Pagtatapos 2023 Script

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAGTATAPOS 2023

Pagbibigay ng Hudyat sa Pagsisimula ng Palatuntunan

Sa loob po lamang ng ilang minuto, ang Araw ng Pagtatapos 2023 ng paaralang Elementarya ng Panungyanan, ay
magsisimula na. Hinihiling po namin ang pakikiisa ng lahat, upang manatili ang kaayusan, at katahimikan ng pagsasagawa
ng palatuntunan.

Mangyaring iwasan po natin ang paulit-ulit na pagtayo sa ating kinaroonan, at ang paggawa ng anumang kilos na
pupukaw sa atensyon ng mga taong magsisipagganap sa palatuntunan.

Panimula:

Isa pong kaaya-aya at pinagpalang araw po sa inyong lahat! Mabuhay!

Ang Pagtatapos ay isa sa pinakainaabangang sandali ng ating mga mag-aaral mula sa ika-anim na baitang. Gayundin ang
kanilang mga magulang na masasaksihan ang isa sa pinakamahalagang pangyayaring ito sa kanilang mga buhay: ang
pagmamartsa ng kanilang mga minamahal na mga anak tungo sa tagumpay.

At ngayong ikalabingisa ng Hulyo dalawang libo’t dalawampu’t tatlo, ay masasaksihan natin ang kanilang pagmamartsa
tungo sa susunod ng yugto ng kanilang buhay.

Prosesyonal

Para sa unang bahagi ng palatuntunan, inaanyayahan ko po na tumayo ang lahat para sa prosesyonal. Saksihan po natin
ang pagpasok ng mga batang magsisipagtapos sa taong panuruang 2022-2023 sa Paaralang Elementary ng Panungyanan
kasama ang kanilang mga magulang, mga guro, ulong guro, kinatawan ng mga pinuno, tagapangasiwa ng programa sa
edukasyon, tagamasid at panauhin.

……………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………

Ikalawang Bahagi:

Bilang pagbubukas ng palatuntunan manatili po tayong nakatayo para sa pagpasok ng mga kulay na pangungunahan ng
mga batang iskawt. Susundan ng pag-awit ng LUPANG HINIRANG sa pagkumpas ni Gng. Emma A. Del Mundo, guro sa
Kinder, at Panunumpa sa Watawat na pangungunahan ni Marlou D. Casimero, mula sa Ika-anim na Baitang Pangkat
Matapat, pag-awit ng Himno ng General Trias na muling kukumpasan ni Gng. Emma A. Del Mundo at ng Panalangin na
pamumunuan ni Jhenarie R. Carta, mula sa Ika-anim na Baitang Pangkat Magalang.

Pagpasok ng Kulay - Iskawt

Lupang Hinirang – Ma’am Emma

Panunumpa sa Watawat – Marlou

Gen. Trias Hymn – Ma’am Emma

Panalangin – Jhenarie

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Maari na pong maupo ang mga magulang habang ang mga bata ay manatili lamang nakatayo para sa Pambungad na
Awit.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Masasaksihan po natin ngayong hapong ito ang pagtatapos sa Paaralang Elementarya ng Panungyanan. Malugod ko pong
ipinababatid na sa mahalagang pagdiriwang na ito ay kapiling natin ang
__________________________________________________________________________________________________

PAMBUNGAD

Sa puntong ito, ay salubungin natin ng masigabong palakpakan ang ating mahal na Ulong Guro II na si Gng. Editha M.
Guarin para sa kanyang pambungad na pananalita.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Maraming salamat, Gng. Edith sa iyong mainit na pambungad sa aming lahat sa hapong ito.

MGA PAGBATI

Ngayon naman ay isang pagbati ang ating mapapakinggan mula sa ating Pangalawang Punong Lungsod ng General Trias.
Isang masigabong palakpakan para kay Kgg. Jonas Glyn P. Labuguen.

……………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………

Maraming salamat sa iyong mensahe, Kgg. Jonas Glyn P. Labuguen.

Isa pang pagbati ang ating mapapakinggan mula sa ating Punong-Lungsod, Kgg. Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV. Isang
masigabong palakpakan!

……………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………

Maraming salamat sa inyong mensahe, Kgg na Punong-Lungsod.

Isang karangalan ang maituturing na siya ay ating makapiling ngayong pagtatapos upang bigyan ng malugod na pagbati at
mapanghamong mensahe ang ating mga batang magsisipagtapos. Tinatawagan ko po ang ating masipag at
kapitapitagang Kinatawan ng ika-anim na Distrito, Kgg. Antonio “Ony” Ferrer. Isang masigabong palakpakan!

……………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………

Maraming salamat po sa lahat ng nagbigay ng kanilang mensahe para sa ating mag-aaral na magsisipagtapos. Hindi
matatawaran ang dedikasyon ninyo upang maghatid ng inyong mga pagbati!

