Fil4 Q2 Week7 Aral13 14

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Elementarya

Elementary
Baitang
Baitang 44

Filipino

SANAYAN SA FILIPINO
Ikalawang Kwarter-Linggo 6-Aralin
Ikalawang Kwarter-Linggo 7-Aralin 11
13-14

Paggamit ng Panagano ng Pandiwa –Pawatas –


Pautos at Pagsunod sa Panuto Gamit ang Dayagram

Baitang
Baitang4-Filipino
4-Filipino
Kompetensi:
Kompetensi:Nagagamit
Nagagamitang
angpanagano
panaganong
ngpandiwa
pandiwa–pawatas-pautos
–pawatas-pautosatatnakasusunod
nakasusunodsasapanuto
panuto 1
gamit
gamitang
angdayagram
dayagram(F4WG-IId-g-5;
(F4WG-IId-g-5;F4PU-IIf-2);
F4PU-IIf-2);Nagagamit
Nagagamitnang
nangwasto
wastoang
angpang-abay
pang-abaysa
sa
pangungusap,
pangungusap,(F4WG-IIh-j-6)
(F4WG-IIh-j-6)
Filipino - Baitang 4
Sanayan sa Filipino
Paggamit ng Panagano ng Pandiwa – Pawatas – Pautos at Pagsunod sa
Panuto Gamit ang Dayagram
Paggamit nang Wasto ng Pang-abay sa Pangungusap
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Sanayan sa Filipino o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin


ng mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan
ng Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay
ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Development Team of Sanayan sa Filipino

Writers: Mark John A. Belleza, Rogelio B. Ticar


Florence Therece Fasomingo, Lowela Santisteban
Nhisty Grace Claridad, Leah Declaro, Shela Rose Grandeza
Carlo Legaspina, Nanette Lozada & Irish Kay Gico

Illustrators: Mel June Flores & Mary Clarence Madero

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor & Eladio J. Jovero

Division Quality
Assurance Team: Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan
Armand Glenn S. Lapor, Rogelio B. Ticar

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason, Jr.


Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Dr. Marites C. Capilitan

Baitang 4-Filipino
Kompetensi: Nagagamit ang panagano ng pandiwa –pawatas-pautos at nakasusunod sa panuto 2
gamit ang dayagram (F4WG-IId-g-5; F4PU-IIf-2); Nagagamit nang wasto ang pang-abay sa
pangungusap, (F4WG-IIh-j-6)
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino, Baitang 4.

Ang Sanayan sa Filipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at


sinuri ng mga dalubhasa mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga
Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ka, at ang mga gurong tagapagdaloy
na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum
ng K to 12.

Layunin ng Sanayan sa Filipino na mapatnubayan ang mga mag-aaral sa


malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan sila upang malinang at makamit ang
panghabambuhay na mga kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang


pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro,
tiyaking maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan
o sasagutan ang mga gawain sa kagamitang ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka
sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon ka ng kalayaan na pag-aralan
ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa kagamitang ito. Basahin at unawain
upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa bawat gawain ay isulat sa hiwalay na


papel.

Baitang 4-Filipino
Kompetensi: Nagagamit ang panagano ng pandiwa –pawatas-pautos at nakasusunod sa panuto 3
gamit ang dayagram (F4WG-IId-g-5; F4PU-IIf-2); Nagagamit nang wasto ang pang-abay sa
pangungusap, (F4WG-IIh-j-6)
Paggamit ng Panagano ng Pandiwa – Pawatas – Pautos at
Pagsunod sa Panuto Gamit ang Dayagram
Magandang araw sa iyo! Kumusta Po!

Pagkatapos mong pag-aralan ang paggamit ng aspekto (panahunan) at


pokus ng pandiwa sa pagsasalaysay ng nasaksihang pangyayari ay dadako naman
tayo sa panibagong aralin.

Sa araling ito inaasahang matutuhan mo ang paggamit ng panagano ng


pandiwa –pawatas –pautos sa pangungusap at wastong pagsunod sa panuto
gamit ang dayagram (F4WG-IId-g-5; F4PU-IIf-2).

Handa ka na ba? Halika’t ating sagutan ang mga katanungan sa ibaba.

