Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Selebrasyon: BUWAN NG WIKANG PAMBANSA

Tema: “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at


Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan”

MGA IBA’T-IBANG KOMPETSIYON/PALIGSAHAN


1. Poster-Making Contest (1 Representative Per Section in All Levels)
 Isang kinatawan bawat seksyon ng ika-labing isa at ika-labing dalawang baitang.
 Ang konsepto ng kanilang gawain ay hango sa tema ng selebrasyon.
 Ito ay gaganapin sa Agosto 16, 2023, alas-2 ng hapon.
 Ang mga kalahok ay inaatasang magdala ng mga materyales na gagamitin sa
kompetisyon gaya ng lapis at pangkulay. Ang papel na gagamitin ay naihanda na
at ibibigay na lamang sa bawat kalahok sa oras ng kompetisyon.
 May isang oras na ibibigay para makabuo ng output.
 Pipili ang mga hurado ng mga mananalo gamit ang sumusunod na pamantayan:

Panukatan sa paghuhusga:
Kaangkupan sa tema 25%
Mensahe 25%
Pagkamalikhain 25%
Organisado at orihinalidad 25%
Kabuuan 100%

2. Tagisan ng Talino (3 Representative Per Strand in All Levels)


 Tatlong kinatawan sa bawat strand ng ika-labing isa at ika-labing dalawang
baiting.
 Ang bawat kalahok ay bibigyan nga 50 aytem na pagsusulit upang kanyang
sagutan sa loob ng isang oras.
 Ang may pinakamataas na kabuuang iskor ang siyang tatanghaling panalo.
 Ang mga tanong ay maaring tungkol sa wika, at iba pang aralin sa asignaturang
Filipino.

 Ito ay gaganapin sa Agosto 23, 2023, alas-2 ng hapon.

3. Pasalitang Tula (Open to All Levels)


 Ang lahat ng mga mag-aaral sa ika-labing isa at ika-labing dalawang baitang ay
inaanyayahan na sumali.
 Ang piyesa ay kailangang angkop sa tema at dapat memoryado.
 Angkop na kasuotan ang nararapat suotin ng mga kalahok.
 Ang pagtatanghal ay hindi hihigit sa 5 na minuto.
 Ipapasa ang nabuong bidyo online gamit ang google drive folder.
 Ito ay gaganapin sa Agosto 18, 2023, alas-2 ng hapon.

Kabuoang paglalahad 40%


Pagkamalikhain 20%
Mensahe 25%
Organisasyon 15%
Kabuuan 100%

4. Pagsasaling-awit (Open to All Levels)


 Ang lahat ng mga mag-aaral sa ika-labing isa at ika-labing dalawang
baitang ay inaanyayahan na sumali.
 Ang bawat kalahok ay may kalayaang pumili ng piyesa ng kanta.
 Mas mainam na iangkop ng bawat kalahok ang kasuotan sa
pagtatanghal.
 Ang pagtanghal ay kailangang hindi hihigit sa 6 na minuto.
 Ipapasa ang nabuong bidyo online gamit ang google drive folder.
 Kasabay ng pagpapasa ng nabuong bidyo, ipapasa rin ang orihinal na
liriko at salin ng kanta.
 Ito ay gaganapin sa Agosto 23, 2023, alas-2 ng hapon.

Kaangkupan sa pagsasalin 40%


Pagkamalikhain 25%
Linaw ng boses 20%
Organisasyon 15%
Kabuuan 100%

5. Talumpati (Open to All Levels)

 Ang lahat ng mga mag-aaral sa ika-labing isa at ika-labing dalawang baitang ay


inaanyayahan na sumali.
 Ang paksa ay ibinibigay ng mga tagapag-organisa bago ang oras na siya ay
maghahatid ng kanyang talumpati.
 Ang mga kalahok ay bibigyan ng apat na minute upang maghanda at tatlong
minute upang maghatid ng kanilang talumpati.
 Mas mainam na iangkop ng bawat kalahok ang kasuotan sa pagtatanghal.
 Ang talumpati ay dapat na ipahayag nang tanging sa wikang Filipino.
 Ito ay gaganapin sa Agosto 23, 2023, 2:00 ng hapon.

Kaugnayan 35%
Diksyon( Pagbigkas, Enunsasyon, Bigat, Diin) 30%
Argumento 35%
Kabuuan 100%

6. Sabayang Pagbigkas (10-30 Representatives from Grade 12 Only)


 Binubuo ng sampo hanggang tatlongpo mag-aaral sa ikalabing dalawang
baitang.
 Ang bawat grupo ay maaring pumili/gumawa ng piyesa na ayon sa tema.
 Ang piyesa ay dapat memoryado.
 Ang pagbigkas/kabuoang haba ng presentasyon ay kailangang hindi hihigit sa 6
na minuto.
 Mas mainam ang pagsuot ng angkop at iisa’t magkaparehong kasuotan ang mga
kalahok.
 Ito ay gaganapin sa September 7, 2023, alas-8 ng umaga.

Kabuoang paglalahad 40%


Pagkamalikhain 20%
Mensahe 25%
Organisasyon 15%
Kabuuan 100%

Prepared by:

Zendelie E. Ganohay
HISFAGRAM Club Moderator

Noted by:

Angelica Ruth T. Turno, LPT


Prefect of Student Affairs & Discipline

Approved by:

Doc. Alexander F. Suan


Senior High School Principal

You might also like