Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

JUNIOR HIGH SCHOOL

Baitang 10

Ikaapat na Kwarter

SANAYAN SA FILIPINO
Ikaanim na Linggo - Aralin 6

El Filibusterismo
Kabanata 25-32
at Teoryang Pampanitikan

Baitang 10- Filipino

Kompetensi: Naisasaad ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-uugnay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan
(F10PB-IVh-i-92); naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang Espanyol (F10PT-IVg-h-85); nasusuri ang tauhan na
may kaugnayan sa: mga hilig/interes kawilihan/kagalakan/ kasiglahan /pagkainip/ pagkayamot; pagkatakot; pagkapoot; pagkaaliw/
pagkalibang at iba pa (F10PU-IVg-h-88); naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuod 1na akda sa iba pang katulad na akdang
binasa (F10PU-IVg-h-88); at nasusuri ang nobela batay sa pananaw/ teoryang: romantisismo, humanismo, naturalistiko at iba pa
(F10WG-IVg-h-81).
Filipino - Baitang 10
Sanayan sa Filipino
Kabanata 25-32 at Teoryang Pampanitikan
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang Sanayan sa Filipino o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng

mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng
Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng
mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Development Team of Sanayan sa Filipino

Writers: Levi N. Paguntalan, Rodelyn G. Delfin, Irene C. Jalbuna

Julie L. Cajeben, Gaymarie G. Hingpit, Agnes Joy S. Fernandez
Maria Mae Castre, Madeline P. Del Rosario
Joana Grace A. Isip, Jerelyn P. Fuerte, Hannah Riza A. Zamora

Illustrators: Mel June G. Flores, Ruel S. Palmaira

Althea C. Montebon, Mary Clarence G. Madero

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor

Rodelyn G. Delfin, Irene C. Jalbuna

Division Quality Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan

Assurance Team: Armand Glenn S. Lapor, Rodelyn G. Delfin
Nelson A. Cabaluna, Irene C. Jalbuna

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Novelyn M. Vilchez

Dr. Ferdinand S. Sy, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Dr. Marites C. Capilitan

Baitang 10- Filipino

Kompetensi: Naisasaad ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-uugnay ng ilang pangyayari sa
kasalukuyan (F10PB-IVh-i-92); naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang Espanyol (F10PT-IVg-
h-85); nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes kawilihan/kagalakan/ kasiglahan /pagkainip/
pagkayamot; pagkatakot; pagkapoot; pagkaaliw/ pagkalibang at iba pa (F10PU-IVg-h-88); naisusulat ang maayos na
paghahambing ng binuod na akda sa iba pang katulad na akdang binasa (F10PU-IVg-h-88); at nasusuri ang nobela
batay sa pananaw/ teoryang: romantisismo, humanismo, naturalistiko at iba pa (F10WG-IVg-h-81).
Paunang Salita

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino, Baitang 10.

Ang Sanayan sa Filipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at sinuri

ng mga dalubhasa mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng
Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ang mga mag-aaral at ang mga gurong tagapagdaloy
na matulungang makamit ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng Sanayan sa Filipino na mapatnubayan ang mga mag-aaral sa

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan sila upang malinang at makamit ang
panghabambuhay ng mga kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang

pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking
maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o sasagutan
ang mga gawain sa kagamitang ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa bilang tugon sa iyong

pangangailangan. Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon ka ng kalayaan na
pag-aralan ang nakaaaliw na mga gawaing napapaloob sa kagamitang ito. Basahin at
unawain upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa mga gawain ay isulat sa hiwalay na papel.

Baitang 10- Filipino

Kompetensi: Naisasaad ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-uugnay ng ilang pangyayari sa
kasalukuyan (F10PB-IVh-i-92); naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang Espanyol (F10PT-IVg-
h-85); nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes kawilihan/kagalakan/ kasiglahan /pagkainip/
pagkayamot; pagkatakot; pagkapoot; pagkaaliw/ pagkalibang at iba pa (F10PU-IVg-h-88); naisusulat ang maayos na
paghahambing ng binuod na akda sa iba pang katulad na akdang binasa (F10PU-IVg-h-88); at nasusuri ang nobela
batay sa pananaw/ teoryang: romantisismo, humanismo, naturalistiko at iba pa (F10WG-IVg-h-81).
Aralin 6 KABANATA 25-32 NG EL FILIBUSTERISMO
Magandang araw sa iyo! Kumusta ka na? Nasasabik ka na ba sa panibagong
kaalaman na iyong matutuhan sa araw na ito? Ako ay nagagalak sa ipinapakita mong
sigasig sa pag-aaral ng nobelang El Filibusterismo.