.
TUKLASIN NATIN

Gawain 1
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang panlaping maikakabit sa pandiwang ginamit sa
pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

um- -an mag- ma- mang-


i- ipag- -han -in -hin

1. Ibig kong _____ bili kita ng bagong damit.


2. Palit _____ natin ang kurtina.
3. Huwag mong kalimutan na _____ sulat ang pangalan mo.
4. Bura_____ mo ang maling sagot sa iyong modules.
5. _____sabit na kayo ng mga banderitas.
6. Huwag ninyong galaw_____ ang ulam para sa kapatid niyo.
7. _____alis ka na habang maaga pa.
8. Gusto ba ninyo akong sama_____ sa perya?
9. Ang tao kapag lasing ay _____ hilig sa gulo.
10. Kabit_____ mo ng palawit ang parol para mas lalong gumanda.

Baitang 4-Filipino 1
Kompetensi: Nagagamit ang panagano ng pandiwa –pawatas-pautos at nakasusunod sa panuto
gamit ang dayagram (F4WG-IId-g-5; F4PU-IIf-2);
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang kuwento. Sagutin sa ibaba ang mga panuto sa
bawat bilang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

‘Yan si Bunso!
Sinulat ni: Rogelio B. Ticar

Bawat tao ay isinilang na may angking kakayahan at talino. Isa na rito ang
bunso namin. Napakahusay niyang tumugtog ng piyano. Siya palagi ang
kumakatawan sa kanilang paaralan. At siya rin ang pinakamatinik sa kanilang
klase sa Ikaapat na Baitang. Kaya nga, hangang-hanga sa kanya ang kanyang
tagapayo na si Bb. Posadas.
Lingid sa kaalaman ng lahat, maliban sa pagtugtog ng piyano, ay may iba
pang hilig si Bunso. Gustong-gusto rin niyang magbasketbol. Hangang-hanga siya
sa galing ng kanyang matalik na kaibigang si Jorge.
Isang araw, niyayang mag-ensayo ni Jorge si Bunso ng basketbol. Sa
kanilang paglalaro ay hindi nakaagaw man lang ng bola si Bunso. Kung siya man
ang may hawak ng bola, lagi naman siyang naaagawan. At kung libre naman, sa
tatlong tira, wala ni isa siyang naisyut na bola.
Umuwing malungkot si Bunso dahil sa resulta ng kanyang pag-ensayo.
Kaya naman, buong pusong ipinaliwanag sa kanya ni Nanay na bawat tao ay may
kani-kanyang galing o talino. Maaaring hindi siya magaling sa basketbol, pero
napakagaling at napakahusay naman niya sa pagtugtog ng piyano.

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga pahayag. Sundin ang panuto na
isinasaad sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang instrumentong pangmusika ang tinutugtog ni Bunso? Isulat sa loob


ng parisukat ang pangalan ng instrumento.
2. Isulat ang larong hilig ni Bunso. Iguhit sa kanan ng iyong sagot ang bagay na
gamit sa paglalaro nito.
3. Ilang beses nakasyut si Bunso noong sila’y nagpraktis ni Jorge? Isulat sa loob
ng isang tatsulok na nasa loob ng isang kahon.
4. Babae ba o lalaki ang gurong tagapayo ni Bunso? Kung babae, gumuhit ng
tatlong bituin; kung lalaki, gumuhit ng dalawang araw.
5. Ano ang sinasabi ni Nanay kay Bunso? Isulat sa parihaba na may tatsulok sa
ibabaw at sa ilalim.

Nasagot mo ba lahat ang mga gawain? Ano ang dapat mong gawin para
malaman mo ang angkop na pandiwa ayon sa pangaano nito at masunod nang
wasto ang mga panuto?

Heto, alamin mo.

Baitang 4-Filipino 2
Kompetensi: Nagagamit ang panagano ng pandiwa –pawatas-pautos at nakasusunod sa panuto
gamit ang dayagram (F4WG-IId-g-5; F4PU-IIf-2);
ALAMIN NATIN

Panagano ng Pandiwa

Ang panagano ay nagpapakilala ng kabagayan ng pagkakaganap ng


gawain o kilos na ipinahihiwatig ng salitang-ugat.
Tatalakayin lamang natin dito ang dalawa sa mga pangaano o panagano
ng pandiwa.
1. Pawatas – ang panagano ng pandiwa ay pawatas kung ito ay binubuo ng
salitang-ugat at ng panlaping makadiwa. Tandaang ang
pandiwang nasa ganitong panagano ay walang banghay.
Hal:
1. Nakapapagod ang maglakbay.
2. Lahat tayo ay dapat matulog nang maaga.
2. Pautos – ang panagano ng pandiwa ay pautos kung ito kaanyo rin ng
pawatas ngunit nagbibigay ng diwang nag-uutos, nakikiusap, o
nagpapagawa ng kilos o gawain.
Hal:
1. Umalis ka riyan at natatapakan mo ako.
2. Ikuha mo ako ng tubig.

