Modyul 1 El Fili

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

10

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng El
Filibusterismo
(Ang El Filibusterismo sa Nagbabagong Panahon)

Inihanda ni:

RUBELINE JOY C. MARARAC


Dalubguro I, Pangasinan National High School

Sinuri nina:

VIRGINIA O. ESTRADA
Ulongguro VI, Kagawarang Filipino

CATHERINE B. OPERANA, EdD


Tagamasid Pampurok

MELCHORA N. VIDUYA
Edukasyong Tagamasid I, Filipino

Pinagtibay ni :

CARMINA C. GUTIERREZ, EdD


Hepe Edukasyong Tagamasid, CID

ii
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling El Filibusterismo.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, gurong tagapagdaloy at
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum
ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay inaasahang maiuugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang hinihingi ng ika-21
siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mga mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-
aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa


nobelang El Filibusterismo.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksiyon at layunin. Sa pamamagitan


ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha at magsakatuparan ng gawain.
Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may
angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong
pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid- aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang
sagot (100%) maaari mo nang
laktawan ang modyul na ito.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

3
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Narito ang mga mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang marka o sulat
ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa
iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sinoman sa iyong mga kasama sa
bahay na maaaring makatulong sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na
mga kompetensi. Kaya mo ito!

4
Alamin

Ang El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal ay isang akdang pampanitikan na bunga ng


kanyang pagpupunyagi na gisingin ang damdaming Makabayan ng mga Pilipino sa pamamagitan
ng panulat. Nauukol ang mga kabanata sa kalagayang political at panlipunang panyayari na
maiuugnay sa kasalukuyang kalagayan ng ating bayan. Nakatutulong ang nobelang ito upang
malinaw na maunawaan ang ating kasaysayan maging kung paano harapin ang mga suliraning
panlipunan at bigyang solusyon.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga


sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)

1. Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa kaligirang


pangkasaysayan ng El Filibusterismo. (F10PN-IVa-b-83)
2. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
- Pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda.
- Pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi ng akda
pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda. (F10PB-IVa-b-86)
3. Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang pangkasaysayan nito. (F10PT-
IVa-b-82)
4. Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El
Filibusterismo. (F10PS-IVa-b-85)
5. Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo batay sa
ginawang timeline. (F10PU- IVa-b-85)

5
Subukin

PAUNANG PAGTATAYA:
A. Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. Ang tumulong kay Rizal upang matustusan ang pagpapalimbag ng nobela.


