Professional Documents
Culture Documents
Reviewer For Araling Panlipunan September
Reviewer For Araling Panlipunan September
1776: Naghimagsik ang mga katutubong ito laban sa mga British at kinilala ang mga sarili bilang Amerikano
1783: Nagwagi sila at nakamit ang kasarinlan. Tinawag ang bansa bilang United States of America (USA)
1895: Sumiklab ang himagsikan na Cuba (isang bansa na malapit sa US at kolonya ng Spain)
Hangarin ng himagsikan: Mapatalsik ang mga Espanyol sa Cuba at makamit ang kasarinlan ng bansa
Pebrero 15, 1898: Nakialam ang mg Amerikano sa himagsikan sa Cuba nang sumabog at lumubog ang kanilang
barkong pandigma (USS Maine) sa Havana Bay, Cuba.
Isinisi agad ng mga Amerikano sa mga Espanyol ang pagpapalubog sa USS Maine.
Nakarating kay Komodor George Dewey (Pinuno ng US Aquatic Squadron) na nakabase sa Hong Kong.
(Mensahe ng maglayag patungong Maynila upang was akin ang puwersang Espanyol na nakabase rito)
Epekto ng Digmaang Espanyol-Amerikano: Nais na kunin ng Amerika ang Pilipinas kaya naganap nang isagawa
ang paglusob ng mga Amerikano sa Look ng Maynila (Battle of Manila Bay)
LABANAN SA LOOK MAYNILA:
Mayo 1, 1898: Nilisan (umalis) ng puwersang Amerikano sa Hong Kong at nilusob ang Maynila.
1. Olympia (flagship)
2. Raleigh
3. Baltimore
4. Boston
5. Concord
6. Petrela
Naganap ang labanan sa Look ng Maynila.
Nabigo ang hukbong pandagat ng Espanyol sa pamumuno ni Admiral Patricio Montojo dahil sa lakas ng
hukbong pandagat ni Dewey.
Tuluyan na nasira ang mga barkong pandigma ng Spain at may 381 Espanyol ang nasugatan at nasawi.
Madaling natagumpay ng mga Amerikano ang labanan.
Sa pagkapanalo ng mga Amerikano, nababatid ng mga Espanyol sa Pilipinas na hindi na matatagal ang
pamamahala nila rito.
Sa kabila nito, hindi nila hahayaan na matalo at sumuko sa mga Pilipino, kaya sumuko nalang sila sa mga
Amerikano. Nasa talahanayan 5.1 ang patunayan na gusto makuha ng US ang Pilipinas bilang kolonya.
Pasikretong nakipagsundo si Gobernador Heneral Jaudenes kina Dewey at Wesley Merritt (Amerikanong
Heneral) Sumang-ayon sila sa isasagawang kunwaring labanan (mock battle) kung saan magwawagi ang
mga Amerikano at susuko naman ang Espanyol dito.
Hindi sasali sa labanan ang mga Pilipino sa pamumuno ni Aguinaldo. Isang malaking kahihiyan para sa mga
Espanyol na sumuko sa mga Pilipino.
Kunwaring labanan noong Agosto 13, 1898 kung saan sumuko ang mga Espanyol sa mga Amerikano at
hindi pinayagan ang mga Pilipino na pumasok sa Maynila.
Disyembre 10, 1898- Nilagda ang Kasunduan sa Paris (ang dokumentong nagwakas sa Digmaang Espanyol-
Amerikano)
Pagsuko ng Spain sa US ng mga dating kolonya nito tulad ng Guan, Puerto Rico, at Pilipinas.
Binayaran ng US ang Spain ng halagang 20 milyong dolyar para sa kaunlaran ng Spain sa Pilinas bilang
dating kolonya.
Pag-ubos ng kapangyarihan ng Spain sa Cuba.
Pagbigay ng karapatan sa Spain na makipagkalakalan (trade) sa Pilipinas sa loob ng 10 taon.
- Maitutupad lamang ito kung maraming miyembro sa Senado ng US ay sumasang-ayon dito.
- Pinag-usapan at pinagbobotohan ng mga Senador ng US bago ito tuluyan maitupad.
- Hinahangad na masakop ang Pilipinas ay si William McKinley (pangulo ng US noong panahong iyon).
- Bago ito lagdaan, ipinahayag ni McKinley na ang Pilipinas ay isa sa oportunidad para mas lumawak ang
kalakalan ng US.
- Idinadagdag din nya na ang Pilipinas ay magiging lagusan patungo sa China at iba pang lugar sa Asya.
- Dahil dito, lalawak na ang pamilihan ng US at mabibili na ang kanilang mga produkto.
- Naging instrument rin ang mga paniniwalang ito:
Manifest Destiny:
Paniniwala ng mga Amerikano na may karapatan ang US na pangasiwaan ang North America mula
Antlantic Ocean hanggang Pacific Ocean.
Isa sa dahilan kung bakit nilang gusto sakupin ang Pilipinas.
Sa paniniwalang ito na superyor o mas mataas ang uri ng lahi ng tao kung lahing puti na tulad ng mga
Amerikano.
Sinasabi dito na may tungkulin sila na bigyan ng edukasyon at gawing sibilisado ang ibang tao lalo na ang
mga nasakop na kolonya.
