Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
National Capital Region
Division of Pasig City
SAN JOAQUIN-KALAWAAN HIGH SCHOOL
Lope K. Santos St. San Joaquin Pasig City

PORTFOLIO
SA
FILIPINO 9 (S.Y. 2022-2023)

Ipinasa ni: Ipinasa kay:


LEAH P. RECTO ROSALINDA P. ALATIIT
(Mag-aaral) (Guro sa Filipino)
Talambuhay ni Dr.José Protacio Rizal Mercado y
Alonzo Realonda (1861-1896)

Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896) ay isang
Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng
pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at itinala bilang isa sa mga
pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.
Ipinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at ikapito siya sa labing-isang
anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo
Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng
Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang
kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ng Lisensiya sa
Medisina, na nagbigay sa kanya ng karapatan na magpraktis ng pagmemedisina. Nag-aral din siya sa
Pamantasan ng Paris at Pamantasan ng Heidelberg.
Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina ay mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-ukit.
Siya ay makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela na Noli
Me Tángere, at ang kasunod nitong El filibusterismo. Poliglota din si Rizal, na nakakaunawa ng
dalawampu't dalawang wika.
Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, na samahan na naging daan sa pagkabuo ng Katipunan na
pinamunuan ni Andrés Bonifacio, na isang lihim na samahan na nagpasimula ng Himagsikang Pilipino
laban sa Espanya na naging saligan ng Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo. Isa
siyang tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng sariling pamahalaan ng Pilipinas sa mapayapang paraan, sa
halip na isang marahas na pag-aalsa na susuporta lamang sa karahasan bilang huling paraan.
Naniniwala si Rizal na ang tanging katuwiran sa pagpapalaya sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling
pamahalaan ay ang pagbabalik ng karangalan ng mga mamamayan, at winika niya "Bakit kalayaan, kung
ang mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap?" Ang pangkahalatang napagsang-ayunan ng
mga dalubhasa sa buhay ni Rizal ay ang pagbitay sa kanya ang nagtulak upang magsimula ang
Himagsikang Pilipino.
Ang pamilya ni José Rizal

Si Teodora Alonzo (1827-1911), Si Francisco Rizal Mercado (1818–1897),


ang ina ni Dr. José Rizal ang ama ni Dr. Jose Rizal

Anak si Rizal nina Francisco Rizal Mercado (1818–1897) at Teodora Morales


Alonzo y Quintos (1827-1911; na ang pamilya nila ay pinalitan ang kanilang apelyido
bilang "Realonda"), na parehong masaganang magsasaka na pinagkalooban ng upa sa
isang hacienda at kaakibat nitong palayan ng mga Dominikano. Ikapito sa labing-isang
magkakapatid si Rizal: sina Saturnina (Neneng) (1850–1913), Paciano (1851–1930),
Narcisa (Sisa) (1852–1939), Olympia (1855–1887), Lucia (1857–1919), María (Biang)
(1859–1945), José Protasio (1861–1896), Concepción (Concha) (1862–1865), Josefa
(Panggoy) (1865–1945), Trinidad (Trining) (1868–1951) at Soledad (Choleng) (1870–
1929).
Ikalimang salinlahi na si Rizal sa inanak ni Domingo Lam-co Quanzhou noong
kalagitnaan ng ika-17 dantaon. Napangasawa ni Lam-co si Inez de la Rosa, na isang
Sangley ng Luzon.Mayroon ding lahing Kastila at Hapones si José Rizal. Ang kanyang
lolo na ama ni Teodora ay kalahating Kastila at isang inhinyero na ang ngalan ay
Lorenzo Alberto Alonzo. Ang kanyang lolo sa talampakan sa ina ay si Eugenio Ursua, na
inanak ng isang Hapones.
Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada
noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na
taon ay ipinadala siya sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni
Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang mga magulang ni
Rizal na pag-aralin siya sa Maynila. Noong nagsimula siyang mag-aral sa Ateneo
Municipal de Manila, inalis niya ang tatlong huling pangalan na bumubuo sa kaniyang
buong pangalan, sa payo ng kaniyang kapatid na si Paciano Rizal at ng pamilyang
Mercado-Rizal, kaya ang kaniyang pangalan ay naging "Jose Protasio Rizal". Dahil dito,
minsang naisulat ni Rizal na nagmistula siyang "hindi lehitimong anak".Ginawa ang
pagbabagong ito upang mas malayang makapaglakbay si Rizal, at mailayo ang kaniyang
koneksyon sa kaniyang kapatid na minsan nang nagkaroon ng ugnayan sa Gomburza.
Mula pagkabata ay nakakarinig na si Jose at Paciano ng mga hindi pa naririnig na mga
kaisipang pulitikal ukol sa kalayaan at karapatang pantao na kinagagalit ng
pamahalaan. Sa kabila ng pagbabago sa kaniyang pangalan, naging kilala din si Jose
bilang "Rizal" sa mga patimpalak sa pagtutula, kung saan humanga ang kaniyang mga
guro sa wikang Kastila at iba pang mga banyagang wika, at kinalaunan, sa pagsusulat ng
mga sanaysay na kritikal sa mga sanaysay ng mga Kastila ukol sa sinaunang lipunang
Pilipino.
Simbolismo sa Pabalat ng Noli Me
DULO NG
Tangere TRIANGULO
KRUS
ULO NG BABAE