a. Ferdinand Blumentritt b. Graciano Lopez Jaena c. Valentin Ventura d. Juan Luna
2. Ang kahulugan ng El Filibusterismo ay
a. Huwag mo akong salingin c. Ang katapusan ng pananakop
b. Ang paghahari ng Kasamaan d. Ang mga Bayani ng Bayan
3. Ang kahulugan ng Filibustero ay
a. Ang taong kalaban ng mga prayle at simbahan c. Ang Ang bayani ng bayan
b. Ang traydor sa pamahalaan d. Ang taong walang Diyos
4. Sinimulan ang nobela noong Oktobre, taong
a. 1891 b. 1888 c. 1887 d. 1892
5. Sa papaanong paraan pinarusahan ang tatlong paring martir?
a. paggarote b. pamamaril c. paglatigo d. pagkuryente
6. Kanino inihandog ni Dr. Jose Rizal ang orihinal na manuskrito ng nobela?
a. GomBurZa b. Valentin Ventura c. Graciano Lopez Jaena d.Ferdinand Blumintritt
7. Ang El Filibusterismo ay natapos isulat ni Rizal sa
a. Belgium b. Madrid c. London d. Paris
8. Alin ang totoo sa ugnayan ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo?
a. Nagtapos ang Noli Me Tangere sa buwan ng Disyembre nang mamatay si Basilio at
nagsimula naman dito ang El Filibusterismo.
b. May 13 taong nakapagitan sa Noli Me Tangere at sa El Filibusterismo mula sa pagtakas
ni Crisostomo hanggang sa kanyang pagbabalik bilang si Simoun.
c. Naging makapangyarihan si Simoun dahil sa kayamanang namana pa niya sa kanyang
angkan ng mga Ibarramendia na ginamit niya sa pangingibambansa.
d. Naghiwalay sina Basilio at Crisostomo sa gubat matapos magpaalam sa isa’t isa at
muling nagtagpo sa Bapor Tabo matapos ang 13 taon.
9. Tinalakay sa nobelang El Filibusterismo ang mga sumusunod maliban sa isa:
a. Ang iba’t ibang uri ng mga pinuno noong panahon ng pananakop ng mga kastila sa
Pilipinas.
b. Ang impluwensiya ng simbahan sa mga tungkuling pampamahalaan.
c. Ang pagiging mabuti at pagtulong ng mga prayle sa mga Pilipino.
d. Ang mga problema sa lupa, edukasyon, at katiwalian.
10. Ang El Filibusterismo ay isinulat ng may akda dahil sa:
a. Iniaalay ni Dr. Jose Rizal ang nobelang El Filibusterismo sa GomBurZa na nag-alay ng
buhay dahil sa nobela.
b. Nakulong at namatay siya dahil sa pagbubuwis ng buhay sa pag-aalsa at pamumuno sa
himagsikan laban sa mga kastila.
c. Nakatulong ng malaki kay Andres Bonifacio at sa Katipunan sa pagkamit ng Kalayaan.
d. Lubos siyang nagtipid at isinakripisyo ang ilan sa mga mahal sa buhay para lamang sa
kanyang nobela.

6
Aralin 1.1 Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng
El Filibusterismo

Balikan
Ang ningas ng apoy ng paghihimagsik ay nagmula sa Noli Me Tangere na unti-unting
nagliyab at naglagablab sa El Filibustersimo upang ang pagkamamamayan ng isang Pilipino ay
magising mula sa mahimbing na pagtulog sa duyan ng panlilinlang, paggapos, at pang-aalipin ng
liping umaglahi sa bayan ni Juan dela Cruz.
Iyan ang dakilang pamana ni Dr. Jose Rizal. Natatangi at higit na mapangahas ang El
Felibusterismo. Isang natatanging aklat na maituturing na Ebanghelyo ng lahing kayumanggi.

Gawain I: Kilalanin natin!


Panuto: Magsaliksik hingil sa alinmang paksa sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Bilang Anak at Kapatid

Bilang Manunulat/ Bilang Manlalakbay


Alagad ng Sining

Bilang anak ng Inang Bayan

Tuklasin

Narito ang pagkakaiba ng nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Joses


Rizal. Basahin mo upang lubos mong maunawaan ang Kaligirang Kasaysayan ng El
Filibusterismo.

Ang Pagkakaiba ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo

7
Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay mga nobelang isinulat ng ating Pambansang
Bayani na si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda. Ano nga ba ang pagkakaiba ng
dalawa sa iba't ibang kaligiran?

Simulan natin sa pamagat at kung sino/ano ang nakapag-impluwensya sa pagsulat ng


dalawang nobela.
Noli Me Tangere- "Huwag Mo Akong Salingin" na galing sa ebanghelyo ni San Juan
Bautista.
Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's
Cabin" ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay
ng mga panginoong puting Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at
pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa
kamay ng mga Kastila.
Ang "El Filibusterismo" naman ay buong puso niyang inalay sa tatlong pareng martir na
lalong kilala sa bansag na GomBurZa.

Pangalawa: Saan naisulat ang mga nobela?


Noli Me Tangere - Sinimulan ito sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang
makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa
Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela.
El FIlibusterismo- Sinimulan niya ito sa Calamba, Laguna habang nagpapraktis ng
medisina. Itinuloy niya ito sa London at gumawa ng napakaraming pagbabago sa plot at
ipinagbuti pa ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy niya ito sa Paris, Madrid, Brussel at natapos
sa Biarritz.

