Document

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Ang buhay ng tao ay binubuo ng pakikisalamuha sa kanyang kapwa at sa kanyang nasasakupan.

Saan
man siya pumunta kaakibat na ang pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng anyong pasalita at pasulat.
Isa sa pakikipag-ugnayan ng tao ay ang paggamit ng korespondensya sa larangan ng propesyunalismo.

Ang korespondensya ay pasulat na pakikipagtalastasan. Ito ang instrumentong namamagitan ng tao sa


sa opisina, organisasyon at institusyon. Ito ang nagsisilbing ugnayan kanyang kapwa lalo na sa larangang
propesyunal. May iba't ibang uri ng korespondensyang ginagamit ang indibidwal upang makipag-
ugnayan sa kanyang kapwa.

Uri ng Liham

1. Liham Aplikasyon - ito ang kadalasang ginagamit ng isang indibidwal sa paghahanap ng mapapasukang
trabaho sa isang tanggapan o pagawaan. Layunin nito na maialok ang serbisyo at pormal na maihayag
ang kanyang intensyon.

2. Liham Kahilingan - inihahanda ng lumiliham kung siya'y nangangailangan

ng isang bagay, paglilingkod, pagpapatupad at pagpapatibay ng anumang

nilalaman ng korespondensya.

3. Liham Pagbibitiw Ito ang kadalasang inihahanda ng isang sumusulat sa oras na magpasya na siyang
tumigil sa kanyang trabaho bunga ng sarili niyang kadahilanan. Inilalahad ito nang maayos at mabisa at
iniiwasan nito ang pagpuna sa tanggapan at mga namumuno sa pook gawaan.

Ang Resume

Isa sa pangunahing pangangailangan ng isang propesyunal ay bumuo at magkaroon ng maayos, malinis


at kumpletong tala tungkol sa kanyang pagkatao. Ito ay tinatawag ding curriculum vitae na naglalaman
ng kumpletong larawan, pangunahing impormasyon at maituturing itong blueprint ng sarili.

Patnubay sa Paggawa ng Resume


1. Unahin ang pangalan /gawing malalaki ang titik at sa ilalim nito ay ang

tirahan, contact number at email address.

2. Itala ang personal na Impormasyon tulad ng edad, kalagayang sibil, kasarian, relihiyon, citizenship,
kapanganakan, lugar ng kapanganakan, TIN number, Pag-ibig, SSS number

3. Edukasyon ayusin ito mula pandalubhasaan, Kolehiyo, Sekondarya,

Mababang paaralan. Tandaaan ang mga taon ng pagtatapos.

4. Karanasan sa pagtatrabaho - Itala mula sa bago patungo sa lumang rekord ng

trabaho 5. Karanasan sa Pagtatrabaho - Mula sa kasalukuyan hanggang sa huling pinagmulang trabaho

6. Karangalang Banggit o pagkilalang natamo - mula sa bago hanggang sa

luma

7. Mga kakayahan at iba pang katangian - Itala ang mga kakayahang nagawa at

katagang taglay

8. Sanggunian ng Pagkatao - Itinatala ang mga taong higit na nakakakilala sa iyong pagkatao. Kadalasan,
hindi kamag-anak o kapamilya ang gagamiting reference bagkus ang mga nakasama sa iyong trabaho o
kumpanya.

Mga Bahagi ng Liham


1. Pamuhatan - binubuo ito ng ng pangalan at tirahan ng sumusulat ng liham. Isulat ang petsa kung
kailan ito sinulat.

2. Patunguhan - ito ay naglalaman ng pangalan, katungkulan at tanggapan ng taong tatanggap ng liham.

3. Bating pambungad - Ito ang pagbating ginagamit sa sinusulatan. 4. Katawan ng Liham - dito inilalahad
ang paksa o mensahe ng isang liham.