Sa araling ito, ganap mong mauunawaan at mapahahalagahan ang mga pangyayari

sa Kabanata 25-32 ng El Filibusterismo.

Inaasahan na sa pagtatapos ng araling ito, matatamo mo ang mga sumusunod na

kasanayan:
a. naisasaad ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-uugnay
ng ilang pangyayari sa kasalukuyan (F10PB-IVh-i-92);
b. naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang Espanyol
(F10PT-IVg-h-85); at
c. nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes
kawilihan/kagalakan/ kasiglahan /pagkainip/ pagkayamot; pagkatakot;
pagkapoot; pagkaaliw/ pagkalibang at iba pa (F10PU-IVg-h-88).

Ipagpatuloy mo na ang pagtuklas sa karugtong na mga kabanata ng El Filibusterismo.

Simulan mo na.

Gawain 1: Kilalanin Mo
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng estudyante ang mga sumusunod na pahayag. Piliin
ang sagot sa katapat na kahon. Ito ay batay sa “Isang Dosenang Klase ng High
School (Halaw sa librong ABNKKBSNPLAko?!)” ni Bob Ong.
Hanay A Hanay B
Iba’t ibang Uri ng Estudyante

Ang official kenkoy ng klase. May mga one-liner na gumigising sa lahat

kapag nagkakaantukan na. Sabi ng iba, eto raw ‘yung mga KSP sa klase A. Leather Gods
na dahil hindi naman matalino e idinadaan na lang sa patawa ang
1 pagpapapansin. Pero aaminin ko, walang klaseng walang ganito, at kung
mayroon man, magiging matinding sakripisyo ang pagpasok sa eskwela
araw-araw.

Politicians, athletes, at performers. Politicians ang mga palaban na mag-

aaral na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng eskwelahan at kapwa B. Hollow Man
estudyante kesa sa grades nila sa Algebra. Athletes ang ilang varsitirian.
2 Performers naman ang tawag sa mga estudyanteng gustong
makasayaw, makakanta, at makatula sa stage sa tuwing Linggo ng Wika.
Sa pangkalahatan, ang mga celebrities ay may matinding PR.

Mga estudyanteng may maling uri ng determinasyon. Laging

determinado ang mga ito sa harapang pangongopya, bulgarang C. Clowns
3 pandaraya, at palagiang pagpapalapad ng papel sa teacher. Talo ang
balat ng buwaya sa pakapalan.

Baitang 10- Filipino

Kompetensi: Naisasaad ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-
uugnay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan (F10PB-IVh-i-92); naipaliliwanag ang
1
kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang Espanyol (F10PT-IVg-h-85); at
nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes kawilihan/kagalakan/
kasiglahan /pagkainip/ pagkayamot; pagkatakot; pagkapoot; pagkaaliw/
pagkalibang at iba pa (F10PU-IVg-h-88).
May dalawang uri ng HM virus, ang type A at type B. Ang type A ay
D. Mga Anak ni
4 mga estudyanteng madalas invisible, bakante ang upuan, madalas
Rizal
absent. Type B naman ang mga mag-aaral na bagama’t present e
invisible naman ang kadalasang sagot sa mga quiz.

Ang endangered species sa eskwelahan. Straight ‘A’ students, pero

well rounded at hindi geeks. Teacher’s pet, pero hindi sipsip. Hari ng
5 E. Celebrities
Math, Science, at English, pero may oras pa rin sa konting extra-
curricular activities at gimmicks.