Pagsunod sa Panuto

Ang pagsunod sa panuto ay mahalaga sapagkat naisasagawa natin nang


tama ang isang gawain. May mga pagkakataon namang mali ang ating ginagawa
dahil hindi natin nasunod ang tamang panuto. Kaya ugaliin nating sundin at
unawaing mabuti ang panuto upang lagi tayong maging tama sa ating mga gawain
tulad ng pangkatang-gawain, paggawa ng proyekto, pagsusulit at iba pa.

Ngayon, alam mo na ang pagtukoy sa mga panagano ng pandiwa – pawatas


at pautos, at pagsunond nang tama sa mga panuto handa ka na ba sa mga susunod
na pagsasanay? Huwag kang mag-alala, madali lang iyon.
Sanayin mo pa nang mabuti ang iyong sarili para mas lalo mo pang
maunawaan ang aralin
Halika na at magsanay ka!

Baitang 4-Filipino 3
Kompetensi: Nagagamit ang panagano ng pandiwa –pawatas-pautos at nakasusunod sa panuto
gamit ang dayagram (F4WG-IId-g-5; F4PU-IIf-2);
SANAYIN NATIN

Gawain 1
Panuto: Punan ng angkop na pandiwa ang patlang upang mabuo ang diwa ng
pangungusap. Tukuyin kung pawatas o pautos ang panagano ng
pandiwang ginamit. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Maisasakatuparan na rin ang planong (suporta) ____________ ang


pagpapaganda ng parke at basketball court.
2. Dapat tayong (dasal) _____________ na mailayo tayo sa kapahamakan.
3. (Mahal) ________ mo ang iyong mga magulang dahil utang mo sa kanila ang
iyong buhay.
4. May pupuntahan ang nanay ngunit pag-alis niya hinabilin niya sa akin na
(plantsa) ________ ko ang aking uniporme.
5. (Balat) ___________ mo muna ang saging bago mo kainin

Gawain 2
Panuto: Suriing mabuti ang dayagram. Sundin ang panuto sa bawat bilang sa tulong
ng dayagram sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

S
a
n
Simbahan t
o Robert
l Barber Sandra’s Milk Tea
a Shop
n

Kalye Mabini Kalye Luna

Paaralang Elementarya Ng Sua T RIZAL AQUA STORE


I

Baitang 4-Filipino 4
Kompetensi: Nagagamit ang panagano ng pandiwa –pawatas-pautos at nakasusunod sa panuto
gamit ang dayagram (F4WG-IId-g-5; F4PU-IIf-2);
Panuto: Sagutin ang mga tanong at sundin ang mga panuto.
1. Ano ang pangalan ng subdibisyon? Isulat sa isang parihaba.
2. Ano ang pangalan ng bilihan ng tubig na maiinom? Isulat at gumuhit ng baso
na may lamang tubig sa tabi nito.
3. Ano ang katabi ng Robert’s Barber Shop? Isulat at bilugan ang mga patinig na
makikita dito.
4. Ano ang makikita sa pagitan ng Kalye Mabini at Atis? Isulat at gumuhit ng
watawat sa kaliwang bahagi nito.
5. Ilan lahat ang bahay na makikita sa loob ng Smart Village Subivision? Gumuhit
ng hugis-puso at isulat sa loob nito ang bilang.
6. Kung ikaw ay nakatira sa loob ng Smart Village Subdivision, at nais mong
magsimba, saan ka pupunta? Isulat ang sagot sa loob ng parihaba.
Naging madali ba ang iyong pagsagot? Ano ang pakiramdam na nasagot mo
lahat ang mga pagsasanay? Nasanay ka na ba nang wasto? Ngayon, puwede mo
nang matingnan ang susi sa pagwawasto.
Pagkatapos mong maiwasto ang iyong ginawa, puwede ka nang dumako sa
Tayahin Natin.

