Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 54

0

HUBILEYO NG PAMANANG
KULTURAL
Ang Buwan ng Nobyembre ay itinalaga bilang Hubileyo ng Pamanang
Kultural (Cultural Heritage) sapagkat ito ang panahon kung kalian (a)
ginugunita natin ang mga yumao [Undas—Nobyembre 1] at (b) ipinagdiriwang
ang anibersaryo ng Diyosesis ng San Pablo [Nobyembre 28].

Sa pagnanais ng Obispo Bueneventura Famadico na mas paigtingin ang


pagkakakilanlan natin bilang isang diyosesis, itinakda niya ang Nobyembre 26-28
bilang triduo na pagdiriwang ng anibersaryo ng Diyosesis ng San Pablo na
ipagdiriwang taon-taon sa lahat ng parokya. Sa taông ito, ang hanay ng mga
gawain ay ang sumusunod:

NOBYEMBRE 26
 Banal na Oras para sa Pagbabayad-puri sa mga Kasalanan—sa
araw na ito ay ihihingi ng kapatawaran ang mga kasalanan at
pagkukulang ng mga kasapi ng Simbahan (pari, madre, at layko) sa
pagganap sa kanilang tungkulin bilang mga katiwala ng Kaharian ng
Diyos.
NOBYEMBRE 27
 Misa para sa mga Yumaong Lingkod ng Simbahan—mag-aalay ng
Sakripisyo ng Misa para sa mga pari at layko na naglingkod at nag-
alay ng sarili sa Simbahan. Sa araw na ito ay babasbasan rin ang Book
of Remembrance kung saan nakasulat ang pangalan ng mga
yumaong lingkod-layko ng parokya.
NOBYEMBRE 28
 Misa Pasasalamat at Pagpapasinaya ng Wall of Remembrance—sa
araw ng anibersaryo, iaalay ang isang Misa-pasasalamat para sa ika-
55 anibersaryo ng diyosesis. Babasbasan at papasinayaan din ang
Wall of Remembrance kung saan makikita ang listahan ng mga
yumaong lingkod-layko ng parokya. Sa lahat ng Misa sa araw na ito
ay darasalin ang Panalangin para sa Taunang Paggunita sa
Pagkakatatag sa Diyosesis ng San Pablo.

1
BANAL NA ORAS PARA SA
PAGBABAYAD-PURI SA MGA
KASALANAN

2
Banal na Oras para sa
Pagbabayad-puri sa mga Kasalanan

Pagtatanghal sa Banal na Sakramento


Ilalagak ng pari ang Banal na Sakramento sa Altar. Siya ay luluhod at iinsensuhan ang Sakramento habang
umaawit ang sambayanan ng naaangkop na awit. Pagkatapos, sasambitin niya ang mga sumusunod:

Punong Tagapagdiwang:
Papuri sa Diyos Ama, haring punô ng awa at habag sa tanan.
R. Purihin at ipagdangal ang Poon magpakailanman.
Papuri sa bugtong na Anak, nagbatà ng hìrap at nabayubay sa krus para sa
kaligtasan ng lahat.
R. Purihin at ipagdangal ang Poon magpakailanman.
Papuri sa Espiritung Banal, gabay nating mga kasalanan patungo sa búhay
na walang hanggan.
R. Purihin at ipagdangal ang Poon magpakailanman.

Punong Tagapagdiwang:
Mga kapatid, sa araw na ito ay pinasisimulan natin ang triduong pagdiriwang
ng anibersaryo ng ating Diyosesis. Sa Banal na Oras na ito, hilingin natin sa
Diyos ang kapatawaran para sa mga pagkukulang at kahinaang nagawa natin
bilang isang lokal na Simbahan. Gayunpaman, hilingin din natin ang grasya
upang mas lalong umigting ang ating pagnanais na palaguin ang Kaharian ng
Diyos dito sa ating diyosesis.

Ang kasalanan ang siyang naging daan upang ang tao ay mapalayo sa Diyos
na pinagmumulan ng búhay. Ngunit dahil sa kagandahang-loob ng Diyos,
isinugo ng Ama si Hesukristo upang tubusin ang tao sa kanyang pagkaka-
utang at pagkakasala. Sa pamamagitan ni Hesukristo, muling naibalik sa tao
ang kanyang karapatan na mapabilang sa mga pinaghaharian ng Diyos. Sa
ating pagtitipon at pananalangin ngayon, dumulog tayo sa Diyos na
pagkalooban niya ang sangkatauhan ng ganap na kapatawaran sa kanyang
mga kasalanan.
Pagkaraan ng paanyaya, magkadaop ang mga kamay na ipahahayag ng Pari:

3
Manalangin tayo.
Pagkalipas ng ilang sandali ilalahad ng Pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag ang pambungad na
panalangin.

Pambungad na Panalangin
Ama naming makapangyarihan,
lakas ka ng mga walang inaasahan kundi ikaw.
Ang pagluhog namin ay iyong pagbigyan
sapagka’t kami’y mga tao lamang
na pawang mahihina kapag iyong iniwanan
kaya nama’y lagi mong tulungan
upang sa pagtupad ng iyong mga kautusan
ikaw ay aming mabigyang kasiyahan
sa aming iniisip at ginagawa araw-araw
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen.
Uupo ang mga tao. Ipapahayag ang mga pagbasa.

Pagpapahayag ng Salita ng Diyos

Unang Pagbasa

Pagbasa mula sa aklat ni Propeta Ezekiel 18, 21-23. 30-32

Ito ang sinasabi ng Panginoon, “Kung ang isang taong masama ay tumalikod sa
kanyang kasamaan, sumunod sa aking mga tuntunin, at gumawa ng mabuti, siya ay
mabubuhay. Kakalimutan na ang lahat ng nagawa niyang kasalanan at mabubu-
hay siya dahil sa kabutihang ginawa niya sa bandang huli. Hindi ko ikinasisiya ang
kamatayan ng masama. Ang ibig ko nga, siya‟y magsisi at magbagong buhay.

“Kaya nga, bawat isa sa inyo ay hahatulan ko ayon sa kanyang ginawa. Magsisi
nga kayo‟t tumalikod sa inyong kasamaan bago bumagsak sa inyo ang parusa.
Lumayo kayo sa inyong kasamaan at magbagong-buhay pagkat di kayo dapat

4
mamatay, mga Israelita. Hindi ko gustong mamatay ang sinuman, kaya
magpakabuti na kayo upang mabuhay.”

Ang Salita ng Diyos.


R. Salamat sa Diyos.

Magkakaroon ng saglit na katahimikan.Tatayo ang lahat para sa panalangin.

Panalangin
Ama naming makapangyarihan,
para mo nang awang dinggin ang aming mga kahilingan
at patawarin mo ang mga inaamin naming nagawang kasalanan
upang kami’y magkamit ng iyong patawad at kapayapaan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.

Aawitin ang karampatang awit.

Sa Diyos Lamang

Sa Diyos lamang mapapanatag Paniniil di ko pananaligan


Ang aking kaluluwa Puso'y 'di ihihilig sa yaman
Sa Kanya nagmumula Kundi sa Diyos na makapangyarihan
Ang aking pag-asa at kaligtasan Na aking lakas at takbuhan

O Diyos, Ikaw ang aking kaligtasan Poon, Ika'y puno ng kabutihan


Nasa 'Yo aking kalwalhatian Pastol Kang nagmamahal sa kawan
Ikaw lamang aking inaasahan Inaakay sa luntiang pastulan
Ang aking moog at tanggulan Tupa'y hanap Mo kung mawaglit man

Pagkatapos ng awit, isusunod ang pagbasa. Uupo ang lahat.