……………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………

PAGPAPATUNAY AT PAGPAPATIBAY NG PAGTATAPOS

Ngayon naman po ay dadako na tayo sa pagpapakilala ng ating Ulong Guro na si Gng. Editha M. Guarin ng mga batang
magsisipagtapos, pagpapatunay ng ating Tagamasid Pampurok ng Cluster 1 na si G. Bienvenido C. Ferrer Jr. at ng
pagpapatibay ng ating tagapangasiwa ng programa sa edukasyon na si Gng. Heide Alaine Tahir, ang kanilang pagtatapos
sa Taong Panuruan 2022-2023 sa Paaralang Elementarya ng Panungyanan.

Para sa pagtatawag ng mga pangalan ng mga batang magsisipagtapos, tinatawagan ko po ang mga gurong taga-payo ng
ika-anim na baitang. Uunahin natin ang pangkat Magalang na tatawagin ni Gng. Merlyn M. Cubilla.

……………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………

Isang maligayang pagbati mga mag-aaral! Kayo ay nagsipagtapos na! Inaasahan nmin na ipapagpatuoy nyo ang inyong
nasimulan tungo sa magandang kinabukasan. Malayo pa man, ay malapit na rin. Isang masigabong palakpakan!

Dadako naman po tayo sa paggawad ng medalya sa mga mag-aaral na magsisipagtapos ng may karangalan kasama ang
kanilang mga gurong tagapayo at kanilang mga magulang.
……………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………

Isang masigabong palakpakan para sa ating mga mag-aaral na nagkamit ng may karangalan!

Ngayon naman po ay pababaunan ang mga nagsipagtapos ng mahalagang mensahe mula sa atingq panauhing pandangal
na ipakikilala ng atin ng ating Dalub-guro na si Gng. Naneth M. Cruz, guro sa ika-anim na baitang.

MENSAHE NG PANAUHING PANDANGAL

……………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………

Maraming salamat Bb. Angelica A. Martho sa iyong napakahalagang mensahe na ibinahagi sa amin sa araw na ito.
Natitiyak po naming na ang iyong mensahe ay magsisilbing inspirasyon at gabay sa pagtahak ng bagong landas ng
pakikipagsapalaran tungo sa maunlad na kinabukasan ng mga batang nagsipagtapos sa araw na ito. Mapapatunayan
natin na ang mga Gradweyt ng K-12 ay talagang hinubog sa matatag na edukasyon. Bigyan po natin sya ng masigabong
palakpakan!

Bago tayo dumako sa susunod na bahagi ng ating palatuntunan, tatanungin ko muna kayo kung paano kayo
nagpapasalamat sa wikang Englis? Paano naman kayo nagpapasalamat sa wikang Nihonggo o salita ng mga hapones?
Paano naman sa wikang korean? Wow, ang gagaling.

Ngayon naman aalamin natin at pakikinggan ang pananalita ng pasasalamat ni Chloe A. Dela Cruz, batang nagkamit ng
karangalan mula sa ika-anim na baiting pangkat Magalang!

……………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………

Maraming salamat, Chloe A. Dela Cruz sa iyong makabuluhang pasasalamat. Alam naming iyon ay mula pa sa kaibuturan
ng iyong puso. Isang maligayang pagbati sayo.

Hinihiling ko na magsitayo ang mga nagsipagtapos para sa kanilang Panunumpa ng Katapatan sa pangunguna ni Rodel
Ray A. Bautista, batang may karangalan mula sa ika-anim na baiting pangkat Matapat.

……………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………

Ngayon po’y pakinggan natin ang Awit ng Pagtatapos na ihahatid sa ating mga mga batang nagsipagtapos!

……………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………

Pakinggan naman po natin ngayon ang pangwakas na pananalita mula sa Pangulo ng samahan ng mga guro ng ating
paaralan na Gng. Merlyn M. Cubilla. Isang masigabong palakpakan.

……………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………

Ikatlong bahagi:

Sa ngalan po ng pamumunuan ng aming paaralan at mga guro, taos-pusong binabati naming ang mga nagsipagtapos, ang
kanilang mga magulang, mga gurong pumatnubay at lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga tumulong,
nagbigay ng mga medalya at gantimpala, mga panauhing nagsidalo at nakiisa, sa pagtatapos na ito.

Maraming-maraming salamat po at mabuhay tayong lahat. Ako po si Juliet S. Ursabia ang inyong Gurong Tagapagdaloy.

Para sa ating resesyona, pangungunahan po ito ng paglabas ng mga Kulay, susundan ng mga panauhin, pangalawang
tagapamanihala, pinunong namamahala sa sangay, pungguro, puno ng kagawaran, magulang, guro at nagsipagtapos.

IN CASE:
Bago ang pangwakas na Awit, malugod po naming ipinababatid na kapiling din natin ngayon sina ___________________,
____________________. Kanin apo lamang ay kapiling din natin si _________________ subali’t dahil po sa iba pa niyang
“commitments” ay nagpasabi po siyang hindi na niya tatapusin ang seremonyang ito.

You might also like