Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Guro)

FILIPINO
Grade 9 Panimula

Pangalan ng Mag-aaral: ___________________________________


Seksyon: ______________ Petsa ng Pagsasagawa: ____________

Pagganyak: May pananagutan ba ang mga magulang sa pagkakamali ng kanilang


anak? Alamin natin.

Si Alexander

Ang presensya, pag-aaruga at pagmamahal ng magulang ang mahalagang


kasangkapan sa pagtahak ng magandang kinabukasan ng kanilang anak. Ito ang
magsisilbing gabay upang maitawid ng isang anak ang kanyang katauhan sa
masamang gawain na impluwensya ng lipunan.
May isang mag-aaral na nagngangalang Alexander ang nananabik sa darating
na pasukan. Siya ay papasok na sa ika-9 na baitang. Hindi maipaliwanag ang kanyang
nararamdaman sapagkat magkikita-kita na naman sila ng kanyang mga kaibigan. Si
Alexander ay lumaki sa kanyang lola sapagkat bata pa lamang siya ay nangibang
bansa na ang kanyang mga magulang upang magtrabaho at mabigyan ng magandang
kinabukasan. Uhaw sya sa pagmamahal ng magulang kung kaya’t sa mga barkada niya
nahahanap ito. Mahilig siya sa gimik at paglalaro ng basketball. Kapag tumatawag ang
kanyang mga magulang mula sa ibang bansa ay ibinabalita niya ang masasayang
karanasan sa paaralan at mga kaibigan. Kahit nasa ibang bansa ang mga magulang ay
hindi sila nagkukulang sa pagpapangaral sa kanya at laging inuulit-ulit ang mag-aral ka
ng Mabuti.” Ngunit lingid sa kanilang kaalaman na napapadalas na ang pagliban sa
klase ng kanilang anak.
Lumipas ang maraming buwan at papalapit na ang kanilang ikaapat na
markahang pagsusulit at abala ang lahat niyang kaklase sa paggawa ng proyekto
ngunit bukod tanging si Alexander ang hindi alam ang gagawin. Dahil sa maraming tala
ng pagliban ay kinausap siya ng kanyang tagapayo at tinanong kung ano ang dahilan
kung bakit napapabayaan na niya ang kanyang pag-aaral. Walang naging tugon si
Alexander ngunit unti-unting pumatak ang luha at pahikbing naibulong na “Ma’am
nakabuntis po ako.”
BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Guro)
FILIPINO - 9

Si Alexander

Mga Tanong

LITERAL
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
Sagot: Alexander

2. Ano ang kinahiligang laro ni Alexander?


Sagot: Basketball

3. Kanino lumaki si Alexander?


Sagot: Sa kanyang lola

SANHI AT BUNGA
4. Bakit nangibang bansa ang mga magulang ni Alexander?
Posibleng Sagot: Mabigyan siya ng magandang kinabukasan

5. Bakit sabik na sabik si Alexander pumasok sa darating na pasukan?


Sagot: Sapagkat makikita niyang muli ang kanyang mga kaibigan

HINUHA
6. Bakit madalas ang pagliban sa klase ni Alexander?
Posibleng Sagot: Marahil sa pagkahilig sa basketball o masamang impluwensya ng
barkada.

7. Ano ang dahilan kung bakit nakahiligan ni Alexander ang paggimik?


Posibleng Sagot: Dito siya nakakahanap ng kasiyahan na wala sa kanyang
pamilya.

TALASALITAAN
8. Ano ang kasalungat na kahulugan ng salitang pag-aaruga?
Sagot: pagpapabaya

PAGPAKAHULUGAN SA TEKSTO
9. Sa iyong palagay, ano ang maaaring naging tugon ng tagapayo matapos siyang
magulat sa sagot ng mag-aaral?
Posibleng Sagot: Pinayuhan niya si Alexander na huwag panghinaan ang loob at
ipagpatuloy ang pag-aaral hanggang makapagtapos.
Tanggapin ang iba pang posibleng mga sagot.

10. Ano ang maaaring nararamdaman ni Alexander habang siya ay umiiyak?


Posibleng Sagot: pagsisisi, panghihinayang, pagkatakot, pagkabigo at iba pang sagot

PAGTATAYA
11. Kung ikaw ang manunulat ano ang wakas na maaari mong ibigay sa kwento?
Posibleng Sagot: Ipinagpatuloy ni Alexander ang kanyang pag-aaral, umiwas sa
barkada at naging responsableng ama at asawa at nakamit niya ang kanyang pangarap
kalaunan.

