Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

5 sentimetro

Sinasabing ang wika ay arbitrtaryo--


Walang limitasyon ang kapangyarihan nito
At doon ko nawari na para kang isang wika;
Nang makita kita sa gitna
Ng eskinita;
Sa maulan na hapon
Paghatol na walang pagbabawal—

Walang limitasyon.
Ganoon rin ang aking imahinasyon
Nang mahagip ka ng aking mga mata
Walang pang-uri ang makakapaghusga
Sa tinataglay mong ganda
At tila nakalimutan ko ang pagbuo ng mga salita;

Kasabay ng pagpatak ng ulan


Paano ko masasambit ang damdamin;
At magagamit itong wika?

Kay lakas ng ulan.


Paano kita makakamtan?

At sa mga oras na iyon hindi ko mawari kung wika pa ba


Ang tumatakbo sa pag-iisip at aking sistema
Alam ko lang ay hindi makatwiran ang hatol
Nang aking memorya
Sapagkat hindi ka naman tumatakbo;
Ngunit naghahabol
Ang aking hininga

Doon ko napagtanto na tila ikaw ay arbitraryo


Hindi nasasakop sa iisang konteksto;
Ikaw ay tila isang bunga ng kapangyarihang lubos
Hindi kita mawari.

Nakatingin ka lang sa malayo


Mabagsik, marahas
Tila isang katangian ng arbitraryong desisyon
Nagbabago.
Ganoon din ang aking naramdaman
Ng itaas mo ang iyong payong
At humakbang ang iyong mga paa--

Lumisan ka.

Sana ay nasambit ko manlang


Kung gaano kaganda.
Limang sentimetro lang ang layo mo sa akin kanina;

Sana ay umulan pa.

You might also like