Pangatlo: Saan Nailimbag ang mga nobela


Noli Me Tangere - Sa Impentra Letre nailimbag ang Noli na ipinautang ni Dr. Maximo
Viola.
El FIlibusterismo - Isang Nagngangalang Valentin Viola na isa niyang kaibigan ang
nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong Setyembre 22, 1891.
Pang-apat: Iba't ibang pagkakaiba ayon sa aking pagsasaliksik.
Gaya ng sinasabi ng marami, para sa akin ay talagang mas angat sa mga katangiang
pampanitikan at panlipunan ang Noli Me Tangere kaysa sa El Filibusterismo. Tulad ng Noli Me
Tangere, ang El Filibusterismo ay may layuning panlipunan. Ang dalawang nobelang ito ay
kapwa bunga ng isang uri ng pagbabangon sa katauhan ng bayani, na noong panahong iyon ay
maituturing na isang matapang na hakbang sapagkat alipin ang mga Pilipino.
Ngunit kakaiba sa Noli Me Tangere, ang paghahain ng katotohanan sa El Filibusterismo
ay naglalayong ang bayan ay magising at maghimagsik, at hindi upang mangarap lamang ng
pagbabago. Sa Noli ay may pangarap, may ganda, may damdamin ng pag-ibig, may awa. Sa Fili
ay walang madarama kundi ibayong poot, kapaitan na tumitigid sa bawa't munting bahagi ng
aklat, na bahagi ng bawat karanasan ng mga mahahalagang tauhan ng nobela.
Sa unang bahagi pa lamang ng nobela ay madarama na ang bumabasa ang tumutupok na
damdamin ng pagbabangon. Ito ay kinakatawan ng mayamang mag-aalahas na si Simoun na
nilalason ang puso ng layuning gisingin ang bayan upang makapagbangon laban sa pamahalaan.
Muling nabuhay si Crisostomo Ibarra ng Noli sa katauhan ni Simoun sa Fili hindi upang
mabuhay na muli ang kanyang sinasagisag na ideyalismo, ang kanyang magagandang pangarap
sa buhay at pag-ibig. Sa kanyang pagkabuhay, namatay ang katauhan ng isang baguntaong
matapos mag-aral nang mahabang panahon sa Europa ay nagnasang magpunla ng pagbabago sa
bayan, hindi dahil sa pag-ibig sa bayang inaalipin kundi udyok ng mga dahilang pansarili. Ayon
nga sa mananalaysay na si Rafael Palma, "Si Crisostomo Ibarra ng Noli ay hindi katulad ni
Simoun ng Fili. Si Ibarra ay nagtitiwala, naghihintay at umiibig. Si Simoun ay hindi na
napapadaya, hindi nagtitiwala at napopoot. Si Crisostomo Ibarra ay humihiling na pagbabago,