Digmaang Pilipino-Amerikano:
- Sa gabi rin iyon, sinita ni Private William Grayson (isang sunadalong Amerikano) ang mga ibang sundalong
Pilipino sa panulukan (street corner) ng Kalye Sociego at Silencio, Sta. Mesa sa Maynila.
- Pinaputukan ni Grayson ang kaniyang baril ang mga ito. Dahil dito, nagkaroon ng palitan ng putok ng
dalawang panig.
- Sinubukan ni Aguinaldo na makipag-ayos sa mga Amerikano, ngunit nag-utos si Arthur MacArthur
(Amerikanong heneral) na salakayin ang puwersa ng mga tauhan ni Aguinaldo. Ito ang nagpasimula ng
Digmaang Pilipino-Amerikano.
- Pebrero 6, 1899-Nakarating sa US ang balita tungkol sa barilan dito. Nakaapekto ito sa pasya ng Kongreso
kung kaya’t tuluyang pinagtibay ang Kasunduan sa Paris.
- - Dahil dito, napasakamay na ng Amerika ang Pilipinas at gagawin nito ang lahat upang ma-conquer ang
sinomang hindi susunod sa utos ng kasunduan.
- Sa panahong ito, walang nagawa si Aguinaldo kundi tanggapin na ang bansa ay muling haharap sa isang
bagong digmaan, at ito ay ay mas malakas at makapanyarihang mananakop (US).
-Naging marahas (violent) ang digmaan ng mga Pilipino para sa kasarinlan. Buong tapang nila ipinaglaban ang
Republika ng bansa ngunit, nanaig pa rin ang lakas ng sandata at puwersang mlitar ng mga Amerikano.
-Noong sumiklab ang digmaan, sinumulang sakupin ng mga Amerikano ang iba’t ibang parte ng Pilipinas.
- Sa Iloilo, namuno si Hen. Marcus Miller (Amerikanong heneral) sa pagsakop sa Lungsod ng Iloilo. Ito ang
naging signal sa pananakop sa mga pulo ng Visayas.
-Pigura 5.2
- Napilitang umalis si Aguinaldo sa Malolos, Bulacan dahil sa pagsakop ng puwersang Amerikano. Tumakas
siya at itinatag ang isang station ng Republika ng San Isidro, Nueva Ecija.
Antonio Luna- isa sa pinakamagaling na heneral ni Aguinaldo. Kapatid rin siya ni Juan Luna.
- Nang pinamunuan niya ang isang pangkat ng mga sundalong Pilipino noong digmaan, ipinakita niya ang
pag-strikto at mahigpit sa mga ito.
- Ang pangkat ng mga Pilipinong sundalo mula Kawit, Cavite ang nagtanim ng saba ng loob at galit kay Luna.
Tinanggal niya ang puwesto ni Pedro Janolino (pinuno ng Kawit Battalion) at tinanggalan ng armas ang
mga kasamahan nito dahil sa hindi pagsunod nila sa utos niya.
Hunyo 5, 1899- Nakatanggap ng mensahe si Luna galling sa president. Nakasabi dito, inimbitahan siya na
magtungo sa Cabanatuan, Nueve Ecija upang makipagkita kay Aguinaldo at pag-usapan ang gagawng
pagbabago sa pamahalaan.
- Pagdating ni Luna sa lugar, nagulat siya dahil wala ang Pangulo dito. Nabigla rin siya nang makita si
Janolino at ang Kawit Battalion. Pumasok siya sa himpilan at nakita naman niya si Felipe Buencamino.
Nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo na nagputol matapos makarinig ng putok si Luna sa labas. Lumabas
si Luna sa paglabas niya ay napaslang siya ng mga nakaalitang rebolusyonaryo (Kawit Battalion)
ANG BATES TREATY:
- Sa panahon ng digmaan, naganap ang pakikipagkasundo ng mga Amerikano sa Pilipinong muslim.
- Dumating ang puwersang Amerikano sa Sulu upang wasakin ang hukbo ng mga Espanyol sa lugar.
Ipinapahayag ng mga dayuhan na wala silang intensiyon na sakupin at pakialam sa mga pamayanang
Muslim sa Sulu.
Agosto 20, 1899- Nilagdaan ng 2 panig ang Bates Treaty. Pinangunahan ito nina Sultan Jamal-ul Kiram II at
Heneral John C. Bates.
Bates Treaty- ipinagkakaloob ang karapatan at karangalan ng sultan at iba pang pinuno ng Sultan.
Pagtanggol ng mga Amerikano sa Muslim laban sa pagsalakay ng sinomang dayuhan.
- Dahil sa pagkakasunduan na ito, hindi nagging problema ng mga Amerikano ang mga Muslim at
nasasakupang lugar nito habang nakikipaglaban ang mga Pilipino sa hilagang bahagi ng bansa.
Nakapagtayo rin ang mga Amerikano ng himpilan rito. Ngunit, hanggang Marso 4, 1904 lang ang Batas
Treaty. Tuwirang isinailalim ang Mindanao sa kapangyarihan ng US sa kabila ng mga pakikipaglaban ng
mga Pilipinong Muslim.