Fil9 q2 Mod16 Argumentosaisyungpanlipunan Version2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Government Property

NOT FOR SALE

NOT
9
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 16
Argumento sa Isyung Panlipunan
ng Asya

Department of Education ● Republic of the Philippines


i
Filipino- Grade 9
Alternative Delivery Mode
Kwarter 2, Linggo 4 - Module 16: Argumento sa Isyung Panlipunan
ng Asya
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in
anywork of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand


names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Cagayan de Oro


Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD.,CESO V

Development Team of the Module

Author: Emelyn E. Fernandez


Evaluators/Editors: Gerelyn H. Tupac, MT II, Terry Anisco, T III
Illustrator and Layout Artist:

Management Team
Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Nimfa R. Lago, PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members: Henry B. Abueva,OIC-CID Chief


Levi M. Coronel, PhD., EPS-Filipino
Sherlita L. Daguisonan, EPS-LRMS
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

ii
9
Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 16
Argumento sa Isyung Panlipunan
ng Asya

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by select teachers, school heads, Education Program Supervisor in Filipino of
the Department of Education - Division of Iligan City. We encourage teachers
and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education-Iligan City Division at
iligan.city@deped.gov.ph or Telefax: (063)221-6069.

We value your feedback and recommendations.

iii
Department of Education ● Republic of the Philippines

iv
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1


Nilalaman ng Modyul ……………………………… 1
Alamin ……………………………… 1
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2
Subukin ……………………………… 3
Aralin 16 ……………………………… 4
Balikan ……………………………… 4
Tuklasin ……………………………… 4
Suriin ……………………………… 5
Pagyamanin ……………………………… 8
Isaisip ……………………………… 11
Isagawa ……………………………… 11
Buod ……………………………… 13
Tayahin ……………………………… 14
Karagdagang Gawain ……………………………… 15
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 15
Sanggunian ……………………………… 16

v
Modyul 16
Argumento sa Isyung Panlipunan
ng Asya
Pangkalahatang Ideya

Ang modyul na ito ay tungkol sa pagsulat ng argumento. Marahil ay marami


ka nang natutunan sa mga modyul na pinag-aralan nitong mga nakaraang araw. Ito
ay madaragdagan pa sa tulong ng modyul na ito. Tiyak na mawiwili ka sa pagsagot
sa mga gawaing inihanda dito.

Bagong kasanayan ang ituturo nito sa iyo tulad ng pag-unawa sa paksa ng


teksto na iyong binabasa. Matutulungan ka rin nitong maipaliwanag ang paksa ng
iyong binabasang teksto. Makikilala mo rin ang mga pangungusap na
nagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat. Madaragdagan din ang iyong
kaalaman sa uri ng teksto at higit sa lahat ang pagsusuri maging ang mga katangian
nito. Makagagawa ka rin ng isang tekstong argumento hinggil sa napapanahong isyu
sa Silangang Asya.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay may isang aralin:
Aralin 16: Pagsulat ng Argumento

Alamin

Kasanayang Pampagkatuto: Nakasusulat ng isang argumento hinggil sa


napapanahong isyu sa lipunang Asya (F9PU-IId-49)

Ano ang Inaasahan Mo?

Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito ay inaasahang matamo ang


mga sumusunod na kasanayan:

1. nasusuri ang teksto batay sa tiyak na uri nito;


2. nakikilala ang mga salitang nagpapakita ng pagsang-ayon at pagsalungat;
3. nakapagpapakita ng pagtutol o pagsang-ayon sa isang isyu;
4. nakasusulat ng isang argumento hinggil sa napapanahong isyu.

1
Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
 Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika.
 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul

2
Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o
mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa
modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


Subukin tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa


Balikan pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa


Tuklasin pamamagitan ng iba’t ibang gawain

Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.

Pagyamanin Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa


iyong natutunan at magbibigay pagkakataong
mahasa ang kasanayang nililinang.

Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.

Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

3
Subukin

A. Panuto: Suriin ang mga katangiang inilalahad sa bawat pangungusap.


Lagyan ng bituin (*) ang OO kung ito’y totoo sa tekstong argumento
at HINDI kung hindi katangian ng tekstong ito.

OO HINDI

1. Isa itong espesyal na uri ng tekstong persweysiv.

2. Nanghihikayat na tanggapin ang posisyon ng may-akda sa


isang isyu.

3. Gumagamit ng argumentong lohikal.

4. Nabubuo mula sa mga tiyak na katotohanan at opinyon ng


eksperto.

5. Sa panimulang talata pa lamang ay inilalahad na ang posisyon


ng may-akda sa isyu.

B. Panuto: Piliin sa pangungusap ang mga salitang nagpapahayag ng


pagsalungat at pagsang-ayon. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Walang mangyayari kung paiiralin ang diskriminasyon sa pagpili ng mga


mag-aaral na tatanggapin sa paaralan.
2. Maaari mo nang ipahayag ang saloobing itinago mo sa mahabang
panahon.
3. Dapat lamang na kilalanin natin ang kanyang kadakilaan.
4. Hindi kailanman malulutas ang suliranin ng panibagong suliranin.
5. Tumututol ang lahat sa ginawa sa kanya ng kasamahang guro.

C. Panuto: Narito ang isang paniniwala na madalas pinagtatalunan ng mga


Pilipino. Ipahayag mo ang iyong pagsang-ayon o pagsalungat dito.

Mas mahusay ang mga imported na produktong gawa ng Pinoy.

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________.
4
Aralin

16 Pagsulat ng Argumento

Balikan

Batay sa nakaraang aralin, ano-anong mga katangiang dapat taglayin ng


isang mananalumpati?

____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
_______________________.

Tuklasin

Iba’t ibang uri ng teksto ang nakilala mo sa mga nagdaang aralin. Alam mo
bang ang mga tekstong ito ay makikilala rin batay sa kanilang layunin at nilalaman?

Pag-aralan natin ang tekstong argumento/argumentativ. Isa sa layunin ng


tekstong ito ay ang hikayatin ng may-akda ang mambabasang tanggapin ang
kanyang paninindigan sa isyu. Ang nilalaman nito ay ang isyu, ang paninindigan ng

5
may-akda sa isyu at ang kanyang mga argumentong sumusuporta sa kanyang
posisyon. Ito ang isang espesyal na uri ng tekstong persweysiv na gumagamit ng
katwirang lohikal.
Pangatwiranan ang mga sumusunod na pahayag

1. Alin ang higit na mahalaga, 2. Sa larangan ng pagpili ng


ang kalusugan ng tao o ang kurso/karera, sino ang
kanyang materyal na yaman? magdesisyon? Magulang o
mag-aaral?

Suriin

Ang tekstong argumentatibo tulad ng ibang teksto ay binubuo ng simula, gitna


at wakas na talata.

Upang higit mong malinawan ito, basahin at unawain mo ang tekstong ito.
Alamin ang pangunahing paksa.

Katarungan Laban sa Karahasan


Mary Grace O. Isorena
Ang Kalahi – Mataas na Paaralang Torres

Talagang isang makabuluhang tugon ang muling pagpapatupad ni


Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa parusang kamatayan bunga ng
lumulubhang paglaganap ng kriminalidad sa mga Tsinoy sa bansa.

Oo, magkahalong damdamin ang ibinunga ng deklarasyong ito: pag-asa


para sa mga pamilyang nabiktima ng pandurukot na makamit ang katarungan at
malaking pagtutol sa panig ng simbahan dahil taliwas ito sa banal na kasulatan ng
Diyos habang kalungkutan naman ang bumalot sa puso ng karamihan sapagkat
kinakailangan pang kumitil ng buhay alang-alang sa katiwasayan.

