Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI-Kanlurang Bisayas
SANGAY NG MGA PAARALAN NG ILOILO
Kalye Luna, Lungsod ng Iloilo

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO Baitang 7


Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Sa inyong sagutang papel,
isulat ang titik ng pinakawastong sagot batay sa hinihingi ng katanungan.

1. Ang dengue ay talagang mapanganib ngunit ito ay maiiwasan kung malinis ang ating paligid. Anong
angkop na pag-ugnay ang ginamit sa pangungusap?
A. sakali B. datapwat C. talagang D. kung
para sa bilang 2-5
Panuto: Piliin ang angkop na hinuha sa mga kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng kuwentong-bayan batay sa mga sumusunod na pangyayari.

2. Anong nangingibabaw na pag-uugali ni Abed ang mahihinuha batay sa tekstong binasa?


A. mahigpit na pinuno subalit maalalahanin
B. masipag sa pagpapatupad ng gawain sa kaharian
C. mapagkumbaba sapagkat kaya niyang magpatawag
D. mapagpanggap dahil masama ang totoong ugali nito
3. Bago umalis ang pangkat, hinabilin ni Abed sa bawat isa na magdala ng bato na tamang-tama lang
ang bigat sa kanila. Subalit hindi ito sinunod si Subekat. Mahihinuha na si Subekat ay
______________.
A. matigas ang ulo at hindi sumusunod sa mga alituntunin.
B. mapagmataas dahil kaya na niyang manindigan as buhay.
C. magaling magdala ng sitwasyon kahit nahihirapan na siya.
D. palaging may rason sa lahat ng pinagdaraanang pagsubok.
4. Si Subekat na may pinakamalaking dalang bato ay sinlaki lamang ng bilao ang nakuhang lupa dahil
sa hindi niya kayang ihagis ang kanyang dalang bato. Doon lamang sa nahulugan ng bato ang
kanyang makukuhang lupa. Mahihinuha na sa ikalawang pagkakataon si Subekat ay
______________.
A. nanindigan sa kanyang disisyon
B. nalimutang sumunod sa mga alituntunin
C. hindi pa rin sumunod sa ipinag-uutos ng kanilang pinuno
D. nagmamatigas pa rin dahil hindi niya gusto ang pamumuno ni Subekat
5. Ang lahat ng mga inutos at pakiusap ni Abed ay hindi sinunod ni Subekat. Subalit magkaganoon pa
man, nanatiling patas si Abed at naghanap ito ng paraan na maipaintindi kay Subekat ang kanyang
kamalian. Mahihinuha sa pahayag na ito na si Abed ay ______________.
A. mainitin ang ulo dahil sa kapabayaan ni Subekat
B. maalalahanin sa kalagayang panlipunan ni Subekat
C. mapagbigay sa mga taong nangangailangan ng tulong
D. maintindihin at mapamaraan sa pagbibigay aral para sa kanyang tauhan
para sa bilang 6-7
Si Cong TV ay ikaapat sa pinakamayaman at sikat na Vlogger sa buong mundo ayon sa isang
website.
6. Anong pagsasaalang-alang sa pagbibigay ng paunay ang ginamit sa pahayag?
A.Nagpapahiwatig C. May Dokumentaryong Ebidensya
B.Kapani-paniwala D. Taglay ang Matibay na Konklusyon

7. Anong tiyak na salita o parirala sa pagbibigay ng patunay ang ginamit sa pangungusap?


A. si Cong TV C. ayon sa website
B. sikat na Vlogger D. ikaapat sa pinakamayaman sa buong mundo
para sa bilang 8-11
Batay sa datos ng SWS, maraming mag-aaral ang tinutulugan ang klase
1 2
dahil sa walang disiplina sa gamit ng gadgets kung gabi.
3

8. Anong bilang ang nagpapakita ng sanhi sa pangungusap?


A. 1 B. 2 C. 3 D. Walang sanhi sa
pangungusap.

9. Anong pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap?


A. filter sa camera B. ginamit mo C. dahil sa D. lalo ka pang gumanda
10. Anong bilang ang nagpapakita ng bunga sa pangungusap?
A. 1 C. Lahat ng bilang ay puro sanhi.
B. 2 D. Walang sanhi sa pangungusap.
11. Anong tiyak na parirala sa pagbibigay ng patunay ang ginamit sa pangungusap?
A. dahil sa walang disiplina C. tinutulugan ang klase
B. batay sa datos ng SWS D. gamit ng gadgets kung gabi

para sa bilang 12-14


Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa akdang “Bangkang Papel” batay sa mga
hinihingi ng tanong sa bawat bilang.
Sa pangalawang pagkakataon ay nainis na ang bata sa naging utos ng kanyang ate kaya siya
1 napatingin ng matalas dahilan para kurutin ito ng kanyang ate at mapaiyak.
Labis ang saya ng mga batang ninanamnam ang pagpatak ng ulan sa kanilang katawan. Masayang
2 naglalaro sa lubak-lubak na kalsadang kinaiimbakan ng tubig habang natatamaan sila ng tubig mula
rito.