12. Anong aral ang nakuha mo sa kwento?


Posibleng Sagot: Isipin at pahalagahan ang pagsisikap ng mga magulang
upang ikaw ay makapag-aral. Ituon ang isipan sa pag-aaral at ilayo ang sarili sa mga
sagabal sa pag-abot ng mga pangarap. Huwag tularan ang gianw ani Alexander.
BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Mag-aaral)

FILIPINO
Grade 9 Panimula

Pangalan ng Mag-aaral: ___________________________________


Seksyon: ______________ Petsa ng Pagsasagawa: ____________

Pagganyak: May pananagutan ba ang mga magulang sa pagkakamali ng kanilang


anak? Alamin natin.

Si Alexander

Ang presensya, pag-aaruga at pagmamahal ng magulang ang mahalagang


kasangkapan sa pagtahak ng magandang kinabukasan ng kanilang anak. Ito ang
magsisilbing gabay upang maitawid ng isang anak ang kanyang katauhan sa
masamang gawain na impluwensya ng lipunan.
May isang mag-aaral na nagngangalang Alexander ang nananabik sa darating
na pasukan. Siya ay papasok na sa ika-9 na baitang. Hindi maipaliwanag ang kanyang
nararamdaman sapagkat magkikita-kita na naman sila ng kanyang mga kaibigan. Si
Alexander ay lumaki sa kanyang lola sapagkat bata pa lamang siya ay nangibang
bansa na ang kanyang mga magulang upang magtrabaho at mabigyan ng magandang
kinabukasan. Uhaw sya sa pagmamahal ng magulang kung kaya’t sa mga barkada niya
nahahanap ito. Mahilig siya sa gimik at paglalaro ng basketball. Kapag tumatawag ang
kanyang mga magulang mula sa ibang bansa ay ibinabalita niya ang masasayang
karanasan sa paaralan at mga kaibigan. Kahit nasa ibang bansa ang mga magulang ay
hindi sila nagkukulang sa pagpapangaral sa kanya at laging inuulit-ulit ang mag-aral ka
ng Mabuti.” Ngunit lingid sa kanilang kaalaman na napapadalas na ang pagliban sa
klase ng kanilang anak.
Lumipas ang maraming buwan at papalapit na ang kanilang ikaapat na
markahang pagsusulit at abala ang lahat niyang kaklase sa paggawa ng proyekto
ngunit bukod tanging si Alexander ang hindi alam ang gagawin. Dahil sa maraming tala
ng pagliban ay kinausap siya ng kanyang tagapayo at tinanong kung ano ang dahilan
kung bakit napapabayaan na niya ang kanyang pag-aaral. Walang naging tugon si
Alexander ngunit unti-unting pumatak ang luha at pahikbing naibulong na “Ma’am
nakabuntis po ako.”
Mga Tanong

LITERAL
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
Sagot:

2. Ano ang kinahiligang laro ni Alexander?


Sagot:

3. Kanino lumaki si Alexander?


Sagot:

SANHI AT BUNGA
4. Bakit nangibang bansa ang mga magulang ni Alexander?
Sagot:

5. Bakit sabik na sabik si Alexander pumasok sa darating na pasukan?


Sagot:

HINUHA
6. Bakit madalas ang pagliban sa klase ni Alexander?
Sagot:

7. Ano ang dahilan kung bakit nakahiligan ni Alexander ang paggimik?


Sagot:

TALASALITAAN
8. Ano ang kasalungat na kahulugan ng salitang pag-aaruga?
Sagot:

PAGPAKAHULUGAN SA TEKSTO
9. Sa iyong palagay, ano ang maaaring naging tugon ng tagapayo matapos siyang
magulat sa sagot ng mag-aaral?
Sagot:

Tanggapin ang iba pang posibleng mga sagot.

10. Ano ang maaaring nararamdaman ni Alexander habang siya ay umiiyak?


Sagot:

PAGTATAYA
11. Kung ikaw ang manunulat ano ang wakas na maaari mong ibigay sa kwento?
Sagot:

12. Anong aral ang nakuha mo sa kwento?


Sagot:

You might also like