Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Filipino 7

Filipino – Ikapitong Baitang


Ikaapat na Markahan – Modyul 18: Paraan ng Pagsulat ng Iskrip ng Dula
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Maricel S. Tiangson
Tagasuri: Pedro B. Cenera, Roselle U. Rosario
Editor: Cindy C. Macaso at Leda L. Tolentino

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
Manuel A. Laguerta EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 7
Ikaapat na Markahan
Modyul 18 para sa Sariling Pagkatuto
Paraan ng Pagsulat ng Iskrip ng Dula
Manunulat: Maricel S.Tiangson
Tagasuri: Pedro B. Cenera at Roselle U. Rosario/Editor: Cindy C. Macaso at Leda L. Tolentino
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 7 ng Modyul 18 para sa araling
Paraan ng Pagsulat ng Iskrip ng Dula!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 Modyul 18 ukol sa Paraan ng Pagsulat ng


Iskrip ng Dula!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Nagagamit ang mga salita at pangungusap nang may kaisahan at


pagkakaugnay-ugnay sa mabubuong iskrip.

MGA INAASAHANG LAYUNIN


A. Nakasusulat ng iskrip ng wakas na bahagi ng Ibong Adarna gamit ang mga
salita at pangungusap nang may kaisahan at pagkakaugnay-ugnay; at
B. Nabibigyang-halaga ang mensaheng hatid ng Ibong Adarna.

PAUNANG PAGSUBOK
Halina’t tayahin ang paunang kaalaman hinggil sa paksang tatalakayin.

PANUTO: Punan ang mga patlang ng mga salitang bubuo ng diwa ng pahayag.
Isulat lamang ang letra sa sagutang papel.

1. Ang __________ ang pinakakaluluwa ng isang dulang itatanghal sapagkat


lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay nagmumula rito.
A. direktor B. dula C. iskrip D. tauhan
2. Sa tono at himig nakabatay ang __________ ng katha.
A. aral B. mensahe C. diwa D. pahiwatig
3. Kailangang masalang ang mga __________ gagamitin sa diyalogo.
A. diyalogo B. kuwento C. salita D. tauhan
4. Sa ________________ nakadepende ang mga gagamiting salita.
A. direktor at manonood C. manonood at paksa
B. diyalogo at diwa D. tauhan at direktor
5. Ang mahalaga sa kuwento ng isang dula ay ang __________.
A. iskrip B. manonood C.mensahe D. pahiwatig

BALIK-ARAL
PANUTO: Piliin ang wastong salita o parirala na ginagamit sa pag-uugnay-
ugnay ng mga salita at pangungusap sa pagbuo ng iskrip. Isulat sa
sagutang papel ang iyong sagot.

Salermo: 1. __________ (Nang dahil, Nang upang) sa iyong tapat na pagsunod


sa aking mga kahilingan, ikaw, Don Juan, aking pinapayagang pumili
sa aking tatlong anak upang gawing asawa. Ngunit ang kanilang mga
hintuturo lamang ang iyong makikita mula sa mga pinto. Kapag
nakapili ka na, kahit sino man ang iyong napili, ay papayagan kong
kayo ay ikasal na.
Juan: (naglalakad-lakad sa mga pinto) Mahal na hari, narito ang aking
prinsesang iniibig.

Maria: (lumabas) O, aking mahal!

Salermo: ( saglit na hindi nakaimik sa pagkatulala) Hindi pwede! (galit na


galit)

Maria: Ngunit ama, ika’y nangako!

Salermo: Hindi! Hindi ako makapapayag, Kunin mo na ang lahat sa akin


huwag lang ang anak kong si Maria!

Juan: 2. ___________. (Dahil, Ngunit)

Maria: Mahal ko, ako’y ilayo mo ngayon din sa lugar na ito.