Tawanan ang lahat ng binato ni Sonny ang isa sa mga bangkang papel hanggang sa ang lahat ay
3 tuluyan nang mabasa.
Pumasok siya sa kanyang kuwarto at kumuha ng papel, napaupo siya sa bangko kung saan niya
4 ginawa ang bangkang papel sabay lingon sa bintana.

“Uulan na” ang wika ng bata sa kanyang isipan. Sabik na sabik para sa larong pinakahihintay nilang
5 magkakaibigan sa tuwing sasapit ang tag-ulan.

12. Anong bilang ang nagpapahayag ng huling pangyayari sa akda?


A. 2 B. 5 C. 4 D. 1
13. Anong bilang ang kakikitaan ng unang pangyayari sa akda?
A. 2 B. 5 C. 4 D. 1
14. Ano ang wastong pagkakasunod-sunod upang mabuo ang buod ng akda?
A. 1-2-3-4-5 B. 2-5-3-4-1 C. 4-5-1-3-2 D. 3-5-1-2-4

Para sa bilang 15-17


Panuto: Punan ng wastong pang-angkop upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
15. Talo na naman kami sa laro ___ kalye kanina.
A. na- B. -ng C. nang D. ang
16. Anong sabon__ panlaba ang ginamit mo kanina?
A. -g B. na C. -ng D. nang
17. Nangako ang iyong kapatid __ sasamahan niya ako mall mamaya.
A. nang B. -g C. ng D. na

18. Malapit na ang iyong kaarawan. Naipangako ng iyong magulang na ipaghanda ka nila para sa
espesyal mong araw. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng sakit ang isa mong
kapatid at kailangan ang pera upang siya ay maipagamot. Ano ang gagawin mo sa ganitong
sitwasyon?
A. mananahimik na lamang ako at hindi kikibo
B. magalit sa mga magulang at hindi sila papansin
C. kausaping hayaan na lamang ang aking kapatid
D. intindihin na lamang ang sitwasyon at ipaglaliban ang handaan
19. Narinig mo ang kasabihang “Hindi kasalanan ng tao kung siya ay ipinanganak na mahirap ngunit
kasalanan na niya kung siya ay mamamatay o mabubuhay na mahirap.” Alam mong laki sa hirap
ang matalik mong kaibigan at tila nawalan na siya ng pag-asang makaahon sa kahirapang kanilang
nararanasan. Ano ang gagawin mo upang mapalakas ang kaniyang kalooban?
A. pagalitan siya at hayaan na lamang
B. hindi papansinin at kakalimutan ang mga pagkakaibigan
C. hihikayatin kong mag-aral nang mabuti at tutulong sa abot ng aking makakaya
D. sabihan na tumigil sa mag-aral at magtrabaho na lamang
20. Paano mo mapatutunayan ang kasabihang “Sa buhay ay nasa Diyos ang awa at nasa tao ang
gawa” partikular sa pagharap sa mga problema o pagsubok na nararanasan sa buhay?
A. Magsumikap na maging matagumpay sa buhay at humiling ng gabay sa Panginoon
B. Matatamo ang tagumpay kung magsumikap sa buhay.
C. Gaano man kahirap ang ating pinagdadaanan sa buhay kung tayo’y mananalig sa panginoon
lahat ng ito’y ating mapagtagumpayan.
D. Ipasa-Diyos na lamang lahat ng pangarap sa ating buhay.

21. Hindi tayo makahuhuli ng maraming isda _________ lumitaw ang buwan.
Aling salita ang angkop na ipuno sa patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap?
A. bagaman B. ngunit C. kapag D.mangyari
22. “Nainggit si Lila Sari kay Bidasari dahil sa kagandahang taglay nito.” Ano ang sanhi sa
pangungusap?
A. Nainggit si Lila Sari C. dahil sa kagandahang taglay nito
B. Nainggit si Lila Sari kay Bidasari D. si Lila Sari ay nainggit kay Bidasari

Para sa bilang 23-24.

23. Ano ang dahilan bakit hindi nakabayad si Jenny ng kanyang pinamili?
A. Kulang ang kanyang dalang pera.
B. Walang laman ang kanyang pitaka.
C. Naiwan niya ang kanyang pitaka sa bahay ni Allan.
D. Hindi niya malaman kung nasaan ang kanyang pitaka.

24. Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng sitwasyon batay sa mga pangyayari sa loob ng kahon?
A. Babalikan sa bahay nina Allan upang tingnan kung doon ba niya naiwan ang pitaka.
B. Babalikan niya ang naiwang bayarin sa cashier kapag nakita na niya ang kanyang pitaka.
C. Tatawagan niya ang mga tao sa kanilang bahay upang tingnan kung doon ba niya naiwan
ang kanyang pitaka.
D. Lahat ay tama
Para sa bilang 25

25. Alin sa mga pagpipilian ang angkop gamitin upang mabuo ang wastong pagpapahayag sa
pagbibigay patunay?
A. Totoo B. Ayon C. Datapwat D. Alinsunod
26. Batay sa hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik, ano ang unang bagay na isaalang-alang sa
pagpili ng paksa?
A. may limitasyon sa pagpili ng paksa C. kawili-wili o naaayon sa iyong interes
B. may kakayahan sa paglikom ng datos D. napapanahon ang paksang pipiliin
para sa bilang 27
Ang pangkat nina Jose ay nakapili na ng paksa para sa kanilang pananaliksik. Pinuri sila ng
kanilang tagapayo dahil naayon ito sa kanilang interes, kayang-kaya nila itong gawin at sapat ang
mga mapagkukunang datos. Habang patuloy sila sa pagbuo ng iba pang bahagi ng pananaliksik,
napagtanto nilang hindi sapat ang panahon na kanilang ilalaan sa pagbuo at hindi naayon ang
edad ng mga respondents nila sa napiling paksa.

27. Anong hakbang sa pananaliksik ang nakikitang kakulangan sa pangkat nina Jose.
A. Pagpili ng Paksa C. Pagsulat ng Burador
B. Paglimita ng Paksa D. Pasulat ng Pinal na Manuskripto
Para sa bilang 28-30.
Panuto: Basahin ang maikling salaysay sa kahon. Sa mga bilang na kasunod nito, piliin ang titik ng
nagpapaliwanag ng SANHI o BUNGA ng mga pangyayari.

Naglalakad ako noon sa daan nang biglang may humarurot na sasakyan sa bandang kaliwa
ko. “Aba, muntik na akong nahagip noon a!” Ang naisip ko habang tinitingnan ang likuran ng
kararaang sasakyan, pilit sinisipat ang plakard nito para matandaan nang biglang “Oy tumabi ka
nonoy, hindi mo pag-aari ang daan! At bigla akong napatingin…a hindi napanganga ang tamang
pagkalarawan sa ekspresyon ko. Saka ko pa lamang napansing halos nasa gitna na pala ako ng
kalsada sa kahahanap ng signal para lamang maka-send ng mensahe sa messenger.

28. Ano ang sanhi ng pagsipat niya nang mabuti sa plakard ng sasakyan?
A. Parang natatandaan nya ito. C. Parang bago sa kanya.
B. Para matatandaan niya ito. D. Parang naninibago siya.
29. Alin ang higit na nagpapaliwanag ng sanhi ng pangyayaring muntik na siyang masagasaan ng
sasakyan?
A. May humaharurot na sasakyan. C. Halos nasa gitna na siya ng daan.
B. Sinigawan siya ng lalaki. D. Naghahanap siya ng signal.
30. Alin ang tamang paliwanag na bunga ng pagsigaw sa kanya?
A. Napansin niya ang kinaroroonan niya. C. Naalimpungatan siya.
B. Nagising siya sa katotohanan. D. Natoto siya.
31. Ano ang tawag sa salaysay tungkol sa kabayanihan ng tauhan na kadalasang mula sa lipi ng diyos
at diyosa at makikitaan ng mga kababalaghan?
A. epiko B. dula C. tula D. maikling kuwento
32. Pang-ugnay ang tawag sa mga salita o parirala na nagkakabit ng mga kaisipan sa loob ng isang
pangungusap. Ang pahayag ay nagpapakilala ng anong kaisipan?
A. tama B. mali C. maaaring tama D. maaaring mali

33. Pagsunod-sunurin ang mga larawan sa ibaba sa paghahanda ng ‘sandwich’.

A. 3-1-4-2 B. 2-4-1-3 C. 4-2-1-3 D. 1-3-4-2


34. Ayusin ang mga larawan batay sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga ginagawang paghahanda
bago pumunta sa paaralan.

A. 4-1-3-2 B. 4-2-3-1 C. 4-2-1-3 D. 2-4-1-3


35. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang magiging kasunod na pangyayari ng mga larawan sa
ibaba?

