Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag. Sagutan ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba.

Isa sa mga problemang mental na nabubuo kapag nalalayo ay ang homesickness. Ayon
kina Fisher at Hood (1987) na binanggit sa pag-aaral ni Jie Sun (2015) ay hugnayan ng
nagbibigay-malay, pampalakas-loob, pang-emosyonal na anyo na pagkabahala sa
pagdadalamhati, matinding pagnanasa at akupado ng mga iniisip sa tahanan”(p.426). Kasama
ng homesickness ang malakas na pagkaabala sa pag-iisip sa tahanan, madamang kailangang
umuwi, ang dalamhating nararamdaman sa tahanan at ang emosyonal na estado kawalan ng
oryentasyon sa panibagong kapaligiran (Fisher, Murray, & Frazer, 1985 (Sun, 2015)).
Natuklasan din na ang homesickness ay hindi tanging nabuo lang. Sa halip, ito ay sumasakop
sa malawak na karanasan, pag-iisip, nararamdaman at pag-uugali ng bawat isa. Ang
pangunahing binibigyan ng pansin ng homesickness ay ang kapaligiran ng dating tahanan at
kaunti lang ang kabilang sa nakararamdam ng kawalan ng kapanatagan at hindi masaya sa
bagong kapaligiran (Fisher et al., 1985 (Sun,2015)). Ang mga bagong mag-aaral sa kolehiyo
ay nakararanas ng homesickness dumako bilang maging malungkot, kawalan ng kapanatagan
sa kanilang kakayahan upang makipagkaibigan, mapagkakatiwalaang-kaibigan at pagdama sa
maliit na pagtanggap sa pakikipagkapwa (Elizabeth & Sigal, 2001 (Sun, 2015)). – Pastor,
2020

1. Valid ba o hindi and idea o pananaw? Bakit? Magbigay ng mga patunay sa pagsusuri nito. (5pts)
(Hindi hihigit sa 10 pangungusap)

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Pagpapaliwanag/ Patunay Gramatika Kabuoan
3pts 2pts 5pts

SAGOT:

Ang homesickness ay hindi lamang isang ideya kundi isa itong makakatohanan na
nangyayari lalo na sa mga mag-aaral na kagaya ko. Sapagkat mismo ako ay naranasan ang
homesickness sa unang ilang buwan sa kolehiyo ngunit hindi ko masasabi na valid ang pahayag o
ang sulat sa itaas. Dahil ang sanggunian na ginamit ay lumipas nan ang higit sampung taon kaya at
hindi na itong mabisang gawin sanggunian sa isang papel. Makikita na may mga sanggunian na
inilathala sa taong 1987 kung saan malayo na ito sa balidong sors para sa isang papel.
Samakatuwid, hindi valid ang pahayag ng author.

2. Anong uri ng lohikal na pangangatwiran ang pahayag?(2 pts). Ipaliwanag (9 pts) (hindi hihigit sa
10 pangungusap)

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Uri Pagpapaliwanag Gramatika Kabuoan
2pts 6pts 3pts 11pts

SAGOT:

Pabuod na pangangatwiran ang uri ng lohikal na pangngatwiran ang ginamit sa pahayag.


Tumutukoy ang pahayag sa paglalahat na katotohanan at nagbibigay sanhi ng suliranin. Gumamit
ng katibayan at pagpapatunay mula sa iba’t ibang akdang rin ang pahayag na naglalahad ng isang
paksa upang gawing sanggunian kung saan ang mga ito ay nag-uugnay sa bawat kaisipan ng buong
pahayag.

Magbigay ng mga patunay (5 pts)

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Pagpapaliwanag/Patunay Kabuoan
5pts 5pts
SAGOT:

Gumamit ng author ng paksang maiuugnay sa lahat na karaniwan na dinadabas ng bagong


saltang mag-aaral sa kolehiyo. Isinaad rito ang mga dulot ng homesickness sa isang isang
indibidwal upang suriin ang pinakalutang na katangian ng katotohanan na ito ang tumayong sanhi
upang magkaroon ng konklusyon. Nakapaloob din sa pahayag ang mga ibat’t ibang akdang na
nagtayong ebidensya at patunay na nagsaliksik din parehong paksa kaya masasabing
makakatohanan ang pahayag.