Ito ay nagpapatunay na tayo ay may iba’t ibang ugali, pananaw, at paninindigan. Alamin
natin sa mga susunod na gawain ang iba’t ibang uri ng estudyante sa kabanata 25-32 ng El
Filibusterismo. Bago ka dumako sa buod ng kabanata, alamin mo muna ang kahulugan ng
mga salitang hiram sa wikang Espanyol.

Nang sakupin tayo ng mga Espanyol sa napakahabang panahon, maraming mga

kaugalian, paniniwala, kultura ang minana at isinasabuhay natin hanggang sa ngayon. Isa
na rito ang mga salita sa wikang Espanyol. Sa bahaging ito ng sanayan, alamin mo ang
kahulugan ng mga ito.

Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang Espanyol ayon sa
pagkakagamit nito sa pangungusap.

Pangungusap na may salitang Espanyol Kahulugan

Gumagamit kami ng ventilador upang kami

ay maginhawahan.
Tatlong prayle ang nagsagawa ng exequias
kay Tiyago.
Maraming kamanyang ang sinunog at
gayundin ang winisik na agua bendita.
Nabalita sa calle ng San Diego ang
pagkamatay ng Kapitan.
Matatanaw buhat sa ventana ang dakila at
kahanga-hangang libing ng Kapitan.

Ngayong may kaalaman ka na sa mga salitang hiram sa wikang Espanyol, tiyak ay

madali mo nang maunawaan ang mga salitang ito sa pagbasa mo ng susunod na gawain.
Kinakailangan mong palawakin ang iyong pasensya at pang-unawa sa pagbabasa ng buod
ng Kabanata 25-32 ng El Filibusterismo. Maligayang pagbabasa!

Baitang 10- Filipino

Kompetensi: Naisasaad ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-
uugnay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan (F10PB-IVh-i-92); naipaliliwanag ang
2
kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang Espanyol (F10PT-IVg-h-85); at
nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes kawilihan/kagalakan/
kasiglahan /pagkainip/ pagkayamot; pagkatakot; pagkapoot; pagkaaliw/
pagkalibang at iba pa (F10PU-IVg-h-88).
Panuto: Basahin at unawain ang karugtong na kabanata ng nobelang El Filibusterismo.

Kabanata 25-32 ng El Filibusterismo

Nagdaos ng piging ang mga

estudyante sa Panciteria Macanista
de Buen Gusto. Labing-apat silang
lahat kasama si Sandoval. Naroon
sila upang ipagdiwang ang
pasiyang ipinagkaloob sa suliranin
ng pagtuturo ng Wikang Kastila.
Matatalim ang mga salita ng
mga estudyante. Naghahalakhakan
sila ngunit pilit at may tunog ng
panghihinakit. Pagkarating ni
Isagani kumain na silang lahat. Ang
kanilang mga pagkain ay
inihalintulad nila kay Don Custodio-
pansit-lalang, Padre Irene- lumpiang Intsik, torta sa mga prayle, pansit-gisado ay
iniukol sa pamahalaan at bayan at marami pang iba.

