Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Page 1 of 4

Iloilo City Community College


Modyul 4 – Himayin ang Ibig Sabihin
(Pagbasa sa Tekstong Akademiko at Propesyonal)

Takdang Panahon: Isang Linggo

I. Layunin:
Pagkatapos ng modyul ako ay inaasahang:
a. Nakikilala ang kaugnayan ng pagbasa ng mga tekstong akademiko at propesyonal,
b. Nakasasagawa ang ang makrokasanayang pagbasa, at
c. Nasusuri ang mga piling tekstong akademiko at propesyonal.

II. Materyales
Smartphone, internet access, ballpen, at yellow pad paper

III. Gawaing Pampagkatuto

a. Pukaw-Isip

Ibang pag-unawa ang kailangan sa pagbasa ng mga tekstong akademiko at propesyonal gaya sa
Matematika, Agham Panlipunan, Pilosopiya at iba pa. Sinasabing ang mga disiplinang ito ay irganisadong
lipon ng mga kaalaman na may sinusunod na metodo o proseso. Hindi basta medalling unawain ang
pagkakaugnay ng mga konsepto, tukuyin ang pangunahing ideya at iba pang sumusuportang detalye.
Kadalasan, nauuwi tuloy ito sa pagmememorya ng mga datos sa halip na malalim nap ag-unawa sa teksto.
Dahil dito, kailangan nating malaman ang katanginan ng mge tekstong akademiko nang gayon madali
nating maiintindihan, ika nga, ang ibig nitong sabihin (Constantino et al., 2013).

b. Gaod-Kaisipan

Ang mga propesyonal na teksto ay yaong mga akda, sulatin, riserts at mga nakalimbag na material na tumatalakay
sa isang larangan/propesyon at sinusulat ng mga esperto sa kani-kanilang larangan tulad ng mga medikal jornal, law
jornal, sayans jornal, riserts jorna at iba pang lathalain na dumaan sa mabalasik na pamamaraan na pagririserts at
ito’y “refereed” ng panel, editor, konsoltanto ng iba pang dalubhasa sa nabanggit na larangan. Ito’y bunga ng
mahabang panahong pag-aaral o pananaliksik sapagkat may gustong patunayan, pagtibayin o kaya’y
may bagong kaalamang gustong ipabatid.

Ang mga tekstong akademik ay mga forum ng sulatin na karaniwan’y prosal na naglalahad o tumatalakay sa isang
partikular na sabjek na sinusulat ng mga mag-aaral sa unibersidad. Ang mga itoy impersonal, semi-formal, presays
at obhetibo. Ang mga nagawang teksto ng mag-aaral bilang bahagi ng “requirement” o kahingian ng kayang guro sa
loob ng klasrum – sanaysay, kwento, talambuhay, at iba pa ay maituturing na akademik na teksto.

Ang mga akademikong sulatin ay kailangang maglitaw ng mga sumusunod:

●Katotohanan – ito’y tanggap ng tao dahil hindi peyk at walang pagkukunwari.


●Ebidensya – ang katotohanang gustong palitawin ay nasusuportahan ng mga ebidensya’t katibayan.
●Balanseng tritment – kailangan irepresenta ang mga arsersyon, argumento at puntos na nyutral, seryoso, at
hindi emosyonal na lenggwahhe sapagkat hindi lahat ng tagabasa ay maaaring sumang-ayon sa iyong
palagaya. Maaring magpresenta ng mga pabor at hindi pabor hinggil sa tinalakay na paksa.
Katangian ng Teksto sa Akademikong Disiplina (Roe et al, 1998)

1.Kronolohikal na ayos
2.Nagbibigay-kahulugan at paliwanag
3.Naghahambing at sumasalunagt
4.Tumatalakay sa sanhi at bunga ng mga pangyayarii o gawiang inilahad
5.Naglalahad ng suliranin at solusyon dito

Proseso sa Pagbasa ng Tekstong Akademiko at Propesyonal

1.Alamin ang dati nang alam tungkol sa paksa.