Isinasaad sa Saligang Batas ng 1987 ang pagsasawalang-bisa ng


parusang kamatayan subalit muli itong ipinatupad ni Pangulong Fidel V. Ramos
noong 1994 kung saan si Leo Echegaray ang pinatawan ng parusang kamatayan
sa salang panghahalay sa kanyang sariling anak.

6
Sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Joseph E. Estrada ay
muling inalis ang death penalty dahil hindi siya naniniwalang sapat ito upang
mabawasan ang karahasan sa bansa subalit ngayon sa pamumuno ni Pangulong
Arroyo ayaw niyang ipagpaliban sa taong 2004 ang pagpapataw ng nasabing
parusa kung saan tinatayang 191 ng death convicts ang nakahanay sa death row-
patunay lamang na laganap pa rin ang kriminalidad sa bansa.

Samantala, dalawang bagay lamang ang maaaring dahilan kung bakit


ipatutupad ang batas sa death penalty. Ang una’y tunay na ninanais ng
pamahalaan na mabigyang katarungan ang mga nabiktima ng pandurukot habang
ang ikalawa’y naniniwala ang dating Pangulo na sa pamamagitan nito’y
mababawasan ang kriminalidad sa bansa.

Opo, ang pag-aalis sa moratorium ng parusang kamatayan ay ang


nalalabing paraan upang maitaguyod ang matahimik, maunlad at matatag na
republika. Gayundin naman, tungkulin natin bilang mga mamamayan na
pangalagaan ang ating mga sarili at makiisa sa mga kampanyang inilulunsad ng
pamahalaan laban sa kriminalidad at karahasan.

Mga Tanong Mga Sagot


1. Tungkol saan ang teksto? Tama, ito ay tungkol sa isyu ng parusang
kamatayan.

2. Anong uri ng teksto ang iyong Ang iyong binasa ay isang tekstong
binasa? argumentatibo.

3. Ano ang paninindigan ng awtor Ang pagpapatupad nito ang kanyang


tungkol sa isyu? pinaniniwalaan, di ba?

4. Saang bahagi makikita ang Malinaw na inilahad sa unang talata ang


tungkol dito? isyu at ang posisyon ng may-akda sa isyu
ng parusang kamatayan – ang
pagpapatupad nito ang kanyang
pinaniniwalaan.

7
5. Ang mga sumusunod na talata ay Una, ang pagpapatupad daw nito ay
sumusuporta sa kanyang isang makabuluhang tugon sa lumulubhang
paninindigan, anu-ano ang mga paglaganap ng kriminalidad sa bansa.
iyon?
Ikalawa, ang pag-alis daw ng
moratorium ng parusang kamatayan ay ang
nalalabing paraan upang maitaguyod ang
matahimik, maunlad at matatag na
republika. Makikita itong muli sa huling
talata.

6. Sa palagay mo bakit niya ito Gusto niyang hikayatin ang mambabasa na


inuulit? tanggapin at makiisa sa kanyang
pinaniniwalaan tungkol sa kampanya ng
pamahalaan laban sa kriminalidad at
karahasan.

7. Kung iyong mapapansin may Ito ay mga salitang nagpapahayag ng


mga pagsang-ayon.
salita sa teksto na may
salungguhit; talaga, tunay, oo,
ano ang ipinahiwatig ng mga ito?

8. Ano naman ang sinasabi ng Ito ay pagtanggi.


hindi,
ayaw?

9. Ano ang kahalagahan ng mga Malaki, sapagkat ang mga salitang ito ay
salitang ito sa pagbubuo ng isang makatutulong upang mapagtibay ng sumulat
tekstong argumentibo? anuman ang kanyang posisyon sa isyung
tinatalakay, kung siya’y sumasang-ayon o
sumasalungat dito.

 Sa bawat pagsang-ayon o pagtutol ng tao, napatutunayan ang kalayaang pumili


kung sino ang papanigan, paniniwalaan, sasalungatin o tatanggihan.

