Professional Documents
Culture Documents
Grade 8 Reviewers
Grade 8 Reviewers
Grade 8 Reviewers
PANULAANG PILIPINO
Ang Panulaang Pilipino -Ito ay isang bahagi ng panitikan na naglalahad ng mga
piling kaisipan na kadalasan ay inihahayag sa pamamagitan ng sukat at tugma at kung
minsan ay walang sukat at tugma.
1. Ang Panugmang Bayan -Ay mga daluturang tugmaan na binubuo ng dalawang taludtod
lamang o apaludturan o aapating taludtod sa saknong.
1.1 Tugmang Walang Diwa o Tungmang Pambata -Karaniwang walang diwa o walang tiyak
na kahulugan ang mga ito. Likha lamang ito ng pagkamalikhain ng mga sinaunang Pilipino sa
pagtutugma. Halimbawa: Leron leron sinta at Pen pen de sarapen
1.2 Tugmang Matalinghaga
1. Ang mga Bugtong -ito ay isang pahayag na may kinalaman sa paglalarawan ng isang
bagay.
2. Ang mga Salawikain -ito ay tinatawag ding kawikaan na madalas na binabanggit ng mga
nakatatanda bilang paalala o pangaral.
3. Ang mga Bulong -ito ay mga tugmang pang-orasyon na ginagamit ng mga ninuno sa
panggagamot at minsan ay sa pangkukulam pang-eengkanto.
4. Ang mga Palaisipan -kadalasang nasa anyong patuluyan at madalang lang ang nasa
anyong patula. Ginagamit ang mga ito upang pukawin ang isipan ng mga nakikinig at hamunin
ang kanilang pag-iisip upang maibigay ang hinihinging kasagutan.
5. Ang mga Kasabihan -Ang mga kasabihan ay hindi gumagamit ng talinghaga.
1.3 Tugmang Ganap na Tula
1. Tanaga -ay isang katutubong tula na naglalaman ng payak na pilosopiya na
nagsisilbing pagpapagunita ng mga matatanda sa mga kabataan.
2.)Ang mga Kantahing Bayan
A. Mga Kantahing Di-Ganap Na Nagsasalaysay -ito ang mga kantahing inaawit sa
mga partikular na gawain.
1. Oyayi -Ito ang awiting inaawit ng ina sa pagpapatulog ng kaniyang anak.
2. Dalit o Himno -Ito ang kantahing inaawit sa pagpuri o pagsamba. Salamin ng
Kahapon...
3. Dung-aw -Ito ang kantahing inaawit sa pagpapahayag ng kalungkutan,
pagdadalamhati, o pagdurusa. 4. Kumintang -Ito ang kantahing inaawit sa
pakikidigma.
5. Kundiman -Ito ang mga awit na maituturing na isang awiting may kasiningan
ang pagkakabuo.
6. Kutang-Kutang -kantahin para sa pag-iinuman/panlansangan
7. Ditso -kantahin para sa paglalaro ng bata
8. Diona -kantahin para sa kasalan
9. Umbay -kantahin para sa paglilibing
B. Kantahing Ganap Na Nasasalaysay -ito ay tumutukoy sa mga mahahabang tula
na tumatalakay sa isang mahabang pangyayari.
PAGHAHAMBING
Ang paghahambing ay isang gawain na ipinagkukumpara ang katangian ng isang
bagay sa ibang bagay. May dalawang uri ito.
1. Paghahambing na magkatulad Ginagamit ang paghahambing na ito kung
may magkatulad o patas na katangian ang dalawang pinaghahambing. Madalas
itong ginagamitan ng mga salitang sing, kasing, magsing, magkasing, gaya, tulad,
paris, at pareho.
Halimbawa Magkasing tulad ang tanaga at haiku ng mga Japanese.
2. Paghahambing na di-magkatulad Ginagamit ito sa paghahambing ng mga bagay
na may magkaibang katangian. Maaari itong pasahol, palamang at pasukdol.
2.1. Pasahol. Ito ay ginagamit kung ang hinahambing ay mas maliit sa
pinaghahambingan. Ginagamit ang mga salitang di-gaano, di-lubha, at di-
gasino sa paghahambing. Halimbawa Di-gaanong mahirap matandaan ang tugmang
pambata kaysa sa salawikain.
2.2. Palamang. Ito ay ginagamit kung ang hinahambing ay mas malaki o
nakahihigit sa pinaghahambingan. Ginagamit ang mga salitang labis, higit, at di-
hamak sa paghahambing. Halimbawa Higit na mahaba ang epiko kaysa kundiman. Di-
hamak na mahirap isipin ang palaisipan kaysa bugtong.
2.3. Pasukdol. Ito ay ginagamit kung tatlo o higit pang bagay ang
pinaghahambing na ang isa ay may katangiang hindi mahihigitan pa ng iba. Ito ay
naipakikita sa pamamagitan ng sumusunod na mga paraan:
2.3.1 pag-uulit ng salita
Halimbawa Mahabang-mahaba ang epiko dahil sa maraming pakikipag sapalaran ng
pangunahing tauhan.
2.3.2 paggamit ng mga panlaping pinaka-, napaka-, pagka-, nag-, -an, at
kay- at sa
Halimbawa Para sa akin, ang pinakamahirap na karunungang bayan ay ang
palaisipan.