TAYAHIN NATIN

Gawain 1
Panuto: Piliin ang tamang pandiwa na bubuo sa diwa ng pangungusap. Tukuyin
kung pawatas o pautos ang panagano ng pandiwang ginamit sa
pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
Halimbawa sa bilang 1: A. maipasa - pawatas
1. Kung ___________ mo ang pagsubok sa buhay ay magtatamo ka ng
tagumpay.
A. maipasa C.ipasa
B. pasahan D. magpasa
2. Nararapat ___________ ang lahat dahil para rin sa ating kabutihan
at kaunlaran ng ating bansa.
A. makipagtulungan C. tulungan
B. magtulungan D. tutulungan
3. ___________ natin ang ating mga karapatang tinatamasa nang sa
gayon mamamayani ang kapayapaan sa bansa.
A. labanan C. lumaban
B. maglalaban D. ipaglaban
4. Tingnan mo ang bunga ng ating pagsisikap, __________ mo ang iyong
mga mata.
A. magmulat C. imulat
B. iminulat D. nagmulat

Baitang 4-Filipino 5
Kompetensi: Nagagamit ang panagano ng pandiwa –pawatas-pautos at nakasusunod sa panuto
gamit ang dayagram (F4WG-IId-g-5; F4PU-IIf-2);
5. ____________ mo nang mabuti ang mga payo na ibinahagi ko kung paano
kumita ng pera sa negosyo.
A. pinag-aralan C. pag-aralan
B. pag-aaralan D. mag-aral
Gawain 2
Panuto: Sundin ang panuto sa bawat bilang sa tulong ng dayagram sa ibaba. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Kung ikaw ay nakaharap sa Kalye Mabolo at lumakad pakaliwa, anong kalye


ang mararating mo? Isulat at salungguhitan ang iyong sagot.
2. Isulat at ikulong sa bilog ang katapat ng barangay hall sa Kalye Duhat.
3. Kung ikaw ay nasa subdibisyon at gusto mong bumili ng tinapay, saan ka
bibili? Isulat sa gitna ng dalawang kalye kung saan ito matatagpuan.
4. Anong kalye ang nasa gitna ng Kalye Mabolo at Kalye Duhat? Isulat at
bilugan ang una at huling letra nito.
5. Ano ang katabi ng Botica de Sta. Rosa? Isulat at gumuhit ng isang maliit na
bote sa kanan nito.
6. Ano ang katabi ng barangay hall? Isulat at bilugan ang letra na may
pinakamaraming bilang dito.

Magaling! Binabati kita sa iyong pagsagot. Ipagpatuloy mo ang mabuti mong


nasimulan sa susunod na aralin.

Baitang 4-Filipino 6
Kompetensi: Nagagamit ang panagano ng pandiwa –pawatas-pautos at nakasusunod sa panuto
gamit ang dayagram (F4WG-IId-g-5; F4PU-IIf-2);
Aralin 14

Paggamit nang Wasto ng Pang-abay sa Pangungusap

Pagkatapos mong pag-aralan ang paggamit ng panagano ng pandiwa –


pawatas –pautos sa pangungusap at wastong pagsunod sa panuto gamit ang
dayagram ay dadako naman tayo sa panibagong aralin.

Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang paggamit nang wasto ng


pang-abay sa pangungusap (F4WG-IIh-j-6).

Handa ka na ba? Halika’t ating sagutan ang mga katanungan sa ibaba.

.
TUKLASIN NATIN

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang kuwento. Pagtuunan ng pansin ang
mga salitang nakasalungguhit sa pangungusap. Sagutin ang mga
katanungan sa susunod na pahina.

Ang Maya sa Puno ng Papaya


ni: Rogelio B. Ticar

Ilang araw ko nang pinagmamasdan ang puno ng papaya sa likod ng aming


bahay. Hitik na hitik ng bunga at ilang araw na lang alam kong malapit na ang mga
itong mahinog.
Isang araw sa aking pagbisita, nakita ko ang dalawang maya na masayang
nag-aawitan sa puno ng papaya. Animo mga batang paslit na nakakita ng masarap
na pagkain. Mabilis na lumundag ang isa papunta sa pinakaibabaw na bunga. Ang
isa ay paharurot na lumipad palayo.
Tahimik kong pinagmamasdan ang naiwang ibon. Dahan-dahang akong
lumapit at umikot sa kabila para tingnan kung ano ang ginagawa ng isa. Talagang
nagulat ako sa aking nakita. Matiyagang pinagtutuka nito ang hinog na papaya.
Maya’t maya pa ay may dumating! Maingay na dumapo sa sanga ng papaya ang
tatlong maya. Sabik na pinagtulungan nilang tukain ang hinog na bunga ng papaya.
Palihim akong umalis at napangiti na lamang sa nasaksihan. Alam ko na
kung bakit umalis ang isa. Ikaw ba naman kung makakita ka ng pagkain na sadyang
napakasarap lantakin.