Modyul 4 – Himayin ang Ibig Sabihin Inihanda ni:
(Pagbasa sa Tekstong Akademiko at Propesyonal) KENT FREDERICK G. GOLE, LPT,
MAED
Guro sa Filipino
Page 2 of 4

2.Organisahin ang mga ideya. Igawa ng grid at iklasipika ang mga ideya.
3.Intindihin at suriin ang mga datos, mga ideya at mga ibidensya.
4.Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang ginamit ayon sa kontekstong pinaggagamitan nito.
5.Pag-ibahin ang katotohanan sa opinyon.
6.Bumuo ng mga imperensya. Ito’y pagbuo ng mga pahayag mula sa mga hindi direktang ideya at datos na
nakalap.
7.Unawain at tukuyin ang pangunahing ideya kumoara sa di-pangunahing ideya.
8.Magbigay ng sariling opinyon.

Agham Panlipunan

Tumatalakay sa mga relasyon ng mga tao sa kanilang sarili, sa kapwa, at sa kanilang kapaligiran. Sinusuri sa mga
larangang ito ang mga naturang relasyon mula sa kanya-kanyang pananaw at metodo ng bawat disiplina. Sakop nito
ang Kasaysayan, Antropolohiya, Heograpiya, Ekonomiks, Sikolohiyang Panlipunan, Pilosopiya, Agham Pampulitikal,
at Sosyolohiya.
Karaniwang kinukuha ang datos sa Agham Panlipunan mula sa mga eksperementasyon, obserbasyon, mga
sarbey, at mga dokumento. Sinusuri ang mga datos na nakalap at pagkatapos ay gumagawa ng mga konklusiyon
mula sa mga inorganisa at sinuring datos. Karaniwan, ang datos na kinokolekta ay hindi obhetibo at empirical.
Ginagamit, halimbawa ang motibasyon, emosyon, at mga opininyon bilang datos kung kaya’t hindi ito basta
nasusulat. Ang konklusyon ay higit na tanong kaysa solusyon ang inilalatag.

Agham

Ang mga tekstong pang-Agham ay nagmumula sa mga disiplinang pinag-aralan ang mga kapaligirang natural at
pisikal, gayang kalawan (Astrolohiya), mga organism at proseso ng buhay (Biyolohiya), mga matter at substansiya
(Kemistri), ang kalupaan (Heolohiya), interaksyon ng matter at enerhiya (Pisika), at pagbibilang at pagsukat na
ginagamit sa mga pag-aaral sa mga larangang ito (Matematika).
May apat na uri ng sulatin sa Agham na ginagamitan ng iba’t ibang lapit sa pagbasa: artikulo sa mga pahayagan at
magasin; artikulo sa mga popular na dyornal na pang-Agham; teksbuk; at artikulo sa mga dyornal at pananaliksik sa
Agham. Kailangan ang siyentipikong pag-iisip dahil maikli, tuwiran, at makahulugan ang pagtatalakay sa mga teksto.
Empirikal at obhetibo ang mga datos sa agham kung kaya’t walang espasyon ang sariling opinyon at haka-haka
kung hindi mapapatunayan ng ebidensya.

Matematika

Ang estilo ng pag-iisip sa Matematika ay nangangailangan ng pagmomodelo o huwaran at abstraksyon. Mataas na


antas ng literasya ang kailangan upang maunawaan ang Matematika. Kailangan ang ibayong karanasan sa
pakikinig, pagbabasa, pagsasalita, pagsulat, pagbubulay-bulay at pagbibigay ng huwaran sa pagpapahayag ng mga
ideya. Mahigit na kailanga ang prosesong kognitibo o masusing pag-iisip. Parehong kaalaman sa linggwisitika at
matematika – salita at simbolo ang kailangan upang maunawaan ang akdang pang-Matematika. May mga salita sa
Matematika na naiba ang kahulugan sa ibang disiplina tulad ng odd, count, power, at iba pa. May apat na uri ng
depinisyon ng terminolohiyang ginagamit sa Matematika: 1) pormal na depinisyon; 2) paglilista ng mga katangian o
karateristik; 3) ginawang sampol o simulated example; at tunay na halimbawa o real-world example.

Literatura

Ito ay malikhaing pagpapahayag ng magy-akda ng kanyang kaisipan at karanasan na kung hindi man sarili niyang
karanasan ay karanasang namamasid niya sa ibang tao sa kanyang paligid. Dahil sa pangyayari sa literature ay
naglalarawan ng mga tunay na karanasan sa buhay na maaaring katulad sa sariling mong karanasan o kung hindi
man ay nakakapulot ka ng aral na gusto mong gawin sa sarilin mong buhay.

