Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 9
IKATLONG MARKAHAN
Quarter: 3 Week: 4 Day: 1 Activity No.: 7
Pamagat ng Gawain: Kagalingan sa Paggawa: Mga Katangian ng Kagalingan sa
Paggawa
Kompetensi: Naipaliliwanag na kailangan ang kagalingan sa paggawa at
paglilingkod upang maiangat ang sarili, mapaunlad ang
ekonomiya ng bansa at mapasalamatan ang Diyos sa mga
talentong Kanyang kaloob. (EsP9KP-IIIh-10.3)
Layunin: Nakapagbibigay ng mga paraan na nagpapakita ng kagalingan
sa paggawa batay sa mga katangian nito.
Sanggunian: Jocelyn R. Andaya, Jose D. Taguinayo Jr. and Luisita B.
Peralta. 2017. Edukasyon sa Pagpapakatao 9.
Valenzuela City: Bloombooks Inc.
Copyright: For Classroom use ONLY
DepED owned materials

KONSEPTO:
Ang paggawa ng isang gawain o produkto ay nangangailangan ng sapat na kasanayan upang
ito ay maisagawa. Kailangang may angking kahusayan ang gagawa nito.

Mga Katangian ng Kagalingan sa Paggawa:


1. Nagsasabuhay ng mga Pagpapahalaga
Ang mga pagpapahalagang ito ang nagsisilbing gabay upang gumawa ng kakaibang produkto
o serbisyo na may kalidad. Ang produktong kanyang lilikhain ay bunga ng kasipagan, tiyaga,
pagiging malikhain at pagkakaroon ng disiplina sa sarili.

2. Nagtataglay ng mga Kakailanganing Kasanayan


Upang maisakatuparan ang mga mithiin sa buhay at magtagumpay sa anomang larangan,
kailangang pag-aralan at linangin ang mga kakailanganing kakayahan at katangian tulad ng:
kakayahang magbasa, magsulat, magkwenta, makinig at magsalita, at ang pagkakaroon ng
mayamang kaisipan na gagabay sa iyo upang maging sistematiko at malinang ang tatlong
yugto ng pagkatuto: pagkatuto bago ang paggawa, pagkatuto habang gumagawa, at
pagkatuto pagkatapos gawin ang isang gawain.

3. Nagpupuri at Nagpapasalamat sa Diyos


Ang pinakamahalaga sa lahat upang masabi na ang paggawa ay kakaiba, may kalidad at
kagalingan kung ito ay ayon sa kalooban ng Diyos. Kapag ganito ang natatak sa iyong isipan,
pagbubutihan at paghuhusayan mo ang lahat ng iyong gawain at ang balik nito ay pagpapala
mula sa Diyos.

Pagsasanay:
1. Ano-anong mga pagpapahalaga ang naisabuhay mo na at kailangan mo pang malinang?
2. Ano-anong mga pamamaraan ang iyong gagawin upang magkaroon ng kalidad at
kagalingan ang iyong gagawing produkto o ibibigay na serbisyo?
3. Itinuturing mo bang paraan ng pasasalamat at pagpuri sa Diyos ang iyong gawain? Sa
papaanong paraan mo ito isinasabuhay?

You might also like