BNW 2023 Tuntunin at Pamantayan 2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 30

Buwan ng Wikang Pambansa 2023

“Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at


Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan”

Tuntunin
at Pamantayan
ng mga Timpalak
T.P. 2023-2024

Handog ng Samahan ng Filipino – Intramuros at ng Kagawaran ng Filipino ng


Unibersidad ng Mapua, Intramuros
TWEET TULA 2023
Agosto 17- 18| 11:59 N.G.
Agosto 19, 2023 | 8:59 N.G.
MS FORM at TWITTER
#MUSHSTweetTula2023

Ang timpalak na TWEET TULA 2023 ay itinataguyod ng Kaguruan ng Kagawaran ng Filipino at


Samahan ng Filipino (Intramuros) kaakibat ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansâ.
Nilalayon ng timpalak na pasiglahin at pataasin ang antas ng karunungang pangwika na maaaring
magamit sa pagpapayabong ng panitikang Filipino sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

TUNTUNIN:
1. Bukas ang timpalak sa lahat ng opisyal na mag-aaral ng Unibersidad ng Mapúa – Senior High
School, Intramuros.
2. Ang tema ng timpalak ay “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan,
Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.” Ang magiging paksa
ng bawat lahok na tula ay dapat may kaugnayan sa naturang tema ng pagdiriwang.
3. Inaasahang hindi lalagpas sa 280 na karakter (kabilang dito ang mga titik, puwang, at bantas)
sa isusumite at ipapaskil na tula sa Twitter.
4. Ang tulang ipapaskil sa Twitter ay dapat may kapsyon na #MUSHSTweetTula2023.
Kinakailangan para sa unang pagbibilang ng mga lahok na magpatala sa MS Form na makikita
sa dokumentong Kalipunan ng mga Link sa Buwan ng Wika 2023 na content folder sa Cardinal
EDGE (Blackboard) ng klase sa Filipino hanggang ika-14 ng Agosto 2023 (8:59 N.G.).
5. Bukas ang timpalak ng dalawang araw, maaaring magpaskil ng mga lahok sa Twitter nan aka-
publiko mula Agosto 17 (0:00 N.U.) hanggang Agosto 18 (11:59 N.G.). Matapos ang pagpaskil
ay maaari nang magsumite ng katibayan ng pag-tweet hanggang ika-8:59 N.G. ng Agosto 19,
2023, bilang sumisyon ng lahok sa pamamagitan ng pagsagot sa MS Form na makikita sa
Buwan ng Wika 2023 na content area sa Cardinal EDGE ng klase sa Filipino.
6. Ang mga lahok na naisumite ay lilikumin nina Bb. Shella Marie Lozano at Bb. Jaira Mikylla
Louise Dela Cruz. Isusumite bilang pinal na mga tala kay Inst. Rhayan Mark Quirap. Kung may
katanungan ay maaaring magpahatid ng mensahe sa (smglozano@mymail.mapua.edu.ph) at
(jmladelacruz@mymail.mapua.edu.ph).
7. Pipili ang inampalan ng 20 entri na itatampok sa opisyal na Mapúa Samahan ng Filipino
Facebook Page. Tatlo (3) sa mga ito ay paparangalan at ang kampeon ay hihiranging “Makata
ng Taong 2023.” Ang ibang mga lahok naman ay maaaring magkaroon ng pagkakataong
mabasa sa pampinid na palatuntunan.
8. Ang hindi pagsunod sa tuntunin ay magreresulta sa diskuwalipikasyon mula sa hatol ng mga
tagapangasiwa. Ang pasya ng inampalan ay pinal at di-maipaghahabol.

PAMANTAYAN:

NILALAMAN 50%
*Wastong gamit ng mga salita
*Organisasyon ng mga ideya
ESTILO 40%
*Paggamit ng mga simbolismo at retorika
*Lalim at pagiging makahulugan ng tula
ORIHINALIDAD 10%
KABUOAN 100%
ALAB NG SINING – DIGITAL 2023
Agosto 21-22, 2023 | 8:59 N.G.
MS FORM at INSTAGRAM

Ang timpalak na ALAB NG SINING – DIGITAL 2023 ay itinataguyod ng Kaguruan ng Kagawaran


ng Filipino at Samahan ng Filipino (Intramuros) kaakibat ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Pambansâ. Ang timpalak na ito ay naglalayong hikayatin ang mga alagad ng sining na ibahagi
ang kanilang mga saloobin sa tulong ng pagguhit ng mga imahe sa makabagong teknolohiya na
magpapababatid ng mensaheng may taglay na rikit, husay, at talino na maituturing na likhang-
sining.

TUNTUNIN:
1. Bukas ang timpalak sa lahat ng opisyal na mag-aaral ng Unibersidad ng Mapúa – Senior High
School, Intramuros.
2. Ang tema ng timpalak ay “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan,
Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.” Ang kalahok ay
lilikha ng sining batay sa kaniyang interpretasyon sa tema. Ito ay maaaring magtaglay ng
ilustrasyon o kahit anong uri ng biswal na sining.
3. Para sa digital na pagguhit dapat ito ay ipaloob sa sukat na 4:6 at nasa pormat na larawan.
4. Tiyakin na ang ipapasang likhang sining ay orihinal na gawa at walang sensitibong kahulugan
upang maiwasan ang diskuwalipikasyon.
5. Kinakailangan para sa unang pagbibilang ng mga lahok na magpatala sa MS Form na makikita
sa dokumentong Kalipunan ng mga Link sa Buwan ng Wika 2023 na content folder sa
Cardinal EDGE (Blackboard) ng klase sa Filipino hanggang ika-14 ng Agosto 2023 (8:59 N.G.).
6. Bukas ang timpalak para sa Digital ng dalawang araw at maaaring magpasa ng entri ang
mga lahok mula ika-21 ng Agosto 2023 hanggang ika-22 ng Agosto 2023 (8:59 N.G.).
7. Ang tipo ng sumisyon na ipapasa ay dapat .PNG lamang. Ang pormat ng file name ay
Seksyon – Apelyido, Unang Pangalan G. (hal.: IS100 – Dela Cruz, Juan A.). Para naman sa
mga konsento para sa social media ay gamitin ang pormat na Inisyal ng Timpalak - Seksyon
- Apelyido, Unang Pangalan G. (ANSD - IS100 - Dela Cruz, Juan A.).
8. Mula sa mga naisumite at nahusgahan ng mga hurado, ang sampong (10) may pinakamataas
na marka na ibibida ng Samahan ng Filipino sa opisyal na Instagram account nito. Ang huling
sampung bahagdan ay kukuhanin sa pamamagitan ng dami ng bilang ng puso na reaksiyon
sa post ng Samahan. Dahil dito, marapat na isaalang-alang ito ng 10 kalahok na mapipili.
Ang pagpapa-react sa Instagram ng Samahan ay mula ika-29 ng Agosto hanggang ika-8:59
N.G. lamang ng Agosto 30, 2023.
9. Ang mga lahok na naisumite ay lilikumin nina Bb. Trixie Ahyen Morsche I. Diagono, Bb.
Clarize Amaliah D. Fallar, at Bb. Amber Aubrey D. Naval na isusumite naman bilang pinal
na mga lahok kay Inst. Angie Mae Rivera. Kung may katanungan ay maaaring magpahatid
ng mensahe sa Ms Teams sa mga nabanggit na pangalan.
10. Tatlo (3) sa mga lahok ang pipiliing masining sa pagguhit at gagawaran ng sertipiko ng
pagkilala. Hihirangin ang kampeon bilang “Dibuhistang Digital ng Taong 2023.”
11. Ang hindi pagsunod sa tuntunin ay magreresulta sa diskuwalipikasyon mula sa hatol ng mga
tagapangasiwa. Ang pasya ng inampalan ay pinal at di-maipaghahabol.