 Nasa atin ang pagtitimbang-timbang at pasya kung alin ang pipiliin. Narito pa
ang ilang mga pang-abay na panang-ayon; Oo, opo, oho, tunay, talaga,
sadyang, totoo at iba pa.

 Sa pagpapahayag ng pagtutol gumagamit ng mga pang-abay na pananggi. Ito


ay ang mga pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi o pagbabawal tulad ng
hindi/di, huwag, ayaw, wala at iba pa.

8
Halimbawa ng Pagsang-ayon

1. Opo, nangangailangan tayo ng higit na maraming mag-aaral sa


taong ito.
2. Oo, hihintayin ko ang iyong pagsuporta.
3. Tunay na maraming kabataan ang nahihilig sa kompyuter.
4. Sadyang magkaiba ang mga kabataan noon at ngayon.

Halimbawa ng Pagsalungat

1. Hindi papayagan ng ina na mapahamak ang kanyang anak.


2. Ayaw na niyang alalahanin pa ang kanyang masamang
karanasan.
3. Walang nagnanais na ganyan ang mangyari sa kanya.
4. Di sana ‘yan ang sinapit mo kung nakinig ka lang sa akin?
5. Huwag mo nang dagdagan pa ang problema ko.

Pagyamanin

Basahin at unawaing mabuti ang teksto.

Wikang Ingles: Bilang Midyum ng Pagtuturo?

Naging isang mainit na usapin ang inuutos ng pangulo na pagpapagamit


ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa paaralan. Hangad ng pangulo na
maibalik ang wikang Ingles dahil sa rekognisyon
9 at pakikipagkumperensiya ng
ang bumababang antas ng literasi sa Ingles ng mga Pilipino. Subalit, para sa akin
ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo ay hindi naman sagabal sa
pagpapataas ng literasi sa Ingles ng mga Pilipino. Sa halip na gawing Ingles ang
midyum ng pagtuturo ay paghusayan na lamang ang pagtuturo ng Ingles sa
elementarya patungo sa mataas na lebel. Patuloy na humubog ng mga
magagaling na gurong magtuturo ng sabjek na ito.

Ang panukalang ito ng pangulo ay hindi sinang-ayunan ng guro sa Filipino.


Marami sa kanila ang nagsabi na ang isang mag-aaral ay matututo sa sarili
niyang wika o wikang kinagisnan. Natututo siya ng dayuhang wika kapag alam na
niya ang sariling wika. Ayaw nilang tanggapin ang pananaw na ang paggamit ng
Wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa paaralan ang dahilan ng pagbaba
ng kaalaman sa Ingles. Tunay na maganda ang layunin ng pangulo na isulong
ang Wikang Ingles upang madali ang pakikipagtalastasan sa iba’t ibang panig ng
mundo sa pag-asang ito ang magiging susi ng pag-unlad ng ating bansa. Subalit
dapat nating isipin na higit nating kailangan ang isang pambansang wika na
magsisilbing puwersa na magbubuklod sa atin bilang isang lahi at isang bansa.

Huwag nating hayaang mapabayaan ang wikang nagbibigkis sa puso at


diwa ng sambayanang Pilipino para sa pinakamimithing pagkakaisa at
pagkakaunawaan. Paunlarin at palaganapin ang paggamit ng Wikang Filipino.

10
Gawain 1
Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Anong uri ng teksto ang iyong binasa?


a. Naratibo b. Argumentatibo c. Informatibo d. Prosijural

2. Anong isyu ang inilahad sa teksto?


a. Pagpapagamit ng Ingles bilang midyum sa pagtuturo sa paaralan.
b. Pagpapagamit ng Filipino bilang midyum sa pagtututo sa paaralan.
c. Pagpapaunlad ng Wikang Filipino.
d. Pagbaba ng literasi sa Ingles ng mga Pilipino.

