Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF SAGAY CITY
DISTRICT OF SAGAY VI
LAON ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN IN FILIPINO 6

I. Layunin:
A. National Competency
Nagagamit ng wasto ang pang-angkop at pangatnig (F6WG-IIIj-12)

B. Contextualized Competency
Ngagamit ng wasto ang mga pang-angkop (-ng,na at –g) sa parirala o pangungusap.
Nasasabi kung kailan ginagamit ang mga pang-angkop.

C. Integrated Skills
EsP - Nakapagpapakita ng pagmamahal sa pamilya at kapwa sa lahat ng pagkakataon lalo na sa oras ng
pangangailangan. (ESP1P-IIc-d-3)
-Nakapagpapakita ng paggalang sa pamilya at sa kapwa. (ESP1P-IIe-f-4)
Filipino – Nakasusulat ng parirala at pangungusap nang may wastong baybay, bantas at gamit ng malaki
at maliit na letra (F2KM-IIb-f-1.2)
- Naibibigay ang kahulugan ng salita ayon sa gamit ng pahiwatig (context clues) (F4PT-Ig-1.4)
- Nasasagot ang mga tanong mula sa napakinggan at nabasang tula (F4PN-IIIb-3.1)

D. Values Integration: Pagtutulungan, Paggalang

II. Paksang Aralin:


Paksa: Pang-angkop
Sanggunian: Filipino 6, Quarter 3 Modyul 4, MELC Filipino 6 page 167
Kagamitan: Real objects, pictures, powerpoint presentation

III. Pamamaraan

A. Paunang Gawain
1. Drill
Baybayin ang mga sumusunod na salita.
1. bukirin
2. nayon
3. mahirap
4. bakuran
5. libangan
Balikan ang mga salita at itanong sa mga bata kung anu-ano ang patinig at katinig sa bawat salita.
Itanong sa mga bata kung anong mga letra ang patinig at katinig sa alpabeto.
Patinig: a,e,i,o,u
Katinig: b,k,d,g,h,l,m,n,ng, p,r,s,t,w,y

2. Balik-Aral:
Tukuyin kong anong pangatnig ang ginamit sa pangungusap.
1. Kami ay mahirap ngunit puno naman ng pagmamahal.
2. Si Aling Bebang ay masaya dahil dumating ang kanyang mga anak.
3. Ang kapatid niya ay masaya sapagkat dinalhan niya ito ng mga pasalubong.
4. Maglalaro ako sa labas kung titila ang ulan.
5. May mga taong kapos sa karunungan subalit nagpapakita ng mabuting-asal.

Magbigay ng pangungusap gamit ang mga pangatnig.


B. Panlinang na Gawain
2. Pagganyak

Magpakita ng larawan.
Magtanong tungkol sa larawan:
-Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
-Sino ang naaalala ninyo kapag nakakita kayo ng larawan ng isang matanda?
-Sino sa inyo ang kasama ang lolo sa bahay?
-Anu-ano ang mga katangian ng lolo ninyo?
Babasahin ng guro ang tula tungkol sa Matandang masipag na isinulat ng isang mag-aaral mula sa ikaanim na
baitang.
Bago basahin ang tula alamin muna ang kahulugan ng mga salitang makikita sa tula.

PAG-ALIS NG SAGABAL
Tukuyin ang kahulugan ng mga salita mula sa tula.
1. Ang matandang dukha ay masipag
a. mayaman
b. mahirap
c. bakuran
2. Si lolo ay nakatira sa kanyang munting tahanan ngunit masaya naman siya.
a. magulo
b. maliit
c. tahimik
3. Ang bakuran ay may mga pananim
a. puno
b. paligid
c. mahirap
4. An aming nayon ay tahimik at payapa.
a. paaralan
b. kagubatan
c. komunidad
5. Ipadama natin ang pagmamahal sa ating lolo at lola.
a. Ipagwalang bahala
b. Iparamdam
c. Ipagkait

Bago basahin ng guro ang tula itatanong muna niya ang mga pamantayan sa pakikinig.
Pamantayan sa Pakikinig
1. Maging handa sa pakikinig.
2. Bigyang pansin ang nagsasalita.
3. Kilalanin ang mahalagang kaalaman o impormasyon.
4. Unawaing mabuti ang sinasabi ng nagsasalita.
5. Iwasan ang pagbibigay ng puna habang hindi pa tapos ang nagsasalita.

