Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

MGA KABANATA NG PANANALIKSIK

KABANATA II- Kaugnay na Literatura - Binubuo ng mga diskusyon ng mga impormasyon, prinsipyo at
katotohanan na kaugnay sa pag- aaral na isinasagawa.

• Lokal na pag-aaral – kung ito kay inilathala sa Pilipinas


• Banyagang literatura – kung ito ay inilathala sa ibang bansa

KABANATA III- Metodolohiya at Pamamaraan ng Pananaliksik

Sa kabanata ng metodolohiya makikita ang maikling paliwanag ukol sa paraan o "strategy" ng pagsulat.
Ang susunod na bahagi sa pagsasagawa ng pananaliksik bago dumako sa pangangalap ng mga datos sa
pamamagitan ng sarbey ay pagbubuo ng disenyo ng pananaliksik. Tinatalakay sa bahaging ito ang mga
konsepto at mga yunit ng matalinong pagpili ng angkop na metodong gagamitin, populasyon,
respondent at pamamaraan sa pangangalap ng mga datos, kaakibat rin nito ang pagsukat sa usapin ng
balidad at relayadibilidad at ang mga pamamaraang ginamit upang makita ang kahusayan ng
pananaliksik.

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri


ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mananaliksik na gamitin ang "Descriptive Survey Research
Design", na gumagamit ng talatanungan (survey questionnaire) para makalikom ng mga datos.
Naniniwala ang mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali
ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondent.

Limitado lamang ang bilang ng mga tagasagot sa mga talatanungan, ngunit ang uri ng disenyong ito sy
hindi lamang nakadepende sa dami ng sumagot sa mga talatanungan. Kung kaya lubos na nauunawaan
ng mga mananaliksik na nababagay ito sa pag-aaral kungsaan maari ring magsagawa ng pakikipanayam
at obserbasyon upang makadagdag sa pagkalap ng mga datos at impormasyon.

Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay ang nakita ng mananaliksik na magiging mabisa sa


pagaaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na magiging epektibo sa pananaliksik.

B. PAMAMARAAN NG PAGPILI NG RESPONDENTE

Tinutukoy ang mga respondente ng sarbey, kung ilan sila at paano at bakit sila napili. Sila ang sasagot sa
sarbey o talatanungan.

C. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionaire bilang pangunahing instrumento sa


pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang talatanungan ay nahahati sa dalawang pangkat:
ang profile at ang survey ukol sa paksang pinagaaralan. Ang sarbey ay ang pagkolekta ng impormasyon
tungkol sa katangian,aksyon, o opinion ng malaking grupo ng mga tao na tumutukoy sabilang isang
populasyon o malawak na sakop ng pananaliksik ay binubuo ng ibat ibang istilong pag hahanap kabilang
ang pagtatanong sa mga respondent.
D. PAMAMARAAN NG PAGKALAP NG DATOS

Ang mananaliksik ang mismong kumalap ng mga impormasyon upang lubos na maunawaan ang mga
saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral upang matiyak ang kalidad ng ipipresentang datos. Ginamit nito
ang talatanungan sa pagkolekta ng mga datos upang mas mapadali sa mga mananaliksik maging sa mga
tagasagot. Ang mananaliksik ay nagsagawa ng maikling oryentasyon sa mga mag-aaral at siniguro ang
pagiging kompidensyal ng mga nakakalap na datos bago ang pamamahagi ng talatanungan upang mas
makapagpahayag ang mga sasagot ng tanong.

E. KOMPYUTASYONG ESTADISTIKA

Ang nakalap na datos ay susuriin upang mas mapadali ang pagtataya rito. Inilalahad sa bahaging ito ang
ginamit na pormulasa pagkompyut ng mga nakalap na datos. At kinakailangang maging malinaw kung
ano ang layunin sa paggamit ng bawat pormula at kung ano ang tutuguning suliranin ng mga ito lalo na
kungmayroong haypotesis na nakatalaga sa pag-aaral. Sinusukat kung ilang bahagdan sakabuuang
populasyon ang sumagot sa isang aytemsa talatanungan o mas kilala sa tawag na Percentage.

