Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Madaming kasaysayan ang mayroon sa ating musika dito sa Pilipinas.

Mula pa lamang sa
kapanahunan ni Marcos ay umusbong na ang mga awitin. Ito ay ginawang aliwan upang
makalimot sa mga nararanasan sa pang araw araw na buhay. Noong 1970s pa lamang ay
madaming ng kanta ang ipinapalabas, ito ay nagsimula sa tinatawag na Manila Sound noon.
Mga kantang may ibat ibang genre tulad na lamang ng kundiman, opm, jazz, at jukebox. Mga
kantahang tagos sa puso at tiyak na maaliw ka at makaka relate ka kung pakikinggan. Ito ay
ginawang instrumento upang pansamantalang makaiwas sa mga problemang kinakaharap sa
lipunan. At mga tunog na chill at soft disco na nakaka indak at mga liriko na nakaka relate sa
tunay na pangyayari. Tulad na lamang ng mga kantahang Perslab, you make me blush, Manila,
Annie batung bakal, Anak at marami pang iba. Dahil dito madaming naging impluwensiya ang
mga naunang awitin sa album na “Ikaw Lamang” ni ZsaZsa Padilla. Mula sa mga awiting
magpaka kundiman na mayroong pangugulila at pagnanasa na tiyak na tatatak pusot isip ng
mga tagapakinig. Isa ring naging impuwensiya ng manila sound sa album ay ang mga tunog na
ginamit dito, tulad sa kantang “Mambobola” kung papakinggan ay may pagka upbeat ang
tunog, nakakaindak at napaka mapakahulugan ang lyrics na mga ginamit. Isa rin ay ang parehas
na pagkakaroon ng personang babae sa bawat awitin. Makikita na sa mga lumang awitin ay mga
sawing babae at mga palaban na babae sa pagibig ang ipinapahiwatig sa kanta, sa album ay
ganoon din lamang katulad ng babaeng martir, babaeng alipini at babaeng natamo ang pag ibig.
Ito makikita at masusuri sa bawat kanta ni zsazsa padilla tulad ng mambobola, ikaw lamang,
hiram, at minsa pa. kaya kung pakikinggan ang album na “ikaw lamang” ay tiyak na
makakarelate ang mga taga pakinig dahil ito ay tumatagos sa puso at nakaka chill ng saloobin.

Sa anggulong sekswalidad, sinasalamin na ang relasyon ng prodyuser/komposer-


babaeng singer sa album ang dynamics ng lalaki at babae sa lipunang patriyarkal. Makikita na
hindi nawawala ang sistemang patriyarkal kahit sa relasyon ng prodyuser at mang await na
babae, mapapansin na ang lalaki ang gumagawa ng liriko ng kanta, sila ng kompositor sa kanta
na inaawit ng kababaihan. Katulad na lamang sa mga kanta ni ZsaZsa Padilla lalaki ang
karamihan na gumagawa ng kanyang kanta at nag mamaniobra sa kanyang mga musika. At siya
lamang at kumakanta ng mga ito at hindi niya lubos na pagaari ang wika ng kanyang tinig.
Makikita na para lamang siyang bilanggo ng mapanikil na sistemang patriyarkal. At sa bawat
mga kantang isinasabuhay ay pumapatungkol ito sa mga personang mga kababaihan na nag
papakamartir, alipin ng pag ibig, at tagapawi ng problema at ligalig. Ngunit kung mamasdan ang
lalaki sa kanta ay nang iiwan lamang at hindi responsible sa mga Gawain at hindi mo makikita.
Lalaki ang nagmamataas Tila ba puro babae na lamang ang siyang nagsasakripisyo na dapat ay
kalalakihan rin. At para bang ikinakahon ang imahe ng mga kababaihan sa paraaang gustong
ipalabas ng mga lalaki upang mapanatili ang kanilang dominasyon at kapangyarihan sa lipunan.

Kung pakikinggan at uunawaing mabuti ang mga kanta ng yano tulad ng “kamusta na”, “Esem”,
“State u”, “Iskolar ng bayan”, “Trapo”, at “Mcjo” ay madaming gustong ibahagi at ipahiwatig.
Madaming mga malalim na pakahulugan at mga nilalaman na pumapatungkol sa ating
kalagayan sa lipunan. Ang mga kantang ito ay nagbabahagi ng mga tema patungkol sa mga
nangyayari sa lipunan, mga sitwasyon at kalagayan ng bawat mamamayan, mga mamayan na
hindi makabili ng mga pangangailangan, mga mamamayan na naghihirap sa trabaho, patungkol
sa mga namumuno na hindi patas at sa edukasyon na mayroon tayo na tila ba ay hindi na
nakakatulong sa ating pag usbong.