PAMANTAYAN:

NILALAMAN 40%
*Mga simbolismo ginamit at mensahe ng sining
*Lalim ng pagpapakahulugan at ideya
KARIKITAN AT ESTILO 40%
*Paggamit ng iba’t ibang element ng sining
*Kalinisan ng pagdidisenyo
ORIHINALIDAD 10%
DATING SA MADLA 10%
*Mga nakuhang likes sa Instagram
KABUOAN 100%
ALAB NG SINING - TRADISYONAL 2023
Agosto 18, 2023 | 9:00 N.U. - 11:30 N.U.
MS FORM at AV1, AV2, at AV3 Rooms

Ang timpalak na ALAB NG SINING – TRADISYONAL 2023 ay itinataguyod ng Kaguruan ng


Kagawaran ng Filipino at Samahan ng Filipino (Intramuros) kaakibat ng pagdiriwang ng Buwan
ng Wikang Pambansâ. Ang timpalak na ito ay naglalayong hikayatin ang mga alagad ng sining
na ibahagi ang kanilang mga saloobin sa tulong ng pagguhit ng mga imahe na magpapababatid
ng mensaheng may taglay na rikit, husay, at talino na maituturing na likhang-sining.

TUNTUNIN:
1. Bukas ang timpalak sa lahat ng opisyal na mag-aaral ng Unibersidad ng Mapúa – Senior High
School, Intramuros.
2. Ang tema ng timpalak ay “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan,
Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.” Ang kalahok ay
lilikha ng sining batay sa kaniyang interpretasyon sa tema. Ito ay maaaring magtaglay ng
ilustrasyon o kahit anong uri ng biswal na sining.
3. Para sa tradisyonal na pagguhit, dapat ang naturang sining ay nasa sanwalong (1/8) sukat
ng illustration board. Anumang midyum tulad ng krayola, uling, lapis at iba pa para sa
tradisyonal na pagguhit ay pinahihintulutan. Mahigpit na ipinagbabawal ang kombinasyon
ng mga materyales tulad ng dahon, bakal, dyaryo at iba pa, sapagka’t ito ay isinasaalang-
alang bilang “Mixed Media” na uri ng sining.
4. Tiyakin na ang ipapasang likhang sining ay orihinal na gawa at walang sensitibong kahulugan
upang maiwasan ang diskuwalipikayon.
5. Kinakailangan para sa unang pagbibilang ng mga lahok na magpatala sa MS Form na makikita
sa dokumentong Kalipunan ng mga Link sa Buwan ng Wika 2023 na content folder sa
Cardinal EDGE (Blackboard) ng klase sa Filipino hanggang ika-14 ng Agosto 2023 (8:59 N.G.).
6. Gaganapin ito nang face-to-face sa ika-18 ng Agosto 2023, ganap na 9:00 N.U. hanggang
12:00 N.T.. Ang mga lahok na lalagpas sa oras na nabanggit ay hindi na tatanggapin ng mga
punong-abala.
7. Mula sa mga naisumite at nahusgahan ng mga hurado, ang sampong (10) may pinakamataas
na marka mula sa dalawang kategorya ay ibibida ng Samahan ng Filipino sa opisyal na
Instagram account nito. Ang huling sampung bahagdan ay kukuhanin sa pamamagitan ng
dami ng bilang ng puso na reaksiyon sa post ng Samahan. Dahil dito, marapat na isaalang-
alang ito ng 10 kalahok na mapipili. Ang pagpapa-react sa Instagram ng Samahan ay mula
ika-29 ng Agosto hanggang 8:59 N.G. lamang ng Agosto 30, 2023.
8. Ang mga lahok na naisumite ay lilikumin ni Bb. Trixie Ahyen Morsche I. Diagono, Bb. Queen
Ayesah E. Diño, at Bb. Alexa Jena C. Ruanes na isusumite naman bilang pinal na mga lahok
kay Inst. Princess Joy Ragsac. Kung may katanungan ay maaaring magpahatid ng mensahe
sa Ms Teams sa mga nabanggit na pangalan.
9. Tatlo (3) sa mga lahok ang pipiliing masining sa pagguhit at gagawaran ng sertipiko ng
pagkilala. Hihirangin ang kampeon bilang “Dibuhistang Tradisyonal ng Taong 2023.”
10. Ang hindi pagsunod sa tuntunin ay magreresulta sa diskuwalipikasyon mula sa hatol ng mga
tagapangasiwa. Ang pasya ng inampalan ay pinal at di-maipaghahabol.

PAMANTAYAN:

NILALAMAN 40%
*Mga simbolismo ginamit at mensahe ng sining
*Lalim ng pagpapakahulugan at ideya
KARIKITAN AT ESTILO 40%
*Paggamit ng iba’t ibang element ng sining
*Kalinisan ng pagdidisenyo
ORIHINALIDAD 10%
DATING SA MADLA 10%
*Mga nakuhang likes sa Instagram
KABUOAN 100%
SANAY - SAYSAY 2023
Agosto 22, 2023 | 9:00 N.U. - 12:00 N.T.
MS Form at AV2 Room

Ang timpalak na SANAY-SAYSAY 2023 ay itinataguyod ng Kaguruan ng Kagawaran ng Filipino at


Samahan ng Filipino (Intramuros) kaakibat ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansâ.
Nilalayon nito na palawakin at hasain ang kaisipan ng mga mag-aaral sa paggamit ng pormal na
Wikang Filipino at maging mahusay sa pagsasalaysay ng mga ideya at lunggatiin.