5
Ikalawang Pagbasa
Pagbasa mula sa aklat ni Propeta Joel 2, 12-18
Sinasabi ngayon ng Panginoon: “Mataimtim kayong magsisi at manumbalik sa
akin, kayo‟y mag-ayuno, manangis at mag- dalamhati. Magsisi kayo nang taos sa
puso, hindi pakitang-tao lamang.” Magbalik-loob kayo sa Panginoon na inyong
Diyos. Siya‟y may magandang-loob at puspos ng awa, mapagpahinuhod at tapat sa
kanyang pangako; laging handang magpatawad at hindi magpaparusa. Maaaring
lingapin kayo ng Panginoon at bigyan ng masaganang ani. Kung magkagayon,
mahahandugan natin siya ng haing butil at alak. Ang trumpeta ay hipan ninyo, sa
ibabaw ng Bundok ng Sion; iutos ninyo na mag-ayuno ang lahat, Tawagin ninyo
ang mga tao para sa isang banal na pagtitipon. Tipunin ninyo ang lahat,
matatanda‟t bata pati mga sanggol at maging ang mga bagong kasal.

Mga saserdote, kayo‟y tumayo sa pagitan ng pasukan at ng dambana, manangis


kayo‟t manalangin nang ganito: “Mahabag ka sa iyong bayan, O Panginoon.
Huwag mong tulutang kami‟y hamaki‟t pagtawanan ng ibang mga bansa at
tanungin, „Nasaan ang inyong Diyos?‟ “Pagkaraan, ipinamalas ng Pangi- noon na
siya‟y nagmamalasakit sa kanyang bayan.

Ang Salita ng Diyos.


R. Salamat sa Diyos.

Magkakaroon ng saglit na katahimikan.Tatayo ang lahat para sa panalangin.

Panalangin
Ama naming makapangyarihan,
kaawaan mo ang iyong bayan
at patawarin sa tanang kasalanan
upang ang bumagabag na nagawang pagsuway
ay mapawi ng iyong paumanhing bigay
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.

6
Aawitin ang karampatang awit.

Likhain Mong Muli

Ilikha mo kami ng 'sang bagong puso Amang D'yos


Hugasan ang kamay na basa ng dugo Iyong baguhin ang tao't daigdig
Linisin ang diwang sa halay ay puno Sa banal na takot
Ilikha mo kami ng 'sang bagong puso Sambang nanginginig

Itindig mo kami, kaming iyong bansa Ibalik ang puso't


Akayin sa landas patungo sa kapwa Bayang nanlalamig
Ihatid sa piging na 'yong inihanda Likhain mong muli
Itindig mo kami, kaming iyong bansa Kami sa pag-ibig

Luluhod ang lahat at dadasalin ng lahat ang panalangin.

Panalangin ng Pagbabayad-puri

O nakagigiliw na Puso ni Jesus, nagliliwanag sa pag-ibig dahil sa amin at


nag-aalab sa sikap para sa aming kaligtasan! O Puso, lagi nang naramdamin
sa aming kahirapan at sa kalunos-lunos na bunga ng aming mga kasalanan,
mayaman sa awang walang hanggan upang pagalingin ang sugat ng aming
kaluluwa! Marapating malasin kami ng buong kapakumbabaang
naninikluhod sa Iyong harapan, nagpapahayag ng aming lumbay na galing sa
aming mga puso, dahil sa kalamigan at pagwawalang bahala, na aming ganti
sa mga di-mabilang nang pakinabang na ipinagkaloob Mo sa amin. Dala ng
isang malalim na pagdaramdam sa mga kadustaan na isinalansan sa Iyo ng
aming mga kasalanan at kasalanan ng iba, kami ay pumarito upang gumawa
ng isang pagbabayad-puri sa Iyong Pinakabanal na Kadakilaan. Ang aming
mga kasalanan ang pumuspos sa Iyong Puso ng kapaitan yaong bigat ng
aming pagkakasala ang nagdiin sa Iyong mukha sa lupa roon sa Halamanan
ng Oliba at ipinangyari na Ikaw ay mamatay sa paghihirap at dalita sa Krus.
Nguni‟t ngayon nagsisisi at namamanglaw, kami‟y nagpapatira pa sa Iyong
paanan at namamanhik ng Iyong kapatawaran.

7
O Kagiliw-giliw na Puso ni Jesus, siyang pinagmumulan ng totoong
pagsisisi at laging mahabagin sa magsisising makasalanan, ipagkaloob Mo
sa aming mga puso ang diwa ng pagdurusa at ibigay Mo sa aming mga mata
ang bukal ng luha upang aming tangisan ng taos sa loob ang aming mga
kasalanan ngayon at hanggang sa katapusan ng aming mga buhay. O, kung
maaari lamang naming katkatin yaong mga kasalanan sa pamamagitan ng
aming dugo!

Patawarin Mo kami, O Panginoon, sa Iyong habag, patawarin at akitin


kaming lahat ng gumawa ng kawalang pitagan at kapaslangan laban sa Iyo
sa Sakramento ng Iyong Pag-ibig, at sa ganitong paraan at magbigay ng isa
pang katunayan na ang Iyong awa ay higit sa lahat ng Iyong mga gawain. O
Mabathalang Jesus, nasa Iyo ang awa at saganang katubusan. Iadya Mo kami
sa aming mga kasalanan. Tanggapin Mo ang nasang tapat sa loob na ngayon
ay aming inaaliw, at ang banal na pagtalaga na Pamula ngayon kami‟y
magiging matapatin sa Iyo. At, upang husayin naming ang aming mga
pasiya na magbagong-loob, ng pagkilala ng utang na loob, ipinagdalamhati
ng Iyong pinakamagiliwing Puso, pinapasiyahan naming na sa panahong
darating iibigin at laging parangalan Ka naming sa pinakarapatdapat
sambahing Sakramento ng Dambana, na lagi Kang doroon upang dinggin at
ipagkaloob ang aming mga kahilingan at upang maging pagkain at buhay ng
aming mga kaluluwa. O Jesus na maawain, maging Tagapaggunita Ka
namin sa Iyong Mabathalang Ama ang aming mabigat na pinagkasalanan,
pagtibayin Mo ang aming tagapagkupkop at pag-asa kung kami‟y nagkasala,
gayon din mangyaring maging lakas at alalay ng aming pagsisisi, upang
walang anumang bagay sa kabuhayan o sa kamatayan muling maghiwalay sa
amin sa Iyo. Amen.
Uupo ang lahat upang pakinggan ang pagbasa.

Ikatlong Pagbasa
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma 6, 2-14
Mga kapatid, tayo‟y patay na sa kasalanan kaya‟t hindi na tayo dapat mamuhay sa
pagkakasala. Hindi ba ninyo nalalaman na tayong lahat na nabinya- gan kay Kristo
Hesus ay nabinyagan sa kanyang kamatayan? Samakatwid, tayo‟y namatay at
nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng binyag upang kung paanong binuhay
na muli si Kristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo nama‟y
mabuhay sa isang bagong pamumuhay.