3. Anong uri ito ng pagsulat? (3pts) Bakit? Ipaliwanag at magbigay ng mga patunay (5 pts) (hindi
hihigit sa 10 pangungusap)

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Uri Pagpapaliwanag/ Patunay Kabuoan
3pts 5pts 8pts
SAGOT:

Referensyal na pagsulat ang uri ng pagsulat na ginamit. Makikita rito ang mga iba’t ibang
akda upang maging sors o pinanggalingan ng impormasyon ng sulat. Nang sa gayon ay higit na
maiintindihan at lubusang malaman ang impormasyon ng mga mababasa. Ang mga sors ay mula
sa iba’t ibang author na inilathala para maging sanggunian ng sulat o papel. Mapapansin rin ang
estruktura ng tekstong nais ilahad na paksa at nagpapaliwanag ng datos at impormasyon sa
mambabasa.

I. Panuto: Gumawa ng isang modelo ng Interaktib sa Teoryang Pagbasa na ibabatay sa Teoryang


Interaktib ni Rumelhart. (5pts) Ipaliwanag sa loob ng 5 pangungusap(3pts).

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Modelo Pagpapaliwanag Gramatika Kabuoan
5pts 2pts 1pts 8pts

SAGOT:

Dating kaalaman /
Kasanayan sa
Mambabasa o Tagabasa Paghinuha / Teksto o Binabasa
Komprehensyon

Kahulugan

Sa modelong ito ipinapakita na nagkakaroon ng interaksyon sa pagitan ng mambabasa at


binabasa sa pamamagitan ng dating kaalaman ng mambabasa. Ang nakaimbak na kaalaman ng
mambabsa ay madadagdagan ng mas malalim na kaisipan at paghinuha. Samakatuwid,
nagkakaroon ng pag-unawa at komprehensyon ang mababasasa upang mabigyang kahulugan ito.

III. Panuto: Ayusin ang pagkasunod-sunod ng mga panuto. (10pts)

1. Pindutin ang Control V


2. Click insert
3. Itala ang mga datos na ibinigay
4. Buksan ang Microsoft Excel
5. Pindutin ang Control S
6. Ilagay ang Bar Grap sa iyong sagutang papel
7. Click 2d
8. Pindutin ang control C
9. Highlight ang mga tinalang datos
10. Click Bar
SAGOT:
1. Buksan ang Microsoft Excel
2. Itala ang mga datos na ibinigay
3. Highlight ang mga tinalang datos
4. Click insert
5. Click Bar
6. Click 2d
7. Pindutin ang control C
8. Ilagay ang Bar Grap sa iyong sagutang papel
9. Pindutin ang control V
10. Pindutin ang control S

II. Panuto: Batay sa iyong naging sagot sa test III, sundin ang panuto upang masagutan ang test IV
(5pts). Ipaliwanag, hindi lalagpas sa 10 pangungusap (3pts).

Sa loob ng apat na Taon, makikita ang mga grading na nakuha ni Yresh sa asignaturang Filipino

2013-2014 - 95

2014-2015 - 90

2015-2016 - 93

2016-2017 – 88

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Grap Pagpapaliwanag Gramatika Kabuoan
5pts 2pts 1pts 8pts

SAGOT:

96

94

92

90

88

86

84
2013 - 2014 2014 - 2015 2015 - 2016 2016 - 2017

Makikita sa grap ang grado ni Yresh sa asignaturang Filipino sa loob ng apat na taon.
Nakikita sa grap ang pagbago-bago ng grado ni Yresh sa loob ng apat na taon. Inilalahad rito na
nagkaroon siya ng pinakamataas na grado sa taong 2013 – 2014 na samantalang ang
pinakamababang gradong nakuha niya ay mula sa taong 2016 – 2017.

III. Panuto: Batay sa iyong naging sagot sa test IV, ibalangkas ito sa pangungusap na paraan. (5pts)

PAMANTAYAN
Pagbabalangkas Gramatika Kabuoan
3pts 2pts 5pts
SAGOT:

Buksan ng Microsoft Excel bilang unang hakbang. Itala ang mga datos na nagkakalaman
ng grading nakuha ni Yresh sa asignaturang Filipino sa loob ng apat na taon. Bilang sunod na
hakbang, i-highlight ang mga tinalang datos. I-click ang insert na makikita sa kaliwang bahagi. Sa
sunod na hakbang, hanapin ang Bar at piliin ang 2D sa paggawa ng bar grap. I-copy ang grap sa
pamamagitan ng pagpindot sa keyboard ng Control C (Copy). Ilipat ang window sa Microsoft
Document o sa sagutang papel at pindutin ang Control V (Paste). Ang pinakahuling hakbang ay i-
save ang nagawa sa pamamagitang ng pagpindot ng Control S (Save).

You might also like