A. Uuwing pagod na pagod ang bata dahil sa pagtatanim


B. Magiging mayaman ang bata dahil sa itinanim niyang puno.
C. Guguho ang lupa sa pinagtamnan ng bata dahil sa bigat ng kahoy.
D. Magkakaroon ng tirahan ang mga ibon at sariwang hangin ang mga tao.
36. Ang mga sumusunod na pangungusap ay gumagamit ng mga angkop na pang-angkop maliban sa
__________.
A. Pagbabasa ng makakapal na aklat ang nakahiligang gawin ng kambal na sina Yuna at Yumi.
B. Ang walang-tigil na ulan maging malakas na hangin ay hindi nakapigil sa kasal ng
magkasintahan.
C. Kailangan ng isang anak ang responsible at mapagmahal na magulang.
D. Napakagandang pagmasdan ang asul na langit at mapuputi na ulap nito.

para sa bilang 37-39


Panuto: Punan ng wastong pang-ugnay ang mga sumususnod na pangungusap sa ibaba.
37. Gusto kong magbakasyon sa ibang bansa _____ hindi pa bumibiyahe muli ang mga eroplano.
A. kapag B. subalit C. kaya D. palibhasa
38. Mangyayari ang iyong mga pinapangarap _____ ikaw ay nagsumikap at napunyagi sa buhay.
A. bunga nito B. ngunit C. maging D. kapag
39. Ang pagpupulong ng pangulo at ng mga kawani ng iba’t ibang kagawaran ay _____ pandemyang
kinakaharap ng ating bansa.
A. laban sa B. ayon sa C. para sa D. tungkol sa
40. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang may wastong pagkakagamit ng pangatnig na ‘basta’ ?
A. Ang mga bata ay makakatanggap ng regalo basta masaya silang umuwi.
B. Natangay ang mga kabahayan sa tabi ng ilog basta malakas ang agos ng tubig.
C. Nag-aral siya nang mabuti basta nakakuha ng mataas na marka.
D. Makakatanggap ng gantimapala ang tao basta gumagawa ito ng kabutihan sa iba.
41. “Bigyan mo pa ako ng kaunting paahon, babayaran kita.” Anong damdamin ng ipinahihiwatig ng
tauhan sa pahayag?
A. panghahamon B. panghihikayat C. pag-aalala D. pagmamakaawa
42. “Baka umulan nang malakas mamayang gabi.”Ano ang ipinahahayag ng pangungusap?
A. pag-aalinlangan B. panghuhula C. posibilidad D. pag-aalala
43. Harinawa’y magtagumpay ka sa iyong mithiin.” Anong damdamin ang isinasaad ng salitang may
salungguhit?
A. takot B. saya C. pag-asa D. galit
44. ____________, ikaw ang naging ilaw sa madilim kong mundo. Ano ang maaaring ipuno sa patlang
upang ito ay mapatotohanan?

A. Talagang B. Tunay na C. Sa totoo lang D. Sa tingin ko


45. Lahat ay dapat sumunod sa utos ng reyna _________ hindi ay parurusahan sila. Anong retorikal na
pang-ugnay ang angkop na gamitiin sa pangunusap?
A. baka B. kapag C. kung D. sana
46. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga parirala na nagpapakita ng relasyong sanhi at
bunga?
maraming buwaya sa gobyerno lumalala ang korupsyon bunga ng ng Pilipinas
I II III IV

A. II, III, I, IV B. I, II, III, IV C. IV, I,III, II D. II, IV, III,I


47. "Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat  ang pasan ko
ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa  kanyang sarili. Alin sa mga salitang
may salungguhit ang nagsasaad ng posibilidad?

A. kung B. sana C. ganito D. kanyang

48. "Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako.
Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil
madaling mag-init ang katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw. Ano ang nangingibabaw na
damdamin sa pahayag ito?
A. pagsasakripisyo B. pagmamakaawa C. pagrereklamo D. pangangatwiran

para sa bilang 49-50


Panuto: Tukuyin ang wastong pangatnig upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

49. Ang pagbabago ng panahon, lindol at bagyo ay _______ pang-aabuso ng mga tao sa ating
kalikasan.
A. sapagkat B. kaya C. epekto ng D. dahil sa

50. Mas mabuting hanapan na lang natin ng solusyon ang problema _______ na magsisihan tayo!
A. sa halip B. kung kaya C. epekto ng D. dahil

W A K A S

Inihanda nina:

Jemma P. Palaguayan - Dueñas General Comprehensive High School


Abraham Edgar T. Vargas - Iloilo Natioinal High School
Jonathan C. Gustilo - Alberto Sorongon Memorial National High Schoool
Kenneth S. Lubrico - Miagao National High School
Stephen G. Gelano - Camangahan National High School
Rodelyn G. Delfin - Pavia National High School
JV O. Magbanua - Ajuy National High School

Pinansin ni:
MARITES C. CAPILITAN Ph. D
EPS 1, Filipino

You might also like