8
Sapagkat kung nakaisa tayo ni Kristo sa isang kamatayang tulad ng kanyang
kamatayan, tiyak na makakaisa niya tayo sa isang muling pagkabuhay tulad ng
kanyang pagkabuhay. Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinakong kasama
niya upang mamatay ang makasalanang katawan at nang hindi na tayo maalipin pa
ng kasalanan. Sapagkat ang namatay na ay pinalaya mula sa kapangyarihan ng
kasalanan. Ngunit tayo‟y naniniwalang mabubuhay tayong kasama ni Kristo kung
namatay tayong kasama niya. Alam nating si Kristo na muling binuhay ay hindi na
muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan. Nang
siya‟y mamatay, namatay siya nang minsanan para sa kasalanan, at ang buhay niya
ngayo‟y para sa Diyos. Kaya dapat ninyong ibilang ang inyong sarili na patay na sa
kasalanan datapwat buhay naman para sa Diyos sa inyong pakikipag-isa kay Kristo
Hesus.

Huwag na ninyong paghariin ang kasalanan sa inyong mga katawang ma- mamatay
upang hindi na kayo maalipin ng masasamang pita nito. Huwag ninyong ipailalim
sa kapangyarihan ng kasalanan ang alinmang bahagi ng inyong katawan bilang
kasangkapan ng kasamaan. Sa halip, pasakop kayo sa Diyos bilang mga taong
namatay at muling binuhay at ihandog sa kanya ang buo ninyong pag- katao bilang
kasangkapan ng katuwiran. Sapagkat hindi na dapat maghari sa inyo ang
kasalanan, yamang kayo‟y wala na sa ilalim ng kautusan kundi nasa ilalim ng
kagandahang-loob ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos.


R. Salamat sa Diyos.

Magkakaroon ng saglit na katahimikan.Tatayo ang lahat para sa panalangin.

Panalangin

Ama naming makapangyarihan,


tunghayan mo kaming pawang may kahinaan
at upang kami’y maipagsanggalang
iabot mo sa amin ang iyong kanang kamay
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

R. Amen.
9
Aawitin ang karampatang awit.

Ang Panginoon ang Aking Pastol

Ang Panginoon ang aking Pastol Ang Panginoon ang aking Pastol
Pinagiginhawa akong lubos Pinagiginhawa akong lubos

Handog Niyang himlaya'y sariwang Inihahanda Niya sa akin ang 'sang


pastulan dulang
Ang pahingaan ko'y payapang batisan Piging sa harapan ng aking kaaway
Hatid sa kaluluwa ay kaginhawaan Kasiyahan Niyang ulo ko'y langisan
Sa tumpak na landas, Siya ang Saro ko'y punuin hanggang sa
patnubay umapaw

Ang Panginoon ang aking Pastol Ang Panginoon ang aking Pastol
Pinagiginhawa akong lubos Pinagiginhawa akong lubos

Madilim na lambak man ang tatahakin Kagandahang loob, pawang kabutihan


ko Ang tanging kasunod ng buhay kong
Wala akong sindak, Siya'y kasama ko taglay
Ang hawak Niyang tungkod ang Doon sa tahanan ng Poong Maykapal
siyang gabay ko Nais kong manahan magpakailanman
Tangan Niyang pamalo, sigla't
tanggulan ko Ang Panginoon ang aking Pastol
Pinagiginhawa akong lubos

Uupo ang lahat upang pakinggan ang pagbasa.

Ikapat na Pagbasa
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan 1, 5—2, 2
Mga pinakamamahal, ito ang aming narinig kay Hesukristo, at ipinahahayag namin
sa inyo: ang Diyos ay ilaw, at walang anumang kadiliman sa kanya. Kung sinasabi

10
nating tayo‟y kaisa niya, ngunit namumuhay naman sa kadi- liman,
nagsisinungaling tayo at hindi namumuhay sa katotohanan. Ngunit kung
namumuhay tayo sa liwanag, kung paanong siya‟y nasa liwanag, tayo‟y nag-
kakaisa at nililinis ng dugo ni Hesus na kanyang Anak sa lahat ng ating kasalanan.

Kung sinasabi nating tayo‟y walang kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili, at
wala sa atin ang katotohanan. Kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan,
maaasahan nating ipatatawad sa atin ng Diyos ang mga ito at lilinisin tayo sa lahat
ng ating kasamaan sapagkat siya‟y matuwid. Kung sinasabi nating hindi tayo
nagkakasala, ginagawa nating sinungaling ang Diyos, at wala sa atin ang kanyang
salita.

Mga anak, isinusulat ko ito sa inyo para hindi kayo magkasala. Ngunit kung
magkasala ang sinuman, may Tagapamagitan tayo sa Ama. At iya‟y si Hesukristo,
ang walang sala. Sapagkat si Kristo ang handog sa ikapagpapatawad ng mga
kasalanan natin, at kasalanan din ng lahat ng tao.

Ang Salita ng Diyos.


R. Salamat sa Diyos.

Magkakaroon ng saglit na katahimikan.Tatayo ang lahat para sa panalangin.

Panalangin

Ama naming makapangyarihan,


ang mga mabubuti ay iyong ginagantimpalaan
sa kanilang ginagawang kabutihan
at ang mga masasama ay iyong binibigyan
ng pagkakataong makapagbagong-buhay.
Kaawaan mo kaming sumasamo sa iyo
upang ang pag-amin namin sa nagawang kasalanan
ay magkamit para sa amin ng iyong kapatawaran
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.

Aawitin ang karampatang awit.

11
Maging Akin Muli

Manlamig man sa Akin Kung lingid pa sa iyo


Puso mong maramdamin Aking pakikiloob
Lisanin man ng tuwa Tuklasin mong totoo
Puso mong namamanglaw Tunay mong pagkatao

Manginig man sa takot Kapiling mo Akong laging


Masindakin mong puso naghihintay sa tanging tawag mo
Mag-ulap man sa lungkot Pag-ibig Kong ito, isang pananabik sa
Diwa mong mapag-imbot puso Ko
Sa 'yong pagbabalik sa piling Kong
Kapiling mo Akong laging puspos ng pagsuyo
naghihintay sa tanging tawag mo Manahimik at makinig ka't maging
Pag-ibig Kong ito, isang pananabik sa Akin muli
puso Ko
Sa 'yong pagbabalik sa piling Kong Kapiling mo Akong laging
puspos ng pagsuyo naghihintay sa tanging tawag mo
Manahimik at makinig ka't maging Pag-ibig Kong ito, isang pananabik sa
Akin muli puso Ko
Sa 'yong pagbabalik sa piling Kong
'Di mo rin akalain puspos ng pagsuyo
Tinig mo'y hanap Ko rin Manahimik at makinig ka't maging
Ang 'yong tuwa at sakit Akin muli
Aking galak at pait

Luluhod ang lahat at dadasalin ang Pagluhog.