Juan: (tumakbo habang hawak si Maria)

Salermo: ( hinawakan si Maria) O, aking bungsong prinsesa, huwag mong


iwan ang iyong ama. Pabayaan mo na ang prisipeng estrangherong
iyan, dumito 3. ________ (ikaw, ka) sa tabi ng iyong ama.

Maria: (iwinaksi ang kamay ng ama at itinulak ito) Hindi, ama! Magulang
man kita 4. _________ (ngunit, sapagkat) mahal ko si Juan. Ako sana’y
patawarin.

(umalis sina Don Juan at Donya Maria)

Salermo: (umiiyak) Maria! Isinusumpa kita! Ang iyong minamahal na si Don


Juan ay tiyak na malilimutan ka kapag dumating na siya sa Berbanya!
Siya’y ikakasal sa unang babaeng kanyang makikita sa kaharian ng
Berbanya 5. _________ (at, upang) ikaw ay habambuhay na mag-iisa!

ARALIN
Matapos mataya ang dati mo nang alam tungkol sa aralin,
unawain ang mga paraan ng pagsulat ng iskrip ng dula.

Ang Iskrip at Diyalogo

Sa isang pagtatanghal, walang kuwento ang maisasadula kung


wala ang iskrip. Matatawag lamang na dula ang isang katha kung ito’y
itinatanghal, ngunit maitatanghal lamang ito kung may iskrip na
magsisilbing gabay ng mga tauhan upang magsadula. Taglay ng iskrip
ang mga diyalogo ng mga aktor sa pagtatanghal ng isang tagpo at
maging ng buong dula.
Tinatawag na iskrip ang nakasulat na gabay ng aktor, direktor
at iba pa na nagsasagawa ng dula.
Ang iskrip ang pinakakaluluwa ng isang dulang itatanghal
sapagkat lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay nagmumula
rito. Sa iskrip matatagpuan ang galaw ng mga aktor, ang mga tagpo,
ang mga eksena. At gayundin ang diyalogo ng mga tauhan. Ang
diyalogo ang sinusundan ng mga aktor. Ito ang nagbibigay ng mga
mensahe sa isang dula. Diyalogo ang tawag sa anumang usapan sa
pagitan ng dalawa at ilan pang mga tauhan sa loob ng isang dula.

Ayon kay Sicat sa kanyang sanaysay na “sa Pagsulat,”


nagsisimula siya sa ideya. Mula sa ideya, aniya, itinatayo niya ng
balangkas sa isip at pinaglalapat-lapat niya rito, sa pamamagitan ng
mahiwagang kapangyarihan ng imahinasyon, ang samu’t saring
impresyon, gunita, larawan, damdamin at pangyayari. Tila siya
mangangaso, kung saan-saan siya nakararating. Narito ang mga
paraan o teknik kung paano makasusulat ng iskrip.

1.Dapat na marunong ang isang manunulat na tumimpla ng kanyang


mga sinusulat. Nakabaling ito sa tono’t himig na hangad
ipahiwatig sa katha.
2.Magsimula sa pagsulat ng mga diyalogo. Kailangang masalang
mabuti kung ano ang mga gagamiting salita sa diyalogo.
3. Piliin ang salita na gagamitin depende sa manonood o paksa.
4. Mahalaga na may nilalaman (content) ang isang kuwento. Ito ang
mensahe ng kuwento,anyo (form) sapagkat mapapailalim sa
anyo ang kasiningan ng pagsusulat. Dito pumapasok ang
estilo.
5. Kailangan sa pagsulat ang disenyo, ang pagbalangakas, ang mga
dibisyon (ang simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at
sulyap sa suliranin; sinulong - matatagpuan ang saglit na
kasiglahan, ang tunggalian at ang kasukdulan; at wakas -
matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan).
Dapat rin na pag-aralan ang makatotohanan at epektibong
banghay (plot) , karakter (character) , tagpuan (location) ,
paningin ( p o i n t o f v i e w ) , at iba pang sangkap sa pagkatha.
Sa pagsulat ng iskrip nararapat na lakipan ito ng angkop na
tunog sapagkat ang iyong gagawing akda ay pagbabatayan at
pinakabuhay ng isang dula.

