag-ambag sa pagpapayaman ng 
sariling kabisaan sa pakikipagtalastasan sa kapwa at pakikialam sa kapaligiran. 
 
Kaugnay ng kasanayan sa pagsulat ng sintesis, mahalaga ang pagbabasa at masinsing 
pagtitipon ng mga impormasyon at pagkuha ng mga pangunahing ideya. Naghihinuha ang 
manunulat sang-ayon sa pagprosesong isinagawa hinggil sa isang tiyak na paksa. Habang sa 
kurso ng paghihimay at pag-aanalisa, nakabubuo ng kapasiyahang (​conclusion​) 
bibigyang-linaw batay sa mga tiyak na halimbawa, paliwanag, at obserbasyon.  
 

Alalahanin  
Ang ​sintesis​ ay isang anyo ng pagsulat na nagsasama-sama ng mga 
ideyang mula sa iba’t ibang pinagkunang impormasyon upang 
makabuo ng sariling pagpapahayag ukol sa isang paksa.  
 

 
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis 

Ibinubunga  ang  sintesis  ng  pagsisikap  ng  manunulat  na  makabuo  ng  isang  malamang 
talakayan  hinggil  sa  napiling  paksa  nang  hindi  nangangailangang  isa-isahin  pa  ang  bawat 
nakalap  na  impormasyon,  gayundin  ang  mga  sanggunian  nito. Isinusulat ito sa ilang paraan 
ng  pagsasalaysay—paglalahad,  paglalarawan,  pangungumbinsi,  o  pagsasalaysay—sa maikli, 
payak,  at  magaang  anyo  nang  hindi  nawawala  sa  orihinal  ang  saysay  ng  mga  pinagkunang 
akda. 
 

 
  6 
 
 
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis 
 
 

Anong mahahalagang sangkap sa pagsulat ng 


sintesis ang maihahalintulad din sa iba pang 
 
akademikong sulatin? 
 
Bago Sumulat ng Sintesis 

Bago makasulat ng sintesis, may mga paghahandang kailangang tugunan ang manunulat. 
Kaya naman, mahalagang batid niya ang sumusunod at maisagawa bilang mga paunang 
hakbang sa unang bahagi ng pagsulat. 

1. Pumili lamang ng magiging tuon ng talakay hinggil sa paksa.​ Dahil imposibleng 


matalakay sa isang maigsing sanaysay ang lahat ng usaping may kinalaman sa paksa, 
pumili lamang ng mainam na pokus na iyong tatalakayin. Halimbawang tungkol sa 
sistema ng transportasyon ang paksa, maaaring ituon ang talakayan tungkol lamang 
sa epekto ng lalo pang lumalalang pagbagal ng trapiko sa EDSA sa kita ng mga 
pampublikong sasakyang nagruruta rito. 

2. Linawin ang layunin ng gagawing pagsulat.​ Maaaring dito pumasok ang pagpili o 
pagtukoy kung anong anyo at uri ng sintesis ang gagawin. 

3. Magsaliksik ng mga sangguniang teksto.​ Mangalap ng mga sangguniang tekstong 


may kinalaman sa iyong pinapaksa. Sikaping mabasa nang mabuti ang lahat ng 
makakalap na teksto, at magkaroon ng perspektibo sa mga binabasa.  

4. Tukuyin ang magkakaugnay na kaisipan mula sa mga nakalap na teksto. 


Mainam na panimulang pagsasanay kung isusulat ang kabuoan ng sintesis sa 
pamamagitan ng pagbubuod ng mga pansuportang ideyang tumutugon sa mga 
nabuong pangkalahatang kaisipan batay sa mga nakalap na teksto. 

5. Bumuo ng pangkalahatang pananaw (​tesis​) ng susulating sintesis.​ Dapat nitong 


lamanin ang paksa at malinaw na tukuyin ang pangkalahatang kaisipang nais 
bigyang-paglalahad sa sulatin. 

