Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Pagtutungayaw: Kritikal na Eksaminasyon sa Pananalita ni FPDU30

Arianna B. Hizole

Far Eastern University

Abstrak

Ang sanaysay na ito ay tatalakayin ang paggamit ng wikang Filipino, partikular na sa mga mura
at masasamang salita. Ang halimbawang ginamit ay ang pananalita na ginagamit ni Dating-
pangulo Rodrigo Duterte noong siya pa ay nasa katungkulan, makikita sa mga datos na
ipinresenta na ang pananalita ng dating-pangulo ay may bahid ng dungis pagdating sa
pakikipagusap sa ibang world leaders tulad nalang ni Former president Barack Obama at Pope
Francis of Vatican. Ang sanaysay na binigay ni dating-presidente Duterte ay nakapagbigay ng
publicity ating wika at sa bansa, ngunit ito ay bad publicity at hindi ito nakapagbibigay ng
benepisyo sa bansa, masahol pa rito ay magiging hindi maganda ang pakikitungo ng mga
karatig-bansa dahil sa masamang imahe ng pamamalakad at pananalita ng presidente. Bilang
resulta, ang nagdudusa ng mga ito ay ang wikang Filipino sapagkat napagsasamantalahan ito
upang magamit para sa mga pansariling interes.

Introduksyon

Ayon sa naratibo ni Dr. Florentino Timbreza (1987), ang paggamit ng wikang Filipino ay
higit na nakatutulong upang lumago ang sariling wika. Ngunit hindi man nabanggit sa teksto
patungkol sa paggamit ng mga masasamang salita, ang mga ito ay kasama sa depinisyon ng
paggamit. Ito nga ba ay nararapat na maisali sa pagpapaunlad ng wikang Filipino? O ito lamang
ay tila ba isang sakit ng lipunan na nararapat magamot. Isa ito sa mga isyu na tatalakayin ng
sanaysay na ito, lalong-lalo na kung sikat na tao, higit pa, isang presidente ang may aktibong
partisipasyon sa paggamit ng mga salitang hindi kaaya-aya o derogatory. Mahalaga rin na
banggitin ang mga pakinabang nito (kung mayroon man) sa ating bansa tulad ng pagkalantad ng
ng wikang Filipino sa mundo (ito ay matatalakay sa dulong bahagi ng sanaysay).

Unang Tema: Nabuksan ang pinto ng Pilipinas para makilala ng ibang bansa

Bilang panimula, masama man na gamitin ni FPRRD (Former President Rodrigo Roa
Duterte) ang mga salita tulad ng “putang-ina mo” na ginamit nya bilang tugon sa dating pangulo
ng Amerika na si Barack Obama patungkol sa pag imbestiga ng “war on drugs and extra judicial
killings” (Reuters, 2016). Ginamit rin nya ito noong bumisita ang santo papa noong 2015 at
sinabing “Putang-ina mo wag kanang bibisita dito” (Rañada, 2015). Iilan lamang ito sa
sandamakmak na pangyayari kung saan ang pananalita ng dating-presidente ay kumalat sa buong
mundo. Nabuksan ang pangalan ng Pilipinas at ang wika nito sa hindi magandang paraan, ngunit
ayon sa mga sabi-sabi ang pagkalantad daw na ito ay nakakabuti dahil ayon kay Karl Marx, “bad
publicity is still publicity” raw kaya’t ayos lang. Ngunit, hindi pa rin maikakaila na mas malaki
ang epekto nito lalo na sa relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa at lalong-lalo na sa wika at kultura
na pinapakalat ng mga pananalita ni FPRRD (Tomacruz, 2018).

Ikalawang Tema: Ang paggamit ni FPRRD ng “putang ina mo” ay ekspresyon lamang ng
kanyang isipan

Ayon kay Jay at Janschewitz (2012), ang pagmumura ay isang paraan ng paglalabas ng
saloobin at ito ay maaaring magdulot ng mabuti o masama depende sa mga intensyon. Kung ito
ay para lamang magsabi ng saloobin, wala itong bigat, kung ito naman ay para magsulong ng
ideolohiyang politikal, sekswal, at sosyal, ito ay nakasasama sa bansa. At kung titignan naman
ito sa ibang lente, ang pananalita ni FPRRD ng mga derogatory na salita ay walang epekto at isa
laman ekspresyon ng kanyang mga iniisip, ito rin ang Jurisprudence na nilahad ng korte suprema
na ang mga salitang “putang-ina” ay walang kriminal na epekto tulad ng slander, sapagkat ito
lamang ay isang mere expression of profanity in the Filipino language (Project Jurisprudence,
n.d.).