2.3.3 paggamit ng mga salitang lubha, totoo, tunay, hari, ubod at iba pa
Halimbawa Totoong napakadaling maipaliwanag ang mga kasabihan.
ALAMAT
Ang alamat ay isang patuluyang anyo ng panitikan na nagsasalaysay sa pinagmulan
ng tao, hayop, bagay, lugar, at pangyayari sa pamamagitan ng paggamit ng pantasya o
mga pangyayaring mahirap paniwalaan at bunga lamang ng malikhaing pag-iisip.
ANG MGA ELEMENTO NG ALAMAT
1. Tauhan - Ang mga tauhan ang gumaganap sa mga alamat.
1.1. Ang mga Pangunahing Tauhan - Ang mga pangunahing tauhan ang kadalasang
pinag-ikutan ng mga pangyayari sa mga alamat.
1.2. Pantulong na Tauhan - Ang mga pantulong na tauhan ay karaniwang kaibigan,
kamag anak, o kaaway ng pangunahing tauhan.
1.3. Iba pang tauhan o background - Sila ang mga tauhang walang gaanong papel
na ginagampanan sa kuwento.
2. Tagpuan - Tumutukoy ang tagpuan sa lugar o pook at panahon na pinangyarihan
ng kuwento.
3. Banghay - Ang wastong pagkakabuo at pagkakaayos ng mga pangyayari upang
maging kapani-paniwala ang isang alamat ay tinatawag na banghay.
Matatalinghagang Pahayag
ay mga pahayag na gumagamit ng mga salita na hindi tuwirang inihahayag ang tunay na
kahulugan nito.
ay mga ekspresyong may malalim na salita o may hindi tiyak na kahulugan.Sinasalamin
nito ang ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino.
Eupemistikong Pagpapahayag
Eupemismo
Ang tawag sa mga mahihinay na salita o pahayag na ipinapalit upang maiwasan ang
makasakit ng damdamin.
1. Paksa ng pinag-uusapan
2. Taong sangkot sa usapan
3. Lugar
Pang Abay
Nagbibigay turing sa pandiwa, panguri o sa iba pang pang abay.
Hal. Mabuting Pamumuhay
Pamanahon - Kailan?
Panlunan - Saan?
Pamamaraan - Paano?
Pang-agam - Pag dadalawang isip hindi paninigurado
Panang Ayon - Oo, sigurado, talaga
Pananggi - Hindi, siguro, Ayaw
Pampanukatan - Sukat/Timbang
Filipino Quarter 1 Final
Epiko - Ito ay nagsimula sa salitang greek na Epos na nangangahulugang salawikain o awit.
Biag ni Lam ang - Epiko ng mga ilokano
- Pedro Bucaneg
Sinukwan - Epiko ng mga Pampanga
- Vedasto D. Ocampo
Bantugan - Epiko ng mga Maranao
Alim - Epiko ng mga Ifugao
Indapatra Sulayman - Epiko ng mga Maguindanao
Sanhi - ang pinagmulan ng pangyayari
- sapagkat, dahil, kası, dahilan sa
Hal. Si mark sa eksam dahil hindi nag ay mabuti, bumagsak aral ng
Ang aming skul ay nabaha sapagkat umulan ng malakas kagabi.
Bunga - kinalabasan ng pangyayari
- kung kaya, kaya, bunga nito
Panahon ng Kastila
Kasaysayan
Miguel Lopez de Legazpi 1565 - kauna-unahang Kastilang gobernador-heneral.
Ang diwa ng pasimulang ito ay nagpatuloy nang walang pagbabago hanggang sa pagkakaroon
ng digmaan sa Kabite noong 1872.
333 taon ang pananakop ng mga kastila sa pilipinas.
MGA PAGBABAGONG NAGANAP SA BUHAY NG MGA PILIPINO:
1. Tinangkilik ang relihiyong Katoliko.
2. Nagpalit sila ng pangalan at nagpabinyag.
3. Nagbago ang anyo ng kanilang pamamahay.
4. Nagkaroon ng mga bahay na tisa at bato.
5. Magagandang kasangkapan tulad ng piyano, muwebles at mga kagamitang pangkusina.
6. Nagkaroon ng mga sasakyang tulad ng karwahe, tren at bapor.
7. Natuto silang mag diwang ng mga kapistahan bilang parangal sa mga santo at Papa.
8. Bilang libangan, nagkaroon ng mga sabong, karera ng kabayo at teatro.
MGA IMPLUWENSYA NG KASTILA SA PANITIKANG FILIPINO.
1. Ang ALIBATA na ipinagmamalaki kauna-unahang abakadang Filipino nahalinhan ng
alpabetong Romano.
2. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga gawang makarelihiyon.
3. Ang wikang Kastila na naging wika ng Panitikan nang panahon yaon. Marami sa mga salitang
ito ang naging bahagi ng wikang Filipino.
4. Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at tradisyong Europeo rito na naging bahagi ng
Panitikang Filipino tulad ng awit, kurido, moro-moro at iba pa.
5. Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan sa Tagalog at sa ibang wikain.
6. Ang pagkakalathala ng iba't ibang aklat na pambalarila sa wikang Filipino tulad sa Tagalog,
Ilokano at Bisaya.
7. Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga lathalain ng mga panahong yaon.