3. Ano ang paninindigan ng awtor tungkol sa isyu?


a. Ang paggamit ng Ingles bilang midyum sa pagtuturo ang kanyang
pinaniniwalaan.
b. Ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo ay nakapagpababa sa kaalaman sa
Ingles ng mga Pilipino.
c. Ang paggamit ng Filipino bilang midyum sa pagtuturo ang kanyang
pinaniniwalaan.
d. Ang paggamit ng Ingles ay makatutulong sa pag-unlad ng mga Pilipino.

4. Saang bahagi makikita ang tungkol dito?


a. Sa ikalawang talata
b. Sa unang talata
c. Sa ikatlong talata
d. Sa una at huling talata

5. Alin-alin ang mga salita/pangungusap sa teksto ang nagpapahayag ng


pagsang-ayon at pagtutol?

11
Isaisip

Gawain 2: Pagsulat ng Argumento mula sa isang Editoryal

Gumupit ng isang editoryal na tumatalakay sa mga napapanahong isyu ng


lipunang Asya. Ipaliwanag ito at gawan ng presentasyon.

Tatayahin ang presentasyon batay sa sumusunod na batayan.

Batayan ng Grado Kaukulang Grado


Puntos
Tumpak ang mga datos at impormasyong
10
ginamit sa pagtalakay

Napapanahon at kapaki-pakinabang ang


10
napiling paksa

Malinaw ang paglalahad ng presentasyon 10


Gumamit ng mahahalagang ebidensya 10
Maayos ang ibinigay na argumentasyon 10
Kabuuan: 50

Isagawa

Gawain 3: Pagsulat ng argumento mula sa isang balita o isyu

Gumawa ng isang argumento ukol sa pandemic na nangyari sa lipunan, ang


COVID-19. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Tunghayan ang rubric kung paano mamarkahan ang nilikhang argumento

Pamantayan Kaukulang Puntos Grado


Mapanghikayat
10
Makatotohanan 10

12
Kaangkupan sa paksa
10
Kawastuhan ng balangkas
10
Kabuuan: 40
Gawain 4

Isulat sa sagutang papel kung Tama o Mali ang ipinahahayag ng bawat


pangungusap.

_____1. Ang damdamin ay ang emosyon o anumang bagay na galing sa puso at


hindi sa isip.

_____2. Ang nadarama ng tao ay di lamang makikita sa ekspresyon ng mukha.

_____3. Isang espesyal na uri ng tekstong persweysiv ang argumentatibo na


gumagamit ng katwirang lohikal.

_____4. Ang argumentative ay sang uri ng teksto na ang nilalaman ay ang isyu, ang
posisyon ng may-akda sa isyu at ang kanyang argumentong sumusuporta
sa kanyang paninindigan.

_____5. Magiging mahirap ang pangangatwiran kung hindi muna ito itatakda
sapagkat hindi magkakaisa sa mga batayan ng isyu ang dalawang panig.

Gawain 5
Ayusin ang mga salitang nasa kahon sa tamang hanay sa ibaba.

Salitang Nagpapahayag ng Salitang Nagpapahayag ng


Pagsang-ayon Pagsalungat
Iyon ang nararapat Huwag na lang.
1. 1.
Hind totoong lahat yan. Ganoon nga.
2. Walang pakinabang na dulot yan!2. Tama ang sinabi mo.
Sang-ayon ako dyan Hindi maari yan.
3. 3.
Oo, maganda yan! Ayaw ko nga.
4. 4.

5. 5.

13
Buod
Pag-aralan mo ang dayagram. Mabubuod mo ang paksang ating tinatalakay
tungkol sa tekstong argumentativ sa tulong nito.

PANIMULA
Pambungad (Isyu)
Posisyon (sa isyu)

UNANG ARGUMENTO
Kongklusyon:______________________
Mga Batayan:______________________

IKALAWANG ARGUMENTO
Kongklusyon:______________________
Mga Batayan:______________________

IKATLONG ARGUMENTO
Kongklusyon:______________________
Mga Batayan:______________________

KONGKLUSYON

14
Tayahin

A. Panuto: Suriin ang mga katangiang inilalahad sa bawat pangungusap.


Lagyan ng bituin (*) ang OO kung ito’y totoo sa tekstong argumento
at HINDI kung hindi katangian ng tekstong ito.

