REBISADO

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

VALISE

Heroic
By Group 3 – BSCA3

Narrator:
Simple pero masaya kung ilarawan ni Airron ang kanyang pamumuhay kasama ang kanyang asawa
at tatlong mga anak. Bakas sa kanilang mga ngiti ang tahimik ngunit napakasayang pamilya. Kuntento siya
sa kung anong mayroon sila. Hindi man marangya, at hindi nasusunod ni Airron ang luho ng kanyang
pamilya ay hindi nagrereklamo ang mga ito. Bagkus ay mapagpasalamat sila sa mga maliliit na biyayang
natatanggap ng pamilya sa araw-araw.
Ang kanyang maybahay na si Jane ang siyang nag-aasikaso sa kanyang mga anak habang siya naman
ang naghahanapbuhay at nagtataguyod ng pamilya. Ngunit dahil hindi nakapagtapos ng kolehiyo ang lalaki
hirap itong makahanap ng regular na trabaho. Kadalasan ay sumasama lamang siya sa mga kaibigan bilang
isang construction worker.
Gayunpaman, salat man sa yaman at karangyaan, busog naman sila sa pagmamahal. Simple man ang
kanilang buhay sinisiguro ni Airron na lagi siyang may oras sa kanyang pamilya. Nagkukwentuhan sila at
magkakasamang nanonood ng tv, at sama-samang nagsisimba tuwing araw ng Linggo. Hindi katulad ng
mayayaman na puro trabaho ang inaatupag. Masaya siya na buo ang pamilya niya sa kabila ng mga
problema nila sa buhay. Ngunit hanggang kailan nga ba ito magtatagal? Gaya niya kaya ang kanyang asawa
na masaya sa simpleng buhay?
Lumilipas ang panahon hindi namamalayan ni Airon ay nagbabago na pala ang mga naisin ng asawa
niyang si Jane. Wala siyang malay na taliwas na pala sa kanyang paniniwala, na iba pala na ang
nararamdaman at tumatakbo sa isipan ng kanyang mahal na asawa.
Tagpo Bilang 5
Nag-uusap ang mag-asawang Airron at Jane sa sala ng kanilang kwarto, nagdadabog at
nakasimangot si Jane sa lalaki habang nag-eempake ng kanyang mga damit. Balak nitong umalis para
maghanap ng trabaho.
Airron: Mahal may problema ba? Bakit bigla ka nalang nagkaganyan? Wala kang kibo, napapabayaan mo
na rin ang mga anak natin.
Jane: Bakit? Tinatanong mo ko kung bakit? Tignan mo nga yung buhay natin? Hirap na hirap tayo, wala
kang permanenting trabaho! Hindi na ‘ko masaya sa buhay na binibigay mo! Hindi ito yung pinangarap ko!
Hindi ito yung buhay na pinangako mo Airron!
Airron: Mahal ano bang nangyayari sayo? Masaya naman tayo diba sa simpleng buhay na meron tayo?
Nakikita ko masaya ka simula ng kinasal tayo…..
Jane: Airron nung una oo! Masaya ako dahil mahal kita at mahal ko ang mga anak ko, pero Airron pagod na
‘ko sa buhay na ‘to. Gipit tayo palagi. Hindi tayo mapapakain ng pagmamahal lang Airron!? Hindi nyan
mabubusog yung kumakalam na sikmura ng mga anak natin!
Airron: Hindi pa ba sapat na may inuuwi akong pera dito at buo tayo?
Jane: Kahit kailan hindi yun magiging sapat hanggat hindi tayo umaasenso, hindi mo ba nakikita kung saan
tayo nakatira? Hindi man lang tayo makapag pagawa ng bahay na bato!
Airron: So hindi ka kuntento? Naghahangad ka ba ng yaman? (mababa at malungkot na tono)
Jane: (hindi nakasagot, tumingin sa ibang direksyon)
Airron: So naghahangad ka nga, bulag ka ba?! (pasigaw). Pangarap mo umasenso? Gusto mong umalis?
Gusto mong maging mayaman? Para ano? Para mawalan ka ng oras sa mga anak natin? Bakit? Mas
mahalaga ba sayo yang pera kesa sa pamilya mo? Mas mahalaga ba yan kesa sa amin ha?!
Jane: Hindi ganon ‘yon, ang sakin lang maghahanap ako ng trabaho para sa mga anak natin.
Airron: Trabaho? Meron naman dito sa’tin ah, bakit kailangan mo pa kaming iwan?
Jane: Hindi tayo mabubuhay kung dito ako magtatrabaho, kaya wala ka nang magagawa aalis na …….
Narrator: Hindi natapos ni Jane ang sasabihin niya dahil pagharap niya sa pinto ay nakita niya ang tatlo
niyang anak na nakikinig sa pagtatalo nilang mag-asawa at nakitang nag iimpake ang kanilang ina.
Tagpo: Malungkot at naiiyak na nakatingin ang magkakapatid sa kanilang ama’t ina.
Jane: Nandiyan na pala kayo.
Alyra: Aalis ka ma? Saan ka magtatrabaho?
Jayvee: Bakit mo kami iiwan?
Narrator: Kanya kanyang tanong ang panganay at pangalawang anak nito ngunit ang bunso ay naka
tahimik lang
Jane: (Umiiyak) Para sa inyo ang gagawin ko mga anak.
Jayvee: Ma masaya naman tayo sa ganitong buhay diba?
Jane: Ako hindi na, hindi ko na rin kayang makita kayo sa ganitong estado ng buhay.
Narrator: Umalis si Jane habang umiiyak na pinipigilan ito ng dalawang anak. At sa unang pagkakataon
nagsalita na ang bunsong anak na nagmamakaawa.