TUNTUNIN:
1. Bukas ang timpalak sa lahat ng opisyal na mag-aaral ng Unibersidad ng Mapúa – Senior High
School, Intramuros.
2. Ang tema ng timpalak ay “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan,
Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.” Ang magiging paksa
ng isusulat na sanaysay ay ipababatid sa mismong oras ng paligsahan.
3. Ang mga kalahok ay magpapalista gamit ang MS Form at titipunin sa araw at oras ng timpalak
sa Audio Visual Room 2 at bibigyan lamang ng dalawang (2) oras upang sulatin ang kanilang
sanaysay. Babantayan ng mga opisyales na nasa bulwagan ang mga kalahok kung may
katuwang ba ito sa pagsulat o ito ay nangongodigo.
4. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagtingin sa gadyet, libro, at mga babasahin sa oras ng
timpalak. Ang mahuhuli na lalabag sa mga patakaran ay awtomatikong madidiskuwalipika sa
timpalak.
5. Limitado lamang ang susulating sanaysay sa dalawang maikling bond paper na ibibigay sa mga
kalahok sa oras ng paligsahan. Maaaring ang isang dahon ay gamitin bilang pagbabalangkas
at isa lamang ang sulatan ng opisyal na lahok.
6. Kinakailangan para sa unang pagbibilang ng mga lahok na magpatala ang mga kalahok sa
MS Form na makikita sa dokumentong Kalipunan ng mga Link sa Buwan ng Wika 2023
na content folder sa Cardinal EDGE (Blackboard) ng klase sa Filipino hanggang ika-15 ng
Agosto 2023 (8:59 N.G.). Isusumite rin sa nasabing MS Form ang E-CM na magpapatunay
ng kanilang pagiging opisyal na mag-aaral ng Unibersidad ng Mapua. Ang mga kalahok na
lalagpas sa oras at araw na nabanggit ay hindi na tatanggapin ng mga punong-abala.
7. Tandaan na labanan ito ng klaster kaya sa isang klaster ay hanggang dalawang mag-aaral
lamang ang maaaring tanggapin ng komite.
8. Ang mga lahok na naisumite ay lilikumin ni Bb. Rianna Marquez at Bb. Leona Elaisen Perdido.
Isusumite bilang pinal na mga tala kay Inst. Anne Murray Tan. Kung may katanungan ay
maaaring magpahatid ng mensahe sa MS Teams kina Bb. Marquez
(rsmarquez@mymail.mapua.edu.ph) at Bb. Perdido (leaperdido@mymail.mapua.edu.ph).
9. Tatlo (3) mula sa mga kalahok na may pinakamahusay na sanaysay ang bibigyan ng pagkilala
bilang nagwagi sa timpalak. Ang kalahok na magkakamit ng pinakamataas na marka ay
tatanghaling “Manunulat ng Taon 2023.”
10. Ang hindi pagsunod sa tuntunin ay magreresulta sa diskuwalipikasyon mula sa hatol ng mga
tagapangasiwa. Ang pasya ng inampalan ay pinal at di-maipaghahabol.

PAMANTAYAN:

NILALAMAN 50%
* Orihinalidad (15)
* Kaugnayan at Katumpakan sa Paksa (25)
* Kalinawan sa Paglalahad (10)
ORGANISASYON 30%
*Kaisahan at daloy ng pagsasalaysay
TEKNIKALIDAD 20%
*Wastong gamit ng mga salita (10)
*Pagsunod sa Ortograpiya at tamang balarila (10)
KABUOAN 100%
TAGIS TALINO 2023
Agosto 15, 2023 | 9:00 N.U. - 12:00 N.T.
MS FORM at AV2 Room

Ang timpalak na TAGIS TALINO 2023 ay itinataguyod ng Kaguruan ng Kagawaran ng Filipino at


Samahan ng Filipino (Intramuros) kaakibat ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansâ.
Nilalayon ng timpalak na pasiglahin at pataasin ang antas ng karunungang pangwika lalong higit
sa pagsulong ng intelektuwalisasyon ng wikang Filipino.

TUNTUNIN:
1. Bukas ang timpalak sa lahat ng opisyal na mag-aaral ng Unibersidad ng Mapúa – Senior High
School, Intramuros.
2. Ang bawat seksyon ay maaari lamang na magpadalo ng isang (1) mag-aaral. Maaaring
pangasiwaan ng klase o ng guro sa Filipino ang pagpili sa lalahok.
3. Ang paksa ng timpalak ay “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan,
Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.” Kaugnay nito, ang
mga napiling paksa para sa iba’t ibang antas ay ang mga sumusunod — mga tipo ng
panitikan, mga obra maestra, buhay ni Rizal, pagsasalin, pamamahayag, limang makrong
kasanayang pangwika, retorika, panunuring pampanitikan, kasaysayan ng wikang
pambansa, mga kilalang tao sa larangan ng pag aaral ng wika, balarila, lingguwistika, mga
kakayahang pangwika, at likhang sining ng mga Pilipino.
4. Kailangang magdala ng bawat kalahok ng sangwalo (⅛) na illustration board. Ang lahat ng
kalahok ay titipunin sa AV2 upang masigurado na ang bawat kalahok ay dumalo. Ang mga
kalahok ay babantayan ng mga opisyales ng Samahan ng Filipino sa mismong araw ng
paligsahan.
5. Ipatatala ng guro o ng mismong kalahok ang sarili kina Bb. Aprille Coral at Bb. Elexys
Villanueva sa pamamagitan ng pagsagot sa MS Form na makikita sa Buwan ng Wika 2023
na content folder sa Cardinal EDGE (Blackboard) ng klase sa Filipino hanggang sa ika-13 ng
Agosto 2023 (8:59 N.G.). Isusumite rin sa nasabing MS Form ang E-CM na magpapatunay ng
kanilang pagiging opisyal na mag-aaral ng Unibersidad ng Mapua. Ang mga kalahok na
lalagpas sa oras at araw na nabanggit ay hindi na tatanggapin ng mga punong-abala. Ang
pinal na talaan ng mga kasapi ay isusumite kay Inst. Michael Art G. Muñoz.
6. Ang mahuhuling may tinitingnan na kodigo, gadyet, o may kausap patungkol sa pagsusulit
ay awtomatikong hindi mapabibilang sa opisyal na tala ng mga kikilalaning kalahok at wala
nang pagkakataong magwagi.
7. Ang tatlong antas ng paligsahan ay ang sumusunod— Madali, Katamtaman, at Mahirap na
Antas. Kung magkataon man na may magkapareho ng puntos sa tatlong may pinakamataas
na marka ay magkakaroon ng Panapos na Antas.
8. Ang bawat antas ay may kaukulang sistema ng pagpupuntos. Para sa madaling antas, ang
bawat tamang sagot ay may kaukulang isang (1) puntos. Para sa katamtamang antas ay
tatlong (3) puntos sa bawat wastong sagot. Para sa mahirap at panapos na antas naman,
magkakaroon ng limang (5) puntos ang makakukuha ng tamang sagot. Ang puntos ay
nilalagom at ang paglalagom ang magiging batayan ng eliminasyon sa bawat antas.
9. Magkakaroon ng eliminasyon sa bawat antas ng timpalak. Ang labinlimang (15)
estudyanteng may pinakamataas na bilang sa paglalagom sa madaling antas ang tanging
makaaabante para sa sumunod na antas. Ang natitirang sampong (10) may pinakamataas
na paglalagom ng marka sa katamtamang antas ang tanging makaaabante para sa mahirap
na antas. Mula sa sampo ay kikilalanin ang tatlong (3) may pinakamataas na marka bilang
mga nagwagi.
10. Ang magkakamit ng unang tatlong may pinakamataas na puwesto ang siyang tatanghaling
mga nagwagi at makatatanggap ng sertipiko ng pagkilala. Ang kampeon na may
pinakamataas na marka ay ang tatanghaling “Henyo ng Taong 2023.”
11. Ang hindi pagsunod sa tuntunin ay magreresulta sa diskuwalipikasyon mula sa hatol ng mga
tagapangasiwa. Ang pasya ng inampalan ay pinal at di-maipaghahabol.
DAGLIANG TALUMPATI 2023
Agosto 22, 2023 | 1:00 N.H. – 3:00 N.H.
MS Form at AV2 Room

Ang timpalak na DAGLIANG TALUMPATI 2023 ay itinataguyod ng Kaguruan ng Kagawaran ng


Filipino at Samahan ng Filipino (Intramuros) kaakibat ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Pambansa. Nilalayon nitong hikayatin ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang talento,
kaalaman, at kahusayan sa pagsasalita upang magbahagi ng kaalaman at magsulong ng mga
rekomendasyon sa iba’t ibang pamunuan at makaririnig gamit ang wikang Filipino.