5. Pamitagang pangwakas - Ito ang pangwakas na pagbati.

6. Lagda - Ito ang nagpapakilala kung sino ang sumulat.

Mga Katangian ng Liham

1. Malinaw

2. Wasto

3. Buo

4. Magalang

5. Maikli

6. Kumbensyonal 7. Mapitagan

Pagsulat ng Memo, Report, at Katitikan ng Pulong

Mahalaga ang pagkakaroon ng pagkatuto sa mga dapat na isaalang-alang sa pagsulat ng memo, report
at katitikan o minutes ng isang pulong o meeting, bunsod ng mga gawaing transaksyunal at negosyo.
Ang pagsulat ng memo ay pagbibigay paalala sa mga importanteng impormasyon sa mga kasapi ng isang
organisasyon. Ang report ay pag-uulat ng mga kalakasan at kahinaan ng isang proyekto upang masuri
ang mga nagawa at pagpaplanuhan ang mga susunod na hakbang sa pag-unlad ng mga susunod na
gawain.

MEMORANDUM (Memo)

Ang memo ay mula sa pinaigsing salita na memorandum. Galing ito sa salitang latin na memoro
(pandiwa) na ibig sabihin ay "bigyan ng paalala o sabihan." Ito ay isang maikling tala na nagpapaalala. Uri
ng komunikasyon ito na karaniwang ginagamit sa transaksyon o negosyo.

Layunin ng memo:

1. Maghatid ng mabilis na impormasyon 2. Magbigay ng patakaran 3. Mag-ulat ng mga kaganapan sa


kompanya

4. Magpaalala ng mga dapat gawin

Bahagi ng Memo:

1. Letterhead. Naglalaman ng pangalan ng tanggapin o opisina kung saan nagmula ang memo. 2.
Heading. Para sa: (babasa- pangalan at posisyon sa trabaho)

Mula sa: (pangalan ng nagpadala at posisyon sa trabaho)

Petsa: (kasalukuyang petsa)

Paksa: (pinag-uusapang impormasyon)

3. Katawan. Dito inilalagay ang pinakamensahe ng memo


Konklusyon. Ito ang pagsasaad ng mahahalagang detalye.

Report

Layunin ng report na magbigay ng impormasyon at detalye upang maipakita resulta ng isang pag-aaral,
eksperimento, pagsisiyasat, nabasa, napakinggan, nagawa.

Kaayusan ng Report

1. Introduksyon

Ibigay ang kaligiran sa kung ukol saan ang nais iulat. Ibigay ang mga mahahalagang kaganapan at
impormasyon na may kaugnayan sa report. 2. Pamamaraan

Ano ang pamamaraang ginamit? Ano ang mga kaganapang pangyayari? Ibigay ang mga nakuhang
impormasyon at bawat detalye ng report.

3. Kinalabasan o resulta

Iulat ang naging resulta, sang-ayon ka man o hindi sa kinalabasan nararapat

na iulat ang katotohanan..

4. Paglalahad ng ulat Ilahad ang pangkalahatang pangyayari at ang naging kaganapan ayon sa
pagkakasunud-sunod ng pangyayari.

Layunin ng Report

1. Pagpapabatid Ito ay pagpapaabot o pagpaparating ng mga naganap na pangyayari para sa kamalayan


ng mga taong sangkot at kabilang sa organisasyon/kumpanya.
2. Pagsusuri - Pag-aaral, pagsisiyasat at masusing pagsusuri sa detalye at

nakalap na mga impormasyon.

Uri ng Report

1. Incident Report

Ito'y isang pag-uulat ng mga di-magagandang gawain at pangyayaring ginawa ng isang tao na labag sa
batas at alituntunin.

2. Accident Report

Ang ganitong report ay mga pangyayaring di inaasahan ng bawat tao. Halimbawa nito ay mga
aksidenteng nagaganap. Sa ganitong ulat hinahanapan ng kalutasan ang pangyayari mula sa mga taong
nakaligtas sa pangyayari at ang taong sangkot sa aksidente.

