Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Ang Mag-Inang Palakang Puno

Pabula ng Korea

Noong unang panahon, nakatira sa isang bayan sa korea ang isang batang
palakang puno at ang kanyang ina. Yumao na ang ama ng palaka kaya silang mag- ina na
lamang ang magkasamang namumuhay. Mahal na mahal ng ina ang kanyang anak na
palaka at nais niyang mapalaki ito nang tama. Mapagmahal naman ang anak na palaka
subalit may katigasan nga lang ang ulo kaya’t nahihirapan ang inang palakang pasunurin
siya.
Kilalang-kilala na ng kaniyang ina ang ugali ng anak. Alam niyang sa bawat iutos niya sa anak
ay kabaliktaran nito ang gagawin. Halimbawa, kapag inutusan niya itong sa magpunta sa
kanluran ay sa timog ito pupunta. Kapag pinapasok niya ay lalabas ito, at kapag
pinagsasabihan ay magbibingibingihan. Alam ng anak na palaka na hindi nagugustuhan ng
kanyang ina ang ganitong sistema.

Isang araw, na mainit ang panahon, hinayaang maglaro ng ina ang kanyang
anak. “Anak, mainit ang panahon maaari kang makipaglaro sa iba pang mga palaka sa
batis,” ang wika ng ina. Ngunit katulad ng dati ang kabaligtaran ng sinabi ng ina ang
kanyang ginawa. Pumunta ang anak sa bundok at doon naglarong mag-isa.

Nang sumunod na araw naghabilin ang ina sa anak na palaka, “Huwag kang lalayo
ngayon, narinig ko sa usapan sa kanto na may parating na ahas.” Ngunit, muli, lumabas ang
anak na palaka at nagsama ng mga kaibigan. “Gusto niyo bang mamasyal at magsaya?
Tayo na at manghuli ng ahas! Ang balita ko ay may paparating na ahas sa ating lugar.”
Ang tila nanghahamon pang sabi nito.

Nagpatuloy ang ganitong ugali ng anak na palaka. Ito ay labis na nagpapahirap sa


kalooban ng ina dahil alam niyang hindi nakabubuti sa kanyang anak ang ganitong pag-
uugali. Subalit dahil hindi nakikinig ang kanyang anak ay wala na itong magagawakundi ang
malungkot at lumuha na lang nang tahimik dahil sa asal niyang ito.

Dahil sa katandaan at dahil na rin sa hirap ng kaloobang nararanasan niya sa kanyanganak,


hindi naglaon ay nagkasakit ang ina. Sa kanyang pagkakasakit ay umasa ang ina
na magbabago ang kanyang anak, subalit nagpatuloy pa rin ito sa masamang ugali na
lalong nagpahirap sa kaawa-awang ina.

Isang araw habang nahihirapang huminga ang ina naghabilin ito sa anak. “Anak,
huwag mo sanang putulin ang puno sa harapan ng ating bahay dahil iyan ang magiging
proteksiyon natin.” Hindi umimik ang anak, ngunit kinabukasan nakita ng ina na wala na ang
puno sa harapan. Nagtanong ang ina, “Nasaan ang puno sa ating harapan? Ano ang
ginawa mo sa puno?” Hindi sinagot ng anak ang lumuluhang ina. Nagpatuloy ang
paglubha ng karamdaman ng ina. Subalit hindi pa rin natitinag ang anak sa pagsuway sa
kaniyang magulang. Nang makahanap ng tiyempo ay kinausap ng ina ang kaniyang anak,
“Anak, sandali na lamang ang itatagal ng buhay ko, ang naisko sana ay kapag pumanaw na
ay ilibing mo ang aking labi sa gilid ng batis. Huwag mo akong ililibing sa burol.” “Inay,
huwag po kayong magsalita ng ganiyan, gagaling po kayo,” ang sagot ng anak na
palaka habang nangingilid ang luha. Ang totoo ay nais ng inang ilibing siya sa burol ngunit
dahil alam niya ang ugali ng anak na sinusuway ang bawat utos at ginagawa ang
kabaligtaran nito, naisip niyang ang kabaligtaran ng kaniyang hiling ang ihabilin.

Dumating nga ang araw na kinatatakutan. Bago malagot ang kaniyang huling
hininga ay inulit ng ina ang kanyang hiling, “Sa Gilid ng batis mo ako ilibing anak.”

Inay, huwag mo akong iwan!” ang sigaw ng anak na palaka, ngunit tuluyan nangnalagutan
ng hininga ang kanyang ina. Labis ang pighati ng anak. Ngayon lamang siya nakaramdam
ng ganitong paghihinagpis. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkamatay ng kanyang ina.
“Dahil sa sama ng loob niya sa akin ay nagkasakit si Inay at tuluyan nang namatay hu, hu.
Kahit kailan ay hindi ako nakinig sa mga utos niya,” ang wika ng palakang buong pusong
nagsisisi. “Ngayong wala na siya. Alam kong nais niyang maging masunurin ako. Susundin
ko ang kanyang hiling na ilibing ko siya sa gilid ng batis,”ang sabi nito sa kanyang sarili. At
ganoon na nga ang nangyari. Sa kagustuhang makabawi sa katigasan ng kanyang ulo ay
sinunod ng anak ang huling habilin ng ina.Inilibing niya ito sa gilid ng batis sa halip na sa
burol, kahit pa nagtataka siya kung bakit sa tabi ng batis gusto ng inang mailibing ang
kanyang labi.
Araw-araw ay dinadalaw ng anak ang puntod ng inang palaka. Hanggang sa isang
araw ay bumuhos ang napakalakas na ulan. Walang humpay ang pag-ulan sa loob ng
ilang araw kaya’t umapaw ang tubig s abatis at naanod ang bangkay ng kanyang ina.
Dahil dito ay labis na nalungkot at umiyak nang umiyak ang anak na palaka. “ Wala na si
Inay. Kung naging masunurin lang sana ako sa kanya ay hindi sananangyari ang lahat ng ito,”
ang buong pagsisisi niyang nasabi sa sarili. Simula noon,tuwing umuulan ay hindi na niya
mapigilan ang pag-iyak habang naaalala ang kanyang ina.

Naging isang paniniwala sa Korea ang labis na kalungkutan at pag-iyak ng palaka


sa pagkakaanod sa kanyang ina ang dahilan kung bakit nag-iingay ang mga palaka
tuwing umuulan. Sa korea ay tinatawag na Cheong Kaeguli o palakang puno ang isang
tao kapag siya ay sumusuway o hindi sumusunod sa inuutos ng kanyang mga magulang.

Sanggunian: Alma M. Dayag et al. Pinagyamang Pluma 9

You might also like