Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ANG MGA PANG-URI AT KAANTASAN NITO

PANG-URI
– salitang naglalarawan ng tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari.
– ito ay maaaring maging katangian, hitsura, kulay, bilang o dami, laki, amoy, panlasa, at hugis
ng pangngalan.

Ang mga pang-uri ay maaaring maglarawan ng katangian, hitsura, kulay, bilang o dami, laki,
amoy, panlasa, at hugis.

Ang ilinilirawan ng pang-uri ay mga pangngalan. Sa ibaba ay ilang halimbawa ng mga


pangungusap kung saan gumamit ito ng pang-uri upang maglarawan ng pangngalan.

HALIMBAWA NG PANGUNGUSAP:
1. Ang suot niyang face mask ay malinis.
- PANGALAN: face mask,
- PANG-URI: malinis.

2. Mapagmahal na ama si Mang David.

- PANGALAN: Mang David,


- PANG-URI: mapagmahal.

3. Itim ang binili niyang bisikleta.


- PANGALAN: bisikleta,
- PANG-URI: itim.
KAANTASAN NG PANG-URI

ANG TATLONG KAANTASAN NG PANG-URI:


1. Lantay
– ito ang pinakasimpleng paraan ng paglalarawan sa katangian.
HALIMBAWA: mainit, maaraw, makulay, maginaw, malalim, malamig, mabigat, maputi.

2. Pahambing
– pinaghahambing ang katangian ng dalawang pangngalan o panghalip.
a. Kapag magkapareho ang katangian, dinadagdagan ang mga unlaping: magkasing-, sing-,
o kasing-.
HALIMBAWA: kasing-init, kasing-kulay, magkasingginaw, magkasing-puti

b. Kapag hindi magkapareho ang katangian, ginagamit ang mga salitang: mas, higit na, o di-
gaano.
HALIMBAWA: Masmainit ang Boracay kaysa Puerto Galera.
Higit na masmabigat ang dugong kaysa tarsier.
Di-gaanong kilala ang agila tulad ng tamaraw.

3. Pasukdol
– ang katangian ay namumukod o katangi-tangi sa lahat. Ginagamit ang mga unlaping:
pinaka-, napaka-, o kay-.
HALIMBAWA: pinakamainit, pinakamakulay, pinakamalalim, pinakamabigat,
napakainit, napakamakulay, napakalalim, napakabigat

– maaari ding idagdag ang mga salitang: ubod ng, at walang kasing-.
HALIMBAWA: Ubod ng bigat ang dugong.
Walang kasing-lalim ang Karagatang Pasipiko.

– maaari ding ulitin ang pang-uri upang ipahayag ang kaantasang pasukdol.
HALIMBAWA: Kilalang-kilala ang tarsier sa Bohol.
Kamangha-mangha ang mga agila sa Davao.
HALIMBAWA NG PAGKAKAIBA-IBA NG MGA
KAANTASAN NG PANG-URI

You might also like