Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

Gawaing Pansibiko

Week 5-6
Balikan!
Ngayon Na (Tungo sa Pagbabago, Para sa Pagbabago)
Ni Noel Cabangon

Pamprosesong Tanong:

Ano ang mensaheng Saan dapat magsimula


nais ipabatid ng ang pagbabagong nais
awitin sa mga natin para sa ating
nakikinig? bayan?
Gawaing Pansibiko?!
Isa sa mga maling pananaw nating mga Pilipino ang lubusang iasa sa pamahalaan ang
napakaraming mga isyu at hamong panlipunan na ating kinakaharap. Bilang mga aktibong
mamamayan nito, nasa ating mga kamay ang mga kasagutan sa mga usaping matagal
nang namiminsala sa bayan. Malinaw na binibigyang pansin sa ating Saligang Batas ang
papel na ginagampanan ng mga mamamayan.
Patunay lamang ito na ang ganap na
Ang salitang SIBIKO ay mula sa salitang
kapangyarihan ng Estado ay hindi nagmumula sa
pamahalaan, kundi sa mga mamamayan nito. Ang Latin na ang ibig sabihin ay mamamayan.
magkatuwang na pagtugon ng pamahalaan at ng Sa kasalukuyan, ginagamit ang salitang
mga mamamayan ang pinakamabuting solusyon ito upang pormal na tukuyin ang mga
sa hindi mabilang na mga suliranin ng ating mamamayang bumubuo ng lipunan. Ang
bansa. Mangyayari lamang ito kung ang mga kabutihang ito ay natatamasa sapagkat
mamamayan ay may kaalaman at kamalayan sa nanggagaling sa kagyat na pagtugon at
mga isyung ito.
pagmamalasakit ng kapuwa mamamayan.
Ang kamalayang pansibiko ay kaisipan na Sa pagganap ng mga tungkulin sa
ang bawat isa ay may pananagutan sa lipunan, ang mga mamamayang may
kaniyang kapwa. Karaniwang sinasakop ng kamalayang pansibiko ay higit na
kagalingang pansibiko ang mga usapin nakatutuwang sa pamahalaan.
hinggil sa edukasyon, kalikasan,
kabuhayan, pampublikong serbisyo, at
kalusugan.
Mga Uri ng Gawing Pansibiko

GAWAING GAWAING GAWAING Uri ng POs at


PANSIBIKO SA PANSIBIKO SA PANSIBIKO SA NGOs
KABUHAYAN POLITIKA LIPUNAN
GAWAING PANSIBIKO SA
KABUHAYAN
Ayon sa pag-aaral na inilabas ng Inter-America Development Bank noong 2016, ang mga social
enterprises sa Pilipinas ay nakapokus sa pagtulong sa mga mahihirap. Karamihan sa mga ito
ay kinabibilangan ng mga low- income at marginalized nagrupo ng mga producers at suppliers.
Sa isang pag-aaral na inilabas ng British Council at ng Philippine Social Enterprise Network,
tinatayang 164, 473 ang mga social enterprises na gumagana sa bansa na kung saan ang mga
pangunahing layunin ay lumikha ng trabaho, mapababa ang antas ng kahirapan at mapabuti at
mapalakas ang mga lokal na marginalized na mga pamayanan. Ito ay kinabibilangan ng mga
kooperatiba, mga microfinance institutions, at iba’t ibang grupo ng inisyatiba gaya ng mga fair
trade organization network, mga social enterprises na pinasimulan ng mga NGOs, mga maliliit
na negosyong may malinaw na panlipunang adhikain at mga sector-specific o area-based
enterprises na tumutulong sa mga mahihirap na magsasaka, mangingisda, mga katutubong
pamayanan, mga maralitang taga-lungsod at mga kababayan nating may kapansanan.
GAWAING PANSIBIKO SA
KABUHAYAN
GAWAING PANSIBIKO SA
KABUHAYAN
Ano nga ba ang ibig sabihin ng social enterprise?
Sa panukalang batas na inihain sa Senado ni Sen. Sonny Angara at Sen. Juan Miguel Zubiri o Senate
Bill No. 105 at 820 (An Act Institutionalizing the Poverty Reduction through Social
Entrepreneurship (PRESENT) Program and Promoting Social Enterprises with the Poor as Primary
Stakeholders), binigyang kahulugan ang Social Enterprise (SE) bilang “isang panlipunang
organisasyon sa anyo ng isang samahan, isahang pagmamay-ari, sosyohan, korporasyon,
kooperatiba, people’s organization, non-stock non-profit at people’s organizations o iba pang mga
legal na uri ng negosyo na nagsasagawa ng mga gawaing pangkabuhayan na nagbibigay ng mga
produkto at/o serbisyo na may pangunahing layuning mapabuti ang pamumuhay ng mga
Mahihirap, Basic sector, marginalized na sector,
Mga Uri ng Gawing Pansibiko