Nang sumunod na araw, si Basilio na hindi dumalo sa pagtitipong iyon ay

maagang nagtungo sa ospital upang asikasuhin ang kanyang lisensyatura sa
unibersidad. Balak niyang manghiram ng pera kay Makaraig dahil ipantutubos niya
kay Huli ang lahat nitong naipon. Nang siya ay nasa unibersidad, pinayuhan siya ng
isang katedriko na umuwi at sirain ang lahat ng kasulatang magdadawit sa kaniya sa
natagpuang paskil na mapaghimagsik sa pader ng unibersidad at pawang mga
estudyante ang pinaghihinalaan dito.
Dire-diretso si Basilio sa pagpunta sa bahay ni Macaraig upang mangutang sana
ng pera ngunit kasama siya sa mga nadakip ng gwardya sibil upang ikulong.
Samantala, si Isagani naman ay ipinatawag ng isang katedriko na si Padre
Fernandez. Nag-usap ang dalawa dahil narinig ni Padre Fernandez ang
pananalumpati nito sa hapunan at ito ay pinuri niya dahil sa pagkakaroon nito ng
matapang na paninindigan.
Bago umalis si Isagani, hangang-hanga ang katedriko sa mga winika nito. Anang
kura: “Kinapopootan ng bayan ang sundalo na dumakip at hindi ang hukom na
nagbaba ng hatol na pagkabilanggo... Kami’y napagitna sa dalawang sibat: Sa inyo at
sa pamahalaan. Kung ano ang utos sa amin ay siya lamang naming sinusunod.”
Ngunit ang winikang ito ng kura ay pinula ni Isagani.
Sa kabilang banda, ipinagyayabang ni Ben Zayb sa El Grito na hindi siya
Baitang 10- Filipino
Kompetensi: Naisasaad ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-
uugnay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan (F10PB-IVh-i-92); naipaliliwanag ang
3
kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang Espanyol (F10PT-IVg-h-85); at
nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes kawilihan/kagalakan/
kasiglahan /pagkainip/ pagkayamot; pagkatakot; pagkapoot; pagkaaliw/
pagkalibang at iba pa (F10PU-IVg-h-88).
nagkamali nang sabihin niyang nakasasama sa Pilipinas ang pagtuturo sa mga
kabataan dahil ito’y pinatunayan ng mga paskil. Ang balita tungkol sa paskil ay
nagdulot ng matinding takot sa lahat mula sa Kapitan Heneral hanggang sa mga
Intsik.
Nang panahong iyon, naisip si Quiroga na magtungo kay Simoun upang tanungin
ito tungkol sa pinatago nitong baril ngunit hindi niya nakausap ang mag-aalahas.
Lumubha ang kalagayan ni Kapitan Tiyago nang ibalita ni Padre Irene ang
pagkabilanggo ni Basilio at dinagdagan pa ng padre ng mga kasindak-sindak na mga
balita. Pinilit ng kapitan na tumayo ngunit hindi ito kinaya ng kanyang katawan.
Umungol ang matanda at saka bumagsak na wala nang hininga sa higaan, na ang
mga mata’y nakadilat.
Isang maringal na libing ang ginawad kay Kapitan Tiyago at si Padre Irene ang
nahirang na tagapamahala at tagapagtupad ng testamento ng matanda. Tatlong
prayle ay nagsagawa ng mga exequias sa libing ng kapitan. Maraming kamanyang
ang sinunog at gayundin ang winisik na agua bendita. Naillibing ang kapitan nang
hindi man lamang nakalabas si Basilio na dinamdam ng marami.
Hinimatay si Huli nang ibalita sa kanya ni Hermana Bali ang nangyari kay Basilio.
Sa hangaring matulungan si Basilio na makalabas ay binalak ng dalaga na lapitan si
Padre Camorra. Ito ang tumulong sa kaniya upang palayain si Tandang Selo. Kaya
lamang ay nagdadalawang-isip ang dalaga dali noon pa man, nararamdaman niyang
may pagnanasa ito sa kaniya. Nalaman ng dalaga na tanging si Basilio na lamang ang
hindi pinalaya ng araw na iyon. Sinamahan ni Hermana Bali ang dalaga na pumunta
kay Padre Camorra. Kinagabihan ay kumalat ang balitang tumalon sa bintana ng
kumbento si Huli at patay na nang dinampot. Ang lahat ng iyon ay binalita ng
kutserong si Sinong kay Basilio na tanging dumadalaw kay Basilio. Nalaman din ng
kutsero ang pagkawala ni Tandang Selo.
Sa kabilang banda, ipinamalita ni Ben Zayb na hindi na mag-uusig si Simoun sa
sumugat sa kanya. Sa halip, magdaraos daw ito ng pistang walang katulad.
Pinayuhan niya ang mag-aalahas na bilhin ang bahay ni Kapitan Tiyago na nabili ni
Don Timoteo Pelaez.
Pagkaraan ng ilang linggo ay napabalitang ikakasal si Juanito kay Paulita na
kasintahan ni Isagani. Kinasabikan ng buong Maynila ang piging sa kasal ng dalawa.
Si Simoun ang namamahala sa piging at magaganap ito dalawang araw bago umalis
ang Kapitan Heneral.

