Ang Talambuhay Ni Melchora Aquino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Talambuhay ni Melchora Aquino

Si Melchora Aquino-Ramos na mas kilala sa


bansag na “Tandang Sora” ay hinahangaan at
nagsilbing inspirasyon sa mga katipunero.Kahit siya
ay may edad na  buong puso pa rin siyang  tumulong
noong panahon ng himagsikan na pinamunuan ni
Andres Bonifacio noong taong 1896.

Isinilang si Melchora Aquino sa Banlat,Caloocan sa


National Capital Region noong Enero 6,1812.Ang
kanyang mga magulang ay sina Juan Aquino at
Valentina de Aquino. Siya hindi nagkaroon ng
pagkakataong makapag-aral subalit siya ay
biniyayaan ng mabuting kalooban. Siya ay relihiyoso
at magaling makisalamuha sa kapwa. Siya rin ay
pinagkalooban ng kagandahan sa panlabas na kaanyuan. Kaya naman siya ay laging
tinatanghal bilang Reyna Elena ng kanilang lugar. Halos lahat ng kabinataan ay
nabibighani sa kanyang tinataglay na kagandahan.

Si Melchora ay nagkaroon ng napakaraming manliligaw.At isa sa kanyang


masigasig na manliligaw  si Fulgencio Ramos na kanyang naging kabiyak. Ang kanilang
pagsasama ay naging mabunga. Nakaroon sila ng anim na anak na pinangalanang
Juan, Simon, Estefania, Saturnino, Romualdo, at Juana. Si Fulgencio ay isang cabesa
de barangay. Ngunit ito’y pumanaw rin noong pitong taong gulang pa lamang ang
kanyang bunsong anak. Tinaguyod ni Tandang Sora ang kanyang anim na anak at
nakaranas ng kunting hirap sa pagtataguyod sa mga ito.

Nakilala si Melchora bilang Hermana mayor ng iba’t ibang pagtitipon tulad ng


kasal, binyag, at mga pista. Ngunit ang masasabing naging legasiya ni Melchora ay ang
kaniyang pagtulong sa mga Katipunero noong panahon ng digmaan kontra sa mga
Espnayol. Nasa 84 anyos na si Melchora noong naganap ang digmaan ngunit kahit may
edad na ay tumulong pa rin siya sa abot ng kaniyang makakaya. Siya ang naging
kanlungan ng mga sugatang mandirigmangPilipino na pinatuloy niya sa kaniyang
tahanan. Naging kuta rin ito ng mga Katipunero at naging lihim na lugar ng
pagpupulong. Dahil dito ay nabansagan siyang Tandang Sora.

Dahil nalaman ng mga Espanyol ang kaniyang pakikipagtulungan sa mga


naghihimagsik, ipinatapon siya sa Guam. Nakabalik si Melchora sa bansa nang
masakop na ng mga Amerikano ang Pilipinas.

Pumanaw si Tandang Sora noong Marso 2, 1919 dahil na rin sa kaniyang


katandaan. Siya ay nakahimlay sa kanyang bakuran sa Balintawak. Inilibing siya sa
Musoleo ng mga Beterano ng Rebolusyong Pilipino sa Cementerio del Norte.

You might also like