MGA UNANG AKLAT SA PANAHON NG KASTILA
1. Doctrina Cristiana - kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noong 1593, sa
pamamagitan ng silograpiko. Aklat ito nina Padre Juan de Placencia at Padre Domingo
Nieva. Nasusulat ang aklat sa Tagalog at Kastila. Naglalaman ito ng mga dasal, sampung
sampung utos, pitong sakramento, pitong kasalanang mortal, pangungumpisal at katesismo.
May 87 pahina lamang.
2. Nuestra Senora del Rosario - ikawalang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito ni Padre
Blancas de San Jose noong 1602 at nalimbag sa Imprenta ng Pamantasan ng Sto. Tomas sa
tulong ni Juan de Vera, isang mestisong Intsik. Naglalaman ito ng mga talambuhay ng mga
santo, nobena at mga tanong at sagot sa relihiyon.
3. Barlaan at Josaphat - ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito sa Tagalog ni Padre
Antonio de Borja. Orihinal na nasa wikang Griyego. Ipinalalagay itong kauna-unahang
nobelang nalimbag sa Pilipinas.
4. Pasyon - aklat na nauukol sa buhay at pagpapakasakit ni kristo. Binab ito tuwing Mahal na
Araw. Nagkaroon ng apat na bersyon sa Tagalog ang akdang ito, at ang bawat bersyon ay ayon
na rin sa pangalan ng mga nagsisulat. Ang mga ito ay ang Version de Pilapil (Padre Mariano
Pilapil); Version de Belen (Gaspar Aquino de Belen); Version dela Merced (Aniceto dela
Merced); at Version de Guia (Luis de Guia). Isinaalang-alang na pinakapopular ang version de
Pilapil.
5. Urbana at Felisa - aklat na sinulat ni Modesto Castro, ang tinaguriang "Ama ng Klasikong
Tuluyan sa Tagalog". Naglalaman ito ng pagsusulatan ng magkapatid na sina Urbana at Felisa.
Pawang nauukol sa kabutihang-asal ang nilalaman ng aklat na ito, kaya't malaki ang nagawang
impluwensya nito sa kaugaliang panlipunan ng mga Pilipino.
Panahon ng Panitikang Pansimbahan
A. Dalit - Ang pag aalay ng bulaklak kasabay nang pag awit bilang handog sa Birheng Maria.
Dahil ang Birheng Maria ay simbolo ng kalinisan ng puri siya ay hinahandugan tuwing buwan
ng mayo.
B. Mga Nobena - Kung tutuusin, ang mga ritwal ng mga katubo'y isa ring uro ng pangnonobena
sapagkat may mga pagdiriwang na maykaugnayan halimbawa sa kanilang pagpapasalamat sa
magandang ani, o paghingi ng ulan, o pagpapaalis ng sakit na nananalasa sa kanilang tribu, o
pagpapa-alis ng sakit ng kabilang sa pamilya, o paglilibing sa mga yumao na. Ang nobena'y mga
katipunan ng mga panalangin na kailangang ganap loob ng 9 na araw. Maaaring sunod-sunod na
araw o tuwing Martes (halimbawa ng isang araw sa loob ng isang linggo). Batay na ito sa santo't
santa ng namiminitakasi.
C. Mga Buhay-buhay ng mga Santo't Santa - Sa layunin ng mga Kastilang mapalaganap ang
relihiyon, sumulat sila ng mga nauukol sa buhay-buhay ng mga santo't santa para garing
halimbawa ng mga tao. Mabibilang ito ang Pasyong Mahal na buhay at pagpapasakit ng
Panginoong Jesucristo upang matubos ang tao sa pagkakasala.
D. Akdang Pangmagandang-asal - Kaalinsabay ng pagtuturo ng relihiyon ang pagtuturo ng
kagandahang-asal, mabuting pakikipamuhay sa kapuwa, paggalang sa sarili, sa magulang at sa
nakatatanda at iba pa Kasama sa akdang nauukol sa kagandahang- asal ang akda ni Pagre
Modesto de Casto na Urbana at Feliza. Ito'y pagsusulatan ng magkapatid na Urbana at Feliza.
E. Senakulo - Isang dulang nag sasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong Hesuskristo.
F. Tibag - Isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo, ng paghahanap ni Santa Elena sa krus na
pinag pakuan kay Kristo. G. Parabula - Kwentong hango sa Banal na kasulatan na maaaring
umakay sa tao sa makatuwid na landas ng buhay
Mga Uri ng panitikan
A. Awit - Tulang pasalaysay na may sukat na labindalawang pantig at may mg pangyayaring
hango sa tunay na buhay. Ito ay mayroong 12 na pantig.
B. Kurido - Galing sa salitang Mehikanong "corrido" na ang ibig sabihin "kasalukuyang
pangyayari". Ito ay tulang pasalaysay na may sukay na walong pantig at pumapaksa sa
katapangan, kabayanihan at kababalaghan. Ito ay may 8 na pantig.
C. Komedya/Moro-Moro - isang matandang dulang Kastila na naglalarawan ng pakikipaglaban
ng Espanya sa mga Muslim noong unang panahon.
D. Dung-aw - Binibigkas nang paawit ng isang naulila sa piling ng bangkay ng yumaong asawa,
magulang at anak.
