Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Week 4

Northern Bukidnon State College


Kihare, ManoloFortichBukidnon, 8703
nbcc.2005@gmail.com

TEACHER EDUCATION PROGRAM


TLE 1 – Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
First Semester of A.Y. 2021-2022

Rationale

Ang bawat pamilya ay nais na mamuhay ng isang masaya, mapayapa, at masaganang buhay. Maari
lamang itong makamit kung ang bawat isa sa pamilya ay may mabuting pakikisama at pagpapahalaga sa
bawat isa.

Intended Learning Outcomes

A. Naipakikita ang mabuting pag-uugali bilang kasapi ng mag - anak


B. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagpapakita ng mabuting pag – uugali bilang
kasapi ng mag-anak
Activity

Gumawa ng collage na nagpapakita ng mabuting pagsasamahan at pag papahalaga sa isa’t


isa. (15 points )
Discussion

Ang mabuting pag-uugali bilang kasapi ng mag – anak ay maipapakita sa pamamagitan


ng:
1. Oras ng pag –uwi pagkatapos ng klase
2. Uri ng kaibigan na sasamahan
3. Mga paraan ng pagpapakita ng paggalang
4. Pagtupad sa gawaing bahay

Exercise
Itala ang tatlong mabubuting pag-uugaling dapat taglayin ng
kasapi ng pamilya.
A. Tatay: Marunong tumayo sa kanyiang sariling mga paa,
matapang, mabuting halimbawa sa kanyang mga anak.,
mapagmahal, at matatag .

B. Nanay: responsible, maalaga, malambing, mapagmahal,may


malasakit sa mga anak, mabait at matulungin, marunong
magbigay kapag may pangangailangan ang pamilya, masipag,
maawain o mahabagin, may mahabang pasensiya, may
pagtitimpi, may matatag at malakas na kalooban, handang
tumanggap ng mga pagkakamali, marunong magpatawad.

C. Mga kapatid: mabait, masunurin sa magulang, nag-aaral ng


Mabuti at gumagawa ng mabubuting Gawain.
Assessment

Ano-ano ang maidudulot ng ipinakikitang mabubuting pag-uugali ng


mag-anak ?
(10 points)
• Naipapakita ang paggalang sa mga magulang at nakakatnada
• Mabuting samahan
• Naiiwasan ang pag-aaway
• Naipapakita ang pagmamahal sa bawat isa
• mabuti ang naipapakita ng magandang ugali sa magulang
• Maginhawang pamumuhay
• Pagpapahalaga
• may mabuting komunikasyon
• Nagtutulungon sa bawat isa at
• Naiiwasan ang problema

Reflection
Bakit mahalaga na maipakita ang mabuting pag-uugali sa pamilya ?

Mahalagang maipakita ang mabuting pag-uugali sa pamilya


sapagkat dito nag uumpisa at dito hinuhubog ang isang pagkatao ng
bawat isa. Ito ang sandigan ng bawat isa sa tuwing may problema at
dito rin humuhugot ng lakas ng loob ang bawat isa kapag may
dumadating na problema. Ang ibang kabataan ay napapariwara
ang buhay sa kadahilanang ang pundasyon ng kanilang pamilya ay
mahina at walang pag kakaisa. Ang mga kabataan na galing sa
broken family ay nasisisira ang kanilang buhay sapagkat nagrerebelde
sila at natututo rin silang gumamit ng mga ipinagbabawal na gamot.
Pero hindi lahat ng mga kabataan na galingbsa broken family ay
napapariwara ang buhay, ang iba ay ginagamit itong inspirasyon sa
buhay para maging matagumpay sila sa kanilang mga pangarap.
Mahalaga ang pamilya dahil sila ang mas higit na nakakaintindi sa
atin sa mga panahong wala tayong masasandalan sa panahon ng
puro problema lang ang dumarating sa buhay. Ang kahalagahan ng
buong pamilya na ito ay kayang mong humarap sa mundo na buo
ang iyong pagkatao dahil sa pamilya at masaya ang may buong
pamilya.
Masasabing ang pamilya ay tunay na pag-ibig, pag-ibig na
pinagisa ng magulang at mga anak, dito nagkakaroon ng malawak
pag-unawa, pag-asa, ginhawa, payo, moralidad, mithiin, at
pananampalataya ang bawat kasapi . Ang ating pamilya ang
nakakadulot sa atin ng seguridad at proteksiyon na kahit ano man
ang mangyari sa bawat isa, naririyan ang tulong ng isa’t isa sa gabay
at patnubay ng mga magulang sa kanilang mga anak. Ang mga
magulang ang tagalikha at sila lamang ang kaakbay mula sa simula
gayundin hanggang sa katapusan. Sila ang nakakaintindi sa iyong
mga nararamdaman dahil sila ang mas at higit na nakakakikilala sa
iyo, laging naroon sa panahon ng pangangailangan. Sila ang
nagbibigay sa atin ng kaginhawaan ng pamumuhay na
magtataguyod sa pang-araw araw na pamumuhay.
Ang isang pamilya ay ang unang paaralan kung saan ang
isang bata ay tumatanggap ng mga pangunahing halaga ng buhay.
Natututo siya ng mabuting kaugalian. Ang mga moral at mga
pamantayan na natutunan sa bawat isa ay naging gabay tungo sa
pagiging mabuting tao at mamamayan dahil ditto unang nahuhubog
ang karakter ng isang tao. At higit sa lahat, mahalaga ang dahil sila
ang buhay mo at sila ang nagbibigay ng buhay sa iyo. Kung wala sila,
wala ka sa kinatatayuan mo ngayon. Kaya nararapat na
pahalagahan ang pamilya dahil sila ang mga taong kasama mo sa
anumang hirap at ginhawa. Sila ang bumubuhay at bumubuo sa
iyong pagkatao

Resources and Additional Resources

• Eden F.Samadan, Dolores M. Lavilla, Teresita B. Doblon, Shiela


Mae R. Roson et al. Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan
• Belen M. Jamisal, Ed.D. et al. Learning and Living in the 21st
Century

Deadline: September 17,2021

You might also like