Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

GE 319: RIZAL’S LIFE AND WORKS (PRELIM)

AKTIBIDAD 2: ANG PANAHON NI RIZAL

UNANG BAHAGI

Pagbabago sa Ika-19 na Siglo Relasyon sa Buhay ni Rizal

1. Ekonomiya Free Trade- Ports open to World Nabigyan ng pagkakataon ang


Trade mga batang Pilipino na
makapagaral at isa na rito si Dr.
Jose Rizal. Dahil sa edukasyon
nalaman ni Rizal sa mga
kamaliang ginagawa ng mga
Espanyol na nagmulat sa kanyang
pagiging nasyonalismo.
2. Politika The conflict between Liberals and Nabuhay ang pagiging
Conservatives – failure to make nasyonalismo ng bawat Pilipino
consistent policies, political dahil sa korupsyon at ito rin ang
stability. naudyok kay Rizal managawan
patungkol sa reporma, polisiya ng
ating gobyerno
3. Sosyo-Kultura Higher Education, Experience of Isa si Dr. Jose Rizal sa mga
Filipino students in Spain, Interest illustrado na nakapagaral sa
in Filipino Past kolehiyo at ang nakarasan na
makapunta sa Espanya at dahil
dito ay nakita niya ang Karapatan
at Kalayaan ng bawat Espanyol
na nais niyang matamasa rin ng
bawat Pilipino kaya nabuhay ang
kanyang dugong nasyonalismo.

IKALAWANG BAHAGI

1. Obserbahan ang iyong paligid at mga naging karanasan. Mula rito ay magbigay ng aktwal na
halimbawa ng hindi patas na pagtrato na iyong naranasan sa iyong pamilya o komunidad.

Naniniwala ako na lahat ng tao ay nakaranas ng hindi pantas na pagtrato. Base sa aking sariling karanasan sa
aming baranggay, kailangan kong kumuha ng barangay id para sa aking scholarship ngunit ayon sa kanila ay
kailangan ko muna magparehistro para sa darating ng eleksyon sa mismong bayan ng Bae. Ngunit nagkwento
saakin ng aking kaibigan na nakuha na sila ng barangay id kahit hindi pa sila rehistrado dahil kamag-anak
daw nila yung mga nagtatrabaho sa baranggay na para sakin ay hindi naman sadyang makatarungan dahil
kung ano ang patakaran na kanilang pinapatupad ay dapat ay sinusunod ng lahat ng tao sa aming baranggay.

2. Ikumpara ang hindi patas na pagtrato na iyong naranasan sa hindi patas na pagtrato sa panahon ni Dr.
Jose Rizal. May mga pagkakatulad o pagkakaiba ba? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Para sakin, ang naranasan kong hindi patas na pagtrato ay malaki ang pagkakatulad noong panahon ni Dr.
Jose Rizal. Naniniwala rin ako na simulat simula ay ganito na ang nararanasan ng ibang mga Pilipino at
nakadipende ang pagtrato sa estado ng buhay at kapangyarihan ang meron ang isang tao. Kaya kung ikaw ay
may kapangyarihan at malakas ang kapit sa may mga kapangyarihan ay malaki ang iyong kalamangan sa iba.
3. Sa iyong palagay, ano ang ugat ng inhustisya at hindi pagkakapantay-pantay na patuloy na nangyayari
sa lipunang Pilipino? Ipaliwanag.

Ang ugat ng inhustiya at hindi pagkapantay-pantay na pagtrato sa iba na patuloy na nangyayari sa ating
lipunan ay ang paggamit ng mali sa kapangyarihan. Dahil ang kapangyarihan ay isang kalamangan sa isang
ordinaryo tao, kung ikaw ay may kapangyarihan ay malaki ang iyong impluwensya at kakayahan na tumulong
sa mga ordinayo tao. Ngunit aminin man natin o hindi, hindi lahat ng kapangyarihan ay nagagamit ng tama ,
kadalasan ito ay nagagamit sa mali kaya dahil dito nangyayari ang hindi pantay pantay na pagtrato sa bawat
tao.

4. Batay sa iyong nabasa at narinig patungkol kay Dr. Jose Rizal, suriin ang kanyang paninindigan sa
pagkakapantay-pantay at hustisya. Maaari ba siyang maging modelo ng pagkakapantay-pantay at
hustisya para sa mga Pilipino? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Si Dr. Jose Rizal ay isang halimbawa o maituturing nating modelo ng pagkapantay pantay at hustisya para sa
mga Pilipino. Siya ang halimbawa ng may kapangyarihan na ginagamit ito sa tama malaki ang kanyang
natutulong at malaki ang kanyang impluwensya sa mga Pilipino. Siya rin ang nagmulat at lumaban para sa
ating mga karapatan bilang isang tao at Pilipino. Gamit ang kanya mga likha, sinulat inilahad niya ang mga
pangyayari na hindi pantay na pagtrato sa mga tao noong panahon nya.

You might also like