Halimbawa ng Iskrip:
Salermo: Nang dahil sa iyong tapat na pagsunod sa aking mga
kahilingan, ikaw, Don Juan, aking pinapayagang pumili sa
aking tatlong anak upang gawing asawa. Ngunit ang kanilang
mga hintuturo lamang ang iyong makikita mula sa mga pinto.
Kapag nakapili ka na, kahit sino man ang iyong napili, ay
papayagan kong kayo ay ikasal na.

Juan: (naglalakad-lakad sa mga pinto) Mahal na hari, narito ang aking


prinsesang iniibig.

Maria: (lumabas) O, aking mahal!

Salermo: ( saglit na hindi nakaimik sa pagkatulala) Hindi pwede! (galit


na galit)

Maria: Ngunit ama, ika’y nangako!


Salermo: Hindi! Hindi ako makapapayag, Kunin mo na ang lahat sa
akin huwag lang ang anak kong si Maria!

Juan: Ngunit.
Maria: Mahal ko, ako’y ilayo mo ngayon din sa lugar na ito.

Juan: (tumakbo habang hawak si Maria)

Salermo: ( hinawakan si Maria) O, aking bungsong prinsesa, huwag


mong iwan ang iyong ama. Pabayaan mo na ang prisipeng
estrangherong iyan, dumito ka sa tabi ng iyong ama.

Maria: (iwinaksi ang kamay ng ama at itinulak ito) Hindi, ama!


Magulang man kita ngunit mahal ko si Juan. Ako sana’y
patawarin.

(umalis sina Don Juan at Donya Maria)

Salermo: (umiiyak) Maria! Isinusumpa kita! Ang iyong minamahal na


si Don Juan ay tiyak na malilimutan ka kapag dumating na siya
sa Berbanya! Siya’y ikakasal sa unang babaeng kanyang
makikita sa kaharian ng Berbanya at ikaw ay habambuhay na
mag-iisa!

MGA PAGSASANAY
Ngayong nalaman mo na ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng
iskrip ng dula. Nakatitiyak ako na magiging matagumpay ang iyong gagawing
produkto. Basahin at isagawa ang sitwasyon sa tulong ng GRASPS.

GRASPS

GOAL Makasulat ng iskrip ng wakas na bahagi ng Ibong Adarna gamit


ang mga salita at pangungusap nang may kaisahan at
pagkakaugnay-ugnay.
ROLE Ikaw ang naatasang sumulat ng iskrip ng iyong pangkat sa
gagawing dula-dulaan para sa inyong proyekto sa asignaturang
Filipino.
AUDIENCE Mga guro at mag-aaral
SITUATION Magkakaroon ng dula-dulaan sa inyong klase tungkol sa Ibong
Adarna, mula sa pagtakas nina Don Juan at Donya Maria kay
Haring Salermo hanggang sa wakas.

PRODUCT Iskrip ukol sa Ibong Adarna, mula sa pagtakas nina Don Juan at
Donya kay Haring Salermo hanggang sa wakas.

Gagawin ito sa MS Word.


Mga sitwasyong gagawan ng iskrip ng bawat pangkat:

Pangkat 1: Saknong 1354 – 1401

Pangkat 2: Saknong 1402 – 1496

Pangkat 3: Saknong 1497 – 1619

Pangkat 4: Saknong 1620 – 1717

STANDARD Mga Napaka- Mahusay Katam- Di- Nanganga-


Pamanta- husay tamang gaanong ilangan ng
yan Husay Mahusay Pagpapa-
husay
5 4 3 2 1
Orihinal

Makatoto-
hanan at
kapanipani-
wala ang
pagkakasu-
lat at
pagsusunod-
sunod ng
iskrip
May
kaisahan at
pagkakaug-
nay-ugnay
ang mga
salita at
pangungu-
sap.
Maayos na
nagamit ang
gramatika at
madaling
maunawaan
ang mga
salita.
Kabuoang
Puntos
PAGLALAHAT
PANUTO: Sa pagbuo mo ng iskrip, isulat ang diyalogong iyong nagustuhan at
ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili.