GAWAING GAWAING GAWAING Uri ng POs at


PANSIBIKO SA PANSIBIKO SA PANSIBIKO SA NGOs
KABUHAYAN POLITIKA LIPUNAN
GAWAING PANSIBIKO
SA POLITIKA
Sa pamamagitan ng pagboto, nakapipili ang mamamayan ng mga opisyal
ng pamahalaan na sa tingin nila ay makapaglilingkod nang maayos. Ito
ang pagkakataon kung saan naipakikita ng mamamayan na siya ang
pinanggagalingan ng kapangyarihan ng mga halal na opisyal; na siya ring
may kapangyarihan na alisin sila sa puwesto kung sa tingin nila ay hindi
ginagampanan nang maayos ang kanilang sinumpaang tungkulin. Sa
kabila nito ay may mga nagiging balakid sa pakikilahok ng mga tao sa
eleksiyon. Halimbawa, nababalitaan pa rin natin na mayroon tayong mga
kababayan na nagbebenta ng kanilang boto sa mga politiko.
GAWAING PANSIBIKO SA
POLITIKA

Batay sa International Social Survey Programme (ISSP) Citizenship Survey


noong 2004, pangunahin ang pagboto bilang katangian ng isang
mabuting mamamayan para sa mga Pilipino. Kasama rin sa listahan ang
wastong pagbabayad ng buwis, laging pagsunod sa batas, pagsubaybay
sa gawain ng pamahalaan at unawain ang opinyon ng ibang tao.
GAWAING PANSIBIKO SA
POLITIKA

Ang pakikilahok sa eleksiyon ang pinakapayak na paraan ng pakikilahok


ng mamamayan. Ang pagboto ay isang obligasyon at karapatang
politikal na ginagarantiyahan ng Saligang Batas ng 1987. Ayon sa
Artikulo V ng Saligang-Batas ng 1987, ang mga maaaring makaboto ay:
a. mamamayan ng Pilipinas;
b. hindi diskuwalipikado ayon sa isinasaad ng batas;
c. 18 taong gulang pataas; at
d. tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa lugar kung saan niya
gustong bumoto nang hindi bababa sa anim na buwan bago mag-
eleksiyon.
GAWAING PANSIBIKO SA
POLITIKA

Mga Diskuwalipikadong Bumoto (Omnibus Election Code, Artikulo 12,


Seksiyon 118)
a. Mga taong nasentensiyahan na makulong nang hindi bababa sa isang
taon. Maaari siyang makaboto muli pagkaraan ng limang taon
matapos ang parusang inihatol sa kaniya.
b. Mga taong nasentensiyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon,
sedisyon, paglabag sa anti-subversion at firearms law at anumang
krimeng laban sa seguridad ng bansa. Maaari siyang makaboto muli
pagkaraan ng limang taon matapos ang parusang inihatol sa kaniya.
c. Mga taong idineklara ng mga eksperto bilang baliw.
GAWAING PANSIBIKO SA
POLITIKA
Mga Uri ng Gawing Pansibiko

GAWAING GAWAING GAWAING Uri ng POs at


PANSIBIKO SA PANSIBIKO SA PANSIBIKO SA NGOs
KABUHAYAN POLITIKA LIPUNAN.
GAWAING PANSIBIKO SA
LIPUNAN.