8
lumalapit sa katarungan at sa kabutihan ng pamahalaan. Si Simoun ay hindi humihiling bagkus
nagmamalupit, bumubulok, nagpapabangon sa karahasan, sumisira at nagpapakamatay."
Madaling maunawaan kung bakit may malaking agwat ng pagbabago sa pagitan nina
Crisostomo Ibarra ng Noli at Simoun ng Fili. Ang kondisyon ng isip ni Dr. Jose P. Rizal ang
magpapaliwanag nito. Maraming malulungkot na karanasan at mapapait na kabiguan ang
dinadanas ng ating bayani samantalang sinusulat niya ang El Filibusterismo, at ang mga iyon ay
ang mga sumusunod: 1) ang pagmamalupit ng mga paring Dominiko sa mga magsasaka ng
Calamba at sa kanyang pamilya; 2) ang pagkamatay ng dalawang Pilipino sa Madrid na sina
Felicisimo Gonzales at ang kaibigan niyang si Jose Maria Panganiban; 3) ang away nina Dr. Jose
Rizal at Antonio Luna dahil sa isang babae, si Nelly Bousted; 4) ang tunggalian sa pagitan nina
Dr. Jose Rizal at Marcelo H. del Pilar sa pamumuno ng Samahan ng mga Kastila at Pilipino; 5) at
ang pinakamatindi, ang pagpapakasal ng kanyang kasintahang si Leonor Rivera sa isang
inhinyerong Ingles na si Henry C. Kipping. Sa gitna ng mga ganitong kabiguan, kanino kayang
puso ang hindi magkakawindang-windang? Gayunman, natapos pa ring isulat ni Dr. Jose P. Rizal
ang El Filibusterismo at maluwalhating naipalimbag.
Ngayon, bakit dapat basahin ng mga Pilipino sa kasalukuyang panahon ang Noli Me
Tangere at El Filibusterismo?
Una, mataas na uri ng panitikan ang dalawang aklat na ito, partikular na ang Noli.
Pangalawa, wala nang iba pang nobelang sinulat tungkol sa lipunan at lahing Pilipino na may
sinlawak at singlalim na pagtalakay na tulad ng sa Noli at Fili. Pangatlo, magsisilbi itong salamin
upang makita natin ang tunay nating mukha bilang mga Pilipino dahil ang kanser noon ng ating
lipunan ay kanser pa rin nating mga Pilipino sa kasalukuyang panahon. Napapanahon pa rin ang
mga paksa dito, akma sa ating kalagayan at angkop sa ating sitwasyon. Pang-apat, tigib ito ng
mga sindi ng pag-ibig sa bayan na magpapalagablab ng ating nahihimbing na damdaming
makabayan.

-mula sa http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/07/pagkakaiba-ng-noli-me-tangere-
at-el.html

Gawain II: Alam-Nais-Natutuhan

Marahil kailangan mo pang matutuhan ang marami pang detalye kung bakit isinulat ni Rizal ang
nobelang El Filibusterismo. Bago ka magpatuloy sa Kaligirang Pangkasaysayan ng nobela
mahalagang masagot mo muna ang talahanayan sa ibaba.

Alam: Ano ang iyong nalalaman tungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo?

Nais malaman: Ano ang gusto mong malaman tungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El
Filibusterismo?

Natutuhan: Ano ang gusto mong malaman tungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El


Filibusterismo? (Sasagutin ito pagkatapos talakayin ang tungkol sa Kaligirang Kasaysayan ng El
Filibusterismo)

Alam ko na Nais ko pang malaman Natutuhan ko

9
Suriin

Ngayon ay basahin at unawain ang Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo upang


matuklasan mo ano bakit isinulat ni Dr. Jose Rizal ang nobela at Kung paano nakatulong ang
kaligirang pangkasaysayan sa lubos na pagkaunawa ng nobela.

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Ang nobelang El Filibusterismo ay sinimulang isulat ni Rizal noong 1887 sa Calamba