Ilang proseso sa pagbabasa ng literature bilang tugon o reaksyon sa nabasa:


1. Deskripsyon – pagpapahayag sa sariling mga salita ng kabuuan ng kuwento.
2. Diskriminasyon – pagsusuri sa kaibahan ng uri ng panitikan, tema, at iba pang element ng pagsulat.
3. Relasyon – pagtukoy sa ugnayan ng tagpuan at banghay sa kuwento.
4. Interpretasyon – ang pagbibigay-kahulugan sa mga kaisipan ng may-akda at pagbibigay-katwiran sa sariling
interpretasyon.
5. Heneralisayon – pag-unawa sa nilalaman ng isang panitikan na nagiging tulay upang mauunawaan ang
ibang lathalain.
6. Ebalwasyon – pagsusuri kung maganda o hindi ang panitikan ayon sa kriterya o pamantayan tulad ng
lemento ng karakterisasyon o katangian ng mga tauhan.

Modyul 4 – Himayin ang Ibig Sabihin Inihanda ni:


(Pagbasa sa Tekstong Akademiko at Propesyonal) KENT FREDERICK G. GOLE, LPT,
MAED
Guro sa Filipino
Page 3 of 4

7. Halagahin – paghuhusga sa panitikan samga halagahin o pagpapahalaga na inilarawan sa akda kung


makatotohanan batay sa sariling karanasan o angkop sa sariling pagpaaphalaga.
8. Paglikha – karaniwang nahihikayat ang mambabasa na lumikha ng sariling sining batay sa tema ng
kuwento tulad ng awit, dula-dulaan o sayaw at iba pa.

Tula – nagtataglay ito ng ritmo, tugmaan, imahen at iba pa pang element sa paglalarawan ng ideya at tema. Maikli at
malinaw ang mga salitang ginagamit. Naipapahayag ang kaisipan, damdamin ng makata at nalilikha ito ng iba’t ibang
imahen o larawang-diwa sa isip ng mambabasa. Higit na sinusuri ang ula sa kung paano nito ipinapahayag ang
damdamin at kaisipan kaysa kung ano an gang ipinapahayag nito. Binubuo ito ng tunog ng wikang binibigkas at
piguratibong salitang ginagamit.

Nobela - para mabigyang-halaga ay hindi lang binabasa at ginagawan ng buod. Higit pa sa pagsagot sa tanong na
ano, mahalagang sagutin sa pagbasa ng nobela ang mga tanong na Bakit, Paano, at Gaano. Paraan sa pagbasa ng
nobela:
1. Suriin ang teksto ay sa mga sumusunod:
Ano ang pangunahing punto ng awtor? Ano ang layunin? Para kanino ang nobela? Paano binibgyang-
katwiran ang pangunahing punto? Gaano kahalaga ang mga patunay para pangatwiran ang punto?
Ano ang mga batayang kaisipan, pinapatunayan o ipinaglalaban ng awtor?

2. Gumamit ng mga pamamaraang tutulong sa pagsusuri ng teksto gaya ng sumusunod:


a. Pagtukoy at pagpapaliwanag ng mga ideya ng awtor.
b. Pagbibigay ng sariling opinyon-sinasang-ayunan o hindi ang mga argumento at bakit.
c. Paggamit ng mga patunay sa mga ideya na support sa sariling opinyon gaya ng mga linya o
bahagi ng nobela na maaaring sipiin, isalin, ibuod o kaya’y gawing hawig; paggamit ng mga sipi
mula sa ibang awtor; pagbibigay ng sariling kongkretong halimbawa batay sa karanasang
pansarilin o karanasan ng iba, atbp.

Tekstong Pang-Humanidades

Hindi madaling magbasa ng teksto sa Humanidades dahil karaniwang ay interpretatibo at subhetibo ito kung kaya’t
kailangan ang sapat na kaalaman at kasanayan sa argumento at katwiran

Binubuo ng mga larangan ng literatura, pilosopiya (bagama’t isinama ito sa agham panlipunan sa ibang unibersidad)
at sining (Arte, Musika, Pintura, Sayaw, Sine, Potograpiya, atbp).