Pag-unawa sa Akda
Panuto: Suriin ang mga kaisipang nakapaloob sa binuod na kabanata 25-32. Sagutin ang
mga katanungan sa ibaba.

1. Paano pinatunayan ni Huli ang wagas na pag-ibig niya kay Basilio? ni Basilio kay Huli?
___________________________________________________________________
2. Sumasang-ayon ka ba sa naging desisyon ni Huli? Bakit?
___________________________________________________________________
3. Anong kaugalian nating mga Pilipino ang ipinakita sa kabanatang ito?
___________________________________________________________________
Baitang 10- Filipino
Kompetensi: Naisasaad ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-
uugnay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan (F10PB-IVh-i-92); naipaliliwanag ang
4
kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang Espanyol (F10PT-IVg-h-85); at
nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes kawilihan/kagalakan/
kasiglahan /pagkainip/ pagkayamot; pagkatakot; pagkapoot; pagkaaliw/
pagkalibang at iba pa (F10PU-IVg-h-88).
Nasagutan mo na ba ang lahat ng katanungan? Magaling! Natitiyak kong
matagumpay mong naisagawa ang gawain. Pagyamanin pa natin ang iyong kaalaman sa
susunod na gawain.

Gawain Suriin Mo
Panuto: Suriin at isa-isahin ang mga tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes
kawilihan/kagalakan/ kasiglahan /pagkainip/ pagkayamot; pagkatakot; pagkapoot;
pagkaaliw/ pagkalibang at iba pa.

Mga hilig/interes o
kawilihan/kagalakan/ kasiglahan
Tauhan /pagkainip/ pagkayamot; pagkatakot; Patunay
Pagkapoot; pagkaaliw/ pagkalibang at
iba pa
Basilio
Isagani
Huli
Padre
Fernandez

Magaling! Matapos masagutan ang pagyamanin natin, handang-handa ka na sa

susunod na gawain. Simulan mo na!

PAGNILAYAN NATIN

Panuto: Pagnilayan at pagkatapos ay sagutin ang tanong sa loob ng kahon. Isulat ang
iyong sagot sa hiwalay na papel.

Ano ang aral o mensahe na nais ipabatid ng Kabanata 25-32 na maaari mong
magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
______________________________________________________________

_
______________________________________________________________
_
______________________________________________________________
Magaling! Natitiyak kong handang-handa ka nang isagawa ang huling gawain ng
_
sanayang ito. Simulan mo na!
______________________________________________________________
Baitang 10- Filipino
Kompetensi: Naisasaad ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-
_
uugnay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan (F10PB-IVh-i-92); naipaliliwanag ang
5
______________________________________________________________
kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang Espanyol (F10PT-IVg-h-85); at _
nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes kawilihan/kagalakan/
______________________________________________________________
kasiglahan /pagkainip/ pagkayamot; pagkatakot; pagkapoot; pagkaaliw/
pagkalibang at iba pa (F10PU-IVg-h-88).
_
Panuto: Ilahad ang pagkamakatotohanan ng akda sa Kabanata 25-32 sa pamamagitan ng
pag-uugnay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan. Gawing batayan ang pamantayan
na gagabay sa iyong isasagawang paglalahad.

Pamantayan sa Paglalahad ng Ideya

Pamantayan Bahagdan Iskor

1. Nilalaman 10%
2. Pagkamakatotohanan 10%
3. Pag-uugnay sa mga pangyayari sa kasalukuyan 10%
Kabuuan 30%

Mahusay ang kagalingang ipinakitang pagsagot sa mga gawain. Bahagi ng araling

ito ang gawain sa gramatika na matutuklasan sa mga susunod na pahina. Simulan mo na.

Baitang 10- Filipino

Kompetensi: Naisasaad ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-
uugnay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan (F10PB-IVh-i-92); naipaliliwanag ang
6
kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang Espanyol (F10PT-IVg-h-85); at
nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes kawilihan/kagalakan/
kasiglahan /pagkainip/ pagkayamot; pagkatakot; pagkapoot; pagkaaliw/
pagkalibang at iba pa (F10PU-IVg-h-88).
Aralin 6 PANANAW O TEORYANG PAMPANITIKAN
Maligayang pagbabalik! Nagustuhan mo ba ang kabanata 25-32 ng El Filibusterismo na
iyong pinag-aralan sa unang bahagi ng araling ito? Kung oo, ako ay nagagalak dahil
nagpakita ka ng kasiglahan sa pagsagot ng mga naunang gawain.