 
  7 
 
 
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis 
 
 

6. Pagpasyahan kung paano nais gamitin ang mga nakalap na sanggunian.​ Ang 
layon ng pagsulat ng sintesis ay ang pagsasama-sama ng mga nakalap na 
impormasyon at ideya upang magawan ng isang bagong pagpapakatuturan sa 
maiksi pero malamang paglalahad. Mahalaga ritong mapagpangkat-pangkat na ang 
mga kaisipang nauna nang mabuo, na sususugan naman ng mga pansuportang 
katuwiran, halimbawa, at paliwanag mula sa mga nasaliksik.  

7. Sinsinin ang koleksiyon ng mga sanggunian.​ Pagsunod-sunorin ang mga batayang 


impormasyon at gagamiting ebidensiya sa susulating sintesis. Iayon ang 
organisasyon sa kung paano nais talakayin ang mga katuwiran at ideyang susuporta 
sa pangkalahatang kaisipan ng sulatin; maaari itong gawin sa pamamagitan ng 
balangkas. 
 

Alalahanin  
Ang isang mabisang sintesis ay nagtataglay at nagtatampok ng  
● masinsing latag ng mga impormasyong bunga ng pinagsama-samang 
saliksik; 
● katuturan ng impormasyon sa pamamagitan ng pagbibigay-lalim at 
linaw ng kaakibat na paliwanag; 
● mahusay na pangkalahatang pananaw sa pamamagitan ng 
pagpabatid sa pinagkakaisahang punto ng lahat ng sangguniang  
ginamit upang mabuo ang pinakamahigpit na ugnayan ng mga ideya 
at katuwirang tumutugon sa paksa ng sintesis; at  
● matibay at pokus na pagkakalahad ng manunulat ng kaniyang 
pangkalahatang pananaw ukol sa paksa. 

 
 
 
 

 
  8 
 
 
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis 
 
 

Sa iyong sariling pagsusuri, paano nakatutulong 


ang pagkakaroon ng estruktura sa pagsulat ng 
 
mabisang sintesis?  
 
Aktuwal na Pagsulat ng Sintesis 

Sa pagsulat ng sintesis, isaalang-alang ang mga bahagi ng teksto. Buksan ang isip at 
damdamin o pandama upang magkaroon ng ugnayan sa pagsulat ng lalamanin ng mga 
bahagi ng sulatin. 

1. Pamagat.​ Nakasalalay na agad rito ang pagkuha ng atensiyon ng mambabasa sa 


sulatin sapagkat kinakatawan nito ang pagkakakilanlan ng sintesis. Maaari itong 
hanguin sa pangkalahatang pananaw na binuo sa unang bahagi pa lamang ng 
pagsulat. 

2. Panimula.​ Maaari itong simulan sa isang makatawag-pansing pangungusap na 


puwedeng hanguin mula o batay sa sumusunod: 

● siping pahayag ng anekdota, nobela, maikling kuwento, sanaysay o iba pang 


akdang pampanitikan; 

● bahagi ng diyalogo sa isang pelikula, dula, dramang pantelebisyon, o iba pang 


multimedia platform​; 

● matandang kasabihan; 

● makapukaw-isipang tanong; 

● scenario-building​; at 

● estadistika at pag-aaral. 

 
  9 
 
 
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis 
 
 

Pagkatapos makuha ang atensiyon ng mambabasa, kailangang mailahad na agad 


ang pangkalahatang kaisipan o pananaw ng sintesis. Susundan ito ng mga 
paglalahad kung 

● paano nabuo ng manunulat ang gayong pangkalahatang pananaw o kaisipan, 

● paano sininsin ng manunulat ang mga sangguniang teksto para sa higit na 
pagpapayaman ng talakayang nakapaloob sa mga pansuportang kaisipan at 
lakip na ebidensiya, o 

● gaano at bakit mahalagang pagtuunan ng pansin ang pangkalahatang 


pananaw na nabuo sa ilalim ng pangkalahatang paksa. 