Zid: Ma, wag mo kaming iwan please? Sasama nalang po ako sainyo. (Umiiyak)
Jane: Patawad, mga anak. (Umiiyak)

Narrator: Yun ang huling salitang binitawan ni Jane bago ito umalis. Lumipas ang ilang buwan ngunit
hindi man lang tumawag si Jane sa kanilang mag-aama. Wala na silang balita kay Jane at hindi na
nagparamdam pa muli. Lalong nahirapan si Airron na itaguyod ang kanyang mga anak dahil napanghihinaan
siya ng loob sa pag alis ni Jane. Ngunit mas lamang sa isip niya ang kanyang mga anak kaya nagdesisyon
itong umalis.
Alyra: Aalis ka rin Pa?
Jayvee: Hayaan mo siya ate, siya naman may kasalanan kung bakit umalis si mama diba.
Alyra: Ano bang pinagsasasabi mo Jayvee? Walang kasalanan si papa.
Jayvee: Totoo naman e, umalis si mama dahil sa buhay na binibigay ni papa sa’tin.
Zid: Umalis si mama dahil hindi siya nakuntento sa buhay na meron tayo.
Jayvee: Ano?!
Airron: Wag na kayo mag-away, hindi ako aalis dahil gusto ko, aalis ako dahil kailangan para sa inyo.
Kahit ayoko, gagawin ko.
Narrator: Wala nang magawa ang mga anak nito kaya naisipan ni Alyra na ibili ng maleta ang ama nito
gamit ang naipon nilang pera.
Tatlong araw bago umalis si Airron ng bansa..
Alyra: Pa, may regalo kami sayo. (inabot ang maleta)
Airron: Saan kayo kumuha ng pambili nito? Okay naman na sa akin ang bag lang.
Alyra: Sa ipon po namin galing yan Pa, nagbigay din po si Jayvee diyan kahit masama yung loob hahaha.
Ingatan mo po yan pa ha.
Airron: Oo naman, regalo niyo ‘to e, salamat mga anak.

Narrator: Dumating na ang araw ng pag-alis ni Airron, hinatid siya ng mga anak niya sa airport dala-dala
ang maleta na regalo ng kanyang mga anak. Labis niya itong iniingatan dahil ito lamang ang kaisa-isang
bagay na nakakapag paalala sa kanya na may mga anak siyang sumusuporta sa kaniyang desisyon para sa
kanilang pamilya.

Pagkalapag niya sa bansang Hongkong, ang kanyang mga anak lang ang iniisip niya para lumakas ang
loob niya kahit papaano.