Diyalogo Paliwanag
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________

PAGPAPAHALAGA
Sa kabuoan ng Ibong Adarna, gumuhit ng simbolong maaaring
maglarawan ng mensaheng natutuhan at nakapagpabago ng iyong pananaw
o ng iyong katauhan at ipaliwanag.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
PANUTO: Ayusin ang mga sumusunod na diyalogo gayon din ang mga
nagsabi nito. Isulat ito sa paraang paiskrip.

Emperatris, ipakita ang palabas, Ako’y sadyang nasisiyahan nang


dahil sa iyong bigay na regalo.

Emperatris na marilag, hindi pa huli ang iyong hangad sapagkat ang


kasal ay itinigil para ikaw ay matanaw. Tradisyon na ng kaharian na
parangalan muna ang bisita bago ang sarili.

Ganoon po ba? Kung ganun ay mayroon akong regalo sa inyong mga


taga-Palasyo. Isang palabasa na bagay sa kasalang magaganap.

Itigil muna ang kasalan. May dumarating na emperatris.

Naakit po akong tumigil at dumalo sa kasalan. Ngunit, parang ako


ay nahuli na ng dating.

Hari Maria Reyna


Paunang Pagsubok: Balik-aral:
1. C 1. Nang dahil
2. D 2. Ngunit
3. C 3. ka
4. C 4. ngunit
5. C 5. at
Panapos na Pagsusulit:
Hari: Itigil muna ang kasalan. May dumarating na emperatris.
Maria: Naakit po akong tumigil at dumalo sa kasalan. Ngunit, parang ako ay nahuli na ng
dating.
Reyna: Emperatris na marilag, hindi pa huli ang iyong hangad sapagkat ang kasal ay itinigil
para ikaw ay matanaw. Tradisyon na ng kaharian na parangalan muna ang bisita
bago ang sarili.
Maria: Ganoon po ba? Kung ganun ay mayroon akong regalo sa inyong mga taga-Palasyo.
Isang palabasa na bagay sa kasalang magaganap.
Hari: Emperatris, ipakita ang palabas, Ako’y sadyang nasisiyahan nang dahil sa iyong bigay
na regalo.
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Aklat:
Habijan, Erico M., Ontangco, Rowena S, Iquin Melinda P. at Carpio, Lucelma O. 2016. Panitik:
Filipino sa Panahon ng Pagbabao. Quezon City: Adriana Publishing Co., Inc.

Vico, Lorelie L. (2002). Ibong Adarna, sa makabagong pananaw. Sampaloc, Manila: St.
Augustine Publications, Inc.

Elektroniko:

Ahleli01.files.wordpress.com. 2015, September. Pagsulat ng Iskrip o Diyalogo.

https://prezi.com/tludbdtl2mfm/pagkakaugnay-ugnay-o-kohirens/

https://teksbok.blogspot.com/2011/03/ibong-adarna-script.html

https://www.wattpad.com/640609261-mr-z-ang-misteryoso-kong-amo-mz-c-58

https://www.wattpad.com/249257616-ibong-adarna-script-for-play-ibong-adarna-
script/page/2

