Detailed LP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Banghay-Aralin sa Filipino Grade 10

Tula

I. Layunin
A. Nakikilala ang mga salita sa talasalitaan sa tulang tinig ng ligaw na gansa
B. Nagkakaroon ng kolaboratibong pagkatuto sa paksang tatalakayin.
C. Naiuugnay ang aral na taglay ng tula sa kanilang araw-araw na buhay.

II. Paksang Aralin


A. Tinig ng Ligaw na Gansa
Tulang Pastoral na mula sa Egipto
B. Kagamitan: larawan ng isang gansa kasama ang kaniyang mga anak, larawan ng isang
napariwang anak, kagamitang panturo, pirasa,yeso.
C. Sanggunian: Pluma Wika at Panitikan IV
Dayag, A.M., Marasigan, E.V., Pp. 90.

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
Binibining ________ maari mo bang Mag-aaral: Opo
pangngunahan ang ating pambungad
na panalangin.
Bago kayo umupo sa inyong upuan

b. Pagtetsek ng liban at hindi


liban,pagsasaayos ng loob ng silid-
aralan.
Ginoong _______ maari mo bang itala Mag-aaral: Opo
ang mga lumibas sa araw na ito

c. Pagpulot ng dumi
Bago kayo tuluyang umupo sa inyong Lahat: Opo
upuan ay nasi ko na pulutin ninyo ang
mga kalat na makikita ninyo sa
ilalamin ng inyong upuan, at itapon
niyo ito sa basurahan

d. Pagbati.
Isang magandang araw sa inyong Lahat: Isang magandang araw din po
lahat!
1. Pagganyak
Magpapakita ng larawan ng isang Pinapakita lamang po na sinusundan ng mga
gansa kasama ang kayang anak, anak ang kanilang ina saan man po ito
Ano ang nahihinuha nyo sa unang magpunta.
larawan?

Mahusay! E itong ating Napariwa po yung isang anak


pangalawang larawan?

Sa inyo bang palagay, may Opo!


ugnayan ang dalawang larawang
aking pinakita?

Ano itong ugnayan na ito? Mag- Mag-aaral 1: Sa tingin ko po,sa may ginawa
aaral 1? po yung anak na siyang naging dahilan kung
bakit po siya napariwa. Baka po gumawa siya
ng maganda o kaya po ng masama kaya po
ganyan ang nangyari sa kanya, at hindi po
siya sumunod sa utos ng kaniyang magulang
na siyang dahilan kung bakit nag-iba po ang
kanyang tinahak ng landas.

Magaling Mag-aaral 1! Ang ating Lahat: Opo!


aralin sa araw na ito ay may
kaugnay sa mga larawang aking
pinakita.handa na bang makinig
ang lahat?

B. Paglalahad
Babasahin ang akda ng buong klase at
susundan ito ng pagbabasa ng guro.

C. Pagtalakay sa Aralin
Ngayon ay nabasa na natin ang ating tula,
nais ko naman na alamin natin ang mga
salita na magpapalawak sa ating
bokabularyo. Ang unang salita ay bitag.

Ano kaya ang ibig sabihin ng salitang Mag-aaral 2: Ang ibig sabihin po ng salitang
“bitag” sa ating tula? Mag-aaral 2? bitag ay patibong.

Tama! Maaari mo bang gamitin ang Mag-aaral 3: Opo, Si Ginoong Laruha ay


salitang bitag sa pangungusap Mag-aaral gumawa ng bitag para mahuli ang
3? magnanakaw.

Magaling! Ano naman kaya ang ibig Mag-aaral 4: Ang ibig pong sabihin ng
sabihin ng salitang “bihag” Mag-aaral 4? salitang bihag ay nakulong po.

Tumpak! Maaari mo bang gamitin sa Mag-aaral 5: Opo, Si Timoteo ay nabihag na


pangungusap ang salitang bihag Mag-aaral ng mga pulis.
5?