TUNTUNIN:
1. Bukas ang timpalak sa lahat ng opisyal na mag-aaral ng Unibersidad ng Mapua – Senior High
School, Intramuros.
2. Ang tema ng timpalak ay “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan,
Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.” Ang paksa ng
talumpati ay ibibigay ng lupon ng inampalan sa araw ng paligsahan, ito ay may kaugnayan sa
pangkabuoang tema ng pagdiriwang.
3. Ang kalahok ay bibigyan ng isang (1) minutong paghahanda at tatlo (3) hanggang limang (5)
minutong paglalahad. May dalawang (2) puntos na kabawasan sa bawat dalawampong (20)
segundong kulang at sobra sa oras ng paglalahad.
4. Ang paglalahad at estilo ng mga kalahok ay magiging malaya ayon sa kanilang ninanais na
maging daloy at dating ng kanilang pagtatalumpati. Hindi maaaring gumamit ng karagdarang
tugtugin at/o anomang kagamitang biswal. Pahihintulutan lamang na kasuotan ay ang
maaayos na damit o mala-pormal hanggang pormal na panggayak.
5. Kinakailangan para sa unang pagbibilang ng mga lahok na magpatala ang mga kalahok sa MS
Form na makikita sa dokumentong Kalipunan ng mga Link sa Buwan ng Wika 2023 na content
folder sa Cardinal EDGE (Blackboard) ng klase sa Filipino hanggang ika-18 ng Agosto 2023
(8:59 N.G.). Isusumite rin sa nasabing MS Form ang E-CM na magpapatunay ng kanilang
pagiging opisyal na mag-aaral ng Unibersidad ng Mapúa. Ang mga kalahok na lalagpas sa oras
at araw na nabanggit ay hindi na tatanggapin ng mga punong-abala.
6. Ang nasabing timpalak ay gaganapin sa loob ng unibersidad. Padadalhan ng imbitasyon ang
lahat ng mga nakapasok sa oras ng pagpapatala para sa mga karagdagang detalye, eskusang
liham at iba pang mga abiso bago ang araw ng mismong tagisan.
7. Tandaan na labanan ito ng klaster, kaya sa kada klaster ay dalawa (2) hanggang tatlong (3)
mag-aaral lamang ang maaaring tanggapin ng komite.
8. Ang mga kalahok na nagparehistro ay itatala ni G. Angelo James Ofianga at Bb. Lorraine
Doctolero at isusumite bilang pinal na mga tala kay Inst. Michael Art G. Muñoz. Kung may
katanungan ay maaaring magpahatid ng mensahe sa MS Teams kina G. Ofianga at Bb.
Doctolero.
9. Tatlo (3) sa mga ito ang pipiliing mahusay na mga mananalumpati na gagawaran ng sertipiko
ng pagkilala. Ang makakukuha ng pinakamataas na marka ay tatanghaling “Mananalumpati
ng Taong 2023.”
10. Ang hindi pagsunod sa tuntunin ay magreresulta sa diskuwalipikasyon mula sa hatol ng mga
tagapangasiwa. Ang pasya ng inampalan ay pinal at di-maipaghahabol

PAMANTAYAN:

NILALAMAN AT LOHIKA NITO 40%


*Kaugnayan sa paksa, kaisahan, kalinawan, katuwiran,
at kaayusan ng diwa at mensahe
TEKNIKALIDAD NG PAGLALAHAD 35%
*Tinig, tono, wastong gamit at bigkas ng mga salita
ESTILO, TINDIG, AT KILOS 25%
*Pagtayo, pagkilos, pagkumpas, at paraan ng
pakikipag-ugnayon sa mga tagapakinig
KABUOAN 100%
LIKHANG AWIT 2023
Agosto 25-28, 2023
MS FORM at YOUTUBE
2-8 Mag-aaral

Ang timpalak na LIKHANG-AWIT 2023 ay itinataguyod ng Kaguruan ng Kagawaran ng Filipino at


Samahan ng Filipino (Intramuros) kaakibat ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.
Nilalayon ng timpalak na ito na maipamalas at maibahagi ang kakayahan ng bawat Mapúan sa
pagtanghal at pagbuo ng makahulugan na kanta gamit ang wikang Filipino at katutubong wika na
may tunguhing mapagyaman ang wika at kulturang Pilipino. Sa parang ito ay malilinang ang
kanilang talento sa musika at maipabatid ang malalim a mensahe nito sa mga manonood.

TUNTUNIN:
1. Bukas ang timpalak sa lahat ng opisyal na mag-aaral ng Unibersidad ng Mapúa - Senior High
School, Intramuros 2023.
2. Ang tema ng timpalak ay “Filipino at Mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan,
Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.” Inaasahang ang
bawat kalahok ay may sariling likhang awit na itatanghal sa pamamagitan ng pagsusumite ng
bidyo bilang kanilang entri.
3. Ang nasabing Likhang-Awit ay nararapat na may sariling komposisyong titik at tono.
Kinakailangan na makita sa isang bahagi (berso, koro, o tulay) ng likhang-awit ang paggamit
ng isa o mahigit pang katutubong wika maliban sa Filipino.
4. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng hindi kaaya-ayang salita at pagmumura sa titik
ng kanta. Hindi rin ito dapat kukulangin sa dalawang (2) minuto at hindi naman hihigit sa
apat (4) na minuto. Magkakaroon ng kabawasang isang puntos sa kada dalawampung (20)
segundo lalagpas sa tinakdang oras.
5. Binibigyan ng kalayaan ang bawat kalahok na maipamalas ang kanilang pagkamalikhain sa
kanilang presentasyon. Kinakailangan lamang makita ang mukha ng bawat miyembro sa loob
ng bidyo. Pinahihintulutan ang pag-edit ng boses para sa ikagaganda ng sariling sulat na awit.
6. Kinakailangan para sa unang pagbibilang ng mga lahok na magpatala ang mga kalahok sa MS
Form na makikita sa dokumentong Kalipunan ng mga Link sa Buwan ng Wika 2023 na content
folder sa Cardinal EDGE (Blackboard) ng klase sa Filipino hanggang ika-18 ng Agosto 2023
(8:59 N.G.). Ang mga kalahok na lalagpas sa oras at araw na nabanggit ay hindi na
tatanggapin ng mga punong-abala. Kasabay rin nito ang pagsusumite ng konsento para sa
mga kalahok at ang paghingi ng kanilang ECM bilang katunayan na sila ay mag-aaral ng
unibersidad.
7. Ang bawat seksyon ay inaasahang magsusumite ng kanilang bidyo sa pormat na .MP4 at may
oryentasyong pahiga (landscape) lamang. Mangyaring gawing pamagat ng file ang seksyon -
pangalan ng pangkat (hal.: IS100 - KaSama sa Awit). Ipapaloob sa isang Google Drive o One
Drive ang bidyo at titik. Isusumite ang link na downloadable ang mga bidyo at dokumento ng
titik sa pamamagitan ng pagsagot sa MS Form na makikita sa Buwan ng Wika 2023 na content
folder sa Cardinal EDGE (Blackboard) ng klase sa Filipino. Inaasahan din ang bawat seksyon na
magsusumite ng kanilang pormularyo ng mga kalahok.
8. Bukas ang pasahan ng higit-kumulang tatlong (3) araw, maaaring magpasa ng mga lahok mula
ika-25 ng Agosto. hanggang 8:59 n.g ng ika-28 ng Agosto. Ang mga lahok na lalagpas sa oras
at araw na nabanggit ay hindi na tatanggapin ng mga punong-abala.
9. Magkakaroon ng araw ng pagpapanood ng mga likha na tatawaging "PisTanghalang Mapúa
2023" simula ika-30 ng Agosto hanggang ika-1 ng Setyembre (8:59 N.G). Itatampok dito ang
mga gawa ng bawat seksyon at klaster na mga bidyo sa pamamagitan ng pagpapanood nito
sa opisyal na Youtube Channel ng Samahan ng Filipino. Ang bilang ng views (1 view ay 1
bilang) at likes (1 like ay 0.5 ang bilang) ay bibilangin sa bawat entri at ang may pinakamataas
na kabuoan sa mga entri ang siyang magiging denominador ng ibang kabuoan.
10. Ang mga lahok na naisumite ay lilikumin nina Bb. Maxene A. Manliclic, G. Ian Oliver L. Balan,
at G. Shaun Miguel C. Avenir na isususmite bilang pinal na mga tala kay Inst. Angie Mae R.
Rivera. Kung may katanungan ay maaaring magpahatid ng mensahe sa mga punong-abala ng
timpalak sa pamamagitan ng Ms Teams nila na mamanliclic@mymail.mapua.edu.ph,
iolbalan@mymail.mapua.edu.ph, at smcavenir@mymail.mapua.edu.ph.
11. Tatlo (3) sa mga ito ay makatatanggap ng sertipiko ng pagkilala, at ang sumisyon na may
pinakamataas na marka ay tatanghaling "Mang-aawit ng Taong 2023.”
12. Ang hindi pagsunod sa tuntunin ay magreresulta sa diskuwalipikasyon mula sa hatol ng mga
tagapangasiwa. Ang pasya ng inampalan ay pinal na at hindi na maipaghahabol.
PAMANTAYAN:

TITIK NG AWITIN 35%


*Orihinalidad, pagkamalikhain, at ugnayan sa tema
*Kawastuhan ng paggamit g katutubong wika
KALIDAD AT KARIKTAN NG TUGTUGIN 35%
*Kawilihan ng napiling estilo at areglo sa kanta
ESTILO NG PAGTATANGHAL 20%
*Kaisahan ng instrumento, boses, tamang diksyon
*Pagiging malikhaing bidyo
PISTANGHALANG DATOS 10%
*Dami ng likes at views sa kanilang video sa Youtube

KABUOAN 100%
Sabayang Pagbigkas 2023
Setyembre 1, 2023 | 9:00 N.U. – 5:00 N.H.
Face-to-Face sa AV1, AV2, at AV3 Rooms
10-20 Mag-aaral

Ang timpalak na SABAYANG PAGBIGKAS 2023 ay itinataguyod ng Kaguruan ng Kagawaran ng


Filipino at Samahan ng Filipino (Intramuros) kaakibat ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Pambansa. Nilalayon ng patimpalak na ito na maipakita ang galing at kahusayan ng mga mag-
aaral sa pagpapahayag ng kanilang damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng pagsasama-sama
ng kanilang tinig.

TUNTUNIN:
1. Bukas ang timpalak sa lahat ng opisyal na mag-aaral ng Unibersidad ng Mapua – Senior High
School, Intramuros. Tatanggap ng isang (1) pangkat lamang mula sa bawat seksyon at dapat
ay binubuo ng hindi bababa sa sampu (10) at hindi hihigit sa dalawampu (20) ang bilang ng
mga miyembro sa bawat grupo na ipadadala ng seksyon.
2. Ang tema ng timpalak ay “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan,
Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.” Ang piyesang
itatanghal ay magmumula sa tagapangasiwa ng programa. Ito ay may kaugnayan sa
pangkabuoang tema ng pagdiriwang.
3. Ang timpalak ay gaganapin sa loob ng unibersidad sa ika-1 araw ng Setyembre 2023; 9:00
N.U. - 2:00 N.H.. Titipunin ang mga pangkat sa Audio Visual Room 1, 2, at 3. Isa sa mga AV na
nabanggit ay magiging bulwagan ng pagtatanghal.
4. Padadalhan ng imbitasyon ang lahat ng mga nakapasok sa oras ng pagpapatala para sa mga
karagdagang detalye, liham pahintulot, at iba pang mga abiso bago ang araw ng mismong
tagisan.
5. Itinatagubilin na hindi dapat lumagpas sa dalawampong (20) minuto ang buong pagtatanghal
ng bawat pangkat kasama na ang paghahanda. May kaukulang kabawasan na isang puntos
(1) puntos sa bawat labis na dalawampong (20) segundo.
6. Maaaring magdagdag ng hindi teknikal na tugtog, musika o pagdaragdag ng iba pang mga
salita basta’t siguraduhing mababanggit ang kabuoan ng tula.
7. Hindi pinahihintulutan ang paggamit ng matatalim na bagay, confetti, at apoy; gayundin ang
pagmumura at pagbabanggit ng malalaswang salita. May kaukulang bawas na dalawang (2)
puntos sa bawat paglabag nito.
8. Iwasan din ang labis na paggastos sa mga sining biswal, kasuotan, at iba pang mga gamit sa
pagtatanghal. Higit na makabubuti kung gagamit na lamang ng mga resiklong materyales.
9. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng koryo na hindi miyembro ng seksyon o klaster.
Diskuwalipikasyon ang ipapataw sa grupong lalabag nito.
10. Kinakailangan para sa unang pagbibilang ng mga lahok na magpatala ang mga kalahok sa MS
Form na makikita sa dokumentong Kalipunan ng mga Link sa Buwan ng Wika 2023 na content
folder sa Cardinal EDGE (Blackboard) ng klase sa Filipino hanggang ika-18 ng Agosto 2023
(8:59 N.G.). Isusumite rin sa nasabing MS Form ang natipong E-CM na magpapatunay ng
kanilang pagiging opisyal na mag-aaral ng Unibersidad ng Mapúa. Ang mga kalahok na
lalagpas sa oras at araw na nabanggit ay hindi na tatanggapin ng mga punong-abala.
11. Ang mga kalahok na nagparehistro ay itatala ni Bb. Alliyah Janel Salditos at isusumite bilang
pinal na mga tala kay Inst. Michael Art G. Muñoz. Kung may katanungan ay maaaring
magpahatid ng mensahe sa MS Teams kay Bb. Alliyah Janel Salditos
(ajsalditos@mymail.mapua.edu.ph).
12. Ang lahat ng kalahok ay tatanggap ng Katibayan ng Paglahok at tatlo sa mga pangkat ang
gagawaran ng Sertipiko ng Pagkilala sa araw ng Gawad Parangal. Ang kampeon ay
tatanghaling “Mambibigkas ng Taong 2023.”
13. Ang hindi pagsunod sa tuntunin ay magreresulta sa diskuwalipikasyon mula sa hatol ng mga
tagapangasiwa. Ang pasya ng inampalan ay pinal na at hindi na maipaghahabol.
PAMANTAYAN:

TEKNIKALIDAD NG PAGLALAHAD 30%


* Kaangkupan ng tinig, tono, lakas,
at aliw-iw ng boses sa pagbigkas
ESTILO, TINDIG, AT KILOS 30%
* Kahusayan ng kilos, galaw, paghihimig,
at interpretasyon ng piyesa
KAISAHAN AT KALINISAN 20%
* Puwesto, paglilipat, at koryograpo
KASUOTAN, ITSURA, AT SINING BISWAL 20%
* Kaakmaan sa tema at piyesa

KABUOAN 100%
KA-BATA-AN, KA-WIKA-AN, KA-LAYA-AN
Nina Stacey Pauline Canlas at Triune Dixx Rodel Roldan

Kumakaluskos ang mga yapak


Humihikbi ang mga musmos na hinahatak
“Itang, saan n’yo kami dadalhin?”
“Manahimik! Para sa inyo ito… at siyempre sa akin!”