You might also like

  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document11 pages
    Filipino
    albert
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document19 pages
    Filipino
    Joel Calubia
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Aisa Galmac Bansil-Solaiman
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    APPLE GRACE LEONES
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Gesa Marie Larang
    100% (1)
  • FIL11 Q3 M16-Pagbasa
    FIL11 Q3 M16-Pagbasa
    Document18 pages
    FIL11 Q3 M16-Pagbasa
    Rinalyn Jintalan
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Raymark sancha
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document21 pages
    Filipino
    Majalita Ducay
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Will Pepito
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    mark
    No ratings yet
  • Fil 6 ADM Q4 M2
    Fil 6 ADM Q4 M2
    Document15 pages
    Fil 6 ADM Q4 M2
    Maria Liza Bi?s
    No ratings yet
  • Filipino: Modyul 15
    Filipino: Modyul 15
    Document15 pages
    Filipino: Modyul 15
    Camille Castrence Caranay
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Cresanto Mullet
    No ratings yet
  • Science 3 Q1 M1
    Science 3 Q1 M1
    Document16 pages
    Science 3 Q1 M1
    Camille Respicio
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Maria Carmela Arellano
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Cresanto Mullet
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    jan lawrence panganiban
    No ratings yet
  • Fil 9
    Fil 9
    Document15 pages
    Fil 9
    Charles Carullo
    No ratings yet
  • Fil8 Q3 M12 PDF
    Fil8 Q3 M12 PDF
    Document11 pages
    Fil8 Q3 M12 PDF
    Arnulfo Obias
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document11 pages
    Filipino
    albert
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Harlene Arabia
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Twin Afable Rivera Miralpes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Julz Fonbuena Añiz
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Josephine Gonzaga
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Jerry Angelo Magno
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Charles Garcia
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document18 pages
    Filipino
    Elisa Acojedo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document18 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    suerte zaragosa
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Rafael De Vera
    No ratings yet
  • MTB-MLE 2 - Q3 - Module 10
    MTB-MLE 2 - Q3 - Module 10
    Document14 pages
    MTB-MLE 2 - Q3 - Module 10
    Gladie Faye Balbalosa
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    ikkesh nabasca
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • EsP 4 Q1 Module 17
    EsP 4 Q1 Module 17
    Document13 pages
    EsP 4 Q1 Module 17
    wehn lustre
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Camille Caacbay
    No ratings yet
  • Math 3 - Q1 M4
    Math 3 - Q1 M4
    Document13 pages
    Math 3 - Q1 M4
    Maridel Perez
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Cresanto Mullet
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Maria Carmela Arellano
    No ratings yet
  • Filipino 9
    Filipino 9
    Document14 pages
    Filipino 9
    JANINE TRISHA MAE O. PAGUIO
    No ratings yet
  • FIL11 Q2 W6 M18 Komunikasyon
    FIL11 Q2 W6 M18 Komunikasyon
    Document15 pages
    FIL11 Q2 W6 M18 Komunikasyon
    christaelisesevilla
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino - Ikawalong Baitang
    Filipino - Ikawalong Baitang
    Document15 pages
    Filipino - Ikawalong Baitang
    Maricel Tayaban
    No ratings yet
  • FIL11 Q2 W6 M17 Komunikasyon
    FIL11 Q2 W6 M17 Komunikasyon
    Document15 pages
    FIL11 Q2 W6 M17 Komunikasyon
    christaelisesevilla
    No ratings yet
  • Fil 9
    Fil 9
    Document15 pages
    Fil 9
    Charles Carullo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Maricel Tayaban
    0% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Daisy Mae Maghari
    No ratings yet
  • MTB Mle 2 Q1 M1 1 PDF
    MTB Mle 2 Q1 M1 1 PDF
    Document18 pages
    MTB Mle 2 Q1 M1 1 PDF
    carmell channel
    No ratings yet
  • Matuto ng Catalan - Mabilis / Madali / Mahusay: 2000 Mga Susing Bokabularyo
    Matuto ng Catalan - Mabilis / Madali / Mahusay: 2000 Mga Susing Bokabularyo
    From Everand
    Matuto ng Catalan - Mabilis / Madali / Mahusay: 2000 Mga Susing Bokabularyo
    No ratings yet