nang magbalik siya sa Pilipinas. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat nito sa Madrid, Paris at
Brussels. Noong Marso 29, 1891, pagkatapos ng tatlong taon, natapos ni Rizal ang manuskrito
nito sa Biarritz, isang lungsod sa Pransiya.
Noong Hulyo 5, 1981, si Rizal ay nagtungo sa Ghent, isang kilalang unibersidad sa
Belgium, sa dalawang dahilan: una upang doon ipalimbag ang nobela sa kadahilanang higit na
mababa ang halaga ng pagpapalimbag sa Ghent at ikalawa, upang maiwasan si Suzanne Jacoby.
Sa tahanan nina Suzanne tumira si Rizal nang siya ay nasa Brussels Belgium dahil sa mataas na
uri ng pamumuhay sa Paris. Dito niya nakilala si Jose Alejandro at Edilberto Evangelista, mga
mag-aaral ng pagkainhenyero sa Unibersidad ng Ghent. Si Alejandro ang nakasama ni Rizal sa
isang maliit na silid na kanilang inupahan dahil sa mababang halaga ng upa nito upang
makapagtipid.
Noong Setyembre 18, 1891, ipinalimbag ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo sa F.
Meyer Van, Loo Press dahil sa ito ang nag-alok sa kanya ng pinakamababang halaga sa
pagpapalimbag ng kanyang nobela bukod pa sa maari niya itong bayaran nang hulugan. Ang
kinita niya sa pagsanla ng kanyang mga alahas, ang dalawang daang pisong pinagbilhan niya ng
mga kopya ng Sucesos de las islas Filipinas ni Morga bukod pa sa ipinadadalang pera ni Basa sa
kanya ay hindi nakasapat sa pagpapalimbag.
Ang naging kalagayan ni Rizal sa pagpapalimbag ng El Filibusterismo ay nakarating kay
Valentin Ventura, natapos ang pagpapalimbag ng nobela.
Si Rizal ay kaagad na nagpadala ng dalawang kopya kina Basa at Sixto Lopez sa Hong
Kong pagkatapos mailimbag ang nobela. Ang orihinal na manuskrito na may dedikasyon at sarili
nitong lagda ay ipinadala niya kay Valentin Ventura sa Paris bilang tanda ng kaniyang pagtanaw
ng utang na loob at pasasalamat.
Bukod kina Basa, Lopez, at Ventura, si Rizal ay nagpadala rin ng kopya sa kaniyang mga
kaibigan sina Ferdinand Blumentritt, Mariano Ponce, Graciano Lopez Jaena, T. H. Pardo de
Tavera, Antonio at Juan Luna at marami pang iba na nagbigay ng kanilang puri sa kagandahan
ng nobela.
Dahil sa kagandahan gn nobela, ito ay hinangaan sa loob at labas ng Pilipinas. Ang
pahayagang Las Publicidad ng mga Pilipino sa Barcelona ay naglathala ng papuri ukol sa nobela.
Bukod pa rito, ito ay inilathala nag kaba-kabanata sa El Nuevo Regimen, pahayagan ng Madrid,
noong Oktobre 1891.
Ang nobelang El Filibusterismo ay inihandog ni Rizal sa tatlong paring martir na sina
Padre Gomez, Padre Buros, at Padre Zamora. Sa kanila inihandog ni Rizal ang nobela sa

1
0
kadahilanang hindi maalis sa kanyang isipan ang kawalan ng katarungan ng kanilang
kamatayan.

Para sa iba pang karagdagang impormasyon maaari mong buksan ang sumusunod na
websites tungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo.
http://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/kasaysayan-ng-el-filibusterismo/
http://filipinotek1387.blogspot.com/2013/03/kaligirang-pangkasaysayan-ng-el.html

Pagyamanin

Gawain III. GUSTO KO ITO!


Tignan ang pagkakaugnay ng mga sumusunod na larawan patungkol sa nobelang El
Filibusterismo. Itsek mo ang kahon sa tapat ng gusto at ipaliwanag kung bakit. at kung ito ba ay
iyong ibabahagi sa iba o hindi.

LARAWAN GUSTO IBAHAGI

1
1
Pamprosesong Tanong:

1. Ano-anong ideya ang mahalagang maiuugnay mo sa mga larawan sa layunin ni Rizal sa


pagsulat ng kanyang nobela?
2. Alin sa mga larawan ang nagustuhan mo o kung ibabahagi mo ay maaaring magustuhan
din ng nakararami? Bakit?
3. Paano mo masasabing lubos na dakila ang nobelang El Filibusterismo?
4. Kung bubuo ka ng pangungusap sa bawat kahon, ano ang mahihinuha mong layunin ni
Rizal sa kanyang nobela batay sa larawan?

Larawan Hinuha
1
2
3
4
5
Ibuod ang mga pangungusap para madugtungan ito:

Ang nobelang El Filibusterismo ay_______________________________________________


______________________________________________________________________________________

Gawain IV: Itala mo!


Itala ang mahahalagang konsepto ukol sa pagkakasulat ng nobelang “El Filibusterismo”
batay sa sumusunod na padron.