Kung iisa isahin ang nilalaman ng bawat kanta, unahin na natin ang kantang “Kamusta
Na” ito naglalaman patungkol sa EDSA PEOPLE POWER na naganap noong 1986. Ito ay
pumapatungkol sa sitwasyong ng sambayanang Pilipino o kalagayan ng bawat Pilipino matapos
ang EDSA Revolution. Kamusta na nga ba ang sitwasyon ng bawat mamamayang pilipino may
pagbabago bang nagaganap o wala. Kung titignan natin ang kalagayan ng lipunan ngayon
masasabing may babago, nakalaya tayo sa mga karanasan na naranasan natin sa nakaraan
ngunit patuloy parin nating nararanasan ang mga naiwan na sitwasyon. Tulad na lamang ng
patuloy na pagbabayad natin ng utang at patuloy na pagkalaki na patuloy rin na binabayaran ng
mga mamamayang Pilipino. Kung dadako naman tayo sa kantang “Esem” pinapahiwatig nito na
tayong mga Pilipino ay mahilig pumunta sa mga malls kahit na walang pera basta
makapagpalamig lang. Tubig lang sa food court ay okay na dahil lilipas rin naman ang gutom
kapag nalibang ka na. Naipapakita lang na madaming Pilipino ang naghihirap at patuloy na
nakararanas ng kahirapan, mas pinipili nilang magpalamig at ilibang ang sarili makalimot
lamang sa problema kahit pansamantala lamang. Sa kantang “State U” ito pumapatungkol sa
sitwasyon ng Unibersidad na pinapasukan ng bawat studyante. Sinasabi na mas binibigyang
pansin ang pagpapaganda ng skwelahan at mga kagamitan kesa sa kahusayan ng pagtuturo sa
magaaral. hindi nabibigyang diin sa pagsasaayos ng edukasyon at puro studyanteng de kotse
ang nangingibabaw. Dito naipapakita ang bulok na Sistema ng ilang mga state university mula
sa pagtaas ng mga tuition fee, administration policy at mga bulok na facilities o laboratories na
kailangan ng mga studyante. Pinapakita rin ang hindi pantay na prebilehiyo ng mga mahihirap na
studyante kesa sa mga mayayaman. Sa kantang “Iskolar ng Bayan” ito ay pumapatungkol sa mga
irresponsabaleng mga studyante at bilang iskolar na hindi naaayon sa kakayahan ng isang mag aaral.
Mga nasa mataas at kilalang unibersidad ngunit hindi responsableng mga studyante na tila ba umaasa
lamang sa mga kapwa studyante at sa pagpapasipsip sa mga guro. Pinapahiwatig na naka graduate ka
ngunit wala sa tama at angkop na kaalaman ang iyong dalang mga natutunan. Matatanggap sa trabaho
dahil galing sa kilalang unibersidad ngunit hindi naipamalas ang kasanayanan na kinakaialangan. Ang
kantang “Trapo’ ay tumutukoy sa mga ganid na traditional politician. Mga politician na lumalabas
lamang kapag araw na ng eleksyon. Nagsasabi ng mga mabubulaklak na salita upang maibahagi sa mga
mamamayan ngunit kapag nakuha na ang gusto at nanalo na sa nais na posisyon ay tila ba bula na bigla
na lamang nawawala. Walang nagawa para sa ikauunlad ng lipunan puro pahayahay sa buhay, kung
kailangan ay tila ba bingi na hindi marinig ang hinaing ng sambyanan. Madaming kalokohan ngunit dahil
sa kapangyarihan ay napagtatakpan at nalilinis ang pangalan. Mga politiko na kurakot at kurap ang
sinasabi sa kantang ito dahil sila lag nakikinabang sa dapat na sa mamamayan. Kaya nga ang lipunan
natin ay hindi umuunlad dahil na rin sa katulad nilang politiko. At ang panghuling kantang “Mcjo” ay
tungkol sa makapitalistang food chains na ginagawang kabayo ang mga kawawang estudyante na
gustong kumita ng pera para may pangtustos sa pag aaral. Hindi lamang ito pumapatungkol sa mga