Sa bahay ng amo:
Airron: Good day Ma’am, Sir I am Airron Ritumalta from Philippines, I am your new helper.
Mr. Li Cheng: Good day, Come in. We’re not going to speak Chinese so you understood us. Please speak
English, okay. Meet my wife, please call her Ma’am Patricia, she’s half Chinese- half Filipina and this is my
son Kevin Cheng.
Airron: Yes sir, thank you. It’s nice to meet you.

Narrator: Nakahinga ng maluwag si Airron dahil half Filipina ang amo nitong babae ngunit…

Patricia: First rule, wala kang ibang gagawin kundi ang trabaho mo, dapat maayos, dapat malinis lahat wala
kang maiiwan na kahit na maliit na dumi. Second, ayoko sa lahat ng katulong yung petiks, ayokong nakikita
na nagse-cellphone kayo during worktime! Third, siguro nagtataka ka, bakit lalaki ang kinuha ko na helper,
it is because ayoko sa mga babae lalo at uso ang mga nagiging kabit na katulong, isa pa walang babaeng
tumatagal dito, kaya dapat matatag ka! Malinaw ba ang sinabi ko?
Airron: Yes madam! Yes! Yes! Madam! Madam!
Patricia: Mabuti! Halika at ihahatid kita sa kwarto mo!
Narrator: Inihatid na nga ng amo si Airron sa kanyang kwartong tutuluyan, gayun na lamang ang panlulumo
niya ng makita ang kwarto na tila ba tambakan ito ng mga lumang kagamitan, maalikabok at kakaiba ang
amoy ng kwartong ito.
Patricia: Siguro naman hindi ka maarte dahil lalaki, bweno maiwan na kita.
Narrator: Tuluyan ng tinalikuran ng amo ang lalaki at hindi man lang nakapagreklamo o nakapagtanong pa
sana ng mga bagay-bagay.
Ang mga unang lingo niya sa pagsisilbi ay medyo maayos sapagkat medyo sinusungitan siya, una
natitiis niya pa pero noong mga lumipas pa ang ibang lingo ay napapansin niyang masyadong nang masakit
magsalita at napagbubuhatan na siya ng kamay ng kanyang babaeng among nakasasama ng loob para sa
kanya sapagkat kung sino pa ang kanyang kababayan siya pa ang nagmamalupit sa kanya. Nagpapasalamat
na lamang siya at mabait sa kanya ang anak ng mag-asawa na si Kevin ngunit walang magawa ang binate
upang siya ay tulungan.
Tagpo: Naglilinis ng mga muwebles si Airron ng hindi sinasadya nabasag niya ang antigo at paborito vase
ni Patricia, hindi niya napansin na parating na pala ang amo at nakita nito ang insidente galit na galit na
sinugod nito si Airron.
Patricia: (Galit na galit) Anong ginawa mo?! Binasag mo ang vase ko! Ang tanga-tanga mo! Alam mo ba
kung magkano to?
Airron: Sorry po mam, hindi ko po sinasadya babayaran ko na lang po.
Patricia: Babayaran?! Ha? Babayaran mo?! Kahit mamatay ka dito hindi mo mababayaran to! Mahal pa to sa
buhay mo! (Dinuduro si Airron)
Airron: Sorry po mam, patawarin niyo po ako. (Umiiyak)
Narrator: Walang nagawa si Airron kundi ang umiyak,
Naging malupit ang tadhana para sa amang nagsakripisyo dahil ang hindi niya alam na nagkakaroon
na pala ng problema ang kanyang mga anak sa Pilipinas. Isang araw matapos siyang pagmalupitan ng
kanyang among ay tumawag ang kanyang mga anak na babae. Sinagot niya ang tawag galing sa pinas
habang pinipigilan niya ang iyak dahil sa pagmamaltrato sa kanya, pilit niyang pinasaya ang kanyang boses
na tila ba walang problema at sakit siyang dinadama ngunit sumalubong sa kabilang linya ng telepono ang
boses ng kanyang mga anak. Nakaramdam siya ng kaunting saya ng marinig niya ang mga ito ngunit hindi
niya inaasahan na masamang balita pala ang dala ng mga ito. Ang kanyang pangalawang lalaking anak ay
nasisira ang pagaaral,maling landas ang tinatahak sapagkat lubha itong naapektuhan ng pagkakahiwa-
hiwalay ng kanilang pamilya.
Tagpo: nag-uusap ang mag-ama sa cellphone
Alyra: Hello Tay! Kamusta ka na po?
Airron: Hello Nak! Mabuti naman ako! Kayo ni Jayvee? Si Zid kamusta? Kumakain ba kayo ng tama?
Kamusta yung pag-aaral niyo?
