Professional Documents
Culture Documents
AP Q4 Week 1 April 26 2023
AP Q4 Week 1 April 26 2023
AP Q4 Week 1 April 26 2023
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII
CUMBA ELEMENTARY SCHOOL
CUMBA, BATANGAS CITY
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________
MELCs
Nakabubuo ng konklusyon ukol sa epekto ng Batas Militar sa politika, pangkabuhayan at pamumuhay ng mga Pilipino
I. Layunin
1. Natutukoy ang mga epekto ng Batas Militar sa politika, pangkabuhayan at pamumuhay ng mga Pilipino
2. Naiisa-isa ang mga mabuti at di-mabuting epekto ng Batas Militar
3. Napahahalagahan ang mga pangyayari na naging dulot ng Batas Militar
II. Nilalaman
A. Paksa: Epekto ng Batas Militar sa politika, pangkabuhayan at pamumuhay
ng mga Pilipino
B. Sanggunian: MELC p. 45
PIVOT 4A BOW p. 155
SLM SDO Pasig
www.google.com
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Balik – Aral
Basahing mabuti ang mga pagungusap,isulat ang tsek ( /) kung tama ang pakahulugan nito sa batas militar at ( x )
kung mali.
_______ 1. Ang batas militar ay pinamumunuan ng sibilyan.
_______ 2. Ang bansang nasa ilalim ng batas militar ay napasailalim kapangyarihan ng militar sa pamumuno ng
pangulo bilang Punong Komander ng Sandatahang Lakas
_______ 3. Sa batas militar,iisang tao lamang ang may hawak ng kapangyari- hang tagapagbatas,tagapagpaganap at
panghukuman.
_______ 4. Ang mga mamamayan ay malayang makapagpahayag ng kanilang hinaing at saloobin sa ilalim ng batas
militar.
_______ 5. Ang batas militar ay isang marahas na aksyon ng pamahalaan upang hadlangan ang mga nagbabantang
panganib katulad ng himagsikan,rebelyon,paglusob at karahasan.
__________________________________________________________________________________________________
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
2. Paglalahad
Ang panahon ng Batas Militar ay itinuturing na madilim na yugto para sa mga Pilipino. Nagkaroon ng
maraming pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao. Sinumang sumalungat sa pamahalaan ay tiyak na
mapaparusahan. Maraming estasyon ng TV at radio ang ipinasara. Pati na rin ang mga pahayagan. Ito nakakaepekto
sa kabuhayan ng marami. Dahil sa kawalan ng demokrasya at kalayaan, ang mamamayan ay nagtatrabaho ayon
lamang sa itinakda ng pamahalaan -- mula sa oras, sa uri ng trabaho at sa sweldo.
3. Pagtatalakayan
Ang Proclamation no. 1081 o Batas Militar na ipinatupad ni Ferdinand Marcos noong Setyembre 21, 1972 ay may
masama at mabuting epekto sa pamumuhay ng mga mamamayang Pilipino.
1. BISA NG PROKLAMASYONG 1081
Labis-labis at nakakatakot ang kapangyarihan ng pangulo , narito ang ilang ginawa ni pangulong Marcos sa panahon
ng batas militar.
__________________________________________________________________________________________________
Isa pang layunin pagdeklara ng batas militar ang pagbagong –anyo ng lipunan para maging isang sosyedad na
mapayapa, may disiplina at maayos . Upang maisulong ito, itinatag ang Bagong Lipunan na may pitong Layunin:
1.Peace and Order
2.Land Reforms
3.Educational Reforms
4.Labor Reforms
5.Government Reorganization
6.Economic Reforms
7.Social Services
Mabuting Epekto
1. Ang nagkaroon ng mababang pangyayari ng krimen dahil sa curfew mula 12:00 ng hatinggabi hanggang 4:00 ng
umaga,
2. Ang mga mamamayan ay disiplinado
3. Nagkaroon ng pansamantalang kaayusan ang bansa.
4. Pagsasanay
Isulat ang MEP kung ito ay nagpapahayag ng mabuting epekto ng Batas Militar at DME kung hindi mabuting epekto.
_______ 1. Nagkaroon ng pansamantalang kaayusan ang bansa
_______ 2. Namuhay sa takot at pangamba ang mga tao sa kanilang kaligtasan
_______ 3. Hindi malaya ang mga Pilipino na ipahayag ang kanilang opinion
_______ 4. Ang mga mamamayan ay naging disiplinado
_______ 5. Ang karapatang pantao ng mga mamamayan ang nasisiil kaya hindi sila makapaghanapbuhay nang
maayos
__________________________________________________________________________________________________
5. Paglalahat
Bilang kabuuan, ano ang inyong masasabi tungkol sa Batas Militar? Meron ba itong masamang epekto? Anu-ano ang
mga ito? Meron din ba itong mabuting epekto? Anu-ano ang mga ito?
6. Paglalapat
Itanong: Dahil nakamit mo ang kalayaan mula sa Batas Militar at iyong tinatamasa ang demokratikong pamahalaan
ngayon kung saan meron kang kalayaan. Ano ang iyong gagawin bilang isang mag-aaral upang maipakita ang iyong
pagpapahalaga sa kalayaang meron ka
ngayon?
7. Pagtataya
Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Sino ang Pangulong nagpatupad ng Batas Militar?
A. Elpidio Quirino
B. Ramon Magsaysay
C. Ferdinand Marcos
D. Manuel Roxas
IV. Kasunduan
Basahin at laging pag-aralan ang mga aralin sa AP.
V. MGA TALA
__________________________________________________________________________________________________
VI. PAGNINILAY
Inihanda ni:
CHEENY M. DE GUZMAN
Teacher
__________________________________________________________________________________________________