2 Performance Task in Theo Part 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1Ito ang talaan ng mga ninuno ni Jesu-Cristo na mula sa angkan ni David.

Si David ay mula sa lahi ni Abraham.


2Si Abraham ang ama ni Isaac, si Isaac ang ama ni Jacob, at si Jacob
ang ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid.
 3Si Juda ang ama nina Perez at Zera, at si Tamar ang kanilang ina. Si
Perez ang ama ni Hezron, at si Hezron ang ama ni Aram. 
4Si Aram ang ama ni Aminadab, si Aminadab ang ama ni Nashon, at si
Nashon ang ama ni Salmon. 
5Si Salmon ang ama ni Boaz, at si Rahab ang kanyang ina. Si Boaz ang
ama ni Obed, at si Ruth ang kanyang ina. Si Obed ang ama ni Jesse, 
6at si Jesse ang ama ni Haring David.
Si Haring David ang ama ni Solomon (ang ina niya ay ang dating asawa
ni Uria). 
7Si Solomon ang ama ni Rehoboam, si Rehoboam ang ama ni Abijah, at
si Abijah ang ama ni Asa. 
8Si Asa ang ama ni Jehoshafat, si Jehoshafat ang ama ni Joram, at si
Joram ang ama ni Uzia. 
9Si Uzia ang ama ni Jotam, si Jotam ang ama ni Ahaz, at si Ahaz ang
ama ni Hezekia. 
10Si Hezekia ang ama ni Manase, si Manase ang ama ni Amos, si Amos
ang ama ni Josia, 
11at si Josia ang ama ni Jeconia at ng kanyang mga kapatid. Sa
panahong ito, binihag ang mga Israelita at dinala sa Babilonia.
12Ito naman ang talaan ng mga ninuno ni Jesus matapos ang
pagkabihag ng mga Israelita sa Babilonia: Si Jeconia ang ama ni Shealtiel,
si Shealtiel ang ama ni Zerubabel, 
13at si Zerubabel ang ama ni Abiud. Si Abiud ang ama ni Eliakim, si
Eliakim ang ama ni Azor, 1
4at si Azor ang ama ni Zadok. Si Zadok ang ama ni Akim, si Akim ang
ama ni Eliud, 
15at si Eliud ang ama ni Eleazar. Si Eleazar ang ama ni Matan, si Matan
ang ama ni Jacob, 
16at si Jacob ang ama ni Jose na ang asawaʼy si Maria. Si Maria ang ina
ni Jesus na tinatawag na Cristo. 
17Kaya may 14 na henerasyon mula kay Abraham hanggang kay David,
may 14 na henerasyon naman mula kay David hanggang sa pagkabihag
ng mga Israelita sa Babilonia, at may 14 na henerasyon din mula sa
pagkabihag hanggang kay Cristo.
Ang Pagkapanganak kay Jesu-Cristo
(Luc. 2:1-7)
18Ganito ang pangyayari sa pagkapanganak kay Jesu-Cristo: Si Maria
na kanyang ina ay nakatakdang ikasal kay Jose. Pero bago pa sila ikasal,
nalaman ni Maria na buntis siya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. 
19Si Jose na magiging asawa niya ay isang matuwid na tao at ayaw
nitong malagay sa kahihiyan si Maria, kaya ipinasya niyang hiwalayan na
lang si Maria nang palihim. 
20Habang pinag-iisipan ito ni Jose, nagpakita sa kanya sa panaginip
ang isang anghel ng Panginoon at nagsabi, “Jose, na mula sa angkan ni
David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria dahil ang pagbubuntis
niyaʼy sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.
21Manganganak siya ng isang lalaki at papangalanan mo siyang
Jesus, dahil ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.” 
22Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon
sa pamamagitan ng propeta,
 23“Magbubuntis ang isang birhen at manganganak ng isang lalaki.
Tatawagin siyang Emmanuel” (na ang ibig sabihin, “Kasama natin ang
Dios”).
 24Nang magising si Jose, sinunod niya ang sinabi ng anghel at
pinakasalan niya si Maria.
 25Pero hindi siya sumiping kay Maria hanggang sa maipanganak nito
ang sanggol. Nang manganak na si Maria, pinangalanan ni Jose ang
sanggol ng Jesus.

You might also like