Pagluhog para sa Kapatawaran ng mga Kasalanan

Sa aming pagkamakasarili. *iligtas mo kami Panginoon


Sa pagtalikod namin mula sa mga kapatid naming sawing palad.*

12
Sa mga pagkakataong mas mahalaga sa amin ang kayamanan kaysa
kaligtasan. *

Sa pagmamataas namin. *

Sa pagtapak namin sa aming kapwa upang kami ay umangat. *


Sa pagsasawalang bahala namin sa aming pamilya.*

Sa pagkakait namin ng pagmamahal at kalinga sa kapwa naming lubos na


nangangailangan. *
Sa mga pagkakataon na nasaktan namin ang aming kapwa sa pamamagitan
ng aming mga salita at gawa. *

Sa pagtugon namin sa mga tawag ng laman. *


Sa bawat pagkikibit balikat namin sa nasaksihang gawaing masama. *

Sa mga pagkakataon na hindi kami nagsasabi ng katotohanan. *


Sa mga sandali na kami‟y naging dahilan sa kasiraan ng aming kapwa. *

Sa aming pagtangkilik at pagpapakalat ng kasinungalingan. *

Sa hindi namin paggalang sa aming mga magulang at sa mga nakatatanda, *


Sa aming paghihiganti na nakapipinsala sa aming kapwa. *

Sa paghahangad ng kapahamakan sa mga nakagawa sa amin ng masama. *

Sa pagsuway namin sa mga kautusan ng Simbahan. *

Sa pagwawalang bahala namin sa dignidad ng buhay. *


Sa pagtuligsa namin sa mga kaparian. *

Sa mga kasalanan na ayaw naming pagsisihan. *

Sa mga pagkakataon na nawalan kami ng pag-asa na makabalik sa Iyong


piling. *
Sa mga panahon na nagdududa kami sa Iyong presensya. *

13
Sa mga panahon mas pinili naming manatili sa kadiliman ng aming mga
kasalanan kaysa yakapin ang Iyong liwanag. *

Sa paglapastangan namin sa mga sakramento, lalo‟t higit sa Banal na


Eukaristiya, *
Sa di naming paggalang sa Iyong Ngalan. *

Sa paglabag naming sa mga panahon ng pag aayuno at pagsasakripisyo. *

Sa mga kalapastanganan namin laban sa Iyong mga Santo. *


Punong Tagapagdiwang:
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos,
tunghayan Mo ang Puso ng lubhang iniibig Mong Anak
at ang mga pagpupuri at kabayaran na kanyang inihahandog sa Iyo,
sa ngalan ng mga makasalanan.
Maglubag nawa ang Iyong loob
at marapatin Mong ipagkaloob ang kapatawaran
sa mga nagmamakaawa sa Iyo,
sa ngalan ni Hesukristong Anak mo,
na nabubuhay at naghahari kasama mo at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

R. Amen.

Tatayo ang lahat upang magbigay galang sa Mabuting Balita.

Aleluya! Aleluya!

Mabuting Balita
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lukas 24, 46-48
R. Papuri sa iyo, Panginoon.
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Ganito ang
nasusulat: kinakailangang magbata ng hirap at mamatay ang Mesiyas at muling
mabuhay sa ikatlong araw. Sa kanyang pangalan, ang pagsisisi at kapatawaran ng
mga kasalanan ay dapat ipangaral sa lahat ng bansa, magmula sa Jerusalem. Kayo
ang mga saksi sa mga bagay na ito.

14
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
R. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

Uupo ang lahat para sa Homiliya o sandaling katahimikan.


Tatayo ang lahat para sa Panalanging Pangkalahatan

Panalanging Pangkalahatan

Tagapagdiwang:
Dakilain natin ang ating Manunubos, na may pusong maamo at mahabagin.
Hilingin natin:

R. Punuin mo kami ng iyong walang hanggang pag-ibig, Panginoon.

Lektor:
Panginoon namin at Diyos, ikaw ang aming simula at wakas, nawa‟y patawarin mo
kami sa aming mga kasalanan at ganap na makasunod sa iyo. Idinadalangin namin.

Lektor:
Panginoong Hesus, ikaw ang sentro ng buhay ng Mahal na Birhen mula nang
tinanggap nya ang masayang balita ng iyong pagdating mula sa dila ng anghel,
kasama nya alay namin ang mga pusong sumasamba at pagtitika sa aming mga
kasalanan. Idinadalangin namin.

Lektor:
Espiritu Santo, Panginoon ng buhay, natagpuan mo sa katauhan ni Maria ang
pusong ganap na pagtalima sa kagalakan at pag-ibig, kasama nya ang aming panata
na maging kawangis ng puso mo. Idinadalangin namin.

Lektor:
Hari ng mga hari, dumating ka sa mundo upang maglingkod at hindi paglingkuran,
nawa‟y mapaglingkuran namin ang aming mga kapwa ng may kapakumbabaan sa
aming mga puso. Idinadalangin namin.

Lektor:

15
Panginoon ng langit at lupa, ikaw na hindi tumigil sa pagmamahal sa amin, nawa‟y
mahalin ka naming hanggang sa buhay na walang hanggan. Idinadalangin namin.

Tagapagdiwang:
Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos
at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
awitin natin nang lakas-loob:

Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian
mo. Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming mga sala para
nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming
ipahintulot sa tukso. At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Panalangin sa Pagbabasbas
Luluhod ang lahat. Aawitin ang Tantum Ergo habang iniinsensuhan ng pari ang Banal na Sakramento.

Tantum ergo sacramentum Genitori genitoque


Venermur cernui Laus et jubilatio
Etr antiquum documentum Salus honor virtus quoque
Novo cedat ritui : sit et benedictio
Preastet fides supplementum procedenti abutroque
Sensuum defectui. Comparsit Laudatio

Tagapagdiwang:
Panem de Coelo praestitisti eis.
R. Omne delectametum in se habentem.
Tatayo siya at ipapahayag.

Oremus.

Saglit na mananahimik.

Deus qui nobis sub sacramento mirabili


passionis tuae memoriam relequisti
16
tribue quesumus,
ita nos corporis et sanguinis tui sacra mysteria venerari
ut redemptionis tuae fructum in nobis iugiter sentiamus.
Qui vivis et regnas in saecula saeculorum.
R. Amen.

Pagbabasbas ng Banal na Sakramento

Pagpupuri

Purihin ang Diyos.


Purihin ang kanyang santong Ngalan.
Purihin si Hesukristo Diyos na totoo at tao namang totoo.
Purihin ang Ngalan ni Hesus.
Purihin ang kanyang kabanal-banalang Puso.
Purihin ang kanyang kamahal-mahalang Dugo.
Purihin si Hesukristo sa Santisimo Sakramento sa altar.
Purihin ang Espiritu Santo ang mang-aaliw.
Purihin ang dakilang ina ng Diyos si Maria Santisima.
Purihin ang kalinis-linisang paglilihi sa kanya
Purihin ang maluwalhating pag-akyat kay Maria kaluluwa at katawan.
Purihin ang ngalan ni Maria birhen at ina.
Purihin si San Jose ang kanyang kalinis-linisang esposo.
Purihin ang Diyos sa kanyang mga anghel at kanyang mga Santo.

Itatago ng pari ang Banal na Sakramento habang umaawit ng “O Sacrament most holy” o anumang awitin na
naaangkop.

17
MISA PARA SA MGA YUMAONG
LINGKOD NG SIMBAHAN

18
Pasimula
Sisimulan ang pagdiriwang sa pagpruprusisyon ng mga ministro at Punong Tagapagdiwang patungo sa
Dambana. Pagsapit sa Dambana, ang Punong Tagapagdiwang at at mga lingkod ay magbibigay-galang
alinsunod sa hinihinging paraan. Iinsensuhan ng Punong Tagapagdiwang ang Dambana at pagkatapos siya
ay tutungo sa upuan at pasisimulan ang Misa sa ganitong mga pananalita.

Punong tagapagdiwang:
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.
R. Amen.

Sumainyo ang Panginoon.


R. At sumaiyo rin.

Punong tagapagdiwang:
Mga kapatid, halina‟t ipanalangin natin ang ating mga yumaong mga
kapatid na naglingkod sa ating Simbahan. Sa kanilang pagkamatay,
nakita natin ang kanilang mabuting halimbawa ng pagtatalaga ng buhay
sa Diyos. Makakaasa tayo na tatamasahin nila ang kaliwanagan,
kaligayahan at kapayapaan na walang hanggan. Sa pamamagitan nila,
makikita natin na ang ating buhay paglilingkod sa Diyos ay tunay na
masaya.