3. Katawan.​ Inaasahang lalamanin ng unang pangungusap ang pangunahing ideyang 


tatalakayin sa buong talata, sa ilalim ng bahaging katawan ng sulatin. Kalakip ng mga 
susog na paliwanag ang mga patunay (ebidensiya) at pansuportang impormasyon 
mula sa mga sangguniang teksto. Magiging mayabong ang sulatin kung masinsing 
mailalahad ang pagkakaiba o pagkakatulad sa pagitan ng iba’t ibang sangguniang 
ginamit. Mahalagang kilalanin ang bawat sangguniang ginamit sa pagpapalawig ng 
talakayan. 

4. Pangwakas.​ Muling pagtibayin ang pangkalahatang pananaw o kaisipang 


pinusisyonan ng sintesis. Tukuyin ang halaga at kaugnayan ng paksang tinalakay sa 
kasalukuyang panahon, kalagayang panlipunan, o buhay ng mambabasa. Tulad rin 
ng makatawag-pansing pangungusap sa simula ng sintesis, maaaring maglagay ng 
makapukaw-isipang pahayag na wawakas sa sulatin. Tiyaking napag-uugnay nito ang 
paksang tinalakay at ang sariling buhay ng mambabasa upang magkintal sa diwa. 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
  10 
 
 
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis 
 
 

​ andaan 
T
Sa ​pagsulat ng sintesis​, tiyaking tamang impormasyon lamang ang 
ilalahad, kaya napakahalagang mga mapagkakatiwalaang sanggunian 
lamang ang gagamitin. Mayroong ​pangunahin​ at p
​ angalawang 
sangguniang​ tinatawag. Kabilang sa mga pangunahing sangguniang 
maaaring gamitin ang ​transcript​ ng isang panayam, estadistikang 
datos, at mga likhang sining gaya ng awit, musika, panitikan, pati na 
artifacts.​ Samantala, kabilang sa mga pangalawang sanggunian ang 
lathalaing j​ ournal​, pagsusuri, at aklat o manuskritong pang-akademya. 

 
Tatlong Uri ng Pagkasunod-sunod ng mga Detalye 

Marami nang natalakay sa mga naunang bahagi ng aralin ang makatutulong para sa maayos 
na pagsulat ng mabisang sintesis. Bukod sa mga hakbang, may mahalagang dapat 
isaalang-alang ang manunulat sa pagsulat ng sintesis; ito ang tatlong uri ng 
pagkakasunod-sunod ng mga detalye (Garcia, 2016).  

1. Sikwensiyal​. Ito ang paggamit ng mga pandang hudyat ng pagkakasunod-sunod 


tulad ng “una,” “pangalawa,” “panghuli,” o iba pa, depende sa dami ng iniisa-isang 
detalye. 

2. Kronolohikal​. Ito ang pagsusunod-sunod ng mga impormasyon o detalyeng ayon sa 


kaganapan ng mga pangyayari. 

3. Prosidyural.​ Ito ang paglalahad ng sunod-sunod na proseso ng paggawa ng isang 


tiyak na gawain. 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
  11 
 
 
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis 
 
 

​ ​Mga Tip 
Tulungan ang sariling mahasa ang kakayahan sa pagsulat ng sintesis. 
Gawin lamang palagi ang sumusunod: 
1. Magbasa ng iba’t ibang uri at anyo ng sulatin. 
2. Sanayin ang sariling mag-isa-isa ng mga kaisipang napulot sa 
binasang akda. 
3. Magkaroon ng sariling pananaw at disposisyon hinggil sa  
paksa ng binasa. 
4. Isangguni pa sa dalawa o higit pang teksto ang pinaksa ng 
binasang akda. 
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
  12 
 
 
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis 
 
 

