Co LP Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Lesson Plan in Filipino 2

(1:30 – 2:20)

I.Layunin: Nagagamit nang wasto ang mga pang-ukol na ni at nina.

Pagtulong sa mga gawaing bahay.

II.Paksa at Kagamitan:

A.Paksa: Paggamit Nang Wasto sa Pang-Ukol na Ni at Nina.


B.Sanggunian: K-12 Most Essential Learning Competencies In
Filipino 2, LM p.399-401, Filipino Modyul 13
C.Kagamitan: larawan, tsart, powerpoint, worksheets

Integration:
Araling Panlipunan
Iba’t ibang gawain sa tahanan
MAPEH
Mga kagamitang ginagamit sa tahanan
Edukasyon sa Pagpapakatao
Pagpapakita ng pagmamahal sa magulang
Mathematics
Counting number

III. Panimulang Gawain

A. Drill
Basahin ang sumusunod na mga salita.
. isa . nag-uugnay . pangngalan
. dalawa . higit pa . tiyak

B. Balik-Aral
Piliin ang angkop na pantukoy sa loob ng panaklong.

1. Mabait ( si , sina ) Patricia.


2. ( Si , Sina ) Trisha ay naghuhugas ng mga pinggan.
3. ( Si , Sina ) Mike at Micalene ay magkapatid.
4. Naglalaro ( si , sina ) Angelo at Danver.
5. Sumigaw ng malakas ( si , sina ) Rex.

C.Pagganyak:

Tingnan ang mga larawan.Anu-ano ang ginagawa ng mga bata sa larawan?


Tinutulungan ni Roldan .Inihanda ni Aling Elena
si Lito sa pagdidilig ng ang paboritong pansit ng
halaman sa bakuran. magkakapatid.

Tinutulungan nina Lito . Nililinis nina Rina at


at Roldan ang kanilang Elen ang kanilang silid
tatay sa paglilinis ng tuwing araw na walang
bakuran. pasok

D. 1.Paglalahad at Pagtatalakay:
Pagbabasa sa maikling kuwento “ Ang mga Batang Uliran”.

. Paghahawan ng balakid

.mapalad: Mapalad ang mga magulang na may


mababait na mga anak.
. pataba: Ang mga tuyong dahon ay pwedeng gawin pataba sa
lupa para lumago ang mga halaman.

Ang mga Batang Uliran


Mapalad ang mag-asawang Mang Rufino at Aling Elena sa pagkakaroon ng mga
ulirang anak. Ang magkakapatid na Lito, Roldan, Rona at Elen ay mga batang kahanga-
hanga. Bukod sa masisipag silang magaral, matulungin din sila kapag araw na walang pasok
sa paaralan. Si Lito ay panganay sa magkakapatid, ang siyang nagsisilbing gabay nina
Roldan, Rina at Elen sa araw ng pagtulong kina Mang Rufino at Aling Elena. Tuwing araw
ng Sabado, tinutulungan ni Roldan ang kanyang kuya sa pagdidilig ng mga halaman ni Mang
Rufino. Tinutulungan nina Lito at Roldan ang kanilang Tatay sa paglilinis ng kanilang
bakuran. Itinatapon ni Lito ang mga basura sa basurahan at inilalagay ito sa hukay sa
likod bahay. Ang mga papel, tuyong dahon at iba pa ay ginagawang pataba o fertilizer
nina Lito at Roldan. Sina Rina at Elen naman ang inaasahan ni Aling Elena na tumulong sa
kanya sa loob ng tahanan. Nililinis nina Rina at Elen ang kanilang silid tuwing araw na
walang pasok. Pagkatapos na walisan ni Rina ang sahig, pupunasan naman ito ni Elen.
Pagkatapos ng kanilang gawain, naghahanda si Aling Elena ng masarap na pansit at
pampalamig na inumin na paborito nina Lito, Roldan, Rina at Elen. Sadya ngang
napakamasunurin at maaasahan ang mga anak nina Mang Rufino at Aling Elena.

Pagsagot sa mga katanungan tungkol sa kuwento.

1.Sinu-sino ang mga ulirang anak nina Mang Rufino at Aling Elena?
( Sina Lito,Roldan,Rina at Elen ang mga anak nina Mang Rufino at Aling
Elena.)
2.Sino ang nagsisilbing gabay sa paggawa sa kanilang magkakapatid?
(Si Lito ay gabay nina Roldan,Rina at Elen sa paggawa kapag araw ng
Sabado.)
3.Sino ang tumutulong kay Lito sa mga awain sa bakuran?
(Tinutulungan ni Roldan si Lito sa pagdidilig ng halaman sa bakuran.)
4.Anong gawain ang ginagampanan nina Rina at Elen tuwing araw ng Sabado?
.(Nililinis nina Rina at Elen ang kanilang silid tuwing araw na walang pasok.)
5.Sino ang naghanda ng paboritong meryenda ng magkakapatid?
.Inihanda ni Aling Elena ang paboritong pansit ng magkakapatid.

