Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Semi-detailed Lesson

Plan
in Araling Panlipunan 9

Ekonomiks

Kahulugan ng Ekonomiks sa
Pang-araw-araw na Pamumuhay
Topic
Semi-detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan 9
I. Mga Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nabibigyang kahulugan ang ekonomiks;
b. Napapahalagahan ang ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay
bilang isang mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipunan; at
c. Nasusuri ang kaugnayan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay.

II. Paksang Aralin


Paksa: Kahulugan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay
Sanggunian: Most essential Learning Competencies Matrix; Kto12 Curriculum;
p.4; Ekonomiks: Araling Panlipunan Gabay sa Pagtuturo; p.11; Ekonomiks:
Araling Panlipunan Modyul para sa mag-aaral
Mga Kagamitan: laptop, projector, mga larawan, mga pantulong biswal
Values Integration: Matalinong pagdedesisyon at Pagiging responsable

III. Pamamaraan
A. Paghahanda
a. Pagdarasal
b. Pagbati
c. Pagsasa-ayos ng silid-aralan
d. Pagpapaalala ng mga Health Safety Protocols
e. Pagtatala ng mga Pumasok at Lumiban sa Klase

B. Pagganyak
Mayroong ipapakita ang guro na mga larawan na may kaugnayan sa
ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Pamprosesong tanong:
a. Anu-anong iyong nakikita sa larawan?
b. Anu-anong mga gawain ang ipinapakita sa larawan?
C. Pagtatalakay
Tatalakayin ang mga sumusunod na paksa:
1. Kahulugan ng Ekonomiks
2. Mahalagang Konsepto sa Ekonomiks
3. Kaugnayan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay
D. Paglalapat
Ang guro ay magbibigay nang gawain sa mga mag-aaral kung saan
mailalapat nila ang kanilang kaalaman sa paksa.
Gawain: Pagsulat ng Repleksiyon
Sumulat ng maikling repleksiyon tungkol sa iyong mga natutuhan at
reyalisasyon sa kahulugan ng ekonomiks sa iyong buhay bilang mag-aaral
at bilang kasapi ng pamilya at lipunan.
Rubrik sa Pagtataya ng Repleksiyon:
Dimensyon Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan
20 puntos 15 puntos 10 puntos ng Pagpapabuti
5 puntos
Buod ng aralin, Maliwanag at Maliwanag Hindi gaanong Hindi maliwanag at
paksa, o gawain kumpleto ang subalit may maliwanag at marami ang
pagbuod ng kulang sa kulang sa kulang sa mga
araling tinalakay. detalye sa paksa detalye detalye
Presentasyon ng Lahat ng Tatlo lamang sa Dalawa lamang Isa lamang sa mga
pagkakasulat pamantayan ay mga sa mga pamantayan ang
- Maayos ang matatagpuan sa pamantayan ang pamantayan ang matatagpuan sa
pagkakasunod- kabuuang matatagpuan sa patatagpuan sa kabuuang
sunod ng mga repleksiyon. kabuuan ng kabuuang repleksiyon
ideya repleksiyon repleksiyon
- Hindi paligoy-
ligoy ang
pagkakasulat
- Angkop ang
mga salitang
ginagamit
- Malinis ang
pagkakasulat

E. Paglalahat
Ang guro ay magbibigay ng mga pamprosesong tanong upang mahikayat
ang mga mag-aaral na maipahayag ang kanilang natutunan sa aralin.
Pamprosesong tanong:
a. Paano nakatutulong sa matalinong pagdedesisyon ang mga
konsepto ng ekonomiks?
b. Sa iyong palagay, kailan masasabing matalino ang pagdedesisyong
ginawa ng tao?

- Sa pag-aaral ng ekonomiks, inuunawa ang mga konsepto at suliranin


ng kakapusan at paparaming pangangailanagan at hilig-pantao,
alokasyon, alternatibong desisyon, at pamamahala ng mga gawaing
pamproduksyon at pangkalahatang kaunlaran.
- Ang pag-aral ng ekonomiks ay nakatulong upang magkaroon ng
tamang pagpapasya at pagpili ang tao.
IV. Pagtataya
Ang guro ay magbibigay ng isang maiklling pasulit sa klase (Multiple Choice 10-
items). Ipasulat ang sagot sa ika-apat (1/4) na papel.

V. Kasunduan
Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng takdang-aralin upang mas maproseso ang
kaalaman tungkol sa aralin.

Iguhit Mo!
Batay sa iyong natutunan sa aralin, ilarawan ang kahulugan at konsepto ng
ekonomiks sa pamamagitan ng pagguhit.
Rubriksa pamantayan ng pagmamarka
Kriterya Napakalinaw ang Lubhang malinaw ang Hindi malinaw ang
pagkakabuo pagkakabuo pagkakabuo
15 puntos 10 puntos 5 puntos
Nilalaman
Mensahe
pagkakabuo

Inihanda ni:

You might also like