Natitiyak kong handa ka na sa panibagong kaalaman na iyong mapag-aaralan sa araw

na ito.

Inaasahan na sa pagtatapos ng araling ito, matatamo mo ang mga sumusunod na

kasanayan:
a. naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuod na akda sa iba pang
katulad na akdang binasa (F10PU-IVg-h-88); at
b. nasusuri ang nobela batay sa pananaw/ teoryang: romantisismo,
humanismo, naturalistiko at iba pa (F10WG-IVg-h-81).

Simulan mo na!

Panuto: Suriin ang isang sipi mula sa kabanata 25-32 ng El Filibusterismo. Ilarawan ang
tauhan batay sa kanyang pahayag sa siping ito.

Bago umalis si Isagani, hangang-hanga ang katedriko sa mga winika nito.

Anang kura: “Kinapopootan ng bayan ang sundalo na dumakip at hindi ang
hukom na nagbaba ng hatol na pagkabilanggo... Kami’y napagitna sa dalawang
sibat: Sa inyo at sa pamahalaan. Kung ano ang utos sa amin ay siya lamang
naming sinusunod.” Ngunit ang winikang ito ng kura ay pinula ni Isagani.

______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________

Mayroon ka na bang ideya sa magiging aralin natin ngayong araw? Magaling! Ang
bahagi ng siping ito ay nakasentro sa isang tao, si Padre Florentino. Ang pagsusuring
ginawa ay isa sa mga teoryang pampanitikan, ang teoryang Humanismo. Natitiyak kong mas
mapalalawak pa ang iyong kaalaman sa iba’t ibang teoryang mapag-aaralan mo sa araw na
ito sa tulong ng sanayang ito. Handa ka na ba? Sabayan mo ng ngiti ang panibagong
pagtuklas ng kaalaman. Kayang-kaya mo iyan basta’t magtiwala ka lang sa iyong sarili.

Baitang 10- Filipino

Kompetensi: Naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuod na 7
akda sa iba pang katulad na akdang binasa (F10PU-IVg-h-88); at
nasusuri ang nobela batay sa pananaw/ teoryang: romantisismo,
humanismo, naturalistiko at iba pa (F10WG-IVg-h-81).
Mga Teoryang Pampanitikan

Romantisismo- ang binibigyang-tuon ng akda ay ang pagtakas sa katotohanan.

Ito ay nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa,
bayan at iba pa.

Humanismo -ipinapakita na ang tao ang simula ng mundo. Binibigyang-tuon ang

kalakasan at mabubuting katangian ng tao.

Naturalismo -ito’y teoryang pampanitikan na naniniwalang walang malayang kagustuhan

ang isang tao dahil ang kaniyang buhay ay hinuhubog lamang ng kaniyang
kapaligiran. Ipinapakita rin ang epekto ng kapangitan ng kalagayan,
katulad ng kahirapan at kawalan ng katarungan sa mga tauhan nito.

Panuto: Basahin at unawain ang bahagi ng akda. Isulat ang teoryang pampanitikang
kinabibilangan- romantisismo, humanismo o naturalismo.

______1. Pinilit ng kapitan na tumayo ngunit hindi ito kinaya ng kanyang katawan.
Umungol ang matanda at saka bumagsak na wala nang hininga sa higaan, na
ang mga mata’y nakadilat.
______2. Matatalim ang mga salita ng mga estudyante. Naghahalakhakan sila ngunit pilit
at may tunog ng panghihinakit.
______3. Isang maringal na libing ang ginawad kay Kapitan Tiyago at si Padre Irene ang
nahirang na tagapamahala at tagapagtupad ng testamento ng matanda. Tatlong
prayle ay nagsagawa ng mga exequias sa libing ng kapitan.
______4. Sa kabilang banda, ipinagyayabang ni Ben Zayb sa El Grito na hindi siya
nagkamali nang sabihin niyang nakasasama sa Pilipinas ang pagtuturo sa mga
kabataan dahil ito’y pinatunayan ng mga paskil. Ang balita tungkol sa paskil ay
nagdulot ng matinding takot sa lahat mula sa Kapitan Heneral hanggang sa mga
Intsik.