Pagkatapos basahin ang tula itanong ang mga sumusunod:


1. Tungkol saan ang tula?
2. Saan nakatira ang matandang masipag?
3. Anu-ano ang mga katangian ng matanda?
4. Sino ang naging huwaran ng bata sa tula?

3. Paglalahad
Babasahin ang mga salitang sinipi mula sa tula
malayong nayon
magandang kaugalian
masipag na matanda
manok na inahin
bakurang malawak
gawaing marangal
Mga tanong:
*Ano ang mga salitang naglalarawan?
*Anong salita naman ang inilalarawan?
*anong kataga ang nag-uugnay sa dalawang salita?
*Anong mga kataga ang may salungguhit?
Ang mga katagang –ng, na, at –g ay tinatawag na pang-angkop.
Ngayong araw pag-aaralan natin ang pang-angkop.

4. Pagtatalakay
Ano ang pang-angkop?
Ang pang-angkop ay mga kataga na dinudugtong sa salitang naglalarawan at inilalarawan.
Balikan ang mga parirala at itanong:
*Aling pang-angkop ang nakadugtong?
*Aling pang-angkop ang nakahiwalay?
Anong pang-angkop ang ginamit sa una, ikalawa.at ikatlong pangkat?
Anong titik ang sinusundan nito?
Ano ang masasabi ninyo sa pang-angkop na –ng, na, at –g?
1. –ng – ginagamit ang pang-angkop na –ng kung ang sinusundan nitong huling titik ng salita ay patinig
gaya ng a,e,i,o, at u.
2. na - ginagamit ang pang-angkop na –ng kung ang sinusundan nitong huling titik ng salita ay katinig
gaya ng b,k,d,g,h,l,m,n,ng, p,r,s,t,w at y.
3. –g - ginagamit ang pang-angkop na –ng kung ang sinusundan nitong huling titik ng salita ay katinig
na n.

5. Pangkatang Gawain
Pangkat 1 – Mystery box. Pumili ng dalawang bagay na nasa loob ng kahon at ilarawan ito. Gamitin ang
mga pangatnig sa parirala at pangungusap.
Pangkat 2 – Tingnan ang mga larawan at alamin kong anong salita ang mabubuo kapag pinagsama ang
mga larawan. Sumulat ng parirala at pangungusap batay sa larawan gamit ang wastong pang-angkop.
Pangkat 3 – Ilarawan ang kahit na sino sa inyong pamilya. Gamitin ang mga pang-angkop sa parirala at
pangungusap.

6. Paglalahat
Ano ang tawag sa katagang nag-uugnay sa salitang naglalarawan at inilalarawan?
Ano ang pang-angkop?
Ano ang gamit ng pang-angkop na –ng, na at –g?

Ang Pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa salitang naglalarawan at inilalarawan. Ang mga katagang ito
ay –ng, na, -g.
Ang pang-angkop na –ng ay nag-uugnay ng mga salitang ngtatapos sa mga patinig (a,e,i,o,u). ang pang-angkop
na ito ay karugtong at

7. Pagpapahalaga
Paano natin maipapakita ang gating pagmamahal sa ating lolo?
Paano natin maipapakita ang paggalang natin sa ating lolo o sa ating pamilya?

8. Pagtataya
Panuto: Tingnan ang mga larawan at alamin kong anong salita ang mabubuo kapag pinagsama ang mga
larawan. Gamitin ang wastong pang-angkop(-ng, na, -g) sa parirala at pangungusap.

1. = _________________________________

______________________________________________________________________

2. = ________________________________

_______________________________________________________________________

3. = _________________________________

_______________________________________________________________________

IV. Takdang Aralin


Sumulat ng 2 parirala at 2 pangungusap gamit ang mga pang-angkop( -ng, na, –g).

Prepared by: Checked by:

CHERILYN B. JINSON MARIANE P. LACUESTA PhD


Subject Teacher Teacher-in-Charge

You might also like