Palawakin   
 
Gawain 1 
Magsaliksik ng tatlong tekstong magiging sanggunian hinggil sa mapipiling paksa mula sa 
mga pagpipilian sa ibaba. Kumuha sa mga ito ng magkakaugnay na mahahalagang detalye, 
impormasyon, ebidensiya, at katuwirang magagamit para sa napiling paksa. Isulat sa 
sagutang espasyo ang mga nakuhang impormasyon at igrupo ang mga ito ayon sa 
pagkakaugnay-ugnay ng mga ideyang tinutugunan. Bilang panghuli, bumuo ng 
pangkalahatang pananaw ng sintesis batay sa isinagawang pagsasaliksik at pagsusuri. 
a. Epekto ng ​Enhanced Community Quarantine ​sa sektor ng edukasyon 
b. Kalagayan ng sektor ng kalusugan sa Pilipinas bago pa ang krisis na dulot ng 
pandemic​ na CoViD-19 
c. Pagtugon ng pambansang pamahalaan sa pangkalahatang krisis na dala ng 
pandemic​ na CoViD-19 
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
  13 
 
 
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis 
 
 

​ ​Gabay sa Pagsagot 
● Magsaliksik lamang ng mga sangguniang tekstong may mahalagang 
kaugnayan sa paksang susulatin. Basahing maigi ang mga 
makakalap na teksto.  
● Isulat na agad sa burador ang mahahalagang detalye at mahuhusay 
na ideyang makakalap habang nagbabasa. Sa ganitong paraan, 
maiiwasan ang pagkalito sa kurso ng pagsisinsin ng mga ideya. 

 
Gawain 2 
Mula  sa  nabuong  pangkalahatang  pananaw  at  mga  nakalap  na  impormasyon  at  detalyeng 
pinangkat  sa  Gawain  1,  sumulat  ng  isang  aktuwal  na  sintesis  ngunit  nasa  anyo  ng  isang 
balangkas.  Gamitin  ang  balangkas  sa  ibaba  sa  pagpuno  ng  sariling  mga  pagpapahayag  at 
pagtalakay hinggil sa paksang napili. 
I. Pamagat 
II. Panimula 
III. Katawan (​3-4 na talata​) 
IV. Pangwakas 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
  14 
 
 
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis 
 
 

​ ​Gabay sa Pagsagot 
● Gawing kada hakbang ang pagsagot. Gamitin nang maayos ang 
gabay na balangkas upang mas madaling makapag-organisa ng 
kaisipan.  
● Magkaroon din ng pansariling layunin sa pagsulat ng sintesis sa 
paksang napili. Makatutulong itong maging malinaw ang tunguhin 
ng mga ibabahaging impormasyon at isusulat na pahayag. 
 

Suriin   
 
A. Sagutin ang sumusunod at ipaliwanag sa sariling   
pangungusap.   

1. Ano ang ipinagkaiba ng sintesis sa simpleng pagbubuod o paglalagom? 

 
2. Bakit kinakailangang maging partikular ang tema o paksa ng isang sintesis?  

 
 

 
 
 

 
  15 
 
 
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis 
 
 
3. Ano-anong sanggunian ang mapagkakatiwalaang gamitin sa pagkalap ng 
impormasyon para sa isusulat na sintesis? 

 
 
 
 
 
 

 
4. Bakit mahalagang buo na ang pangkalahatang pananaw ng isusulat na sintesis bago 
pa ito simulang gawin? 

 
 
 
 
 
 

 
5. Ano-ano ang susing paraan upang makasulat ng mabisang sintesis? 

 
 
 

 
 
  16 
 
 
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis 
 
 

 
B. Sagutin ang sumusunod, ipaliwanag sa sariling 
pangungusap. 
 

1. Bakit may prosesong dapat sundin sa pagsulat ng isang sintesis? 

 
 
 
 
 

 
2. Paano  matitiyak  na  tumpak ang mga pagsusuring inilahad ng manunulat sa kaniyang 
sintesis? 

 
 
 
 
 
 

 
3. Paano  naiiba  at  natutulad  ang  pagsulat  ng  sintesis  sa  iba  pang  uri  ng  akademikong 
sulatin? Magbigay ng mga halimbawa sa paliwanag. 