Alyra: Tay okay naman po ako at si Kate, pero si Jayvee tay nagpapabaya po sa pag-aaral hindi niya po
matanggap na iniwan tayo ni Nanay, at ikaw kailangan mo pang umalis. Pero tay wag ka mag-alala, ako na
po bahala kay Jayvee Tay, hindi ko po siya pababayaan at sinisiguro ko po sayo na magiging okay din po
siya at makakapagtapos siya.
Airron: (Umiiyak) Salamat anak, ikaw na ang bahala sa kapatid mo. Mahal na mahal ko kayo. Mag-iingat
kayo palagi.
Alyra: Opo Tay kayo rin po. Kaya natin to!
Narrator: Hindi mawala sa isip ni Airron ang pinagdadaanan ng kanyang anak, lubha siyang nag-aalala sa
mga ito, kaya madalas ay wala siya sa sarili at napapabayaan ang trabaho na naging sanhi upang mas lalo
siya pag-initan ng mag-asawa Cheng.
Tagpo: Nasunog ang niluluto ni AIrron dahil sa malalim na pag-iisip tungkol sa mga anak. Nangangamoy
ang nasusunog na almusal ng pamilyang Cheng.
Mr. Li Cheng: What’s that smell? (Umaamoy sa paligid papunta sa kusina) Airron! What have you done?!
You idiot! (Sinampal si Airron)
Airron: Sir sorry po, Im so sorry.
Mr. Li Cheng: You’re going to feed us with these burnt food?! HaH?! You eat that shit! (Sinupalpal kay
Airron ang pagkaing sunog sabay tumalikod)
Narrator: Naiwan si Airron na naiiyak sa awa sa sarili at sa mga anak na naiwan sa Pilipinas. Laking
pasalamat ni Airron ng makakilala siya ng mga kababayan niyang Filipino na katulad niya ay
nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Mayroon na siyang nakakausap, at napaglalabasan ng sama ng loob.
Michael: O pre, kamusta ka naman dito sa Hongkong? Maayos ba ang trato sayo ng mga amo mo?
Airron: Hmmmm. Paano ng aba mailalarawan ang maayos na pagtrato? Nakalimutan ko na ata pre? Yun ba
yung konting pagkakamali ko sinasaktan agada ko? O yung isang beses lang akong nakakakain sa isang
araw? Hindi ko na alam, nakalimutan ko na. (Nalulungkot)
Tracy: mahirap talaga makipagsapalaran sa ibang bansa, may sineswerte ay nabibigyan ng mababait na amo
pero tulad mo at tulad ko minalas tayo at napunta tayo sa mga malulupit na amo. Pero syempre pre
magulang tayo, susuko ba tayo? E para sa pamilya natin tong ginagawa natin?
Kate: Kung kailangan niyo ng tulong magsabi lang kayo, hindi kami magdadalawang isip na tumulong.
Djhay: Oo nga para saan pa at magkakababayan tayo.
Airron: Salamat sa inyo, tama hindi dapat tayo sumuko! Para sa pamilya natin! Para sa mga anak ko!
Narrator: Sa kabilang banda, sa Pilipinas, bumalik si Jane sa mga anak niya na walang ka-alam alam na
nasa ibang bansa ang kanyang asawa. Nadatnan niya ang anak na lalaki sa sala.
Jayvee: (Gulat na gulat) Nay! Nay nagbalik ka na! (Patakbong niyakap ang ina)
Jane: Patawarin niyo ko anak.
Alyra and Zid: Nasa pinto ng kwarto pinapanood ang nanay at kapatid nila.
Jane: Alyra, Zid parine kayo at yakapin si Nanay.
Kate: umalis ka na diba?
Jane: Anak?
Kate: bat ka pa bumalik?
Jane: Anak patawarin niyo ko. (Umiiyak)
Zid: Iniwan mo kami diba? Bakit? Dahil pagod ka na? Dahil sawa ka na sa buhay natin? Dahilan ba yun?
Sapat ba yun para iwan at talikuran mo kami? Ni maski isang tawag simula ng umalis ka wala. Tas babalik
ka dito ng parang wala lang? Anong akala mo samin? Robot? Walang pakiramdam? (Nagwalkout)
Alyra: Zid.
Jayvee: Zid ano ba?! Bumalik ka dito.
Jane: Anak, patawad.
Zid: Walang wala ka kay tatay, umalis man pero hindi kami pinapabayaan.
Jane: Umalis ang tatay niyo?
Jayvee: Opo nay, nasa hongkong po nagtatrabaho.
Hindi na nakapagsalita si Jane sa sobrang kahihiyan sa mga anak.
Sa Hongkong..
Sean: Mr. Airron, Can I talk to you?
Airron: Yes Sir what it is? Do you need something Sir?
Sean: Nothing, I just want to apologise for what my parents did to you.
Airron: It is nothing sir. That is part of a job.
Sean: No, It’s not, I’m sorry if I can’t do anything about it.
Airron: It’s okay sir.