E. Karagatan - Isang larong may paligsahan sa tula ukol sa singsing ng isang dalagang nahulog
sa gitna ng dagat at kung sinong binat ang makakuha rito ay siyang pagkakalooban ng pagibig ng
dalaga.
F. Duplo - Larong paligsahan sa pagbigkas ng tula sa isinasagawa bilang paglalamay sa patay.
G. Karilyo - Pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong karting hugis tao sa likod ng
isang kumot na puti na may ilaw.
H. Sarsuwela - Isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog, may tatlong
yugto, at nauukol sa mga masisidhing damdamin tulad ng pag ibig, paghihiganti, panibugho,
pagkasuklam at iba pa.
Panitikan sa Panahon ng Pananakop ng Hapon (1942-1945)
KALIGIRANG KASAYSAYAN
-Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa Pearl
Harbor noong Disyembre 7, 1941.
-Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya't sinakop ng Hapon ang Pilipinas.
Ngunit para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa
ang pangyayaring ito.
-Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong
Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang
mga katutubong wika sa bansa.
-Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng
kanluraning ideya ang panitikang nililikha.
Gintong Gintong Panahon ng Panitikang Tagalog
Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ng
Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa
pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.
Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina Liwayway
A. Arceo at Genoveva Edroza Matute dahil sa mga makintal na maka feministang maikling
kwento.
Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang...
• Nakasulat sa wikang katutubo gaya ng Tagalog
• May "katutubong kulay"
• Tumatalakay sa buhay sa lalawigan/kanayunan (countryside), paghahangad ng kalayaan at
pagkamakabayan
• Natatanging Kontribusyon ng mga Hapon sa Panitikan ng Pilipinas
• Ipinagbawal and paggamit ng Ingles (taktika upang maakit ang mga Pilipino sa republikang
papet ng mga Hapon)
• Hinikayat ang mga manunulat na magsulat sa Tagalog at iba pang wikang katutubo
• Pinayagan ang pag-iral (existence/operation) ng mga magasin na gaya ng Liwayway na
nagpalaganap sa sariling panitikan ng
• Pilipinas (bagamat nakapailalim ito sa sensura o censorship)
HAIKU:
•Mas pinaikli na tanka
•17 bilang ang pantig na may tatlong taludtod.
•Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 5-7-5 o maaaring magkapalit- palit din na ang
kabuuan ng pantig ay 17 pa rin. •Paksa: kalikasan at pag-ibig
•Napagpapahayag ng masidhing damdamin
TANAGA:
• Uri ng sinaunang tulang Pilipino na may layong linangin ang lalim ng pagpapahayag ng
kaisipan at masining na paggamit ng antas ng wika.
• Binubuo ito ng tigpipitong pantig sa bawat taludtod ng bawat saknong.
Marso 28, 1924 -nabuo ang ang balagtasan sa pagpupulong ng ilang manunulat sa tanggapan ni
Rosa Sevilla sa
Instituto de Mujeres.
Abril 6, 1974 - ginanap kauna-unahang balagtasan na may Iskript
Oktubre 18, 1925 - labanan pagitan ng De Jesus of Collantes na walang iskript
Layunin ng Balagtasan
- Makapagbahagi ng kaisipan
- Makapagbigay ng aliw sa tagapakinig o manonood
- Manilang nila ang kahusayan nila sa pagbigkas
- Mapatalas ang kanilang diwa sa maagap na pagtugon sa patula
Elemento
1. Paksa Pagtatalunan- Maaaring magkaiba-iba ng paksa ngunit ito dapat ay naaayon sa tema
ng programa.
2.Mambabalagtas- Sila ang bumubuo ng dalawang panig: sang-ayon at hindi sang-ayon.
Mambibigkas na sumasang ayon sa paksang pinagtatalunan
siya ang maghaharap ng mga ebidensya na magpapatibay sa kaniyang pag-sang ayon sa paksang
pinagtatalunan.
Mambibigkas na hindi sumasang-ayon sa paksang pinagtatalunan
siya ang maghaharap ng mga ebidensiyang kokontra o hindi pagsang-ayon sa paksang pinagtatal
unan
3. Lakandiwa- nagsisilbing tagapamagitan sa dalawang nagatatal
siya ang unang bumabati at magpapakilala sa dalawang magbibigkas.
siya ring nagpapakilala sa paksang pagtatalunanang
nagpapasya kung sino sa dalawang magbibigkas ang magwawagi.
4.
Tagapakinig/Manonood- Ito ang malaking kaibahan ng balagtasan sapagkat aktibo silang kasa
ma sa mga pagtatalo.
Kadalasan ay sa kanila iniiwan ng lakandiwa ang responsibilidad na magdesisyon sa balagtasan.
5. Tanghalan- Pormal na lugar na pagdarausanng balagtasan.Mahalaga ito sapagkat
kinakailangan ng isang lugar na
pagtitipunan ng mga mambabalagtasan at manonood
Fliptop - mas makabagong paraan ng balagtasan.
SARSUWELA - isang anyo ng dulang musikal na unang umunlad sa Espanya noong ika-17
siglo. Binubuo ito ng mga pagsasalaysay na sinamahan ng mga sayaw at tugtugin, at may
paksang mitolohikal at kabayanihan.