Hindi natatapos sa paglahok sa eleksiyon ang politikal na pakikilahok ng


mga mamamayan. Sa halip, unang hakbang lamang ito para sa isang
malayang lipunan. Ang esensiya ng demokrasya ay ang magkaroon ng
mamamayang nakikilahok sa pagpapaunlad ng bayan sa paraang higit pa
sa pagboto. Isang paraan dito ay ang pagbuo ng mga samahang
direktang makikipag-ugnayan sa pamahalaan upang iparating ang
pangangailanagn ng mamamayan. Kaya naman napakahalagang
makilahok ng mamamayan sa tinatawag na civil society.
GAWAING PANSIBIKO SA
LIPUNAN.

Sa katunayan, kinikilala sa Artikulo II, Seksiyon 23 ng Saligang-Batas ng 1987 ang


kahalagahan ng mga samahang ito sa pagtataguyod ng kaunlaran. Dapat pasiglahin ng
Estado ang mga organisasyong ‘di pampamahalaan, salig pamayanan, o sektoral na
nagtataguyod ng kagalingan ng bansa. Ipinaliwanag ni Constantino-David (1998) ang mga
bumubuo sa civil society. Ito ay binubuo ng mga kilos-protesta, mga lipunang pagkilos, at
mga voluntary organization. Ang huli ay nahahati sa dalawang kategorya:
a. grassroots organizations o people’s organizations (POs)-naglalayong protektahan ang
interes ng mga miyembro nito. Dito nahahanay ang mga sectoral group ng kababaihan,
kabataan, magsasaka, mangingisda, at mga caused-oriented group.
b. grassroot support organizations o non-governmental organizations (NGOs)-naglalayong
suportahan ang mga programa ng mga people’s organization.
GAWAING PANSIBIKO SA
LIPUNAN.
Ang Local Government Code of 1991 ay isang mahalagang patunay sa papel na
ginagampanan ng mga NGO. Ilan sa mga probisyon ng batas na ito ang sumusunod.

• Kailangang magkaroon ng konsultasyon sa mga NGO at PO ang mga


ahensya ng pamahalaan para sa mga programang ilulunsad nito.
• Pagbuo ng mga local development council sa bawat lokal na
pamahalaan. Ang layunin nito ay bumuo ng isang komprehensibong
plano para makamit ang mga kaunlaran sa mga bayan, lungsod, o
lalawigan. Hindi dapat bumaba sa 25% ng mga miyembro ng local
development council ang manggagaling sa mga NGO at PO.
Mga Uri ng Gawing Pansibiko

GAWAING GAWAING GAWAING Uri ng POs at


PANSIBIKO SA PANSIBIKO SA PANSIBIKO SA NGOs
KABUHAYAN POLITIKA LIPUNAN.
Uri ng POs at NGOs

Maraming iba’t ibang uri ng PO at NGO ang makikita sa Pilipinas at


bawat isa ay may kani-kaniyang tungkulin sa bayan (Putzel, 1998).
• TANGOs (Traditional NGOs)-nagsasagawa ng mga proyekto para sa mahihirap
• FUNDANGOs (Funding-Agency NGOs)-nagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga people’s
organization para tumulong sa mga nangangailangan
• DJANGOs (Development, Justice and Advocacy NGOs)-nagbibigay suporta sa mga
komunidad sa pamamagitan ng mga legal at medical na mga serbisyo
• PACO (Professional, Academic and Civic Organizations)-binubuo ng mga propesyonal at ng
mga galing sa sektor ng akademya
• GRIPO (Government-run and Initiated POs)-mga POs na binuo ng pamahalaan
• GUAPO (Genuine, Autonomous POs)-itinayo mula sa inisyatibo ng mamamayan at hindi ng
pamahalaan
Uri ng POs at NGOs