KABANATA IV- Paglalahad, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos

Kapag ang isang pananaliksik ay nangangailangan istadistika (statistics) haypotesis 0 na ng patutunayan o


kaugnay na mga pag-aaral, dapat itong ipaliwanag sa pamamagitan ng pagsusuri at pag-iinterpret ng
mga datos.

MGA DATOS- Sa kabanatang ito, dito inilalahad ang pagsusuri at interpretasyon ng mga nakalapna mga
datos

Paraan ng Presentasyon ng mga Datos na nakalap sa Pananaliksik :

• Tekstwal na presentasyon

Gumagamit ng patalatang pahayag upang ilarawan ang mga datos. Ang layunin nito ay maipokus ang
atensyon sa ilang mahahalagang datos upang magsilbing suplement ng presentasyong tabular o grapikal.

• Tabular na presentasyon

Isang istatistikal na talahanayan. Ang magkakaugnay na datos ay inaayos nang pasistimatiko. Ang bawat
numerikal ay itinatala sa ilalim ng isang kolum at katapat ng isang hanay upang ipakita ang ugnayan ng
mga iyon sa isang tiyak, kompak at nauunawaang anyo.

• Grapikal na presentasyon

Isang biswal na presentasyon kumakatawan sa isang kwantiteytib na baryasyon o pagbabago ng mga


baryabol, o kwantiteytib na komparison ng pagbabago ng isang baryabol sa iba pang baryabol o mga
baryabol sa anyong palarawan o diyagramatik.

KABANATA V- Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon


Huling kabanata ng isang saliksik at siyang pinakamahalagasapagkat ditto matatagpuan ang lagom ng
natuklasan,paglalahat sa pamamagitan ng kongklusyon at mgarekomendasyon para sa mga natuklasan.

Lagom-

Sa pagsulat nito ay nararapat na:

1. Ito ay pagsasama-sama ng mga natuklasan subalit kinakilangang unang sulatin o isulat ang
mga iyak na katunayan ayon sa pagkakasunod-sunod at susundan ng natuklasan.

2. Walang bagong datos ang nararapat na ipakita o isama sa lagom ng natuklasan at


kongklusyon.

3. Hindi na kabilang sa bahaging ito ang mga grapikong pantulong, bagkus, ito ay mga
natuklasan na lamang.

4. Inilalahad ito sa paraang maikli lamang.

Kongklusyon

• Ito ay mga makatuwirang sagot o kasagutan samakatuwid ay di nararapat na gamitan ng


tambilang sapagkat ito ay magbibigay ng limitadong kinalalabasan ng pag-aaral.
• Nagpapakita o tumutukoy sa mga tiyak na natuklasan o natutunan mula sa mga
suliraning inilahad sa pananaliksik.
• Maikli subalit nagpapabatid o nagpaparating ng lahat ng mahahalagang impormasyon
hinggil sa isinagawang pananaliksik.

Rekomendasyon

Naglalaman ito ng mga panawagan o pakiusap sa mga tao o sa sinumang may pag-aalala o
nababalisa kaugnay ng pag-aaral na isinagawa.

Katangiang Dapat Taglayin ng Rekomendasyon

1. May layuning malutas o tumulong sa paglutas sa natuklasang suliranin.

2. Walang rekomendasyong ibibigay para sa isang suliraning hindi natutuklasan o tinatalakay sa


pag-aaral.

3. Maaring magkaroon ng mga mungkahi o rekomendasyon para sa isa pang pananaliksik o


rekomendasyon para sa ikagaganda o pagsasaayon ng pag- aaral at upang mabigyan ng
katiyakan ang isang patukoy na kapakinabangan.

4. Maisagawa (feasible), praktikal, maabot, makakamtan, at matatamo (attainable).

5.. Makatwiran (logical) at may saligan (valid)

6. Ituon sa kinauukulan lamang.


7.. Magkaroon ng panibagong pag-aaral ukol sa kapareho ring paksa sibalit sa ibang lugar
isagawa. Kung ang resulta o natuklasan ng pananaliksik at katulad din ng nauna ay maari nang
magsagawa ng malawakang pagpapairal o pagpapatupad.

Ipinasa ni: Louis Gabriel R. Adaya

You might also like