Alejandro Cubero - Nagdala ng sarsuwela sa pilipinas.
1880 - Taong idinala ang Sarsuwela sa Pilipinas. Kasama ni Elisea Raguer, itinatag nila ang
Teatro Fernandez.
Teatro Fernandez - ang unang grupo ng mga Pilipinong sarsuwelista sa Pilipinas.
Severino Reyes - kilala bilang Lola Basyang, ay itinuturing na ama ng Sarsuwelang Tagalog.
1925 - Nagsimulang mabasa ang mga kwento ni Lola Basyang habang siya ay punong-patnugot
sa Liwayway at kinailangan niyang punan ng kwento ang isang maliit na espasyo sa isang pahina
ng magasin.
Aurelio Tolentino - siya ang katipunero, mandudula nobelista. Julian Cruz Balmaceda-isang
kilalang mandudula, kwenista, makata, mananaling wika at nobelista
Patricio Mariano - kilalang Makata, mabelista at mamamahayag.
Hermogenes Ilagan - itinuturing na "Ama ng Dulang tagalog". sa bansa."
Juan Abad - nagsimulang magsulat sa edad na labing anim
Obra Maestra ay ang Tanikalang Ginto
Juan Matapang Cruz - isa samga kilalang manunulat na Tahasang. Tumutuligsa sa kolonyal
pamahalang Americano.
Atang Dela Rama - itinaguriang "Reyna ng Sarsuwela" sa Pilipinas.
- National Artist for Theater
Panahon ng Amerikano - Panahon kung saan namulaklak ang sarsuwela.
Unti-unting nanghina ang Sarsuwela ng dumating ang 'bodabil' (vaudeville) o 'stage show'.
Lalong nawalan ng manonood ang teatrong musikal nang dumating ang mga pelikula.
Sarsuwela o Dula ay isang uri ng panitikan na ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan o
entablado. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Mandudula o Dramatista - mga tao na dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang
itinatanghal.
Mga Elemento ng sarsuwela
1. Pagtukoy sa Sanhi at Bunga - Tinatalakay rito ang naging resulta at pinagmulan ng mga bagay-
bagay. Lubos na mauunawaan ng mga mambabasa ng sanaysay ang kasagutan kaugnay ng mga
kadahilanan sa pagkakabuo ng isang bunga o resulta.
2. Paghahambing at Pagkokontrast - Ginagamit ito upang ipakita ang pagkakaiba at pagkakatulad
ng dalawa o higit pang bagay.
3. Paglalarawan - Ginagamit ito upang ilarawan ang katangian ng isang bagay, tao, lugar, o
pangyayari gamit ang senses. Makatutulong ito upang higit na makabuo ang mga mambabasa ng
sanaysay ng malinaw na imahe ng ideyang tinatalakay.
4. Pag-iisa-isa - Ginagamit ito upang ipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga detalye. Ginagamit
din ito upang isa-isahin ang mga konsepto at mailahad ang kaibahan ng mga ito.
5. Pagbibigay-Kahulugan - Ginagamit ito upang maipaliwanag nang mabuti ang etimolohiya ng
isang salita o ang kasaysayang nakaugnay tungkol sa pinagmulan ng isang salita o ideya.
6. Pangangatuwiran - Ginagamit ito upang magpahayag ng katotohanan o opinyon sa pamamagitan
ng mga katibayan. Ginagamit din ito upang makapagpanukala na kailangang kapani-paniwala batay
sa mga ilalahad na datos na gagamiting suporta o katibayan.
7. Pagbibigay-halimbawa - Ginagamit ito upang bigyan ng higit na linaw sa mga mambabasa ng
sanaysay ang ideyang tinatalakay sa pamamagitan ng mga magkakaugnay na halimbawa.
8. Pagtukoy sa Problema at Solusyon - Ginagamit ito upang ipakita ang suliranin bilang paksa at
ang posibleng solusyon na maaaring gamitin.
Bahagi ng isang kuwento ng pelikula
1.Simula
2.Problema
3.Pataas na Kilos
4.Resolusyon
Genre ng Pelikula
1. Romansa/Pag-ibig - umiikot ang kuwento sa pag-iibigan ng mga tauhan sa pelikula.
2. Komedya-pelikula kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o lihitimong
pagpapatawa sa bawat salitang mamumutawi sa kanyang bibig. Ang komedya ay maaari ding
walang salita na nauso noong panahon ng Silent Movies na makikita di sa pagsalita ng bibig
kundi sa pagkilos ng katawan.
3. Musikal - pelikula kung saan ang mga bidang lalaki at babae ay nagsisipag-awitan. Ang isang
musikal na pelikula ay matatawag din kung ang mga bida ay nagsisipagsayawan sa maka-
klasikong kaugalian man o makabagong panahon sa tunog at indak ng musika.
4. Pakikipagsapalaran - pelikula kung saan ang kwento ay nagaganap sa iba't ibang lugar at
tumatalakay sa mga tao o lunan ukol sa angkop na pagkakarehistro ng nangyari sa kwento ng
pelikula.
5. Aksyon - pelikula kung saan ang isa o mas marami pang bida ay inilagak sa sunud-sunod na
mga pagsubok o hamon na nangangailangan ng pisikal na pakikipatunggali at mga masasalimuot
na paglalabanan.
