Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

2023 Barangay Election Mini-blog Series #1

DO YOU KNOW YOUR NUMBERS? | 7 basic questions before you plan for the 2023 Barangay Election | 2023 Barangay
Election Mini-blog Series #1

By this time, kung tumatakbo ka bilang punong barangay o di kaya’y kagawad (o SK) sa paparating na October 30, 2023
Barangay and SK Elections, bilang “independent” candidate man o kabilang sa isang slate, malamang meron ka nang plano
kung paano mo isasagawa ang iyong kampanya.

At malamang alam mo na rin siguro na ang anumang eleksyon ika nga ay isang “numbers game.” At alam mo na rin siguro
ang iyong “Magic Number” o yung bilang ng boto na kailangan mo upang manalo (?). (Right? Wrong?)

So my friend, narito ang ilang basic “math” questions na napulot namin sa pakikipag-maritesan sa mga so called campaign
gurus at operation’s men ng mga electoral campaigns through the years. And surprisingly…guess what? No flares, napaka-
basic lang talaga niya. Hindi natin kelangan ng komplikadong mathematical formulas para masagutan siya. At para mas fun,
try mong iskoran ang sarili mo.😊 So let’s go!

1. Ilan ang total number of voters ngayon sa inyong barangay?


2. Ilang porsyento ang aktwal na bumoto sa inyong barangay noong 2018 Barangay Election?
3. Ilang porsyento ang aktwal na bumoto sa punong barangay noong 2018? O sa kagawad o sa SK noong 2018?
4. Ilan ang nakuhang boto ng nananalong punong barangay nang 2018? O ng mga kagawad o ng mga SK noong 2018?
5. Ilan ang kailangan mong boto para manalo?
6. Kung ngayon na ang eleksyon, ilan ang makukuha mong boto?
7. Gaano kalayo o kalapit ba ang #6 sa #5?

Kung ikaw ay tumatakbong punong barangay at ang score na nakuha mo ay 7/7, congratulations! You definitely know your
numbers!

Ano ba ang iyong “Magic Number”? Kung nasagot mo ito within 2.9 seconds, you’re well on your way sa next step. That is
closing the gap between #5 and #6. O sa maikling salita – PLANNING.

At kung halimbawa’y ang #5 at #6 naman ay equal na today, well meron kaming good news at bad news. Ang good news e,
congrats! Panalo ka na! 😊

Subali’t ang bad news naman e,..hindi pa ngayon ang eleksyon…sa October 30, 2023 pa. Ang tanongg (nong..nong..nong)
– sa October 30, ang #5 at #6 ay even pa rin kaya? Pwede ka na bang magbakasyon at magrelax sa Kiudkad? Kung ang
sagot ay hindi – paano mo mamimintina ang iyong Magic Number till election day?

So well again my friend, we’re back to underscoring the importance of PLANNING. 😊 Bakit? Dahil ika nga sabi ng ka-
barangay natin na si Benjamin Franklin – If you fail to plan, you plan to fail. (Medyo nalalayo na ata ako sa topic a.)

So going back sa title ng mini-blog na ito, sa sumada, we can only PLAN properly if we KNOW OUR NUMBERS right. Right
my friend? 😊

Keep visiting our page at abangan nyo po ang next topic sa Miniblog Series #2 natin – IBA BA ANG ELECTION CAMPAIGN
SA BARANGAY?

Once again ito po si Uncle Edg nagsasabing, “Laging magkwenta. Dahil walang kwenta, ang walang kwenta.” 😊

__________
For POLL SURVEY queries and free quote, please contact us through: fb: Edgepoint Polls | (054) 811.8969 | 0919.008.0689
| edgepoint.solutions.inc@gmail.com.

====

Calendar of activities ng 2023 Barangay and SK Elections

1. August 28 hanggang November 29, 2023 – Election Period, Gun Ban


2023 Barangay Election Mini-blog Series #1

2. August 28 hanggang September 2, 2023 – Filing of Certificate of Candidacy


3. October 19 hanggang 28, 2023 – Campaign Period
4. October 29 hanggang 30, 2023 – Campaign Ban, Liquor Ban
5. OCTOBER 30 – ELECTION DAY, mula 7am hanggang 3pm ang voting hours
6. November 29, 2023 – Huling araw ng pag-file ng SOCE (statement of all contributions and expenditures)

Source: COMELEC, 2023

#BarangayElection2023
#PollSurvey
#Comelec
#PunongBarangay
#SKElection

You might also like