Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Sambawan Island Tara Na!

Gusto kong maglakbay sa iba't ibang lugar na may iba't ibang tanawin kahit noong bata pa ako. Lalo na ang
mga lugar na patok sa mga turista, mga taong lumaki sa lugar na iyon at may magagandang alaala dito. Hindi ko
ito ginagawa para magbakasyon at muni - muni, kundi para malaman kung saan at paano kilala ang lugar na
iyon.

At bakit tinatangkilik at binibisita ito ng mga turista. Napakasayang


gawin ito kasama ang iyong mga mahal sa buhay, lalo na ang
Pamilya . Dahil ang pamilya ang pinakamahalaga at
pinakamagandang regalo na mayroon tayo, ito ang maaari nating
lapitan kapag tayo ay may problema.

Isa sa mga napuntahan kong lugar kasama ang aking pamilya ay


ang Sambawan Island, matatagpuan 5km ng kanlurang baybayin ng
Maripipi Municipality, sa timog ng dagat ng Samar, ay mabilis na
nagiging pinaka-binibisitang atraksyon ng mga turista. Ang semi-
curved beach na may nagtataasang rock formations na natatakpan ng berdeng damo bilang backdrop ay
lumilikha ng bula ng pantasya na pumapasok ka sa ibang dimension.

Ito ay isa sa mga sikat na islsa sa aming probinsya. Kilala din ito bilang isa sa may pinaka magandang dagat at
isang marine sanctuary at isang sikat na dive site. Mayroon itong malawak na kayamanan ng marine life,
magandang visibility at corals na nasa mabuting kondisyon. Madalas ding matatagpuan doon ang mga pagong,
sea snake at reef shark. Ang kasalukuyang ay banayad at angkop para sa lahat ng hanay ng mga maninisid.

Pinuntahan namin ito noong ika 14 ng Mayo taong 2018 gamit ang
aming bagong sakayan pandagat. Alas nuwebe ng umaga kami nag
simulang mag layag, ang kaibigan ng aking ama nag maneho ng sakayan
pandagat. Kasama namin magpamilya ang aming dalawang kasambahay
at ang aking tiyahin, ngunit iniwan namin ang aking nakababatang
kapatid dahil siya ay isa at kalahating taong gulang palamang. Nang
kami ay nasa gitna na ng dagat ay medyo malalaki na ang alon at kami
ng aking tiyahin ang magkatabi, siya ay hindi marunolng lumangoy kaya
ang kanyang alalahanin ay kanayang ginawang katata-tawa na lamang.

Nang kami ay dumating na sa isla, nag bayad muna kami ng entrance fee
at isang “cottage”at naghanda na kami para kumain na, nag kwantuhan
mna kami ng iba’t ibang bagay nang mga ilang minute. At pagkatapos
kumain ay nag ligpit muna kami ng among pinag-kainan. Kami ay naligo na sa dagat pagkalipas ng ilang
minuto, napakainit ng panahon ngunit hindi ko ito naramdaman nang ako ay lumusog na sa dagat. May dala na
malaking payong ang aking tiyahin at kami ng aking mga magulang ay nakisilong narin sa kanya.

May mga iba’t ibang klase ng isda kaming nakita sa ilalim ng dagat gamit ang salaaming pandagat. Kasama ko
ang aking nakatatandang kapatid at isa naming kasambahay na sumisid sa ilalim ng dagat. Napakasaya ko sa
mga oras na iyon dahil hindi palagi na ikaw ay may makikitang magaganda at iba’t ibang klase ng isda, kahit
hindi ka sumisid ay makikita muna sila, hindi nga lamang malinaw.

Pagka lipas ng ilang minuto kumain ulit kami dahil nagutom sakaka-sisid. Nagpa-hinga muna kami saglit
pagkatapos ay sumisid ulit. Pagkalipas ng ilang sandal pumunta kami sa tuktok ng isla dahil may bahay kubo
duon na nakakuha mismo ng atensyon sa mga turista. At ang tuktok talaga mismo ng isla ang palaging
pinipuntahan ng mga tao na pumupunta doon dahil sa tanawin
galing sa itaas.

Maka-lipas ang isang oras kami ay bumaba na galing tuktok at


nag ligpit na ng aming mga kagamitan at nilaga ang mga ito sa
loob ng sakayan panadagat. Kami ay nag babad muna ng ilang
minuto sa dagat.

Nang kami at pauwi na nag “picture picture” muna kami ng mga


ilang minute hanggang sa hindi na naming namalayan ang oras.
Nang kami ay nag simulang maglayag pauwi ay medyo
malalaki na ang mga alon kaya dahan dahan lang ang aming pag papa-takbo ng sakayan pandagat.

Kami ay naka uwi rin makalipas ang halos isang oras na paglalayag. Pag tapos ng aming pasyal ay nalaman ko
rin kung bakit ito pinu-puntahan nga mga turista.
.

You might also like