May tatlong mahahalagang tungkulin ang mga NGO at PO


sa Pilipinas sa kasalukuyan.
1. Ang paglulunsad ng mga proyektong naglalayong paunlarin ang kabuhayan ng
mamamayan na kadalasan ay hindi natutugunan ng pamahalaan.
2. Nagsasagawa ang mga NGO ng mga pagsasanay at pananaliksik tungkol sa
adbokasiyang kanilang ipinaglalaban upang magising ang kamalayan ng mamamayan.
3. Direktang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan upang maiparating sa kanila ang hinaing
ng kanilang sektor at mga naiisip na programa at batas na naglalayong mapabuti ang
kalagayan ng mamamayan. Dito pumapasok ang mga ginagawang pagpoprotesta,
pakikipagnegosasyon at lobbying o ang pag-impluwensiya sa mga desisyon ng mga
opisyal ng pamahalaan para makamit ang isang mithiin.
Uri ng POs at NGOs

Bakit mahalagang makilahok ang mamamayan sa mga


ganitong uri ng samahan?
Ayon kay Larry Diamond (1994), ang paglahok sa ganitong mga samahan ay isang mahusay na
pagsasanay para sa demokrasya. Sa pamamagitan ng paglahok sa mga POs at NGOs ay mas
napaghuhusay ng mamamayan ang kanilang kakayahan para sa mas aktibong pakikilahok sa mga
gawaing panlipunan. Pinagyayaman din ng mga samahang ito ang pagiging bukas ng mga tao sa
paniniwala ng iba at pagkilala at pagrespeto sa karapatang pantao. Ito ay mahalagang katangian ng
isang mabuti at aktibong mamamayan na lubhang napakahalaga sa isang demokrasya. Sa kabuuan,
ang civil society ay nakabubuti sa isang demokrasya. Binibigyan ng civil society ang mga
mamamayan ng mas malawak na pakikilahok sa pamamahala ng isang bansa. Sa pamamagitan ng
pag-engganyo sa mga mamamayan sa mga gawain ng civil society, masisiguro na magkakaroon ng
pananagutan ang bawat opisyal ng pamahalaan sa kanilang tungkulin (Bello, 2000).
To Vote or Not to Vote?
Isulat ang salitang To Vote kung maaaring bumoto ang sumusunod at
Not to Vote naman kung hindi. Isulat sa papel ang sagot.
______1. Si Kim ay isang Pilipino at isang rehistradong nars sa Amerika. Mahigit
sampung na taon na siyang naninirahan doon at regular ding nagbabakasyon sa
bansa.
______2. Nasakdal si Arturito sa isang krimen na may kaparusahang reclusion
perpetua subalit wala pa ring pinal na desisyon ang hukuman ukol sa kanyang kaso.
______3. Maglalabing-walong taong gulang si Alex sa darating na eleksiyon sa
Mayo.
______4. Mahigit tatlong dekadang nanirahan sa Europa si Rose bago niya
napagdesisyunang manatili na sa Pilipinas. Sa idaraos na halalang lokal sa susunod
na taon ay saktong isang taon na siya sa bansa.
______5. Isa si Ramil sa mga napatunayang nanguna sa rebelyon.
Alin sa Dalawa?
Tukuyin kung anong uri ng voluntary organization ang ipinakikilala sa
bawat bilang. Isulat sa papel ang PO kung people’s organization ito, at
NGO naman kung non-governmental organization.
______6. Bantay Kalikasan
______7. Pambansang Lakas ng Mamamalakaya sa Pilipinas
______8. Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators
______9. Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan ng
Pilipinas
______10. Haribon Foundation for the Conservation of
Natural Resources
“Ang Pilipinas ay isang demokratiko at
Republikanong Estado. Nasa mga
mamamayan ang kapangyarihan nito
at nagmumula sa kanila ang buong
pamunuan ng pamahalaan.”
- Artikulo II, Seksiyon 1, Saligang Batas ng 1987
THANK YOU!

You might also like