Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Figure 1: Kolb’s Learning Cycle base sa tekstong “Mga Suliranin at iba pang balakid sa

paggamit ng Filipino sa Pagtuturo”


Hindi maikakaila ng mga propesyunal tulad ni Florentino Timbreza (ang may akda ng
tekstong binasa) na ang wikang Filipino ay isang lengwahe na napag-iiwanan at kinukulangan ng
pag-usbong sapagkat may mga nakapasan itong balakid na kasalukuyang pinagiisipan kung
paano ito sosolusyonan, isa sa mga suliraning inilahad ng may akda ang malantang pag-yabong
ng wika dulot ng hindi masyadong paggamit nito, Ang wika ay pabago-bago, kada araw ay may
nai-pakikilalang bagong salita na maaaring hiram o bagong imbentong salita na ginagamit sa
mga colloquial na dahilan. Gayunpaman, sa ganitong paraan maaaring umunlad ang wika ng
bansa, at sa pagiging dynamic ng mga wika, mabilis rin dapat maki-angkop ang mga
mamamayan sa mabilis na pagbabago nito upang hindi mapag-iwanan (Functions of Language,
2016).
Bilang panimula, ang mga balakid na kasalukuyang hinaharap ng ating bansa pagdating
sa wika ay hindi maaaring masolusyonan sa loob ng isang araw lamang, nararapat itong
pagisipan ng mabuti at bigyang-pansin ang epekto nito lalong-lalo na sa pangmatagalan na
epekto nito sa sosyedad. Una, ang problema ng kakulangan sa mga talasalitaan, dictionaries, at
mga akademikong sa wikang Filipino ay ang una sa listahan ng mga dapat solusyonan, at ang
responsibilidad ay naka-atang sa mga balikat ng mga propesyunal sa wikang Filipino sapagkat
sila ang may kakayahan na ma-tantsa kung nararapat ng aba itong maisama sa wika na
babaybayin ng mga mamamayan. Halimbawa na rito ang mga salitang Conyo, GenZ, at Bekimon
o Beki language (GMA integrated News, 2023), nararapat ba ang lahat ng mga ito na mapabilang
sa wikang Filipino o isa lamang itong trend na masusundan lamang ng panibagon uso kaya’t
hindi ito mabibilang sa wikain. Isa sa mga katiwa-tiwalang batayan ng wikang Filipino ay ang
diksyonaryo na inaalagan at patuloy na nirerebisa ng Unibersidad ng Pilipinas (SentroFilipino,
n.d.), nakalahad dito ang mga salitang tinanggap na ng wikang Filipino marahil ito ay kadalasang
ginagamit ng mga tao at marami na ang nakakaalam nito, bilang isang halimbawa, ang jejemon
na sa salitang “Tsugi” (Namatay o pumanaw) ay nasa diksyonaryo na rin (ABS-CBN News,
2014).

Sa aking sariling pananaw, ang mga nabanggit na halimbawa ay isang senyales na unti-
unti nang umuunlad ang wikang Filipino, sa kadahilanang ang mga modernong lengwahe na ito
(Conyo, GenZ, at Bekimon, jejemon) ay nakasandal sa wikang Filipino, ibig sabihin ay
kumukuha ang mga ito sa wikang Filipino ng mga salitang isasalin sa kani-kanilang lengwahe.
Bilang resulta, mas lalong nagagamit ang wikang Filipino pagdating sa praktikal at araw-araw na
pakikipagusap. Ang mga makabagong lengwahe na ito ay maaaring gamitin rin ng mga
propesyunal tulad ng mga guro sa pagtuturo ng wika upang magkaroon ng mas maigting na
koneksyon at komunikasyon sa bawa’t isa sapagkat magkakaroon ng mas malakas na interes ang
mga estudyante at mas malaki ang pagkakataon na mas marami silang matutunan.

Ito ang pangalawang balakid na nabanggit sa tektso, ang kakulangan sa paggamit ng wika
sapagkat mas pinapanigan ng mga Pilipino ang pakikipag-talastasan sa ibang lengwahe imbis na
gamitin ang sariling wika. Ang nagiging resulta tuloy ay unti-unting nababawasan ang pag-unlad
ng Filipino sapagkat wala itong paraan upang magbago, ang lengwahe ay parang teknolohiya,
mabilis na umuusbong ngunit kung ang gumagamit nito ay hindi mabilis na maka-angkop ay
wala ring silbi. Kaya’t gumagawa ng paraan ang mga propesyunal upang mabuhay ang paggamt
ng Filipino, isa na rito ang pagbibigay-balita na ang Filipino ay nararapat ingatan upang hindi
mawala at matakpan ng mga banyagang wika (GMA News Online, 2022).

Bilang konklusyon, ang pinaka-mainam na mungkahi ay ang paghikayat sa patuloy na


paggamit ng Filipino at ng makabagong lengwahe (Conyo, GenZ, at Bekimon, jejemon) sa
pakikipag-usap sa ibang tao at sa iba pang dahilan tulad ng conversational at colloquial. Ngunit,
kung pang-akademikong usapin na ang kalagayan ay nararapat lamang na purong Filipino ang
gamitin upang hindi mawala ang kahalagahan ng paggamit ng sariling wika, kung may mga
salita man na walang direktang katumbas sa Filipino ay gamitin ang orihinal na salita nito at
ilahad na lamang ito sa paraan na maiintindihan pa rin ng normal na mambabasa. Isa pa, kung
ang salitang modern tulad ng “tsugi” ay nailimbag at naisama na sa mga diksyonaryo, ito ay
nararapat lang ikonsidera bilang isang salitang Filipino na gawa ng mga Pilipino. Ika nga ni Gat
Jose Rizal, “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa hayop at malansang isda”
kaya’t nararapat lamang na ating tanggapin ang mga pagbabago ng wika at yakapin nito na
parang ating kadugo. Ang wika ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang bansa, ito ay mga
koleksyon lamang ng salita sa paningin ng iba, ngunit para saakin, ang wika ay ang susi para
makagalaw ang isang bansa.
Mga Sanggunian

3.2 Functions of language (2016, September 29). Pressbooks.


https://open.lib.umn.edu/communication/chapter/3-2-functions-of-
language/#:~:text=Language%20is%20dynamic%2C%20meaning%20it,and%20the%20c
reation%20of%20slang.

ABS-CBN News. (2014, August 26). Bandila: Jeproks to Jejemon: How the Filipino language
evolves. https://www.youtube.com/watch?v=8OSrgV8o8Rw&ab_channel=ABS-
CBNNews

GMA Integrated News. (2023, April 25). Level up beki language sa TikTok videos ng isang
magkaibigan, kinaaliwan ng netizens | UB [Video]. YouTube.
https://www.youtube.com/watch?v=KNYGQYtFZvU

GMA News Online (2022, September 5). Komisyon sa Wikang Filipino, hinihikayat ang publiko
na iwasan ang paggamit ng 'Taglish' o pinaghalong Tagalog at Ingles . GMA Integrated
News. https://www.gmanetwork.com/news/video/unangbalita/600577/komisyon-sa-
wikang-filipino-hinihikayat-ang-publiko-na-iwasan-ang-paggamit-ng-taglish-o-
pinaghalong-tagalog-at-ingles/video/

Sentrofilipino. (n.d.). UP Diksiyonaryong Filipino.


https://pages.upd.edu.ph/sentrofilipino/UPdiksiyonaryongFilipino

You might also like