Karaniwang tatlong anyo ang mga tekstong pang-Humanidades:

1. Nagbibigay ng impormasyon o ekspositoriyo – maaring ito’y faktwal, deskriptibo o naglilinaw ng proseso.


2. Nagpapahayag ng imahinasyon o imahinatibo o panitikan – karaniwan ito sa pagsusuri ng fiksyon (nobela,
maikling kuwento) – tinutukoy at sinusuri dito ang mga karakter, ang banghay o plot o tema, tagpuan, wika.
3. Nanghihikayat o nagsusuri – ginagamit ito sa kritisismo o kaya’y sa argumento kung saan tinitingnan kung
ang datos ay makatotohanan o opinyon, paraan ng pagpapahayag ng argumento at paraan ng
pagpapahayag ng mga inperensya at konklusyon.

IV. LAPAT – SURI

Panuto: Tunghayan ang teksto sa ibaba at sundin ang kasunod na gawain:

Tubig-ulan
(Rain Water)
Una, isipin mo kung saan nanggaling ang tubig-ulan. Ang sagot ay taaw (ocean), dagat (sea), lawa
(lake), at iloy. Ang tubig doon ay nakararating sa itaas sa paraang pagsingaw (evaporation). Ibig
sabihin, ang magkakasamang molecule ng H2O ay naghihiwalay sa tulong ng init. Ang enehiyag dulot
ng init ay ginagamit ng mga molecule upang magapi ang kanilang akit sa isa;t isa, at tuloy maging
singa (vapor). Magaan ang singaw-tubig. Sa ibang salita, ang kanyang density ay hamak na maliit
kaysa lusaw na tubig (liquid water). Bukod ditto, ang mga molecule ay masigla (energetic) dahil sa init,
kaya tuloy-tuloy na paitaas at nagiging alapaap (cloud).

Sa ganitong pagsinagw, ang mga kahalo ng tubig-taaw at iba pa, ay naiiwan sa kanilang
pinanggagalingan pagkat hindi volatile ang mga ito. Ang singaw-tubig sa alapaap ay dalisay, o halos
Modyul 4 – Himayin ang Ibig Sabihin Inihanda ni:
(Pagbasa sa Tekstong Akademiko at Propesyonal) KENT FREDERICK G. GOLE, LPT,
MAED
Guro sa Filipino
Page 4 of 4

puro molecule na H2O. Kapag nalamigan ito doon, nawawala ang kanilang sigla na dulot ng init, kaya
namamayani uli ang akitan ng mga molecule. Muling nagsasama ang mga ito at nagiging lusaw na
tubig. (Alalahanin mo na hindi nawawala ang likas na akitan ng mga molecule, kundi nagagapi lamang
ang enerhiyang init). Dense ang tubig kaysa hangin kaya bumabagsak bilang ulan. Pagkat dalisay at
walang kahalong magbibigay-lasa, matabang ang tubig-ulan. (Panimulang Kemistri, Q.C. UP Sentro ng
Wikang Filipino)

Tukuyin ang mga katangian ng tekstong akademiko na nakapaloob sa artikulong binasa. Ilagay ang
mga ito sa grid. Isulat ito sa sagutang papel.

Kronolohikal na ayos ng mga


konsepto Konseptong binibigyang-
Sanhi at Bunga
kahulugan at pinapaliwanag

V. KARAGDAGANG GAWAIN

Magtala ng 20 teknikal na salita alinman sa larangan ng matematika, agham, agham panlipunan,


pambatasm panghumanidades at isalin ito sa wikang Filipino. Gumawa ng isang pamphlet sa mga
natipong salita o termino. Ayusin ang mga ito sa paraang paalpabeto.

Rubriks:

Pamantayan %

Malikhain 30%

Natatangi at hulwaran 20%

KABUUAN 50%

Ipasa ito darating na ika-14 ng Marso, 2022 sa guard house. Ilagay sa box.

Modyul 4 – Himayin ang Ibig Sabihin Inihanda ni:


(Pagbasa sa Tekstong Akademiko at Propesyonal) KENT FREDERICK G. GOLE, LPT,
MAED
Guro sa Filipino

You might also like