ESP9

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

NEW ILANG ACHIEVERS ACADEMY INC.

Km. 17 Brgy. Ilang Bunawan District, Davao City


Tel No. (082) 282 3738|niaaiofficial@gmail.com
Government Recognition R XI No. 13 s. 2009/ No. 003 s, 2012

ESP 9
Second Monthly Exam

Antonette D .Bermiso – Subject Teacher

Pangalan: ____________________________________________________ Iskor: __________________


Baitang/ Seksiyon: Grade9- Mt. APO Petsa: ___________________

Test I. Panuto: Basahin ang bawat pahayag at piliin ang tamang sagot. Bilugan ang letra ng napili mong sagot.

1. Saan nagmula ang salitang “karapatan” na sa wikang Ingles ay “right”?


a. Latin b. Aleman at Recht c. Hapon d. Hindu

2. Ang tao biniyayaan ng Diyos ng mga karapatan. Ang mga sumusunod ay mga karapatang ibinigay ng Diyos maliban sa _____.
a. Mangalaga sa kaniyang dignidad
b. Pagkakaroon ng buhay na kapaki-pakinabang
c. Pagtupad sa mga adhikain, mithiin at pangarap
d. Paglabag sa anumang pinatutupad na karapatan.

3. Sa anong salita nagmula ang salitang “ius” kung saan ito ay nangangahulugang “katarungan”.
a. Uistitia b. iuslasyon c. iustisyon d. uislokal

4. Ang salitang ito ay nangangahulugan na “ano ang para sa o dapat sa tao na maaaring maiugnay sa isang katungkulan”.
a. Dignidad b. lokalisasyon c. ius d. right

5. Ano ang batayan ng karapatan ng tao?


a. Dalamhati b. Moral c. Dangal d. Kasalanan

6. Ano ang ibig sabihin ng UDHR?


a. Universal Declaration of Health Rights
b. Universal Declamation of History Rights
c. Universal Declaration of Health Rites
d. Universal Declaration of Health Rights

7. Ano ang nilalaman ng UDHR?


a. Naglalaman ito ng mga pangunahing impormasyon tungkol sa Kasaysayan.
b. Naglalaman ito ng mga pangunahing karapatan ng isang tao.
c. Naglalaman ito ng mga pangunahing pagsasanay ng isang tao.
d. Naglalaman ito ng mga listahan ng mga taong maimpluwensiya.

8. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa klasipikasyon ng karapatan tungkol sa buhay?


a. Trabaho b. Kalusugan c. Pagbuo ng pamilya d. Pagkitil ng buhay

9. Sa anong artikulo nakasaad ang “Ang lahat ng tao’y isinilang na Malaya at pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan?
a. Artikulo 1 b. Artikulo 2 c. Artikulo 3 d. Artikulo 4

10. Sa anong artikulo mababasa ang “Ang bawat tao ay may karapatan sa buhay, kalayaan, at kapanatagan ng sarili?
a. Artikulo 1 b. Artikulo 2 c. Artikulo 3 d. Artikulo 4

11. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan ng buhay?


a. Iniiwasan ni Mila na kumain ng karne at matatamis na pagkain.
b. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Roa para sa mga biktima ng pang-aabuso.
c. Sumasali si Danilo sa mga isport na mapanganib tulad ng car racing.
d. Nagsimula ng soup kitchen si Fr. Josep Weljinski sa Peru para sa mga batang kalye.

12. Sa anong artikulo nakasaad ang “Walang sinumang pahihirapan o lalapatan ng malupit, makatao, o nakalalait na parusa”?
a. Artikulo 5 b. Artikulo 2 c. Artikulo 3 d. Artikulo 4

1|ESP 9
13. Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral upang umangat ang karera at maitaas ang antas ng
pamumuhay?
a. Karapatan sa buhay
b. Karapatan sa pribadong ari-arian
c. Karapatang maghanapbuhay
d. Karapatang pumunta sa ibang lugar

14. Si Darwin ay nagtatrabaho sa isang kompanya sa loob ng isang taon. Makalipas ang ilang buwan, hindi na pinapasahod si Darwin
sa tamang araw at lumalagpas na rin sa 8 oras ang kanyang pagtatrabaho. Anong karapatan ang nalabag ng kompanya?
a. Karapatan sa paghahanapbuhay
b. Karapatan na makapag-aral
c. Karapatan sa pag-aari
d. Karapatan sa pamilya

15. Anong karapatan na batay sa encyclical na “Kapayapaan sa Katotohanan” (Pacem in Terris) ang ipinakita ng tauhan?
Inilikas ni Joshue ang pamilya nila mula sa Mogul, Syria, patungong Greece upang takasan ang kalupitan ng mga sundalo ng
Islamic State.
a. Karapatang mabuhay
b. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay
c. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon.
d. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas

16. Si Mang Leonardo ay nasa itinalagang presinto ng araw ng eleksiyon para bumoto sa mga lokal na opisyal na kaniyang gusto.
Ilang saglit lang ay may taong lumapit sa kaniya at pilit na nag-abot ng pera. Binulungan siya nito na dapat niyang iboto ang isang
kandidato kapalit ng perang ibibigay nito ngunit tinanggihan ito ni Mang Leonardo. Ano kaya ang karapatang pantao ang nalabag
sa pahayag?
a. Karapatang magpahayag ng sariling kaisipan
b. Karapatang kumilatis ng tao
c. Karapatang bumoto ng kanididato
d. Karapatang magpasya

17. Sino ang nagsabi ng “Ang tunay na pinagmulan ng karapatan ay ang tungkulin. Kung ating gagampanan ang ating mga tungkulin,
hindi mahirap magkaroon ng karapatan. Ngunit kung ang tungkulin ay pababayaan, mawawala rin ang karapatan.”?
a. Albert Einstein b. Mahatma Gandhi c. Aristotle d. Confucius

18. Isinisigaw ang karapatan ng bawat mag-aaral ang makapag-aral ng libre, katumbas naman nito ang tungkuling _________.
a. Hayaang bumaba ang grado sa lahat ng asignatura.
b. Magampanan ng mahusay ang mga gawaing ibinigay.
c. Mag-aliwaliw kahit marami pang dapat gawin.
d. Sumabay sa mga pagtitipon para sa gagawing pagpupulong.

19. Tumigil sa pag-aaral ang magkapatid na Gio at Honeylyn na ang edad ay nasa 12 taong gulang at 15 taong gulang. Si Honellyn ay
namasukang kasambahay at namamasada naman si Gio buong maghapon para makatulong sa pamilya. Anong karapatan pantao
ang nalabag sa pahayag?
a. Karapatang makapag-aral
b. Karapatang makapagpahayag ng saloobin
c. Karapatang maghanapbuhay
d. Karapatang magsagawa ng matahimik na welga

20. Ano ang batayan ng karapatan ng tao?


b. Dalamhati b. Moral c. Dangal d. Kasalanan

Pagpapaliwanag: Basahin ang bawat tanong at ibigay ang iyong ideya tungkol ditto.

1. Ipaliwanag ang iyong mararamdaman kapag nalabag ang iyong karapatan.

2. Gaano kahalaga ang karapatan ng isang tao. Ipaliwanag.

2|ESP 9

You might also like