Pansinin ang mga salitang may salungguhit ano ang inyong napansin? Kailan ginagamit ang
pang-ukol na ni? Kailan naman ginagamit ang pang-ukol na nina?.

Ang pang-ukol ay mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa
pangungusap. Ang ni at nina ay mga pang-ukol.

Ang ni ay ginagamit kung tumutukoy sa isang tao.

Ang nina ay ginagamit kung ang isang bagay o kilos na ginawa para sa dalawa o mahigit
pang tiyak na tao.

Mga halimbawa

Kinain (ni, nina ) Ana ang pagkain sa mesa.


Kumain kami ( ni, nina ) Angelo at Angela sa kantina.
Iniipon ( ni, nina ) Ace ang na pamasko sa kaniya.
Kinuha ( ni nina ) Jay ang mga aklat sa loob ng silid aralan.
Si May-may ay bunsong anak ( ni, nina ) Alice at Rowel.

E. Pinapatnubayang Pagsasanay
Pagsasanay 1
Panuto: Punan ng pang-ukol na ni o nina ang patlang sa pangungusap.

1. Natulog si Ben sa bahay _____ Lito.


2. Ang kuwarto _____Zia at Zoe ay puno ng mga laruan.
3. Kinausap _______ Tatay ang kartero.
4. Malayo ang bahay ______ Rafa at Zara mula sa paaralan.
5. Malaki ang bahay _____ Luna sa probinsiya.

Pagsasanay 2

Panuto: Bumunot ng strip ng papel.Tumawag ng kamag-aral.Ipabasa


Ito.Sabihin ang tamang pang-ukol na dapat gamitin.

1. Dinampot _________ Lito ang mga tuyong dahon upang maging pataba sa mga
halaman.
2. Malaki ang naitutulong __________ Elen, Lito at Roldan sa kanilang magulang
tuwing araw na walang pasok.
3. Tinulungan __________ ni Roldan na magtanim ng mga halamang gulay si Mang
Rufino.
4. Hinayaan __________ Aling Elena na matuto sina Elen at Dina ng mga gawaing
bahay.
5. Tunay na kahanga-hanga ang mga anak ___________ Mang Rufino at Aling Elena.

Pagsasanay 3

Ang bawat grupo ay bibigyan ng isang maikling kuwento na nakasulat sa


bondpaper. Punan ang bawat patlang ng pang-ukol na ni o nina upang mabuo ang
diwa ng kuwento.

Grupo A

Maagang gumigising ang mag-anak na Santos.Agad-agad na tinutungo


1.______Ginang Santos ang kusina at ipinagluto ng agahan ang kaniyang
pamilya.Samantala,Ginoong Santos naman at ang tatlo nilang anak na sina
Ana,Grace at Clark ay nagligpit ng kanilang mga pinaghigaan. Pagkatapos,kinuha
2._______ Grace at Ana ang walis at bunot at agad na nagsimulang maglinis ng
bahay. Pinuno naman 3.________ Clark ng tubig ang mga balde. Ikinatuwa
4._________ Ginoo at Ginang Santos ang kasipagan ng mga anak.

Grupo B

Gagawa ng 5 pangungusap gamit ang pang-ukol n ani at nina

F.Paglalahat

Ano ang pang-ukol? Kailan ginagamit ang pang-ukol na ni? nina?


ni- ginagamit kung tumutukoy sa isang tiyak na tao.
nina- ginagamit kung ang bagay o kilos ay para sa dalawa o higit
pang tiyak na tao.

G.Paglalapat

Gumawa ng pangungusap gamit nang wasto ang mga pang-ukol na ni at nina.

IV. Pagtataya

Panuto: Bilugan ang angkop na pang-ukol sa loob ng panaklong.

1. Tinahi ( ni, nina ) Vanessa ang butas na damit.


2. Parating na ang bisita ( ni, nina ) Lucio at Lanie.
3. Nanalo ang nilikha na guhit ( ni, nina ) Jetro sa kontes.
4. Pinanood ( ni,nina ) Apple,Ali at Angel ang palabas.
5. Pinitas ( ni nina ) Riza ang bulaklak sa hardin upang ilagay sa plorera.

V. Takding-Aralin

Gumawa ng 5 pangungusap gamit nang wasto ang mga pang-ukol na ni at


nina.

Prepared by:

ARA O NIDEA
Grade 2 Teacher
Observers:

MYLENE C. BRAZIL
MT-I
ROSILIA A. NIVAL
HT-III

EMERITO S. GAVIOLA
District Head

You might also like