 
 
 
 
 
 

 
  17 
 
 
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis 
 
 
4. Paano  magagamit  ang  pagsulat  ng  sintesis  sa  pagpapabatid  ng  kaniyang  pakikiisa  o 
pakikilahok sa mga isyung panlipunan at kaganapan sa kaniyang panahon? 

 
5. Bakit mahalaga ang pagsulat ng sintesis bilang pagpapaunlad ng makrong kasanayan 
sa pagsulat?  

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
  18 
 
 
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis 
 
 

Paglalahat 
___________________________________________________________________________________________ 
 
● Nagsisimula ang pagsulat ng sintesis sa pagpili ng paksa at partikular na pagtutuunang 
talakayan. Kailangang malinaw ang layunin ng manunulat sa pagsulat nang 
makapagsaliksik ng mga sangguniang tekstong kakailanganin sa paggawa. Sa 
pananaliksik pa lamang, tinutukoy na agad ang mahahalagang impormasyon at 
magkakaugnay na kaisipan ng mga nakalap na teksto, sapagkat ito ang batayan sa 
pagbubuo ng pangkalahatang pananaw para sa isusulat na sintesis. 
● Ang​ aktuwal na pagsulat ng sintesis​ ay ang pagtugon ng manunulat sa pagbubuo ng 
mga pahayag at talakayang tutugon sa kahingian ng bawat bahagi ng sulatin—pamagat, 
panimula, katawan, at pangwakas. 
● Ang ​mahusay na sintesis​ ay bunga ng malalim na pagkaunawa at pagsusuri ng 
manunulat sa kaniyang paksang tinatalakay. Habang ang mabisang sintesis ay 
gumagamit at naglalahok ng mga impormasyon at kaisipang hango lamang sa mga 
mapagkakatiwalaang sanggunian. 
___________________________________________________________________________________________ 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
  19 
 
 
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis 
 
 

  Bibliograpiya 
 

Arao, Danilo. “Peryodismo bilang propesyon?” P ​ inoy Weekly, 


https://www.pinoyweekly.org/2019/02/peryodismo-bilang-propesyon/  
February 11, 2019. 
 
Castillo, M. A. K
​ omunikasyon sa Akademikong Filipino​. Manila: Booklore Publishing 
Corporation, 2008. 
 
Castro, F. P. ​Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik.​ Pateros: Grandbooks Publishing, 
2008. 
 
“​DEPINISYON NG PANANALIKSIK​ – Kahulugan Ayon Sa Mga Awtor.” P ​ hilippine News. 
https://philnews.ph/2019/07/15/depinisyon-ng-pananaliksik-ibat-ibang-awtor/  
 
Findley, Scott. “Synthesis Writing.” 
https://www.sd43.bc.ca/school/gleneagle/Parents/LearningLab/English%20Resourc
es/English%2012/Synthesis%20Writing.pdf  
 
Garcia, Florante. ​Filipino sa Piling Larangan (Akademik).​ Quezon City: SIBS Publishing House, 
Inc. 2016. 
 
Marin, Jobasaces. “Kabanata iii SINTESIS.” A ​ cademia. 
https://www.academia.edu/37564802/Kabanata_iii_SINTESIS  
 
Niles, Robert. “What is “Journalism?”” R ​ obert Niles​. 
https://www.robertniles.com/journalism/  
 
Pinoy Media Center. “Atom Araullo hinggil sa 'Peryodismo sa Bingit: Mga Naratibong Ulat 
sa Panahon ng Digmaan at Krisis' by Kenneth Roland A. Guda.” ​Facebook, 
https://fr-fr.facebook.com/pinoymediacenter/posts/atom-araullo-hinggil-sa-peryod
ismo-sa-bingit-mga-naratibong-ulat-sa-panahon-ng-d/1801723253379427/ 
November 20, 2016. 
 
Streefkerk, Raimo. “Primary and secondary sources.” ​Scribbr, 
https://www.scribbr.com/citing-sources/primary-and-secondary-sources/ 
June 20, 2018.  

 
  20 
 

You might also like