DAHON NG
BAHAGI NG
MANUKRISTO NG LAUREL
PAGHAHANDOG
KAMATIS
NI RIZAL

BERLIN

SUNFLOWER
HALAMANG
SIMETRIKAL KAWAYAN
NA SULO
LAGDA
NI RIZAL

KADENA

SUPLINA

PAA NG PRAYLE
LATIGO NG ALPERES

SAPATOS HELMET NG
GWARDIYA
SIBIL

Paa ng Prayle
Ito ay upang ilarawan sa mga mambabasa kung ano ang pinakabase ng
kolonyal na lipunan sa kaniyangkapanahunan.At bilang pagpaparamdam
sa mga mambabasa kung sino ang tunay na nagpapalakad ng bayan.
Sapatos
Ang sapatos ay simbolo ng pag-iwan ng mga prayle sa aral ni Cristo para sa
kaniyang mga tunay na alagad.Ang paglalagay ni Rizal ng sapatos sa
paanan ng prayle ay isang anyo ng pagbubunyag sa pagiging maluho ng
mga prayle sa Pilipinas.
Capacete (helmet) ng guardia sibil
Simbolo ng kapangyarihan ng kolonyal na hukbong sandatahan na nang-aabuso sa
karapatang pantao ng mga pilipino sa kaniyang kapanahunan.
Latigo ng alperes
Simbolo ng kalupitan ng opisyal ng kolonyal na hukbong sandatahan. Maging si Rizal ay
personal na naging biktima ng latigo ng alperes. Ang paglalagay ni Rizal ng latigo ng alperes ay
pagpapakita na hindi niya malimutan ang ginawang pananakit sa kaniya ng alperes sa
(alambanoong kaniyang kabataan.
Kadena
Inilagay ni Rizal ang kadena sa pabalat ng aklat bilang simbolo ng kawalang kalayaan ng mga
Pilipino sa ilalimng kolonyal na pamahalaan.
Suplina
Ang suplina ay ginagamit ng mga mapanata sa kolonyal na simbahan upang saktan ang
kanilang mga sarilidahilan sa kanilang panini&ala na ito ay makapaglilinis sa kanilang mga
nagawang kasalanan.Para kay Rizal wari bang ang pananakit at pagpapahirap ng mga
guardia sibil ay hindi pa sapat para sa mga pilipino at kailangan pang sila na mismo ang
magpahirap at manakit sa kanilang mga sarili.
Punong Kawayan
isang mataas ngunit malambot na puno. ang pangunahing katangian nito ay ang pagkakaroon
nito ng malakingkahalagahan sa paggawa ng bahay at maraming mga mahalagang kagamitan
at kasangkapan sa kapanahunan ni rizal. inilagay ni rizal ang larawang ito upang ipakita ang
pamamaraan ng mga pilipino sa pakikibagay sa mganagaganap na kalupitan at
pagsasamantala ng mga naghaharing uri sa kanilang lipunan.
Lagda ni Rizal
Pansinin na inilagay ni Rizal ang kaniyang pangalan sa triangulong nakaukol sa kaniyang
kapanahunan. Alam ni Rizal na siya ay kabilang sa kapanahunan na kaniyang inilalarawan.
Bahagi ng manukristo ng paghahandog ni Rizal
-Makikita na bago ang bahagi ng paghahandog ni Rizal sa kaniyang nobela ay ang taong 1887.
-Paiitaas sa taong 1887 ang malaking bahagi ng manuskrito paghahandog ng nobela.
-Pansinin sana na pagkatapos ng paghahandog ay unti-unti ng lumiliit ang panig ng tatsulok.
-Isa kaya itong paraan ng pagpapahiwatig ni Rizal na nakikini'kinita na niya ang paglalaho ng
kolonyalna lipunan) bilang resulta ng kaniyang nobela.
Bulaklak na Sunflower