Baitang 4-Filipino 1
Kompetensi: Nagagamit nang wasto ang pang-abay sa pangungusap, (F4WG-IIh-j-6)
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Anong salita ang inilalarawan ng masaya?


A. puno B. maya C. nag-aawitan
2. Ano ang binibigyang-turing ng salitang mabilis?
A. lumundag B. papunta C. bunga
3. Ano ang inilalarawan ng salitang palihim?
A. umalis B. napangiti C. nasaksihan
4. Aling salita ang naglalarawan o nagbibigay turing sa pang-uri?
A. sadya B. sabik C. dahan-dahan
5. Anong salita ang inilalarawan o binibigyang-turing ng matiyaga?
A. pangngalan B. pang-uri C. pandiwa
6. Ano ang tawag sa mga salitang nakasalungguhit?
A. pang-uri B. pandiwa C. pang-abay

Gawain 2
Panuto: Bigyang pansin ang mga salitang may diin na nakasalungguhit sa talata.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Ang pamahalaan ay masusing nag-iisip kung paano mabibigyan ng


proteksyon ang lahat. Dito sa Pilipinas ang programa ng pangulo ay tunay na
maganda para sa bayan. Kailangan lamang ay ang pagkakaisa at pagtutulungan
dahil sadyang mahirap gawin ang magagandang layunin kung walang suporta ng
nagpapatupad.

1. Ang mga salitang nakasalungguhit sa talata ay ________.


A. pandiwa C. pang-uri
B. pang-abay D. panghalip
2. Alin ang salitang naglalarawan sa kapwa pang-abay?
A. masusi C. sadya
B. tunay D. maganda
3. Anong salita ang binibigyang-turing ng tunay?
A. pandiwa C. pang-abay
B. pang-uri D. pangngalan
4. Ang sadya ay naglalarawan sa ________.
A. pang-abay C. pang-uri
B. pandiwa D. pangngalan
5. Ang masusi ay naglalarawan sa ________.
A. pamahalaan C. proteksyon
B. nag-iisip D. lahat

Baitang 4-Filipino 2
Kompetensi: Nagagamit nang wasto ang pang-abay sa pangungusap, (F4WG-IIh-j-6)
Nasagutan mo ba nang tama ang bahaging tuklasin? Magaling! Ngayon,
maaari mo nangtingnan ang susi sa pagwawasto.
Alam mo ba kung anong mga pagsasanay ang ginawa mo? Heto, alamin mo.

ALAMIN NATIN

Ang pang-abay- ay bahagi ng panalita na nagbibigay-turing o naglalarawan


sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.
Halimbawa:
 Pang-abay na nagbibigay-turing sa pandiwa.

Mabilis na nagpasya ang Munting Prinsipe.


PA PD

 Pang-abay na nagbibigay-turing sa pang-uri.

Lubhang maganda sa pandinig ang ating wika.


PA PU

 Pang-abay na nagbibigay-turing sa kapwa pang-abay.

Talagang marunong magsaliksik ang siyentipiko.


PA PA PD

Ngayon na alam mo na kung paano kilalanin at gamitin ang pang-abay sa


pangungusap, handa ka na ba sa mga susunod na pagsasanay? Huwag kang
mag-alala, madali lang iyon.
Ngayon sanayin mo pa nang mabuti ang iyong sarili para lalo mo pang
maunawaan ang aralin.
Halika na at magsanay ka!

Baitang 4-Filipino 3
Kompetensi: Nagagamit nang wasto ang pang-abay sa pangungusap, (F4WG-IIh-j-6)
SANAYIN NATIN

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat pangungusap. Tukuyin ang
angkop na pang-abay upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. __________ gawin ang magagandang layunin kung walang suporta ng
nagpaptupad.
A. madali C. mabagal
B. mahirap D. malakas
2. Hindi _________ mag-alay ng serbisyo ang mga magulang sa kanilang anak.
A. magsasawang C. mabilis
B. maingat D. magpapatalo
3. ________ na tapat ang pagmamahal na ibinigay ng ating magulang.
A. tunay C. labis
B. makabuluhan D. sadya
4. Tumatagos nang ________ ang mensahe ng tagapagsalita sa aking puso’t
isipan.
A. labis B. buo C. matindi D. kulang
5. Araw-gabi kang mag-iisip nang __________ sa tuwing may bagyong
dumarating.
A. matindi C. mabigat
B. masama D. magaan
Gawain 2
Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Salungguhitan ang pang-abay at bilugan ang
salitang inilalarawan nito. Isulat sa patlang ang PD, kung pandiwa, PU,
kung pang-uri at PA kung kapwa pang-abay ang mga salitang binilugan.
Kopyahin ito sa iyong sagutang papel.