Ikatlong Tema: Ang paggamit ng mga derogatory o masasamang salita ay hindi nakabubuti
sa lipunan

Sa kabilang dako, maaaring makapinsala sa lipunan at wika ang paggamit ng mga mura
lalo na kung ito ay para sa hindi makatarungang dahilan, Halimbawa na rito ang pagsasalita ni
FPRRD ng Bisaya sa National TV, kung saan ginagamit nya ang kanyang mother tongue na
Bisaya upang makipag-usap lamang sa mga nakakaalam ng wikang ito (Escaloña, 2018), at sa
kalikasan ng kanyang pananalita, hindi malalaman ng mga manonood kung sila ba ay
sinasabihan ba ng masasama o kinikritisa na pala sila ng dating-presidente. Ito ay hindi
magandng halimbawa ng paggamit ng wika, at hindi ito nararapat ma-mana ng mga Pilipino,
sapagkat dapat ang wika ay isang midyum ng komunikasyon na walang halong diskriminasyon.
Repleksyon

Ang teksto mula kay Dr. Timbreza ay isang komprehensibong naratibo ng wika at ito ay
nagpapakita ng malawak na pag-unawa sa kasalukuyang estado ng wika ng Pilipinas, maging
ang mga suliranin na kinakaharap nito, ngunit akin ring napagtanto na may kakulangan ito sa
bahagi ng “paggamit ng wika” kung saan lumalabas sa aking isipan ang tanong na “Paano kung
ang wika ay ginagamit sa hindi magandang paraan katulad ng ginagawa ni PFRRD, Lalo na’t sya
ay isang maimpluwensyang tao?”, at sa masusing pagsaliksik aking natutuhan na hindi ito
maganda, hindi nararapat na pagsamantalahan ang sariling wika upang magsulong ng mga
pansariling interes sapagkat ang pinsala ay mapupunta lamang sa wikang Filipino, kung ito ay
magpapatuloy ay baka hindi na maganda ang imahe ng sariling wika sapagkat para lang itong
kasangkapan sa kasamaan.

Konklusyon

Bilang pagtatapos sa lahat ng mga nabanggit na punto, ang common denominator o


pagkakatulad ng mga temang nailahad, ay hindi maayos para sa isang tao (lalo na kung ito ay
maimpluwensya) na magpakalat ng hindi magagandang gawain na nakakapinsala sa wikang
Filipino, ano na lang ang makikita ng mga susunod na henerasyon kung ang pinakamataas na
opisyal ng gobyerno na dapat kinatawan ng bawat Pilipino ay hindi tapat sa kanyang mga
prinsipyo bilang isang Pilipino —ang mahalin ang sariling wika at gamitin ito ng wasto — at
masahol pa rito ay nakikita ng mga karatig bansa na ang mga Pilipino ay may ganitong ugali at
pananalita, kung saan maaari itong magdulot ng epekto kung saan pipiliin nalang ng mga
Pilipino na abandonahin ang kanilang sariling wika upang maiwasan ang masamang imahe na
karugtong nito.
The Putangina Principle? (n.d.). Project Jurisprudence
.https://www.projectjurisprudence.com/2018/07/the-putang-ina-principle-reyes-vs-
people-l-21528-defamation.html#:~:text=SUPREME%20COURT%3A%20The
%20charge%20of,to%20express%20anger%20or%20displeasure.

Escalona, K. A. (2018, July 19). Duterte’s war on tongues. New Mandala.


https://www.newmandala.org/dutertes-war-tongues/

Jay, T., Janschewitz, K. (2012, April 25). The Science of Swearing. Association for
Psychological Science. https://www.psychologicalscience.org/observer/the-science-of-
swearing

https://www.washingtonpost.com/news/worldviews/wp/2016/10/21/the-many-times-duterte-has-
resorted-to-profanity-and-calls-to-violence/

https://www.theguardian.com/world/video/2016/sep/06/rodrigo-duterte-calls-barack-obama-a-son-of-
a-whore-video

https://www.rappler.com/nation/205216-duterte-cursing-affect-filipino-youth/

https://www.rappler.com/nation/elections/114481-rodrigo-duterte-curses-pope-francis/

You might also like