Sa talukbong ng mga puno, lampas sa balaho


Matatanaw ang iba’t ibang wangis ng tao
Nag-aaway sa kaniya-kaniyang negosyo't politika
Habang hinahalikan, ginagahasa ang mga batang nagmamakaawa

Nagbabalatkayong globalisasyon ang binubusal sa mga bibig


Inaalis ang nasyonalismo ng mga batang puno ng pag-ibig
Eksploytasyon ang binibigay na lunas,
Sugat at uhaw, hindi na alintana dahil sa masidhing dinadanas

Tumataas na presyo ng mga bilihin


Produktong lokal, hindi nabibigyang-pansin
Edukasyong ipinagkakait, nilalaro’t nilalayo sa sambayanan
Eksperto’y tinatanggalan ng mikropono’t Kalayaan

“Ogop, Saup, Sidong, Tabang, Tulong!”


Samot-sari man ang sinisigaw na wika
Ngunit may pagkakaunawaan dahil sa lingua franca
Isinilang sa kapuluan ng Timog-Silangang Asya
Musmos man ngunit nang magkaisa ay walang makaiisa
Wikang nagpapatibay sa kasarinlan ng bansa
Dito nangingibabaw ang pagkadakilang nahasa
Pagsasalin, Pagsusulat, Pagbigkas, Pagtatangghal maging Pananaliksik
Kinasangkapan ng pagpapaunlad ng karunungang siksik

Dating nakasusunog na sikat ng araw, kusang tumamlay


Bitbit ang karunungan, mga kabataan ay hindi na nahihimlay
Baluktot na polisiya’y binuwag, binalik ang karangyaan
Hindi na nakakulong sa takot ang wika’t mga kakayahan

Musmos at munti man bilang isang bayan


Kilalanin at subukin ang potensyal
Tayo'y magtungo sa ating malaya’t payapang kinabukasan
Sa wikang sinilangan, tiyak ang ating samahan!
DRAMATIKONG DAYALOGO 2023
Agosto 27-29, 2023
MS FORM at YOUTUBE
6-10 na Mag-aaral

Ang timpalak na DRAMATIKONG DAYOLOGO 2023 ay itinataguyod ng Kaguruan ng Kagawaran ng


Filipino at Samahan ng Filipino (Intramuros) kaakibat ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Pambansâ. Nilalayon ng timpalak na pagyamanin at payabungin ang kakayahang maipakita ang
talento at galing sa pagtatanghal ng sariling dramatikong dayalogo gamit ang wikang Filipino na
may tunguhing mapagyaman ang wika at kulturang Pilipino.

TUNTUNIN:
1. Bukas ang timpalak sa lahat ng opisyal na mag-aaral ng Unibersidad ng Mapúa – Senior High
School, Intramuros.
2. Tatanggap ng isa (1) hanggang dalawang (2) pangkat lamang mula sa kada klaster at dapat
ay binubuo ng hindi bababa sa anim (6) at hindi hihigit sa sampung (10) miyembro ang bawat
grupo na ipadadala ng klaster. Ang ibang mga miyembro na hindi magpapakita sa bidyo ay
inaasahang kasangkot sa paggawa ng iskrip at pag-edit ng bidyo entri ng klaster.
Pahihintulutan ang paggamit ng boses ng ibang miyembro bilang voice over.
3. Ang paksa ng timpalak ay maaaring patungkol sa anumang isyung panlipunan o isyung
pangwika na maiuugnay sa tema ng pagdiriwang na “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika
ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.”
4. Inaasahan na ang bawat kalahok ay may sariling iskrip na itatanghal sa paraan ng bidyo o
maikling pelikula na isusumite rin sa komite. Ang nasabing dayologo ay nararapat na orihinal.
Hindi rin ito dapat kukulangin sa tatlo (3) minuto at hindi naman lalagpas sa walong (8)
minuto. Magkakaroon ng isang (1) puntos na kabawasan sa kabuoang marka sa bawat
dalawampung (20) segundo na kulang o labis sa oras.
5. Ang bidyong isusumite ay marapat na nasa pormat ng .MP4 at oryentasyong pahiga
(landscape). Gamitin ang Pangalan ng Klaster – Pamagat ng Palabas (hal: Klaster 0: Inagta
Isarog – Ang Samahan) at kung higit sa isa ay gumamit ng alpabetikal na pananda (hal: Klaster
0B: Inagta Isarog – Ang Filipino) sa pagpapangalan ng bidyo.
6. Maaaring magparehistro ang bawat pangkat hanggang Agosto 18, 2023. Ang hindi
makapagparehistro ay hindi magiging opisyal na lahok sa timpalak.
7. Ang klaster sa pamamagitan ng guro sa Filipino ang siyang pipili ng natatanging (1) isa
hanggang (2) dalawang sumisyon para sa kanilang klaster. Ipapaloob sa isang Google Drive o
One Drive ang bidyo. Isusumite ang link na naglalaman ng downloadable na mga bidyo sa
pamamagitan ng pagsagot sa MS Form na makikita sa Buwan ng Wika 2023 na content folder
sa Cardinal EDGE (Blackboard) ng klase sa Filipino.
8. Bukas ang pasahan ng higit-kumulang tatlong (3) araw, maaaring magpasa ng mga lahok mula
ika-27 hanggang ika-29 ng Agosto (8:59 N.G). Ang mga lahok na lalagpas sa oras na nabanggit
ay hindi na tatanggapin ng mga punong-abala.
9. Magkakaroon ng araw ng pagpapanood ng mga likha na tatawaging “PisTanghalang Mapúa
2023” simula ika-30 ng Agosoto hanggang ika-1 ng Setyembre (8:59 N.G.). Itatampok dito ang
mga gawa ng bawat seksyon at klaster na mga bidyo sa pamamagitan ng pagpapanood nito
sa opisyal na Youtube channel ng Samahan ng Filipino. Ang bilang ng views (1 view ay 1 bilang)
at likes (1 like ay 0.5 ang bilang) ay bibilangin sa bawat entri at ang may pinakamataas na
kabuoan sa mga entri ang siyang magiging denominador ng ibang kabuoan.
10. Ang mga lahok na naisumite ay lilikumin ni G. Jozef Timothy E. Dimal at G. Absalon James C.
Llegue na isusumite bilang pinal na tala ng mga lahok kay Inst. Jastine S. Bandojo. Kung may
katanungan o paglilinaw ay maaaring magpahatid ng mensahe sa MS TEAMS nina G. Jozef
Timothy E. Dimal at G. Absalon James C. Llegue.
11. Tatlo (3) sa mga lahok ang pipiliing mahusay sa produksyon ng Dramatikong Dayalogo na
gagawaran ng sertipiko ng pagkilala. Ang pangkat na makakukuha ng pinakamataas na marka
ay tatanghaling “Kampeon sa Dramatikong Dayalogo 2023.”
12. Ang hindi pagsunod sa tuntunin ay magreresulta sa diskuwalipikasyon mula sa hatol ng mga
tagapangasiwa. Ang pasya ng inampalan ay pinal na at hindi na maipaghahabol.
PAMANTAYAN:

NILALAMAN 50%
*Kaugnayan (25%) - Pagkabuo ng iskrip at kaugnayan sa
anumang napapanahong isyu
*Organisasyon (15%) - Maganda at maayos ang
daloy ng kuwento
*Orihinalidad (10%)- Kailangang sariling likha
ang itatanghal na dayalogo
PALASANTINGIN 40%
*Pag-arte, Teknik, at Kaledad (20%) - Pagpapakita ng
emosyon, pagbibigay buhay sa karakter
*Pagkamalikhain (20%)
PISTANGHALANG DATOS 10%
* Dami ng mga like at views sa kanilang video sa Youtube

KABUOAN 100%
PALASAKLASTER 2023
Agosto 20-21; 29, 2023
MS FORM at FACEBOOK

Ang timpalak na PALASAKLASTER 2023 ay itinataguyod ng Kaguruan ng Kagawaran ng Filipino


at Samahan ng Filipino (Intramuros) kaakibat ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansâ.
Nilalayon ng timpalak na ito na manghikayat ng mga tao na tuklasin at kilalanin ang husay ng
bawat Mapúan. Sa pamamagitan nito ay maipakakalat ang mga link para makita ng iba pa ang
mga gawa ng mga talentadong mag-aaral ng kagawaran kasabay ang pagbabahagi ng
impormasyong pangwika at pangkultura ng bansa.

TUNTUNIN:
1. Bukas ang timpalak sa lahat ng opisyal na mag-aaral ng Unibersidad ng Mapúa – Senior High
School, Intramuros.
2. Ang tema ng timpalak ay “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan,
Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.” Kaugnay nito, ang
kapsyon na ipapaskil at frame na igaganiyak sa sariling larawan (displayed picture) sa
Facebook ay parehong magpapakilala ng kanilang klaster sa publiko. Inaasahan na ang lahat
ng miyembro ng klaster ay makikiisa sa timpalak na ito.
3. Ang nakatalagang mga lalahok ay kailangang magparehistro hanggang sa ika-16 ng Agosto ng
8:59 N.G. at ang matagumpay na nakapagparehisto ang maaari lamang magpasa ng mga
lahok mula ika-20 hanggang ika-21 ng Agosto ng 8:59 N.G.. Ang mga lahok na lalagpas sa
oras na nabanggit ay hindi na tatanggapin ng mga punong-abala.
4. Kailangan gumawa ng kapsyon ang bawat klaster na magpapakilala sa pangkat etniko na
kanilang kinakatawan. Dahil ito ang magiging hudyat na rin ng pagsisimula ng PisTanghalang
Mapúa 2023 kaya maaari ring ilakip sa kapsyon ang mga link ng mga lahok ng klaster o
seksyon.
5. Kailangan ding magdisenyo ng bawat klaster ng isang DP Frame na gagamitin nila kasabay ng
pagpapaskil ng kapsyon. Ang DP Frame ay dapat nagpapakita ng yaman ng kultura ng mga
lingguwistikong komunidad na ipinakikilala.
6. Ang DP Frame at kapsyon ay magkasabay na itatanghal sa netizens o gagamitin sa social media
platforms sa Agosto 29, ganap na ika-8 N.G. bilang sa sumunod na araw ay ang opisyal na
PisTanghalang Mapua 2023.
7. Isusumite ang kapsyon bilang .PDF na may file name na KLASTER#_KAPSYON at ang DP Frame
naman ay bilang .PNG na may file name na KLASTER#_DPFRAME sa pamamagitan ng
pagtatala ng MS Form na makikita sa Buwan ng Wika 2023 content folder sa Cardinal EDGE
(Blackboard) ng klase sa Filipino.
8. Ang mga lahok na naisumite ay lilikumin ni Bb. Frankie Miel Ibias at G. Janel Euan Gabriel K.
Cubilla na isusumite bilang pinal na mga tala kay Inst. Jastine S. Bandojo. Kung may
katanungan ay maaaring magpahatid ng mensahe sa MS Teams o sulatroniko nina Bb. Frankie
Miel Ibias (fmibias@mymail.mapua.edu.ph) o G. Janel Euan Gabriel K. Cubilla
(jegkcubilla@mymail.mapua.edu.ph).
9. Tatlo (3) sa mga klaster ang gagawaran ng sertipiko ng pagkilala. Ang nagkamit ng
pinakamataas na marka ang tatanghaling “Manlilikha ng Taong 2023.”
10. Ang hindi pagsunod sa tuntunin ay magreresulta sa diskuwalipikasyon mula sa hatol ng mga
tagapangasiwa. Ang pasya ng inampalan ay pinal na at hindi na maipaghahabol.

PAMANTAYAN:

PARA SA KAPSYON
NILALAMAN 35%
*Impormasyong taglay patungkol sa Minoryang Etniko
*Argumento patungkol sa kalagayang pangwika at komunidad
ESTILO NG PAGLALAHAD 15%
*Paraan ng pagsasalaysay sa kapsyon
*Kawastuhan ng balarila at paggamit ng salita
KABUOAN 50%
PARA SA DP FRAME
NILALAMANG MENSAHE 25%
KARIKITAN GN DISENYO AT ESTILO 25%
KABUOAN 50%

PANGKALAHATANG KABUOAN 100%


Baro’t Saya, arong Ikabog Mo! 2023
Septyembre 8, 2023| 12:00 N.T. - 3:00 N.H.
Mapúa Gymnasium

Ang timapalak na BARO’T SAYA, ARONG IKABOG MO! 2023 ay itinaguyod ng Kaguruan ng
Kagawaran ng Filipino at Samahan ng Filipino (Intramuros) kaakibat ng pagdiriwang ng Buwan
ng Wikang Pambansa. Nilalayon ng paligsahan na ito na magbigay-inspirasyon at pagkakataon
para maipakita nila ang kanilang katalinuhan at pagmamahal sa kultura ng ating bansa sa
pamamagitan ng paggawa ng mga natatanging damit mula sa nareresiklong materyales.