Mahusay! Ano naman kaya ang kahulugan Mag-aaral 6: Ang ibig sabihin po ng salitang
ng salitang “alpas” Mag-aaral 6? alpas ay makawala

Tama! Mag-aaral 7, maaari mo bang


gamitin sa pangungusap ang salitang Mag-aaral 7: Opo, Ako’y nagkubli sa
alpas? kadiliman at hindi na ako maka-alpas.

Magaling! Naiintindihan niyo na ba ang Lahat: Opo!


mga salita sa ating talasalitaan?

Ngayon, ang ating gagawin ay pangkatang


gawain. Magsama-sama ang mga
magkakapangkat at bibigyan ko kayo ng (pupunta sa kanya kanyang pangkat)
ilang minuto para gawin ito.

Ang unang gagawin ng unang pangkat ay


guguhit sila ng isang larawan at ilalarawan
nila ang ibig sabihin nito na
pumapatungkol sa ating tula. Ang
ikalawang grupo naman ay bubuo ng isang
awit ukol sa ibig pahiwatig ng tula. Ang
ikatlong grupo ay gagawang isang debate.
At ang ika-apat na grupo naman ay
tableau.

Ang Pamantayan natin sa inyong gagawin


ay binubuo ng mga sumusunod na
bahagdan.
Kooperasyon at Kolaborasyon 5 puntos
Nilalaman 10 puntos
Aral 5 puntos

Kung susumahin ito ay binubuo ng 20


puntos

D. Paglalapat
Presentasyon ng bawat grupo

Unang pangkat

Ikalawang pangkat Papalakpak ang mag-aaral pagkatapos ng


presentasyon
Ikatlong pangkat

Ika-apat na pangkat

E. Paglalahat
Nasaksihan natin ang presentasyon ng
bawat grupo.magaling ang inyong
ipinakitang presentasyon. Ngayon, ating
mas paikliin ang kanilang mga sinabi
upang mas lalong maintindihan.

Kung kayo ay nakinig, ano ang ibig Mag-aaral 8: Kasi po ikinumpara ng persona
sabihin ng ligaw na gansa sa ating tula? ang kanyang sarili sa isa pong gansa, alam
Mag-aaral 8? naman po natin na ang gansa o ang isang
batang gansa ay sumusunod sa direksyon ng
kanyang ina pero ng dahil sa pagmamahal po
sa isang tao ay naligaw po ang kanyang
landas na siyang naging dahilan kung bakit
po siya hindi makawala.

Mahusay Mag-aaral 8! Tama iyon. Ang


ating persona o ang taga-pagsalaysay n
gating tula ay ikinumpara ang kanyang
sarili sa ligaw na gansa na dahil sa
sobrang pagmamahal ay naiwan niya ang
kanyang ina parang isang kwento din ito
na madalas natin mapanood at marinig.
Ang kwento ng “ugly duckling” hindi ba’t
naligaw si ugly duckling sa kwento doon?
Ngunit iba naman ang dahilan ng ating
tula syempre, iba ang dahilan kung bakit
naligaw.

Natural lang sa tao ang magmahal ngunit


itong ating persona ay nagkaroon marahil
ng sobrang pagmamahal kaya’t nasabi
niya na “Ako’y hawak ng iyong pag-ibig”
kaya ngayon ay hindi na siya makawala
dito.

Handa niyo bang iwanag ang iyong ina, o Mag-aaral 9: Kung ako po ang tatanungin,
kaya naman ay pamilya para lamang sa hindi kop o ipagpapalit ang aking ina para
iyong minamahal? Mag-aaral 9? lamang sa aking minamahal, dahil po ang ina
ay iisa lang, ang tanging tao na luwal at
nagbigay buhay po sa atin dito sa mundo,
samantalang ang pagmamahal po ay marami
po, hinding hindi po mauubusan yan. Pero iba
po talaga kapag ina na po o kaya naman po ay
pamilya na kasi po nag-iisa lang po iyan.