3. Status Report

Isang pag-uulat hinggil sa naging takbo ng isang gawain upang alamin at makita ang pag-unlad o
pagbaba nito. Halimbawa ay grado sa card.

4. Accomplishment Report Isang uri ng pag-uulat at pagsusuri ayon sa naging kabuuan o kinalabasan

ng isang isinagawang proyekto upang makita ang kahinaan at kalakasan nito. Katitikan ng Pulong
(Minutes of the Meeting)

Isa itong mahalagang dokumento na inihahanda matapos ang isang pagpupulong ng mga opisyales.
Nakasaad dito ang mga naging isyung pinag- usapan at mga planong napagkasunduan at
napagdesisyunan sa harap ng mga dumalo sa pagpupulong.

Ilan sa mga sumusunod ay mga nilalaman ng isang katitikan ng pulong:


1. Mga naging panauhin

a. Mga dumalo b. Di nakadalo

c. Naging tagapamuno ng pulong d. Naghanda ng katitikan 2. Kopya ng katitikan

3. Karagdagang usapin

4. Agenda

HALIMBAWA NG MEMO

Kolehiyo ng Malalayang Sining Departamento ng Filipino

Sa Lahat ng kaguruan ng Filipino

Mula: Puno ng Departamento ng Filipino

Paksa: Pagdiriwang ng Buwan ng Wika Petsa : Ika-02 ng Agosto 2015

Malugod ko pong inaanyayahan ang lahat na dumalo sa gaganaping espesyal na pagpupulong sa ika-10
ng Agosto 2015 (Lunes) sa ganap na ala-una ng hapon (1:00 pm) sa silid 202 ng gusali 2.

Pag-uusapan natin ang ilang mahahalagang gawain para sa pagdiriwang ng Buwan ng wika gayundin ang
inyong mga suhesyon hinggil sa gawaing ito. Mangyari po lamang na iwanan ng mga gawain ang inyong
mga mag-aaral upang

maiwasan ang pagkabalam ng klase.


Inaasahan ko ang inyong pagdalo. Mabuhay tayong lahat.!

Gng. Luzvinda Kinan Thon

Puno - Dep. Fil

Katitikan ng Pulong Samahan ng Lektor at komentator Parokya ng Sta. Teresita

I. Simula

Binuksan ang pulong sa ganap na ika-9:00 ng umaga sa pamumuno ng tagapag-ugnay na si Gng. Arlyn
Lozano. Isang maikling panalangin ang inusal sa pangunguna ni Tess Cruz.

II. Attendans /Nagsipagdalo

99 bahagdan (%) ng mga kasapi ng komite ay dumalo sa nasabing pagpupulong maliban kay Jane
Malabed na nagpadala ng sulat na may malaking kadahilan sa di niya pagdalo. May mahalaga siyang
bagay na lalakarin para sa kanyang Scholarship.

III. Talakayan

Binasa ang nakaraang pulong ng kalihim na si Bec Agustin at ipinaala ang mga obligasyon ng mga kasapi
ng komite at ito ay inaprubahan sa pangunguna ng pangulo at sinang-ayunan naman ng lahat ng kasapi.
Nagsimulang talakayin ng punong tagapag-ugnay ang layunin ng pagpupulong at pag- usapan ang
nalalapit na proyekto para sa kapistahan ng mahal na patron Sta Teresita. Inilatag niya ang mga
sumusunod:

1. Skedyul ng bawat kasapi

2. Gawain
3. Partisipasyon ng organisasyon

Ipinaliwag ng tagapangulo sa tulong ng kura paroko na si Padre Richard Mag araro ang mga gawain para
sa kapistahan ng mahal na Patron gayon din ang pagbibigay kaalaman sa mga taong dadalo sa nasabing
pagdiriwang Humantong sa isang matagumpay na pagtatapos ang pulong at sinundan ito ng isang
pagbabasbas na mula sa kura paroko ng simbahan.

IV. Natapos ang pulong sa ganap na ika-12 ng tanghali.

Inihanda ni:

Bec Agustin

You might also like