Narrator: nakagaan sa pakiramdam ni Airron ang pagiging mabait ng anak ng mga Cheng ngunit patuloy pa
rin ang pagmamalupit ng amo kay Airron at tinitiis niya na lamang ito. Alang-alang sa mga anak. Ngunit
isang pangyayari ang magpapabaggo sa kanilang sitwasyon. Nagkaroon ng di inaasahang pangyayari na
naging dahilan upang magbago ang pakitungo ng mag-asawa kay Airron.
Isang umaga naglalakad si Airron galing pamilihan ng mapansin niya ang usok na nagmumula sa
kusina ng bahay ng kanyang amo. Wala ang mag-asawang Cheng, ang mga ito ay maagang umalis ang mga
ito upang pumunta sa meeting pa ng kanilang negosyo. Naiwan nilang bukas ang lutuan sa kusina. Dali-
daling pinuntahan ni Airron ang pinagmumulan ng usok, gayun na lamang ang panlalaki ng mata niya ng
makita niya na kumakapal na ang usok sa loob ng bahay ng kanyang amo at ito na ang kanyang nalalanghap.
Kinakailangan niya magmadali na makalabas upang mailigtas ang sarili. Ngunit sa halip na unahin ang sarili
ay iba ang nasa isip ni Airron.

Airron: (Sumisigaw at hinahanap si Kevin) Kevin! Kevin! Nasaan ka Kevin! Kevin may sunog nasaan ka?!
(Walang sumasagot, sa kabilang banda si Kevin naman ay wala ng malay dahil suffocated na ito sa usok. Si
Kevin ay isang baldado na natamo niya sa isang aksidente)
Patuloy sa paghahanap si Airron hanggang sa makita niyang ang walang malay na si Kevin sa kwarto nito.
Airron: Kevin! Kevin! Gising kevin! Kailangan na nating makalabas.
Ngunit walang sagot mula kay Kevin kaya nagpasya si Airron na pangkuhin na ang baldado upang sabay
silang makalabas at mailigtas ang buhay nilang dalawa. Nagtagumpay naman si Airon sa kanyang ginawa,
nakalabas sila ng bahay at dali-dali siyang tumawag ng bumbero at ambulansya upang maisugod si Kevin sa
ospital.
Tagpo: Sa ospital, dumating ang mag-asawang Cheng
Mr. Li Cheng: where is my son? Airron answer me where is my son?
Airron: He’s inside Sir, he is recovering.
Narrator: Dali-daling pumasko ang mag-asawa at nakita ang anak na si Kevin, samantala si Patricia ay
lumabas matapos makita ang anak.
Patricia: Airron, salamat, maraming salamat at di mo iniwan ang anak ko kahit may pagkakataon ka para
iligtas ang sarili mo, hindi mo pa rin siya pinabayaan at tinalikuran. Utang ko sayo ang buhay ng anak ko.
Napakabuti mo, kahit na hindi Maganda ang trato naming sayo nagawa mo pa rin kaming tulungan,
maraming-maraming salamat Airron.
Airron: Walang anuman po Mam, kahit po sino sigurong nasa posisyon ko gagawin din po ang ginawa ko
lalo at buhay po ang nakasalalay po dito. Tsaka pamilya na po ang turing ko sa inyo, lalo kay Kevin hindi po
ako magdadalawang isip tumulong kung kailangan.
Patricia: Patawarin mo kami Airron, lalo na ako magkababayan pa tayo pero pinagmalupitan kita.