6. Pantalambuhay - pelikula kung saan komprehensibong tumatalakay sa tunay na buhay ng
isang tao na may diin sa pinakamakasaysayang kabanata ng kanilang buhay.
7. Krimen - pelikula kung saan nakapokus sa buhay ng mga kriminal na umiinog mula sa tunay
na buhay ng mga kriminal hanggang sa maga nilikhang karakter na may napakasamang
katauhan.
8. Drama - pelikula kung saan nakadepende sa mas malalim na pagbuo ng inga realistikong
karakter na tumatalakay sa mga temang emosyonal gaya ng pagkalango sa alak, pagtataksil,
diskriminasyon, sekswalidad, kahirapan, karahasan o korapsyon.
9. Epiko - pelikula na nagbibigay-diin sa dramang pantao sa mas malawak na anggulo na
karaniwang tumatalakay sa mga kaganapang maalamat, mahiwaga at makasaysayan.
10. Pantasya - pelikula na may temang pantastiko na kinapapalooban ng mahika, mga kakaibang
pangyayari o mga kakaibang nilalang.
11. Katatakutan - pelikula na humihikayat ng negatibong reaksyong emosyonal mula sa mga
manonood sa pamamagitan ng pag-antig sa takot nito. Karaniwang ginugulat at pinanginginig ng
pelikulang ito ang mga manonood.
12. Science Fiction - pelikula na base sa mga pangyayari na hindi tanggap ng agham gaya ng
daigdig ng mga aliens, mga kakaibang nagagawa ng tao at paglipad sa ibang panahon
MGA ELEMENTO NG MGA PAMPELIKULA
Sequence iskrip – Tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ng
kuwento sa pelikula. Dito makikita ang layunin ng kuwento.
Sinematograpiya - Paraan ng pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa mga
manonood ang pangyayari sa bisa ng ilaw at lente ng kamera. Matagumpay nitong
naisalarawan ang nilalaman sa pamamagitan ng ✓ Pag-iilaw ✓ Komposisyon ✓
Galaw at ibang kaugnay na teknik ng kamera
Tunog at musika - Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng
tunog at linya ng mga dayalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng mga
manonood. Inaayunan ang ritmo at daloy ng pelikula. Orihinal na musika
Pananaliksik o riserts – Mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng
dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at
makatotohanan ang mga detalye ng palabas.
Disenyong pamproduksyon - Nagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena,
pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng masining na biswal na
pagkukuwento. Naisakatuparan sa malikhaing paraan ang ✓ Pook ✓ Tagpuan ✓
Makeup ✓ Kasuotan ✓ Kagamitan na nagpapalitaw ng panahon, kapaligiran at
katauhang hinihingi ng realidad ng dulang pampelikula
Pagdidirehe/Direksyon – Mga pamamaraan at diskarte ng direktor sa pagpapatakbo
ng kuwento sa pelikula.
Matagumpay ang direktor sa pagbibigay-buhay sa dulang pampelikula
Nagawa niyang ipabatid ang kanyang pagkaunawa sa materyal sa pamamagitan ng malikhaing
pagsasanib ng iba't ibang elemento ng pelikula
Pag-eedit/Editing - Malikhain nitong pinakikitid o pinapalawak ang ✓ Oras ✓ Kalawakan ✓
Galaw. Ito ay pagpuputol, pagdurugtong-dugtong muli ng mga tagpo upang tayain
kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya
ng pelikula dahil may laang oras/panahon ang isang pelikula.
Vladimir Kosma Zworyki - isang Ruso Amerikanong imbentor, inhinyero at tagapanimula ng
teknolohiya ng telebisyon Carlo J. Caparas - gumawa ng komiks
1. Naghahatid ng balita
2. Naghahatid ng mga talakayan
3. Naghahatid ng musika
4. Nagbibigay ng opinyon
5. Nagpaparinig ng mga dula-dulaan nagpapalabas ng mga teleserye
6. Nagbibigay ng komentaryo
7. Nagpapabatid ng nilalaman ng isang sulat
8. Nagpapalabas ng mga pelikula nagpapakilala ng mga produktoz
NANG AT NG
Nang
Una, ang nang ay inilalagay sa gitna ng salitang-ugat, mga pawatas, o mga pandiwang inuulit ng
dalawahan.
Hal. dasal nang dasal (salitang-ugat)
matipid nang matipid (pawatas)
kumanta nang kumanta (pandiwa)
Pangawala, ginagamit ang nang kapag nagsasaad ng paraan, dahilan at oras ng kilos. Ito ay
sumusunod din sa mga pandiwa o mga pang-abay. Sumasagot rin ito sa mga tanong na paano, kailan
at bakit
Hal. Nagbabasa nang tahimik ang mga bata. (sumasagot sa tanong na paano)
Umuwi si Ronald nang biglang umulan. (sumasagot sa tanong na kailan)
Mag-aral ka na, nang makapasa ka sa pasulit bukas. (sumasagot sa tanong na bakit)
Pangatlo, ang nang ay ginagamit bilang kapalit ng pinagsamang "na at ang", "na at ng", o "na at na“
Hal. Sukdulan nang kahirapan ito. (Sukdulan na ang kahirapang ito.)
Isinarado nang may-ari ang kanyang tindahan. (Isinarado na ng may-ari ang kanyang
tindahan.)