Upang maging marapat tayo sa Banal na Pagdiriwang aminin natinn ang


ating mga kasalanan.
Maglalaan ng saglit na katahimikan.

Panginoong Hesukristo, sa paghahain mo ng iyong buhay para sa lahat


ipinamalas mo ang pagmamalasakit at paglingap. Panginoon kaawaaan
mo kami.
R. Panginoon, kaawaan mo kami.

Panginoong Hesukristo, sa iyong pagkahimlay sa kamatayan nakiisa ka


sa aming abang kalagayan. Kristo kaawaan mo kami
R. Kristo, kaawaan mo kami.

19
Panginoong Hesukristo sa iyong muling pagkabuhay pinatatag mo ang
aming pananampalataya sa walang hanggang buhay sa kabila.
Panginoon kaawaan mo kami.
R. Panginoon, kaawaan mo kami.

Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos patawarin tayo sa ating mga


kasalanan at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
R. Amen.

Magkadaop ang mga kamay na ipahahayag ng punong tagapagdiwang:

Manalangin tayo.

Pagkalipas ng ilang sandali ilalahad ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at ipahahayag ang
pambunagd na panalangin.

Ama naming makapangyarihan,


ipagkaloob mong ang iyong mga lingkod
pakundangan sa pagtalima nila
sa landas ng ganap na pag-ibig alang-alang kay Kristo,
ay lumigaya sa pagsapit sa Iyong kaluwalhatian,
sa kapalarang walang maliw sa Iyong kaharian,
sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
R. Amen.

20
Pagpapahayag ng Salita ng Diyos
Unang Pagbasa
Lumipat na tayo sa buhay na mula sa kamatayan sapagkat iniibig natin ang mga kapatid

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan 13, 14-16

Mga pinakamamahal, nalalaman nating lumipat na tayo sa buhay


mula sa kamatayan, sapagkat iniibig natin ang mga kapatid. Ang hindi
umiibig ay nananatili sa kamatayan. Mamamatay-tao ang napopoot sa
kanyang kapatid; at nalalaman ninyong ang buhay na walang hanggan ay
wala sa mamamatay-tao. Dito natin nakikilala ang tunay na pag-ibig:
inialay ni Kristo ang kanyang buhay dahil sa atin. Dapat din nating ialay
ang ating buhay dahil sa mga kapatid. Kapag nakita ng sinumang may
kaya sa buhay ang kanyang kapatid na nangangailangan, at hindi niya ito
tinulungan, paano niya masasabing siya‟y umiibig sa Diyos? Mga anak,
huwag tayong umibig sa pamamagitan ng salita o wika lamang. Ipakita
natin ang tunay na pag-ibig sa pamamagitan ng gawa.
--Ang Salita ng Diyos.
R. Salamat sa Diyos

Salmong Tugunan

Sa piling ng Poong mahal, ako‟y laging mamumuhay.


Totoo nga at may bibig, ngunit hindi magsasalita,
at hindi rin makakakita, mga matang sadyang-sadya;
At hindi rin makarinig ang kanilang mga tainga,
ni hindi rin makaamoy ang ginawang ilong nila.
Sa piling ng Poong mahal, ako‟y laging mamumuhay.
Laging buhay ang pag-asa, patuloy ang pananalig,
Bagamat ang aking sabi‟y, “Ako‟y ganap ng nalupig.”
Bagaman at ako‟y takot, nasasabi ko kung minsan,
“Wala kahit isang tao na dapat pagtiwalaan”

21
Sa piling ng Poong mahal, ako‟y laging mamumuhay.
Masakit sa kalooban ng POON kung may papanaw,
Kahit ito ay iisa, labis siyang magdaramdam.
Panginoon, narito akong iyong abang lingkod;
yamang ako‟y iniligtas, kinalinga at tinubos.
Sa piling ng Poong mahal, ako‟y laging mamumuhay.

Mabuting Balita
Samantalang ginagawa ng pag-awit ng aleluya, maglalagay ang punong tagapagdiwang ng insenso sa
insensaryo.
Gagawin ang prusisyon na nilalahukan ng mga tagapaglingkod na may dalang insensaryo at kandila.
Alleluia, Alleluia
Kaisa sa pagkamatay
Kasalo sa pagkabuhay
Ang tapat kay Kristong mahal.
Alleluia, Alleluia

Sumainyo ang Panginoon.


R. At sumaiyo rin.
Pararangalan ng Ama ang sino mang naglingkod sa akin.

 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan 12, 23-26
R. Papuri sa iyo, Panginoon

oong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad:


“Dumating na ang oras para parangalan ang Anak ng Tao.
Tandaan ninyo: malibang mahulog sa lupa ang butil ng trigo at
mamatay, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung mamatay,
ito‟y mamumuhay ng marami. Ang taong nagpapahalaga ng labis sa
kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, ngunit ang napopoot sa
kanyang buhay sa daigdig na ito ay siyang magkakaroon nito sa buhay na
walang hanggan. Dapat sumunod sa akin ang naglilingkod sa akin, at
saanman ako naroroon ay naroroon din ang aking lingkod. Pararangalan
ng Ama ang sinumang naglilingkod sa akin.”

22
--Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
R. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo

Homiliya

Panalangin ng Bayan

Punong Tagapagdiwang:

Mga kapatid, sa taimtim na paghahain ng mga kahilingan para sa ating


mga yumaong kapatid, at gayundin sa Simbahan, para sa kapayapaan sa
sanlibutan at para sa ating kapakanan, manalagin tayo sa Panginoon:

R. Amang makapangyarihan kami‟y iyong kaawaan.

Upang ang Banal na Simbahan ay maging saksi ng pagtatalaga ng


Panginoon sa pagsasabuhay ng pagtalima, kalinisan at payak na
pamumuhay. Manalangin tayo sa Panginoon (R.)

Upang ang ating mga kapatid na yumao na sumunod sa tawag at kalooban


ng Diyos ay magkamit ng pagpapala na nakalaan para sa mga lingkod ng
Diyos. Manalangin tayo sa Panginoon (R.)

Upang ang ating mga kapatid na yumao na nagsikap na mamuhay sa


kalinisan, ay makamtan ang nakalaan para sa may malinis na puso.
Manalangin tayo sa Panginoon (R.)

Upang lahat taing natitipon ngayon ay maging matapat, mabuhay nang


may pag-asa at matutuong magmahal nang tapat bilang Kristiyano.
Manalangin tayo sa Panginoon (R.)

Nawa‟y gantimpalaan ng Panginoonang ating mga yumaong kapatid,


kamag-anak at pinagkakautangan ng loob ng kaginhawaan. Manalangin
tayo sa Panginoon (R.)

Punong Tagapagdiwang:

23
Ama naming Makapangyarihan,
ang aming pagsamo at dalangin
nawa‟y makapagdulot ng kapahingahan
sa lahat ng mga pumanaw
upang sa kanilang pamamaalam sa lupang ibabaw
ay makarating sila sa langit na kanilang tunay na tahanan
sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
R. Amen.

24
Pagdiriwang ng Huling Hapunan
Sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga tagapaglingkod ang telang
patungan ng katawan ni Kristo, ang pamahiran ng kalis, at ang aklat ng pagmimisa sa ibabaw ng
dambana.

Ngayo’y tatayo ang punong tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng
tinapay nang bahagyang nakaanagt sa dambana, habang dinarasal niya ng pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong


kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa lupa at bunga ng
aming paggawa ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay-
buhay.
Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!
Ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa‟y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na napagindapat makihati sa aming pagkatao.
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng punong tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang
nakaangat sa dambana habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong


kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa katas ng ubas at
bunga ng aming paggawa ang alak na ito para magiging inuming
nagbibigay ng iyong Espiritu.
Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!
Pagkatapos yuyuko ang punong tagapagdiwang habang dinarasal niya ng pabulong:

Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming makasalanan.