Mahusay ang ipinakitang kagalingan sa pagsagot sa mga gawain. Natitiyak kong

naiintindihan mo na ang teoryang pampanitikan sa Filipino. Pagyamanin mo pa ang iyong
kaalaman sa kasunod na gawain na inihanda para sa iyo. Simulan mo na.

Baitang 10- Filipino

Kompetensi: Naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuod na 8
akda sa iba pang katulad na akdang binasa (F10PU-IVg-h-88); at
nasusuri ang nobela batay sa pananaw/ teoryang: romantisismo,
humanismo, naturalistiko at iba pa (F10WG-IVg-h-81).
Panuto: Isulat ang maayos na paghahambing ng binuod na Kabanata 25-32 na makikitaan
ng isa sa mga teoryang pampanitikan sa iba pang katulad na akda o kuwentong
binasa gamit ang Venn diagram.

Binuod na Akda Akdang binasa

-Panlabas na -Panlabas na
Realidad Pagkakatulad Realidad

-Pananaw ng -Pananaw ng
Komunidad Komunidad

Isang napakahusay na paghahambing ang iyong ginawa. Natitiyak kong lubos na

ang inyong kaalaman sa araling ito. Handa ka na sa pagsubok o tayahin na siyang susukat
ng iyong kaalaman sa kabuuang sanayan sa araw na ito.

Panuto: Suriin ang nobelang El Filibusterismo batay sa pananaw/ teoryang: romantisismo,

humanismo, naturalismo. Isulat sa kahon ang iyong kasagutan.

Teoryang Pampanitikan Pagsusuri

Romantisisimo

Humanismo

Naturalistiko

Napakahusay! Iyong napagtagumpayan ang mga gawain sa sanayang ito. Isang

pagbati! Ang iyong pinakitang kagalingan sa pagsagot sa sanayang ito ay patunay lamang
na ika’y handa na sa susunod na mga gawain ng susunod na linggo.

Sanggunian:

http://pangkatcarbon20182019.blogspot.com/2018/12/
https://www.panitikan.com.ph/buod/el-filibusterismo

Baitang 10- Filipino

Kompetensi: Naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuod na 9
akda sa iba pang katulad na akdang binasa (F10PU-IVg-h-88); at
nasusuri ang nobela batay sa pananaw/ teoryang: romantisismo,
humanismo, naturalistiko at iba pa (F10WG-IVg-h-81).
SUSI SA PAGWAWASTO
Kabanata 25-32

TUKLASIN
1. C
2. E
3. B
4. A
5. D

ALAMIN NATIN
1. Electric fan
2. Responso
3. Tubig
4. Kalye
5. Bintana

BASAHIN AT SURIIN
1. Handang gawin ni Juli ang lahat ng bagay upang mapalaya si Basilio mula sa kulungan. Si Basilio
naman ay handang maghanap ng solusyon upang matubos si Juli.
2. Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.
3. Handang isakripisyo ang lahat ng bagay para sa taong minamahal.

PAGYAMANIN
Basilio - indibwidwalista sa simula. Naniniwala na humawak sa mga sariling
pangarap at sariling pag-unlad.
(Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.)
Isagani -Repormista na naniniwala sa mapayapang paraan ng protesta, petisyon,
pakikipag-argumento at negosasyon
(Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.)
Juli -puri at dangal ng kababaihan
Pananalig sa mga himala
(Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.)

PAGNILAYAN
(Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.)

TAYAHIN
(Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.)

PANANAW O TEORYANG PAMPANITIKAN

TUKLASIN
(Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.)

SANAYIN
1. Naturalismo
2. Romantisismo
3. Humanismo
4. Naturalismo

PAGYAMANIN
(Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.)

TAYAHIN
(Maaaring magkaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.)

You might also like