OO HINDI

1. Isa itong espesyal na uri ng tekstong persweysiv.

2. Nanghihikayat na tanggapin ang posisyon ng may-akda sa


isang isyu.

3. Gumagamit ng argumentong lohikal.

4. Nabubuo mula sa mga tiyak na katotohanan at opinyon ng


eksperto.

5. Sa panimulang talata pa lamang ay inilalahad na ang posisyon


ng may-akda sa isyu.

B. Panuto: Piliin sa pangungusap ang mga salitang nagpapahayag ng


pagsalungat at pagsang-ayon. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Walang mangyayari kung paiiralin ang diskriminasyon sa pagpili ng mga


mag-aaral na tatanggapin sa paaralan.
2. Maaari mo nang ipahayag ang saloobing itinago mo sa mahabang
panahon.
3. Dapat lamang na kilalanin natin ang kanyang kadakilaan.
4. Hindi kailanman malulutas ang suliranin ng panibagong suliranin.
5. Tumututol ang lahat sa ginawa sa kanya ng kasamahang guro.

C. Panuto: Narito ang isang paniniwala na madalas pinagtatalunan ng mga


Pilipino. Ipahayag mo ang iyong pagsang-ayon o pagsalungat dito.

Mas mahusay ang mga imported na produktong gawa ng Pinoy.

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
15
__________________________________________________________________________
Karagdagang Gawain
Ipahayag ang inyong pagsang-ayon o pagsalungat sa sumusunod na mga
sitwasyon.

1. Naniniwala ka sa opinion ng inyong pangulo sa klase.


2. Hindi ka sang-ayon sa naging pasya ng inyong asosasyon.
3. Sa isang pulong, salungat ka sa mungkahi ng isang kasapi ng inyong
samahan.
4. Tama para sa iyo ang parusang pagsususpinde at pagpapaalis sa paaralan
ng sinumang mag-aaral na mahuling kasapi ng isang fraternity o sorority.
5. Ikinatutuwa mo ang paghihigpit sa mag-aaral ng magsuot ng ID sa lahat ng
oras sa loob ng kampus.

Susi ng Pagwawasto

Subukin/Tayahin

Sa Pagsusulit A, dapat lahat ng bilang sa ilalim ng Oo ay nilagyan mo ng


bituin (*) dahil ang lahat ng isinasaad nito’y mga katangian ng tekstong
argumentatibo.

Sa Pagsusulit B, ang salitang ito ang nagpapahayag ng pagsalungat at


pangsang-ayon:

1. walang 4. hindi
2. maaari 5. tumututol
3. dapat

Sa Pagsusulit C, maaaring ganito ang sagot mo.

 Hindi ako sang-ayon sa paniniwalang yan. Naniniwala akong dapat tangkilikin


ang mga local na produkto dahil gawa ito ng ating mga kababayan. Alisin na
ang mga kaisipang kolonyal na nagpapahirap sa ating bayan.

16
 Ganyan ang paniniwala ko. Kailangang tayo ang manguna sa pagtangkilik sa
mga produktong atin.
 Iyan ang nararapat. Dapat nang mamulat ang kaisipan natin. Hindi tayo
makatutulong sa pag-unlad ng ating bansa dahil sa pinayayaman natin ang
ibang bansa.
 Talagang kailangan natin ang pagkakaisa. Unahin ang sariling atin bago ang
iba.

Mga Sanggunian
Filipino 1, Modyul 9, Pagsusuri at Pagtukoy sa Kaisipan, Mensahe at
Damdamin ng Teksto, Project EASE (Effective Alternative Secondary
Education)

Internet Website

https://images.app.goo.gl/21MozS8NVUF2NYCw5

17
For inquiries and feedback, please write or call:
DepEd Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph
18

You might also like