Aralin mo nang hindi nagrereklamo. (Aralin mo na na hindi nagrereklamo.)
Pang-apat, ginagamit ang nang bilang kasingkahulugan ng mga salitang "noong" at "unang" o "para"
Hal. Nakatulog ako nang (noong) siya ay dumating.
Mag-aral ka mabuti nang (upang) makamit mo ang tagumpay.
NG
Una, ginanagamit ang ng kapag sinusundan ito ng isang pangngalan o panghalip
Hal. Nagsuot ng sapatos si Abby.
Sinunod niya ang utos ng Diyos.
Nahagip ng aking kamay ang bola
Pangalawa, ginagamit din ang ng kapag ang sumusunod na salita ay isang pang-uri.
Hal. Kumakain ng malaking bayabas si Max.
Nakakuha ng mahabang isda si Imee.
Pangatlo, ang ng ay ginagamit din kapag ang sumusunod na salita ay pang-uring pamilang.
Hal.
Iningatan ni Marj ang suot niyang sapatos dahil sapatos ito ng kanyang ina.
Panghuli, ginagamit ang ng bilang pananda sa tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak. Ang ibig
sabihin ng balintiyak ay kapag ang salitang tagaganap ng kilos o galaw ng pandiwa ay hindi
ginanagamit sa simuno at ang nasabing tagaganap ay nasa hulihan ng pandiwa.
Hal.
KUNG AT KONG
Kung - ay pangatnig na panubali at ito'y ginagamit sa hugnayang pangungusap
Hal.
Malulutas ang mga problema ng bayan natin kung Isasantabi ng mga pulitiko ang kanilang
pamumulitika.
Aatend ako ng parti kung papayagan ako ng aking mga magulang.
Kung hindi ka sana nagtaas ng boses ay hindi kayo nag-away ng iyong kaibigan.
DIN AT RIN DAW AT RAW
RIN RAW - ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at sa malapatinig na w at
y
Hal
DIN AT DAW - ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa w at y
Hal
Masakit daw ang ulo ni Malou kaya hindi siya nakapasok sa klase.
Magtatanghal din ng dula ang Kagawaran ng Filipino.
Nakapagsulat din ng aklat si Kim.
IWAN AT IWANAN
Iwan - to leave something
- nangangahulugang wag isama o dalhin
Hal
SUNDIN AT SUNDAN
Sundin - follow an advice
- nangangahulugang sumunod sa payo o pangaral
Hal.
Sundin mo ang mga payo ng Iyong mga magulang kung ayaw mong maligaw ng landas.
Sundan mo ang demonstrasyon sa telebisyon kung nais mong matuto ng pagluluto ng paella.
Sundan mo agad ang ang umalis mong kaibigan at baka tuluyan lyong magtampo.
TUNGTONG, TUNTONG AT TUNTON
Tungtong - panakip sa palayok o kawali
Hal.
DAHIL SA AT DAHILAN SA
Dahil sa - ang wasto at sinusundan ng pangngalang pinagsanhian ng isang pangyayari
Hal. Hindi siya nakapasa sa pagsusulit dahil sa hindi niya pagsunod sa panuto.
Dahil sa pag-iisip ng masama, nag-away-away tuloy ang dating magkakaibigan.
Dahilan sa - mali ang dahilan sa
- ang dahilan ay pangalan mismo
Hal: Paninira sa mga kasamahan sa trabaho ang naging dahilan ng pagkasira ng reputasyon ni
Romano.
KUNG 'DI KUNGDI AT KUNDI
Kung'di - if not
- ay pinaikling kung hindi
Hal.
MEASURING TOOLS
Tape measure - Used to take body measurements.
- Made of plastic or strong fabric that does not stretch
- The front has the measurement of 150 cm and 60 inches on the other side.
Yard stick - Wooden measuring stick.
- Usually a yard or a meter long
- Usually used for marking hemlines and checking grain lines when laying out the pattern.
Sewing Gauge - 6 inch ruler with a sliding marker, used to measure short distances
Ruler - A 12 inches ruler either clear or solid. It is used to measure and draw straight seam and
cutting lines. It also aids in connecting lines.
CUTTING TOOLS
Trimming Scissors - It is 3-4 inches long,used for trimming, clipping threads and snipping slashes.
Shear - Longer than scissors
- Bent handle allows fabric to lie flat as it is cut
- Used to cut fabric
Pinking Shear - Zig zag cutting edge
- Used to give seam edges a finished look
- Prevent traveling
- Give a decorative edge
Embroidery scissor - It has 4-5 inches finely tapered blades. Both points are sharp for use in
working with fine details in delicate fabrics and in embroidery work.
Buttonhole scissor - Special scissors that help you cut the slit for the button hole
Thread Clippers - Used to clip the threads as you sew
Seam ripper - Seam rippers are specifically designed for ripping out stitches from seams, either as a
result of an error or during alterations. They should be used carefully to prevent damage to the fabric.
MARKING TOOLS
Tracing Wheel - There are two types of tracing wheels, those with a serrated edge and those with a
smooth edge. The serrated edge wheel produces dots on the fabric and is suitable for most types of
fabrics. The smooth edge wheel is best for delicate fabrics and unlike the serrated edge will not
pierce more delicate fabrics. The smooth edge wheel creates a solid line.