El Filibusterismo
Sariling Pananaw

Kahulugan Pinaghandugan

1
2
Paghahambing

Sino ang tumulong Saan Nalimbag Kailan isinulat

Isaisip

Gawain V: Alam-Nais-Natutuhan
Napunan mo na ang hanay ng Alam at Nais Malaman, ngayon naman ay punan mo ang hanay ng
Natutuhan. Sagutin ang gabay na tanong.

Batay sa talakayan, ano ang natutuhan mo tungkol sa Kaligirang Kasaysayan ng El


Filibusterismo?

Alam ko na Nais ko pang malaman Natutuhan ko

Isagawa

Gawain VI: Timeline


Panuto: Punan ang kahon ng angkop na impormasyon mula sa binasa.

Paksa: _________________________________________________________________________________________

Petsa Tiyak na Pangyayari/Ilahad

1
3
Masasabi ko kung gayon na ang El Filibusterismo ay

Gawain VII: Pagnilayan


Panuto: Bumuo ng mahalagang konseptong natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga sumusunod na tanong.

1. Bakit isinulat ni Rizal ang nobela?


_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
2. Alin sa mga pangyayaring pinagdaanan ni Rizal sa pagbuo ng kanyang nobela ang
kahanga-hanga?__________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
3. Ano-ano at paano nakatulong ang mga karanasan ni Rizal upang makamtan ang
tinatamasa natin sa kasalukuyan? _____________________________________________________________

1
4
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
4. Paano nakatulong ang kaligirang pangkasaysayan sa lubos na pag-unawa ng nobela?
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
5. Paano binago ang kadakilaan ni Rizal ang pamumuhay ng mga Pilipino sa pagbuo ng
nobelang El Filibusterimo?
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________

Tayahin

Tiyak marami kang natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon,
ating tatayahin ang iyong kaalaman sa nakalipas na aralin.

Pangwakas na Pagtataya:
Panuto: Basahin at unawain mo ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa iyong sagutang papel
ang letra ng tamang sagot.
1. Alin ang totoo sa ugnayan ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo?
a. Nagtapos ang Noli Me Tangere sa buwan ng Disyembre nang mamatay si Basilio at
nagsimula naman dito ang El Filibusterismo.
b. May 13 taong nakapagitan sa Noli Me Tangere at sa El Filibusterismo mula sa
pagtakas ni Crisostomo hanggang sa kanyang pagbabalik bilang si Simoun.
c. Naging makapangyarihan si Simoun dahil sa kayamanang namana pa niya sa
kanyang angkan ng mga Ibarramendia na ginamit niya sa pangingibambansa.
d. Naghiwalay sina Basilio at Crisostomo sa gubat matapos magpaalam sa isa’t isa at
muling nagtagpo sa Bapor Tabo matapos ang 13 taon.
2. Tinalakay sa nobelang el Filibusterismo ang mga sumusunod maliban sa isa:
a. Ang iba’t ibang uri ng mga pinuno noong panahon ng pananakop ng mga kastila sa
Pilipinas.
b. Ang impluwensiya ng simbahan sa mga tungkuling pampamahalaan.
c. Ang pagiging mabuti at pagtulong ng mga prayle sa mga Pilipino.
d. Ang mga problema sa lupa, edukasyon, at katiwalian.
3. Ang El Filibusterismo ay isinulat ng may akda dahil sa mga sumusunod maliban sa isa:
a. Iniaalay ni Dr. Jose Rizal ang nobelang El Filibusterismo sa GomBurZa .
b. Nakulong at namatay siya dahil sa pagbubuwis ng buhay sa pag-aalsa at pamumuno
sa himagsikan laban sa mga kastila.
c. Nakatulong ng malaki kay Andres Bonifacio at sa Katipunan sa pagkamit ng
Kalayaan.
d. Lubos siyang nagtipid at isinakripisyo ang ilan sa mga mahal sa buhay para lamang
sa kanyang nobela.
4. Ang tumulong kay Rizal upang matustusana ng pagpapalimbag ng nobela.
a. Ferdinand Blumentritt b. Graciano Lopez Gaena c. Valentin Ventura d. Juan Luna
5. Ang kahulugan ng El Filibusterismo ay
a. Huwag mo akong salingin c. Ang katapusan ng pananakop
b. Ang paghahari ng Kasamaan d. Ang mga Bayani ng Bayan
6. Ang kahulugan ng Filibustero ay
a. Ang taong kalaban ng mga prayle at simbahan c. Ang Bayani ng Bayan