Tanggapin mo ang aming pagsisissi bilang handog
upang kami‟y matutong sumunod sa iyo ng buong puso.
Iinsesuhan ng punong tagapagdiwang ang mga alay at dambana; pagkaraa’y iinsensuhan ng tagapaglingkod
ang pari at mga nagsisimba. Pagkatapos, tutungo ang tagapagdiwang sa gilid ng dambana, maghuhugas siya
ng mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal,


25
kasalanan ko‟y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.
Pagbalik ng punong tagapagdiwang sa gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa mga
tao at ipahahayag:

Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan


ng Diyos Amang makapangyarihan.
Tanggapin nawa ng Panginoon itong Paghahain sa iyong mga kamay sa
kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong
Sambayanan niyang banal.

Punong Tagapagdiwang:

Ama naming Lumikha,


maging kalugud-lugod nawa sa Iyo
ang paghahaing aming inihanda,
upang ang mga lingkod mo
ay magkamit ng pinakamimithi nilang kapatawaran,
at lumigayang lagi sa piling ng mga Banal
sa pagpupuri kalian man sa Iyong kadakilaan,
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.
R. Amen.

26
Panalangin ng Pagpupuri at Pasasalamat

Sumainyo ang Panginoon.


R. At sumaiyo rin.

Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


R. Itinaas na namin sa Panginoon.

Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


R. Marapat na siya ay pasalamatan.

Ama naming makapangyarihan,


tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon.

Lahat ay Kanyang tinubos


at binubuhay N‟yang lubos
ang „Yong mga kinukupkop
sapagka‟t Siya ang búhay at pagkabuhay
ng tanang nagsiyao at pumanaw.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami‟y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos ng mga hukbo! Napupuno ang


langit at lupa ng kadakilaan mo! Osana sa kaitaasan! Pinagpala ang
naparirito sa ngalan ng Panginoon! Osana sa kaitaasan

27
Nakalahad ang mga kamay ng punong tagapagdiwang sa pagdarasal.

Ama naming banal,


Ikaw ang bukal ng tanang kabanalan

Pagdaraupin ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang
mga alay habang siya’y nagdarasal.

Kayat sa pamamagitan ng iyong Espiritu


gawin mong banal ang mga kaloob na ito

Pagdaraupin ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis,
samantalang kanyang dinarasal.

Upang para sa ami‟y maging Katawan at Dugo 


ng aming Panginoong Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.


Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang malinaw at
nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Bago niya pinagtiisang kusang-loob na maging handog


Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang tinapay nang bahagyang nakaangat sa ibabaw ng dambana
habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya, pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang punong tagapagdiwang.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipapamalas niya ang tinapay, ipapatong niya ito sa pinggang patungan ng katawan ni Kristo, at
luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos ipahahayag ng punong tagapagdiwang.

28
Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,
Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis,


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya iyon sa kanyang mga alagad,
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang punong tagapagdiwang.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng katawan ni Kristo, at luluhod siya
bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng punong tagapagdiwang:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

Si Kristo‟y namatay!
Si Kristo‟y nabuhay!
Si Kristo‟y babalik sa wakas ng panahon!

Ilalahad ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

Ama,
Ginagawa namin ngayon ang pag-alalala
Sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak

29
Kaya‟t inaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
Kami‟y nagpapasalamat
dahil kami‟y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo
para maglingkod sa iyo.

Isinsamo naming kaming magsasalo-salo


Sa katawan at dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo

Nakikipagdiwang I

Ama,
lingapin mo ang iyong simbahang
laganap sa buong daigdig
puspsusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni N. na aming Papa
at ni N. na aming Obispo
at ng tanang kaparian.
Nakikipagdiwang II
Alalahanin mo rin ang mga kapatid
naming nahimlay nang may pag-asang
sila‟y muling mabubuhay
gayun din ang lahat ng mga pumanaw.

Kaawan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanangan.


Kaawan mo‟t pagindapatin kaming lahat na makasalo sa iyong buhay na
walang wakas.

Kaisa ng mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos


kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal
na nabuhay dito sa daigdig nang kalugod-lugod sa iyo,
maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri sa ikararangal mo.

30
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

Sa pamamagitan ng iyong Anak


na aming Panginoong Hesukristo.

Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang patena at kalis at itataas habang binabanggit.

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya,


ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.

31
Ang Pakikinabang

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-loob:

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob
mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Nakalahad ang mga kamay ng punong tagapagdiwang sa pagdarasal:

Hinihiling naming
kami‟y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Sapagka‟t iyo ang kaharian


at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailan man! Amen.

32
Malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

R. At sumaiyo rin.

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa‟t isa.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at iasasawak
niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
Ng katawan sa dugo ng aming Panginoong Hesukristo
Tanggapin nawa namin sa pakikinabang
Ang buhay na walang hanggan.

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka


sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka
sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
__________________________________________________

33
Magkadaop ang mga kamay ng Pari sa pabulong na pagdarasal.

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na katawan at dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng masama,
gawin mo akong laging makasunod sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot na ako‟y mawalay sa iyo kaylan man.

Luluhod ang tagapagdiwang at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng
pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

R. Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo nguni‟t sa


isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Siyay makikinabang ng magalang at nakayuko sa dambana haabng patuloy na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng katawan ni Kristo patungo sa buhay na


walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang katawan ni Kristo.

Ipagsanggalang nawa ako ng dugo ni Kristo patungo sa buhay na walang


hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang dugo ng Kristo.

34
Pagkapakinabang bibigyan niya ang sambayanan ng katawan ni Kristo.

Katawan ni Kristo.

R. Amen.

Pagkapakinabang ng lahat ipahahayag ng punong tagapagdiwang ang panalangin pagkatapos ng


komunyon.

Punong tagapagdiwang:

Manalangin tayo,

Ama naming mapagmahal,


kaming mga tumatanggap sa banal na pakikinabang
ay dumadalangin para sa mga kapatid naming yumao,
upang sa kanilang pagpanaw sa lupang ibabaw
sila‟y makatambal ang tanang tinubos na nasa kalangitan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

R. Amen.

35
Pagbabasbas ng Book of Remembrance
Pagkatapos ng Panalangin Pagkapakinabang, babasbasan ng Punong Tagapagdiwang ang Book of
Remembrance. Sisimulan nya ito sa ganitong mga pananalita:

Mga kapatid, ngayon ay ating babasbasan ang Book of Remembrance.


Nawa ang librong ito ay magpaalala sa atin na ang búhay-paglilingkod
ay tunay na masaya. Maaala nawa natin ang ating mga kapatid na nag-
alay ng kanilang buhay sa paglilingkod sa Simbahan hanggang sa
kamatayan.

Ilulukob niya ang kanyang mga kamay sa Book of Remembrance

Ama naming Makapangyarihan, ikaw ang may akda ng buhay ng lahat


ng sangkinapal. Ikaw na nagpatala ng isang aklat sa mga kaparian ng
mga pangalan na gumagalang sa Iyo at inangkin at iniligtas sila tulad ng
pagliligtas ng isang ama sa anak na naglilingkod (Malakias 3 :17-18).