Marking Pens and Pencils - Special pens or pencils that are used to mark fabric when sewing
Tailor's Chalk - Used to transfer markings onto fabric
- Remove them by brushing before pressing over them.
DRAFTING TOOLS
L- Square - The tailor square or "L" is used to transfer measurements to the draft pattern. It also
divides the garment into the desired measurement. It has perfect squares and is useful in making
straight lines and numbers. It can also function as a tape measure.
It has two arms connected perpendicularly.
a. The longer arm is twenty-four (24) inches long.
b. The shorter arm is fourteen (14) inches long.
Hip Curve - It is used in shaping hips skirt hemline and hip shape seam lines.
French Curve - This is used to shape the depth of the neckhole and armhole of the pattern.
FARM IMPLEMENTS
- THESE ARE ACCESSORIES WHICH ARE BEING PULLED BY WORKING ANIMALS
OR MOUNTED TO MACHINERIES.
IMPLEMENTS
1. PLOWS - These are farm implements either pulled by a working animal or a tractor for
cultivation.
2. HARROW - Made of wood with a metal teeth and pulled by a carabao. Used for
pulverizing the soil.
3. ROTAVATOR - Implement mounted to a tractor used for pulverizing soil.
4. HAND TRACTOR - Pull a plow and harrow in preparing a large area of land
5. FOUR-WHEEL TRACTOR - preparing much bigger area of land
6. WATER PUMPS - Draw irrigation water from a source
Animal Production
The Poultry Inventory in The Philippines is classified into “Commercial” and “Backyard”
Commercial - 100 and more animals
Backyard - less than 99 animals
Computer Reviewer
Microsoft Excel
Microsoft Excel / Workbook -It is a spreadsheet computer application program. Excel can
perform calculations, make graphic tables, and macro programming
The ff. are program common uses of Excel
1. Accounting- the powerful calculation features of excel can be used in many financial
accounting statements
Ex: as cash flow statement
income statement
profit statement
2. Budgeting- whether your needs are personal or business-related, you can create any type of
budget in Excel.
Ex: marketing budget plan
event budget
retirement budget
3. Billing and sales- it is useful for managing billing and sales data. You can easily create the
forms that you need.
Ex: Sales invoice
Packing slips
Purchase orders
4. Reporting- Various types of reports in Excel can be created that would reflect your data
analysis or summarize your data.
Ex: Reports that measure project performance
Reports that you can use to forecast data
5. Planning-it is a great tool for creating professional plans or useful plans.
Ex: Weekly class plan
Weekly meals
6. Tracking- it can keep track of data in a timesheet or list.
Ex: Timesheet for tracking work
7. Calendar- Because of its grid-like workspace, Excel lends itself well to creating any type of
calendar.
Ex: academical calendar and fiscal calendar
Excel Workplace
1. Program Icon- Click to display the command Restore, Move Size, Minimize, Maximize and
close.
2. Access Toolbar- Click to access to the commands you frequently use like save undo and redo.
Click the arrow key down to customize.
3. Title bar- It indicates the name of the program and the name of the workbook.
4. File tab- includes all the basic needs of your files like saving, opening, printing, creating new
and closing program.
5. Home tab- includes all the basic tools for entering, editing, and formatting data.
6. Insert tab- can add complex desktop publishing elements to your workbook.
7. Page Layout tab- provides command to format the overall look of workbook
8. Formulas Tab- lets you turn automatic calculation updating on and off and manually update
if necessary and quickly access the functions command.
9. Data tab- lets you analyze data.
10. Review tab- provides commands to review your workbook.
11. View tab- allows you to view your workbook in different ways.
12. Name box- it displays the cell reference or cell address.
13. Formula bar- it displays the contents of an active cells.
14. Column Header- it is the entire column of the excel worksheet.
15. Row Header- It is the entire row of the excel worksheets. it represents numbers up to
1,048,576 rows.
16. Active Cell- it displays what you are doing in your cell and it is surrounded by a dark border.
Key Meaning
F1 To display the excel help command
To edit the active cell and positions the insertion
F2
point at the end of the content of the cell
F12 To display the dialog box
To display the save as dialog box to cancel an entry
ESC
in the cell or formula bar
HOME To move the beginning of a row in a worksheet
In a dialog box, to perform the action for the selected
SPACEBAR
button, select or clear a check box.
TAB To move one cell to the right in a worksheet
CTRL+1 To display the formal cell dialog box
CTRL+UNDERLINE
To move to the command.
D LETTER
Former Alignment
Using the time tab
Select the cell that you would like to align text. On the Home tab Alignment.
1. Click the Top Align icon to align text to the top of the cell.
2. Click the Middle Align icon to align text so that it is centered between the top and bottom of the
cell.
3. Click the Bottom Align icon to align text to the bottom of the cell.
4. Click the Align Text Left icon to align text to the left.
5. Click the Center icon to align text to the center.
6. Click the Align Text Right icon to align text to the right.
7. Click the Merge and Center icon to you the selected cell into one longer cell and to the center the
contents in the new cell.
8. Click the Orientation icon to rotate a text diagonal angle o vertical orientation.
9. Click the Indent icon to decrease the margin between the border and the text in the cell.
10. Click the Wrap Text icon to make all content visible within a cell displaying it multiple lines.