Patawarin mo ko. (Umiiyak)
Narrator: Naging maayos ang lahat para kay Airon, hindi na siya pinagmamalupitan at higit sa lahat
pamilya na ang turing sa kanya ng kanyang mga amo. Unti-unti nakaipon si Airron at nakauwi sa kanyang
pamilya. Samantala sa Pilipinas hindi pa rin napapatawad ng bunsong anak ni Airron ang ina nitong si Jane.
Zid: Bakit ka ba kasi andito? Pwede ba umalis ka na?
Jayvee: Zid, ano ba?! Wala ka na ba talagang respeto sa nanay?! Mahiya ka naman!
Zid: Bakit kuya? Siya ba nahiya nung iniwan at tinalikuran niya tayo?!
Alyra: Zid, huminahon ka. Wala tayong masosolve na problema kung ganito tayo. Matuto tayong
magpatawad. Please? Para sa pamilya natin.
Zid: Hindi niyo ko naiintindihan! Tinalikuran niya tayo! Nagmakaawa ako sa kanya na wag tayo talikuran,
nakiusap ako na isama niya ko. Pero kahit ako hindi naging sapat para wag tayo iwan. Napakasakit ate,
napaksakit. (Pinupukpok ang dibdib.)
Habang nagkakagulo ang mag-iina may bigla na lamag dumating na hindi nila inaasahan.
Airron: Anong nangyayari dito?
Zid: Tay! (agad na sinalubong ang ama)
Airron: Kakabalik ko lang nagkakagulo na agad kayo.
Zid: May nakakainis lang kasi tay, paalisin niyo na nga po yan.
Airron: Zid anak, (nilapitan at niyakap ang anak) wala akong sasabihin na kahit na ano, naiintindihan kita.
Pero anak kailangan nating magpatawad, hindi dahil talunan tayo kundi dahil para sa sarili nating
pangkapayapaan ng kalooban.
Zid: pero tay gano ganon nalang po ba yon?
Airron: anak, kahit kailan hindi namin tinuro sa inyo ng nanay niyo na magtanim kayo ng sama ng loob,
kahit gaano pa kalaki yung kasalanan ng isang tao sa inyo, subukan niyo silang patawarin, hindi man
mabilisan, pero umuusad. Katulad ngayon, nakauwi ako kasi nakaipon na ‘ko. Umasenso tayo ng paunti unti
at hindi mabilisan. Ganon din ang pagpapatawad anak.
Zid: sige po susubukan ko
Alyra: Iba ka talaga tay! Kapag ikaw talaga nagsalita napapasunod mo yang si Zid.
Zid: Mabait kasi ako ate, marunong ako mag pahalaga sa paghihirap ni tatay ‘di kagaya ni kuya nagloko,
charriizzz, kuya.
Jayvee: Mga kalokohan mo talaga Zid hahaha
Jane: Maraming salamat mga anak at Airron. Hindi ako umaasang mapapatawad niyo ng tuluyan pero hindi
ako susuko.
Airron: Pagusapan natin ng maayos kung anong nangyari.

Pinagusapan ng mag-asawa ang mga nangyari sa nakaraan, nagkapaliwanagan at nagkaintindihan. Nagdaan


ang mga araw at unti unti na ring napatawand ng bunsong anak ang kanyang ina. Malaki ang naipon ni
Airron kaya nagawa nitong magpagawa ng bahay para sa kaniyang pamilya. Hindi na muli pang umalis si
Airron, nahakanp siya ng permanenteng trabaho. Namuhay ang mag-anak ng kumpleto at masaya.

You might also like