Sa pamamagitan ng Iyong Anak ay binuhay Nya si Lazaro mula sa


kamatayan at nakidalamhati sa mga nalulumbay. Sa pamamagitan ng
Kanyang kamatayan ay nabuksan ang pintuan ng Kalangitan upang ang
sinumang mamatay ay sayo bukas mabubuhay.

Hinihiling namin na basbasan mo  ang librong ito na syang


magpapaalala sa amin ng aming mga kapatid na pumanaw na tapat na
naglingkod sa Iyo. Loobin mo na ang lahat ng pangalan na napapaloob
at mapapaloob dito ay maging halimbawa ng ganap na pagsunod sa
Simbahan at sa dakilang kalooban Mo. Makita nawa namin ang
kanilang mabuting halimbawa ng pagtatalaga ng buhay sa Iyo.
Magtamasa nawa sila ng ganap na kapahingahan at ng ligayang wagas at
pangmagpakailan man.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu


Santo magpasawalang hanggan. Amen.

36
Pagbabasbas

Punong tagapagdiwang:
Sumainyo ang Panginoon
R. At sumaiyo rin.

Pagpalain nawa kayo ng makapangyarihang Diyos


Ama, Anak  at Espiritu Santo.
R. Amen.

Tapos na ang ating pagdiriwang.


Humayo kayong mapayapa.
R. Salamat sa Diyos.

37
PANALANGIN PARA SA
TAUNANG PAGGUNITA SA
PAGKAKATATAG SA
DIYOSESIS NG SAN PABLO

***
PRAYER FOR THE ANNIVERSARY
OF THE DIOCESE OF SAN PABLO

38
Panalangin para sa
Taunang Paggunita sa Pagkakatatag
sa Diyosesis ng San Pablo
Darasalin Pagkatapos ng Panalangin Pagkapakinabang

Amang Panginoon ng sangnilikha, Ikaw ang pinagmulan ng lahat at ang


patutunguhan na aming hinahangad. Tinawag mo kami bilang iyong
sambayanan at binigyan ng karapatan at tungkulin para ikaw ay sambahin
bilang isang tunay na Diyos, at ang iyong anak, na si Hesukristo.

Sa pamamagitan ng kapangyarihan at paggalaw ng Banal na Espiritu,


tinawag mo ang iyong sambayanan upang isabuhay ang pananampalataya sa
mundong aming ginagalawan, bilang tagapagdala ng liwanag at katotohanan
na nagliligtas dulot ng Mabuting Balita, sa bawat sulok ng lipunan.

Mapalad kaming bumubuo ng iyong sambayanan sa Diyosesis ng San Pablo,


yayamang puspos kami ng pasasalamat sa pagsariwa sa nakaraan, ng galak sa
kasalukuyan, at ng pag-asa sa hinaharap. Nagpupuri at nagpapasalamat kami
sa pagdiriwang ng anibersaryo ng aming Diyosesis na nasa pamamatnubay at
pangangalaga ni San Pablo Unang Ermitanyo.

Bigyan mo po kami ng kalakasan ng isipan at damdamin upang itanggol


namin ang aming kalayaan sa tuwing ito ay hinahamon; pagkalooban mo
kami ng tapang upang iparinig ang aming boses sa ngalan ng karapatan ng
iyong Simbahan at ng kalayaan ng konsyensya ng lahat ng taong may
pananampalataya. Gabayan mo kami sa darating na panahon bilang mga
tapat na katiwala at tagasunod ni Kristo.

Dinadalangin namin na ipagkaloob mo ang malinaw at nagkakaisang tinig ng


iyong mga anak na pinagbuklod mo sa Diyosesis ng San Pablo, upang sa
bawat pagsubok at panganib ay mapagtagumpayan namin ang mga hamon at
makasunod ng lubos sa Iyong kalooban.

Itinataas namin ang aming pagsamo sa pamamagitan Niya at ng Espiritu


Santo.
R. Amen.

39
Mahal na Birheng Maria, Tala ng Bagong Ebanghelisasyon.
R. Ipanalangin mo kami.

San Jose, Tagapangalaga ng Simbahan.


R. Ipanalangin mo kami.

San Pablo Unang Ermitanyo, patron at gabay ng Diyosesis ng San Pablo.


R. Ipanalangin mo kami.

40
Prayer for the Anniversary
of the Diocese of San Pablo
To be recited after the Post-Communion Prayer

Father, Lord of all creation, you are the source of all and the ultimate goal of
all our longings. You call us as your people at give us the right and duty to
worship you as our true God, and your Son Jesus Christ.

Through the power and working of the Holy Spirit, you call your people to
live out the faith in the world in which they live as bearers of light and truth
that bring salvation through the Gospel, to all corners of society.

We who belong in the Diocese of San Pablo are blessed as we are filled with
thanksgiving in reminiscing the past, with joy in the present, and hope for the
future. We praise and thank you for the anniversary of our diocese which is
under the guidance and patronage of Saint Paul the First Hermit.

Grant us the strength of mind and heart to defend our freedom whenever it is
challenged; give us courage to speak out for the rights of your Church and the
freedom of conscience of all the faithful. Guide us in the future as faithful
stewards and followers of Christ.

We pray that you give a clear and unified voice among your children gathered
in the Diocese of San Pablo, so that in every trial and difficulty they may
overcome all obstacles in order to truly follow your will.

We lift up this prayer through Him and the Holy Spirit.


R. Amen.

Mary, Star of the New Evangelization.


R. Pray for us.

St. Joseph, Patron of the Universal Church.


R. Pray for us.

St. Paul the First Hermit, Patron and Guide of the Diocese.
R. Pray for us.

41
RITO NG PAGBABASBAS AT
PAGPAPASINAYA NG PLAKE NG
PAG-AALAALA
***
RITE OF BLESSING AND
INAUGURATION OF THE
WALL OF REMEMRANCE

42
Rito ng Pagbabasbas at Pagpapasinaya
ng Plake ng Pag-aalaala
Ang Ritong ito ay gagamitin kung ang pagbabasbas ay gaganapin sa labas ng Misa

Pasimula

Pananagutan

Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang


Walang sinuman and namamatay para sa sarili lamang
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya

Sa ating pag mamahalan at panglilingkod sa kanino man


Tayo ay nagdadala ng balita na kaligtasan
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya

Sabay sabay na nag-aawitan ang mga bansa


Tayo tinuring na panginoon bilang mga anak
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya

Punong Tagapagdiwang:
Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
R. Amen.
Ang pag-ibig at kapayapaan ni Kristo, na naghahari sa mga buhày at patay,
ay laging sumainyo.
R. At sumaiyo rin.
Ang lugar ng lapida ng pag-gunita ay nagpapaalala sa atin , hindi lang na
ipagdasal ang mga yumaong naglingkod sa Bayan ng Diyos. Ibinabalik din sa
ating isip na ang simbahan ay isa ring sambayanan kung saan ang mga tao ay
nagkakaisa upang patuloy na itayo ang Kaharian ni Kristo na magpapahayag
ng kanyang katotohanan sa daigdig.

43
Sa pagiging Pari, Madre o Layko, tayo ay itinatatag bilang isang buháy na
Templo, mula sa mga batong buháy ng pagka-tao natin, para sa higit na
kadakilaan ng Diyos at para sa Kaligtasan ng lahat.

Pagpapahayag ng Salita ng Diyos


Unang Pagbasa

Pagbasa mula sa aklat ni Job 19, 25-27

Sinabi ni Job: “Alam kong di natutulog ang aking Tagapagligtas na sa aki‟y


magtatanggol pagdating noong wakas. Pagkatapos na maluray itong aking buong
balat, ang Diyos ko‟y mamamalas kahit laman ay maagnas. Siya‟y aking
mamamasdan, at mukhaang makikita ng sariling mga mata at di ng sinumang iba.
Ang puso ko‟y nananabik na mamasdan ko na siya.”

