Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 9
IKATLONG MARKAHAN
Quarter: 3 Week: 5 Day: 1 Activity No.: 9
Pamagat ng Gawain: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong
Pamamahala sa Naimpok
Kompetensi: Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag,
nagpupunyagi sa paggawa, nagtitipid at pinamamahalaan ang
naimpok. EsP9KP-IIIa-11.1
Layunin: Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag,
nagpupunyagi sa paggawa, nagtitipid at pinamamahalaan ang
naimpok
Sanggunian: Jocelyn DR. Andaya, Jose D. Taguinayo Jr. and Luisita B.
Peralta. 2017. Edukasyon sa Pagpapakatao 9.
Valenzuela City: Bloombooks Inc.
Copyright: For Classroom use ONLY
DepED owned materials

KONSEPTO:
Narito ang ilang palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan.

1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.


Ang taong masipag ay hindi nagmamadali sa kaniyang ginagawa. Sinisiguro niya na
magiging maayos ang kalalabasan ng kaniyang gawain. Hindi siya nagpapabaya,
ibinibigay niya ang kaniyang buong kakayahan, lakas at panahon upang matapos niya
ito ng buong husay.

2. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal.


Ang isang taong nagtataglay ng kasipagan ay nagpapakita ng pagmamahal sa kaniyang
trabaho. Ibinibigay niya ang kaniyang puso sa kaniyang ginagawa ibig sabihin
naroroon ang kaniyang malasakit. Hindi lamang niya ito ginagawa upang basta
matapos na lamang kundi naghahanap siya ng perpeksyon dito.

3. Hindi umiiwas sa anumang gawain.


Ang taong masipag ay hindi umiiwas sa anumang gawain lalo na kung ito ay nakaatang
sa kanya. Ito ay ginagawa niya ng maayos at kung minsan ay higit pa na maging ang
gawain ng iba ay kaniyang ginagawa. Hindi na niya kailangan pang utusan o sabihan
bagkus siya ay mayroong pagkukusa na gawin ang gawain na hindi naghihintay ng
anomang kapalit.

Pagsasanay:
1. Ano-ano ang mga indikasyon ng taong nagtataglay ng kasipagan, pagpupunyagi,
pagiging matipid, at wastong pinamahalaan ang naimpok?
2. Paano nakatutulong ito sa tao pagdating sa trabaho?

You might also like