1
5
b. Ang traydor sa pamahalaan d. Ang taong walang Diyos
7. Sinimulan ang nobela noong Oktobre , taong
a. 1891 b. 1888 c. 1887 d. 1892
8. Sa papaanong paraan pinarusahan ang tatlong paring martir?
a. paggarote b. pamamaril c. paglatigo d. pagkuryente
9. Kanino inihandog ni Dr. Jose Rizal ang orihinal na manuskrito ng nobela?
a. GomBurZa b. Valentin Ventura c. Graciano Lpoez Jaena d.Ferdinand Blumintritt
10. Ang El Filibusterismo ay natapos isulat ni Rizal sa
a. Belgium b. Madrid c. London d. Paris

Karagdagang-gawain
Gawain VIII: Isulat mo! Panuto: Sumulat ng iyong saloobin hingil sa panimulang nabasa
tungkol El Filibusterismo -ang iyong tanong, saloobin, at mga dahilan kung bakit kapana-
panabik na basahin ang nobelang ito.

Sa pagbabasa ko ng nobelang ito, nais ko na…

Susi ng Pagwawasto
PAUNANG PAGTATAYA

1. c 6. a
2. b 7. a
3. a 8. d
4. c 9. c

1
6
5. a 10. a

BALIKAN
Gawain I: Kilalanin Natin! – Iba -iba ang sagot

TUKLASIN
Gawain II: Alam- Nais-Natutuhan- Iba-iba ang sagot

PAGYAMANIN
Gawain III: Gusto ko ito - Iba-iba ang sagot
Gawain IV: Itala mo - Iba-iba ang sagot

ISAISIP
Gawain V- Alam-Nais- Natutuhan - Iba-iba ang sagot

ISAGAWA
Gawain VI: Timeline - Iba-iba ang sagot
Gawain VII: Panilayan- Iba-iba ang sagot
Gawain VIII: Isulat mo - Iba-iba ang sagot

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

1. d 6. a
2. c 7. c
3. b 8. a
4. a 9. a
5. b 10. a

Sanggunian

Mga Aklat

Bucu, et. Al (2014). Obra Maestra IV, El Filibusterismo, Sampaloc, Manila: Rex Book Store, Inc.
pa. 8

1
7
Mendoza N.C. (2012). Ilaw Pinagsanib na wika at Panitikan, Sta. Ana Manila: Innovative
Educational Materials, Inc. pa. 224-226, 230-231, 234.

Mungkahing website links patungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

http://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/kasaysayan-ng-el-filibusterismo/
http://filipinotek1387.blogspot.com/2013/03/kaligirang-pangkasaysayan-ng-el.html

http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/07/pagkakaiba-ng-noli-me-tangere-at-el.html
Paghahambing sa noli Me Tangere at El Filibusterismo.

https://philippineculturaleducation.com.ph/gomburza/ Larawan ng GomBurZa

https://www.pinterest.ph/pin/154670568426335305/?nic_v2=1a1dbHzk2
Larawan ng Katipunan

https://steemit.com/wordchallenge/@jumargachomiano/word-poetry-challenge-5-watawat-
ng-pilipinas-entry-2 Larawan ng Watawat ng Pilipinas

http://palipasan.blogspot.com/2009/06/pananampalataya-nasa-puso-ng-bawat-ofw.html
Larawan ng panalangin

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2017/12/04/1765216/palasyo-
kumpiyansang-maipapasa-ang-2018-budget Larawan ng Politiko sa Pilipinas

1
8
1
9

You might also like