Mahusay Mag-aaral 9! Yun nga ang dapat


natin ipasok sa ating puso’t isip na itong
ating mga magulang ay iisa at katangi-
tangi lang sa mundo at kalian man ay
hinding hindi sila mapapalitan ng kung
ano at sino.
Mag-aaral 10: Sa tingin ko po ang
Ngayon naman, Anong kultura ang pagkakapareho ng kultura ng Egipto at ng
pinakita ng tulang ito. Ito ay mula sa mga Pilipino ay ang pagiging sentro ng
Egipto anong kultura mayroon sila na kanilang buhay ay ang pamilya. Kasi po
tayong mga Pilipino ay taglay din natin. makikita sa tula na iniisip pa rin po niya ang
Mag-aaral 10? kaniyang ina kahit po ganoon ang nangyari.

Mahusay Mag-aaral 10! Nakita mo ang


pagkakapareho ng kultura mayroon tayo at
ang mga taga-Egipto na ang “pamilya”
ang sentro n gating pamumuhay.
Nagsisimula ang lahat sa maliit na yunit sa
komunidad at ito ang pamilya na kung
saan tinuturaan tayo ng tamang asal, gawi,
atbp.

Mag-aaral 11: Ang aral po na taglay ng ating


Dumako na tayo sa huli, anong aral ang tula ay huwag po basta-basta magmamahal ng
taglay ng ating tula? Mag-aaral 11? isang tao lalo nap o kung wala po ito sa
tamang panahon kasi po baka magkaroon ng
hindi maganda kahihinatnan kung
magmamahal ka po sa maling tao, at huwag
po basta-basta titingin lang sa panlabas na
anyo marahil ito pala ay isang pain na siyang
magiging dahilan kung bakit hindi ka na
makakawala sa pag-ibig na iyon at ang
importante po huwag na huwag pong
ipagpapalit ang ating magulang o ina sa taong
hindi naman po karapat-dapat kasi po
natatangi lamang po sila at nag-iisa dito po sa
ating mundo kaya marapat lamang po na
suklian natin ang pagmamahal na binibigay
nila sa atin.

Magaling Mag-aaral 11! Tama yun.


Mahalin natin ang ating magulang at
huwag natin sila ipag-papalit sa taong
hindi naman karapat-dapat. Dahil iisa lang
ang magulang sa mundo at hinding-hindi
sila mapapalita. At huwag din tayo basta-
basta magmamahal lang, porket maganda
ay gugustuhin na natin ito, mas maganda
ay kung kikilalanin muna natin ang tao
bago tayo magmahal para ng sa gayon ay
wala tayong pagsisihan sa huli.
Lahat: Opo!
Okay. May natutunan ba sa tula na Tinig
ng Ligaw na Gansa?

May mga katanungan ba kayo bago tayo Lahat: Wala na po!


pumunta sa ating pagsusulit?

Mahusay kung ganun! Sana may


natutunan talaga kayo. Mamaya pag-uwi
niyo yakapin at halikan nyo ang inyong
mga nanay maging ang inyong tatay.
Magpasalamat at sabihan nyo sila ng
mahal nyo sila. Malaking bagay na sa
kanila yun.

Ngayon naman, maghanda ng papel at


ballpen para sa ating pagsusulit.

IV. Pagtataya
Sagutin ang mga sumusunod na tanong na katanungan:

1. Anong larawan ang bumuo sa iyong isipan matapos mabasa ang tula (5 puntos)?
2. Sa iyong palagay, ano ang positibong dulot ng pagmamahal at negatibong pagmamahal.
Magbigay ng tig-dalawang halimbawa. (5 puntos)
3. Paano maiiwasan ang negatibong dulot ng pagmamahal na ito? Ipaliwanag ang iyong sagot. (5
puntos)
4. Ano ang masasalamin na kultura ng mga taga-Egypt na makikita sa akda? Paano ito maiuugnay
sa kulturang Pilipino? (10 puntos)
5. Ano ang kahulagan ng ligaw na gansa sa ating tula? (5 puntos)

V. Takdang-Aralin
Isulat sa isang papel ang iyong karanasan kung kayo ay nagkaroon na ng paghanga o kaya naman
naman ay kung naranasan niyo ng magmahal. Kailangan ito ay may 2 talata binubuo ng tig-sampung
(10) pangungusap.

You might also like