Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Buod ng Noli Me Tangere ni Jose P.

Rizal

Nag-umpisa ang nobela sa nakatakdang handaan sa tahanan ni Don Santiago Delos Santos o mas kilala
sa tawag na 'kapitan Tiyago' bilang pagbabalik bayan ni Crisostomo Ibarra, anak ng matalik niyang
kaibigan, mula sa pitong taong pag-aaral sa Europa. Ilan sa mga panauhin ay ang mag-asawang Dr. De
Espadana at Donya Victorina, Padre Sibyla na kura ng Binundok, Padre damaso, Tinyente Guevarra na
tinyente ng mga guardia civil. Ilan sa mga napag-usapan ng mga panauhin ay ang pagkakatanggal ni
Padre Damaso bilang kura paroko ng bayan ng San Diego na nagsilbi ng dalawangpung taon. Ayon sa
pari, ang dahilan ng pagkakatanggal niya ay dahil sa pagpapahukay niya sa labi ng isang marangal na
lalaki na hindi nakapangumpisal.

Dumating na si Juan Crisostomo Ibarra Y Magsalin o Ibarra sa handaan, anak siya ni Don Rafael Ibarra at
dahil para sa kanya ang handaan, siya ang naupo sa kabisera. Binaggit din siya sa lahat ang ideyang
pagpapatayo ng paaralan para sa kapwa Pilipino. Nagpupuyos naman sa galit si Padre Damaso dahil
napunta sa kanya ang hindi magagandang parte ng Manok na Tinola.

Isang gabi, habang naglalakad si Ibarra, nakita siya ni Tinyente Guevarra at inilahad nito kung paano
nahirapan at namatay ng kanyang ama sa kasalanang hindi naman niya ginawa.

Nakarating na si Maria Clara sa bahay ni Kapitan Tiyago at tuwang-tuwa naman dito si Padre Salvi, ang
paring may pagnanasa kay Maria. Inilahad naman sa nobela ang buhay nina Kapitan Tiyago at Pia Alba
na ina ni Maria.

Kinabukasan, nagkaroon ng Suyuan sa Asotea sina Maria Clara at Ibarra. Pagkatapos, pumunta si Maria
sa kumbento para kumuha ng gamit at nakausap niya si Padre Damaso na nagsabing dapat na niyang
itigil ang pakikipagkita kay Ibarra. Sa kabilang dako, bumisita si Padre Sibyla sa isang matandang paring
may sakit.

Kinalaunan, nabunyag ang detalyadong nangyari sa bangkay ng ama ni Ibarra na si Don Rafael. Ito ay
hinukay sa kadahilanang hindi daw ito bagay sa nililibingan nito, dapat daw ay sa libingan ito ng mga
intsik nakalibing ngunit nang dinadala na ito, nagkataong umuulan at hindi kinaya ng sepulturero at ng
kanyang kasama ang bigat na dala ng kabaong at ng tubig ulan kaya ang bangkay ay nagpatianod na
lamang sa lawa. Nang marinig ito ni Ibarra, siya ay nagalit lalo pa nang malaman niyang si Padre Damaso
ang may pakana ng lahat.

Sa kabilang dako, dumalaw naman si Don Anastacio o mas kilala sa tawag na Pilosopo sa puntod ng
kanyang asawa. Siya ay kinikilala bilang matalinong tao na sa paniniwala ng iba ay nabaliw na kaya kung
anu-ano nang idealismo ang sinasabi. Pagkatapos, dumalawa siya sa mag-asawang Don Filipo at Aling
Doray.

May magkapatid na ang pangalan at Crispin at Basilio, sila ay magkapatid na anak ni Sisa, babaeng
sunud-sunuran sa lasinggero at basagulerong asawa. Pinagkamalang nagnakaw ng dalawang onsa o 32
pesos ang nakababatang anak ni Sisa na si Crispin at hindi daw ito makakauwi hangga't di niya nababalik
ang nawalang pera. Samalantang si Basilio naman ay pinagalitan dahil sa maling pagpapatugtog ng
kampana.

Nagkaroon ng pagkakataong naghanda si Sisa ng mga paboritong pagkain ng kanyang dalawang anak
pero sa kasamaang palad, mas naunang umuwi ng bahay ang walang kwenta niyang asawa at inubos ang
lahat.

Pagkatapos, nakauwi na sa wakas si Basilio na nadaplisan ng bala sa ulo. Ikinuwento niya ang nangyari
kay Crispin, kung paano sumigaw at humingi ng tulong ang batang kapatid at wala siyang magawa para
ito ay tulungan.

You might also like