--Ang Salita ng Diyos.


R. Salamat sa Diyos

Salmo 130 (129)


Sa gitna ng paghihirap, tinawag ko‟y Panginoon,
Panginoon, ako‟y dinggin pagkat ako‟y tumataghoy,
dinggin mo ang pagtawag ko‟t paghingi ng iyong tulong.

Kung ikaw ay may talaan nitong aming kasalanan,


lahat kami ay tatanggap ng hatol mong nakalaan.
Ngunit iyong pinatawad, kasalanan ay nilimot,
pinatawad mo nga kami upang sa „yo ay matakot.

Magtiwala ka, Israel, magtiwala sa iyong Diyos,


matatag at di kukupas ang pag-ibig niyang dulot,
lagi siyang nahahandang sa sinuman ay tumubos.
Ililigtas ang Israel, yaong kanyang mga hirang,
ililigtas niya sila sa kanilang kasalanan.

44
Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Kapara noong una, ngayon at magpakailanman. Amen.

Aleluya! Aleluya!
Ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buháy,
sa kanya’y buháy ang lahat.
Aleluya! Aleluya!

Mabuting Balita
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lukas 2:29-32
R. Papuri sa iyo, Panginoon.
Sinabi ni Simeon: “Kunin mo na, Panginoon, ang iyong abang alipin, ayon sa
iyong pangako, yamang nakita na ng aking mga mata ang iyong tagapagligtas, na
inihanda mo para sa lahat ng bansa: Liwanag itong tatanglaw sa mga Hentil, at
magbibigay-karangalan sa iyong bayang Israel.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


R. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

Maaaring magbigay ng maikling pangaral.

Panalangin ng Pagbabasbas
Makapangyarihang Diyos at Ama,
Sa hiwaga ng Krus na banal, ginawaran mo kami ng lakas;
Sa pamamagitan ng sakramento ng Muling-Pagkabuhay,
itinuring mo kaming hindi iba sa iyo.
Tunghayan mong magiliw ang iyong mga lingkod,
na naka-tala dito sa Lapida na Pang-Alaala,
silang lumaya na sa pagkabihag sa kamatayan
at ibilang mo sila sa piling ng iyong mga banal sa Langit.

Basbasan mo  itong plakeng-bato na pang-alaala.


Kami nawang nagbubunyi sa pagsasariwa ng paglilingkod nila,
ay makatagpo ng katuturan sa aming pagsusumikap
na lumago sa katapatan at kabanalan

45
para sa ikabubuti ng iyong Simbahan sa lupa
at para sa aming kaligtasan.

Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.


R. Amen.

Wiwisikan ng Agua Bendita ang Wall of Remembrance. Maaari rin itong sundan ng pagi-insenso.

Punong Tagapagdiwang:
Taglay ang pananabik sa Kaharian ng Diyos at sa kanyang kaluwalhatian,
tumawag tayo sa kanya ayon sa winika ni Hesus na ating Tagapagligtas at
kapatid:

Ama namin…

Walang Hanggang Kapahingahan ang igawad mo sa kanila, O Panginoon.


R. At sumilay sa kanila ang liwanag na walang katapusan.

Humimlay nawa sila sa kapayapaan.


R. Amen.

Paghahayo

Punong tagapagdiwang:
Sumainyo ang Panginoon
R. At sumaiyo rin.

Pagpalain nawa kayo ng makapangyarihang Diyos


Ama, Anak  at Espiritu Santo.
R. Amen.

Ang ating pagbabasbas at pagaalaala ay naganap na. Humayo kayo sa


kapayapaan ng ating Panginoon at Manunubos.
R. Salamat sa Diyos.

46
Rite of Blessing and Inauguration
of the Wall of Remembrance
This Rite is to be used if the blessing is to be held outside of Mass

Introductory Rites
Pananagutan

Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang


Walang sinuman and namamatay para sa sarili lamang
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya

Sa ating pag mamahalan at panglilingkod sa kanino man


Tayo ay nagdadala ng balita na kaligtasan
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya

Sabay sabay na nag-aawitan ang mga bansa


Tayo tinuring na panginoon bilang mga anak
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya

Presider:
In the Name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit
R. Amen.
The love and peace of Christ, who reigns over the living and the dead, be
with you always.
R. And with your spirit.
The Wall of Remembrance reminds us not only to pray for those who
served God‟s people, but also to restore in our minds that the Church is a
community where persons unite to build into a Kingdom of Christ that
will herald his truths to the world.

47
Whether as laypersons or as members of the clergy and consecrated life,
we are being built up into a living temple, made of living stones, for
God‟s greater glory and for the Salvation of all.

Proclamation of the Word of God


First Reading

A reading from the Book of Job 19, 25-27

Job said: “As for me, I know that my vindicator lives, and that he will at
last stand forth upon the dust. This will happen when my skin has been
stripped off, and from my flesh I will see God: I will see for myself, my
own eyes, not another‟s, will behold him: my inmost being is consumed
with longing.”

--The Word of the Lord


R. Thanks be to God

Psalm 130
Out of the depths I cry to you, O Lord,
Lord, hear my voice!
O let your ears be attentive
to the voice of my pleading.

If you, O Lord, should mark our guilt,


Lord, who would survive?
But with you is found forgiveness:
for this we revere you.

My soul is longing for the Lord,


I count on his word.
My soul is longing for the Lord
more than watchman for daybreak.

48
Let the watchman count on daybreak
and Israel on the Lord.

Because with the Lord there is mercy


and fullness of redemption,
Israel indeed he will redeem
from all its iniquity.

Glory to the Father, and to the Son,


and to the Holy Spirit.
As it was in the beginning, is now, and
will be forever. Amen.

Alleluia! Alleluia!
He is not God of the dead, but of the living;
for to him all are alive.
Alleluia! Alleluia!

Gospel
A reading from the Holy Gospel according to Saint Luke 2:29-32
R. Glory to you, O Lord.

Simeon said: “Now, Master, you may let your servant go in peace,
according to your word, for my eyes have seen your salvation, which you
prepared in sight of all the peoples, a light for revelation to the Gentiles,
and glory for your people Israel.”

The Gospel of the Lord


R. Praise to you, Lord Jesus Christ.

A short reflection may be given.

Prayer of Blessing

Almighty God and Father,

49
By the mystery of the Cross, you have made us strong;
By the sacrament of the resurrection
you sealed us as your own.
Look kindly upon your servants,
who are inscribed on this Wall of Remembrance,
now freed from the bonds of mortality,
and count them among your saints in Heaven.

Bless  this lapidary memorial.


May we, who rejoice in remembrance,
find meaning in our effort to grow in faithfulness and holiness,
for the well-being of your Church on earth and for our salvation.

We ask this through Christ our Lord.

R. Amen.

The presider sprinkles Holy Water on the Wall of Remembrance and incenses it.

Presider:
With longing for God‟s Kingdom and his glory, we call on him according
to the words of Jesus our Savior and Brother:

Our Father…

Eternal Rest grant to them, O Lord


R. And let perpetual light shine upon them.

May they rest in peace.


R. Amen.

Dismissal
Presider:
The Lord be with you.
R. And with your spirit.

May almighty God bless you: the Father, and the Son  and the Holy
50
Spirit.
R. Amen.

Our blessing and commemoration has ended. Go in the Peace of our


Lord and Redeemer.
R. Thanks be to God.

51
52
53

You might also like