TUNTUNIN:
1. Bukas ang timpalak sa lahat ng opisyal na mag-aaral ng Unibersidad ng Mapúa - Senior High
School, Intramuros.
2. Ang tema ng timpalak ay “Filipino at ang mga Katutubing Wika: Wika ng kapayapaan,
Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.” Inaasahan na ang
bawat kalakok kada klaster ay magkakaroon ng dalawang (2) kinatawan, isang lalaki at isang
babae, maaring mag-crossdress ang mga kalahok depende sa kanilang idetipikasyon sa sarili.
3. Ang bawat klaster na sasali sa paligsahan ay dapat lumikha ng mga damit na nagpapahayag
ng kultura at kalagayan ng wika ng Pilipinas na itinalaga sa bawat klaster gamit ang mga
nareresiklong materyales bilang pangunahing materyales. Hindi limitado na kawangis dapat
ang lilikhaing kasuotan ng ating pambansang kasuotan na barong at saya, maaaring itampok
mismo ang kasuotan ng katutubong itinatanghal, kanilang motif, element, at sining biswal.
Magsaliksik at maging maingat na hindi mabigyan ng mali at negatibong interpretasyon at
representasyon ang kanilang kasuotan, wika, at kultura.
4. Lahat ng materyales na gagamitin sa paggawa ng damit ay dapat mula sa mga nireresiklong
materyales tulad ng recycled na tela, papel, plastik, sako at iba pang maaaring gamitin.
Kailangang magpadala ng dokumentasyon ang mga kalahok na nagpapakita ng progreso ng
paggawa bilang katibayan ng paglikha sa ika-6 ng Setyembre 2023.
5. Ang mga kinatawan ay magsisilbing tagapagbukas ng booth ng klaster para sa Pistang
Mapuan 2023. Kinakailangan na maghanda ng talento ang mga kinatawan na maaaring
lahukan ng iba pang miyembro ng klaster na magpapakita at magpapakilala sa katutubong
itinatanyag ng klaster. Tandaan na dapat tatagal lamang ang presentasyon ng isa (1)
hanggang limang (5) minuto, bawat lagpas o kulang na dalawampong (20) segundo ay may
kaukulang isang (1) puntos na bawas sa marka. Para naman sa mismong timpalak sa hapon
ng araw ng pampinid, irarampa ng mga kinatawan sa entablado ang likhang kasuotan.
6. Maaaring magparehistro ang mga kalahok sa MS Form na makikita sa dokumentong
Kalipunan ng mga Link sa Buwan ng Wika 2023 na content folder sa Cardinal EDGE
(Blackboard) ng klase sa Filipino hanggang sa ika-18 ng Agosto 2023 (8:59 N.G). Dalawang
represante lamang kada klaster ang dapat na sumagot.
7. Ang mga lahok na naisumite ay lilikumin ni G. Josh Kerk M. Oyao at G. Isaac Dwane M. Caling
na isusumite bilang pinal na talaan ng mga lahok kay Inst. Rhayan Mark Quirap. Kung may
katanungan ay maaaring magpahatid ng mensahe sa MS Teams nina
(jkmoyao@mymail.mapua.edu.ph) at (idmcaling@mymail.mapua.ph).
8. Ang mga mananalo sa timpalak na ito ay makakatanggap ng korona, sertipiko ng pagkilala,
at halagang gantimpala. Ang nagkamit ng pinakamataas na marka ang tatanghaling “Lakan
at Lakambini 2023.”
9. Ang hindi pagsunod sa tuntunin ay magreresulta sa diskuwalipikasyon mula sa hatol ng mga
tagapangasiwa. Ang pasya ng inampalan ay pinal na at hindi na maipaghahabol.

PAMANTAYAN:

KARIKITAN NG KASUOTAN 40%


*Pagkamalikhain sa pagdidisenyo at likha
*Pagiging wasto ng mga impormasyon at ginamit na elemento
KAHUSAYAN NG PAGDADALA NG KASUOTAN 30%
KAHUSAYAN SA PAGPAPAKITA NG TALENTO 20%
ORIHINALIDAD 10%

KABUOAN 100%
PISTANG MAPUA 2023
Setyembre 8, 2023 | 9:00 N.U. - 12:00 N.T.
Mapúa Gymnasium

Ang timpalak na PISTANG MAPUA 2023 ay itinataguyod ng Kaguruan ng Kagawaran ng Filipino


at Samahan ng Filipino (Intramuros) kaakibat ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansâ.
Nilalayon ng timpalak na yakapin at ipagdiwang ng bawat Mapúan ang pagkakaiba-iba at
matuto sa mayayamang kultura at tradisyon ng iba’t ibang katutubo sa Pilipinas sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng natatangi nilang kasanayan sa wika, sining, sayaw, musika, at
mga lutuin ng nirerepresenta nilang katutubong Pilipino.

TUNTUNIN:
1. Bukas ang timpalak sa lahat ng opisyal na mag-aaral ng Unibersidad ng Mapúa - Senior High
School, Intramuros 2023.
2. Ang tema ng timpalak ay “Filipino at Mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan,
Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan”. Inaasahang ang
bawat kalahok ay may sariling sayaw/akto na itatanghal sa harap ng kanilang booth sa Mapúa
Gymnasium. Kaugnay nito, may putahe o mga natatanging pagkain mula sa kinakatawa nilang
klaster na ipatitikim sa mga hurado at kapuwa Mapuan.
3. Isang (1) booth lamang ang ilalaan para sa bawat klaster. Ang booth na ito ay mayroong
dalawang (2) lamesa at dalawang (2) nakatayong background post. Mula sa mga
nakahandang materyales na ito ay didisenyohan ng mga mag-aaral ng isang klaster ang
kanilang booth upang maitanyag ang kultura at wika ng kanilang katutubong kinakatawan.
Ihahain naman sa mga lamesa na maaaring may disenyo rin ang hindi bababa sa limang (5)
putaheng napili na magpapakita ng mga pagkain ng lingguwistikong komunidad na
tinatampok.
4. Ang tatanghaling lider ng klaster ang siyang magpaparehistro hanggang sa ika-19 ng Agosto
2023 (8:59 N.G). Isang represante lang kada klaster ang dapat na sasagot sa MS Form.
Nakapaloob dito ang ECM.
5. Ang pagtatanghal ay hindi dapat kukulangin sa isang (1) minuto at hindi naman lalagpas sa
limang (5) minuto. Magkakaroon ng isang (1) puntos na kabawasan sa kabuoang marka sa
bawat dalawampung (20) segundo na sosobra o kukulangin sa oras.
6. Ang mga inihandang pagkain ay ipepresenta ng isa (1) hanggang dalawang (2) mag-aaral sa
klaster sa loob ng isa (1) hanggang tatlong (3) minuto sa mga hurado.
7. Ang mga lahok na naisumite ay lilikumin ni Anne Margarette L. Zara, Leona Elaisen A. Perdio,
at Ma. Aerielle G. Bassigna isusumite bilang pinal na talaan ng mga lahok kay Inst. Princess
Joy Ragsac. Kung may katanungan ay maaaring magpahatid ng mensahe sa MS Teams ng mga
nabanggit na pangalan.
8. Ang mga mananalo sa timpalak na ito ay makakatanggap ng sertipiko ng pagkilala at
halagang gantimpala. Ang nagkamit ng pinakamataas na marka ang tatanghaling “Kampeon
sa Pistang Mapua 2023.”
9. Ang hindi pagsunod sa tuntunin ay magreresulta sa diskuwalipikasyon mula sa hatol ng mga
tagapangasiwa. Ang pasya ng inampalan ay pinal na at hindi na maipaghahabol.

PAMANTAYAN:

KAHUSAYAN SA PAGPAPAKILALA NG KLASTER 20%


*Kahusayan sa Pagtatanghal ng Talento
*Katumpakan ng mga Impormasyon
KARIKITAN NG DISENYO SA BOOTH 30%
*Karangyaan ng Pagpapakita ng Kultura at Wika
*Kaakmaan sa Tema
KAHUSAYAN SA PAGLULUTO AT TAMPOK NG PAGKAIN 35%
*Kasarapan ng mga handang Putahe
*Karangyaan ng Pagtatanyag ng mga Pagkain
*Kasapatan para sa isang Pista
ORGANISASYON, ORIHINALIDAD, AT PAGSUNOD SA TUNTUNIN 15%
*Pagiging masunurin at malinis sa pagdidisenyo
at pagliligpit ng booth

KABUOAN 100%

You might also like