______ 1. Masarap pa ring manirahan sa sariling bayan.


______ 2. Tunay na dakila ang mga bagong bayani sa panahon ng pandemya.
______ 3. Sadyang mahirap kalimutan ang mapait na pangyayari sa ating buhay.
______ 4. Tunay na malalakas ang loob ng mga nangingibang bansa.
______ 5. Malungkot na hinarap ng mga Bicolano ang nangyaring kalamidad.

Madali mo bang nasagot ang mga pagsasanay? Magaling! Binabati kita sa


iyong pagsagot. Maaari ka nang dumako sa Tayahin Natin.

Baitang 4-Filipino 4
Kompetensi: Nagagamit nang wasto ang pang-abay sa pangungusap, (F4WG-IIh-j-6)
TAYAHIN NATIN

Gawain 1
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang pang-abay na angkop sa diwa ng pangungusap.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

sabik sobra tapat


mahusay patiyad maliwanag

1. Ang bata ay __________ na yumakap sa inang matagal nang hindi nakita.


2. Si Jenna ay __________ na naglahad ng kanyang ulat kaya naintindihan ng
kanyang guro ang bawat paglalahad niya.
3. ___________ na inilabas ng ina ang malikot na anak sa sinehan nang ayaw
nitong sumunod.
4. ___________ rumampa ang mga kandidata ng Miss Universe.
5. Tunay na _________ magmahal ang binata sa dalaga.

Gawain 2
Panuto: Bumuo ng pangungusap gamit ang pang-abay batay sa mga larawan sa
ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. ________________________________

2. _________________________________

Baitang 4-Filipino 5
Kompetensi: Nagagamit nang wasto ang pang-abay sa pangungusap, (F4WG-IIh-j-6)
3. __________________________________________

4. __________________________________________

5. __________________________________________

Magaling! Binabati kita sa iyong pagsagot. Ipagpatuloy mo ang mabuti mong


nasimulan sa susunod na aralin.

Baitang 4-Filipino 6
Kompetensi: Nagagamit nang wasto ang pang-abay sa pangungusap, (F4WG-IIh-j-6)
Susi Sa Pagwawasto

Aralin 13
Tuklasin Natin Sanayin Natin
Gawain 1 Gawain 1
1. i- 1. suportahan - pawatas
2. –an 2. magdasal - pawatas
3. i- 3. mahalin - pautos
4. –hin 4. plantsahin - pautos
5. mag- 5. balatan - pautos
6. –in Gawain 2
7. um- 1. Smart Village Subd.
8. –han
9. ma-
10. –an 2. RIZAL AQUA STORE
Gawain 2
1.
piano

3.Sandra’s Milk Tea


2. basketbol -

3. wala 4. Paaralan ng Elementarya ng Sua

4.
11
5.

5. Bawat tao ay may kani-kanyang galling o 6. simbahan


talino.

TAYAHIN NATIN
(Ang guro ang magwawasto sa bahaging ito)

Baitang 4-Filipino 1
Kompetensi: Nagagamit nang wasto ang pang-abay sa pangungusap, (F4WG-IIh-j-6)
Susi sa Pagwawasto
Aralin 14
Tuklasin Natin
Gawain 1
1. C
2. A
3. A
4. A
5. C
6. C

Gawain 2

1. B
2. C
3. B
4. A
5. B

SANAYIN NATIN

Gawain 1

1. B
2. A
3. A
4. A
5. B

Gawain 2

PD 1. Masarap pa ring manirahan sa sariling bayan.


PU 2. Tunay na dakila ang mga bagong bayani sa panahon ng pandemya.
PA 3. Sadyang mahirap kalimutan ang mapait na pangyayari sa ating buhay.
PU 4. Tunay na malalakas ang loob ng mga nangingibang bansa.
PD 5. Malungkot na hinarap ng mga Bicolano ang nangyaring kalamidad.

Baitang 4-Filipino 2
Kompetensi: Nagagamit nang wasto ang pang-abay sa pangungusap, (F4WG-IIh-j-6)

You might also like