studyante kung pagiisipan natin ito, ito ay isinasabuhay ang bawat manggagawang Pilipino sa
kumakayod upang mabuhay ngunit dahil sa mga makapitalistang hanapbuhay ay mas napaphirap ang
kanilang trabaho. Madaming mga kakakailanganin na mga papeles bago makapag simula, madaming
aasikasuhin at mabibigat ang trabaho ngunit hindi ito patas sa mga nakukuhang sahod sa bawat
indibidwal. Ang bigat ng trabaho, ang gaan ng sweldo yan lamang ang nararanasan ng mga Pilipino mga
krampot na sweldo na kulang pa sa pang araw araw na gastusin. Kaya marapat na magkaroon ng
pagbabago umpisa sa mga bigat ng mga trabaho na binibigay sa mga employado at ipinapatas ito sa
kanilang sweldo.
Ang mga awiting ito ng yano ay tumutugon sa mga nangyayari sa ating lipunan. Sa mga
sitwasyon na patuloy nating nararanasan hindi lamang sa gobyerno pati na rin sa edukasyon, trabaho,
unibersidad at sitwasyon ng bawat Pilipino. Ilan sa mga isyung tinutugunan ng mga awiting ito ay, una ay
sa ating mga lider na namumuno sa ating lipunan. Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng korupsyon dahil
sa pagiging ganid ng mga namumuno. Kung sino ang nasa taas ay sila pa siyang hindi sumusond sa batas
at kayang linisan ang sariling kaso. Ito ang isa sa malaking problema ng ating lipunan dahil na rin sa kung
sino ang lider sila pa ang kasangkot sa korupsyon. Isa rin isyu ay ang problema sa ating edukasyon hindi
na masyadong na bibigyang pansin ang pagkakaroon ng maayos na Sistema sa pagaaral. Mas
napapaboran ang pagpapaganda ng unibersidad kesa sa pagkakaroon ng pulidong pagtuturo sa mag
aaral at pagkakatuto ng mag aral. Kaya marapat na maging responsible ang bawat mamamayan sa
pagbuto at huwag madaan sa mabubulaklak na salita ng mga tumatakbong kandidato upang kahit
papaano ay mabawasan ang pagkakaroon ng korupsyon. Lalo na ngayong online class may mga
studyante na umaasa na lamang sa pananaliksik ng kasagutan kesa sa aralin ang mga dapat aralin. Kaya
kinakailangan na maging responsible sa mga kakailanganin sa edukasyon upang makatulong sa ating
paglago. Isa ring isyu ang kahirapan na nararanasan at patuloy na nararanasan natin mua noon
hanggang ngayon. Maraming naghihirap sa trabaho at marami ang walang trabaho. Madaming papeles
na kakailanganin bago makapasok ngunit grabi ang mga ibinibigay na trabahuhin na hindi na pumapatas
sa kinikita araw araw. Mula sa kanta madaming mga liriko ang pumatungkol sa mga isyung ito kaya una
pa lamang mapapansin na kung ano ang nais ipahiwatig nito.

Masasabi na nananatiling mkabuluhan ang mga awitin ng Yano dahil na rin sa taglay nitong mga
direkta at prankang mga liriko. Sumasalamin din ito sa mga sitwasyon na patuloy na nararanasan natin
sa ating lipunang ginagalawan. Nagbibigay katotohanan sa bawat detalye ng kanta na pumapatungkol sa
totoong nangyayari. Ito rin base sa mga totoong sitwasyo, isyu at problema na kinakaharap natin.
Marami ring mga tao ang patuloy na nakikinig sa mga awiting ito dahil ngayon pa lamang nila na
pagtanto kung ano nga ba ang tunay na ibig sabihin ng kanta. Makalipas ng ilang taon at patuloy na mga
isyu sa lipunan ay tila ba walang bahid na kalumaan ang mga awiting ito dahil andun at andun pa rin ang
mga nais ipakahulugan ng kanta. Tulad sa ating politika madami paring mga trapong pinuno at patuloy
itong nangyayari. Marami pa ring naghihirap sa trabaho at marami pa ring mahihirap.

You might also like