Ang sunflower ay isang natatanging bulaklak dahilan sa kakayahan nito na sumunod sa sikat ng
araw. Inilagay ni Rizal ang bulaklak na ito sa layunin na maging halimba&a ng kaniyang mga
mambabasa nasundan at ipagpatuloy ang pagbabasa ng kaniyang nobela na sa kaniyang
kapanahunan ay ninanais ni Rizal na maging liwanag ng kaniyang bayan.
Simetrikal na Sulo
ginuhit ni Rizal ang sulo bilang simbolo ng Noli Me Tangere.7Pansining mabuti ang disenyo na
kinalalagyan ng li&anag. Mapupuna ng mga nakapagbabasa ng mga lumang libro na ito ang
karaniwang disenyo na ginagamit noon sa mga pahina ng aklat. Mapapansin na ang sunflower
ay nakatingala sa liwanag ng sulo, na sa panahon ng kadiliman ng panunupil ng kaisipan ay
simbolo ng preserbasyon ng kaalaman ng tao.
Berlin
Ang lugar kung saan ipinalimbag ni Rizal ang Noli Me Tangere.Subalit ang paglalagay ni Rizal ng
Berlin sa pabalat ay mayroon din layunin na ipaalam sa kaniyang mgamambabasa ang
mayamang koleksiyon ng lungsod sa mga materyales ukol sa Pilipinas.
Ulo ng babae
Ipinakilala ni Rizal ang babae sa pamamagitan ng paglalagay niya sa tabi ng pinag-uukulan niya
ng paghahandog sa nobela. Ito ay walang iba kundi ang Inang Bayan.
Ang Krus
Ang krus ang siyang simbolo ng relihiyosidad ng malaking bilang ng mga mamamayang Pilipino.
Mapapansin na inilagay ni Rizal ang krus sa halos pinakamataas na lugar ng pabalat.
Mga Tauhan sa
Noli Me Tangere
Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin (Crisostomo Ibarra)
Anak ni Don Rafael; kasintahan ni Maria Clara; pangunahing tauhan sa Noli Me Tangere.
Ang karakter ni Crisostomo Ibarra sa Noli Me Tangere ay itinuturing na isa sa mga hindi
malilimutang karakter sa kwento.
Siya ay ipinakilala bilang isa sa mga Pilipinong binata na mayaman at matagumpay na
nakumpleto ang kanyang edukasyon sa labas ng bansa. Kaiba sa mga tao ng kanyang bansa,
siya ay may pinong asal, lubos na pinahahalagahan, may makabagong paniniwala, malawak
ang isip, at palaban. Layunin ni Ibarra na magtayo ng isang paaralan sa San Diego upang
matupad ang mga pangarap at mithiin ng kanyang ama, ngunit siya ay nasangkot sa mga isyu
ng simbahan at napilitang tumakas sa bayan dahil sa matalinong pagpapanggap ni Padre
Salvi.

Maria Clara
Kasintahan ni Crisostomo Ibarra; anak-anakan ni Kapitan Tiago; anak ni Pia Alba at ng paring
si Padre Damaso.
Si Maria Clara, isa mga pangunahing tauhan sa Noli Me Tangere, ay isang babaeng
iginagalang at tinatayang anak ni Kapitan Tiago at inaanak ni Padre Damaso. Sa
katotohanan, siya ay tunay na anak ni Padre Damaso. Ipinanganak siya dahil hinalay ni
Padre Damaso ang kanyang ina at siya ang naging bunga. Ang magandang dalaga na ito ay
ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra. Si Leonor Rivera, na naging kababata at kasintahan ni
Jose Rizal, ay nagsilbing inspirasyon para sa karakter niya. Si Maria Clara ay ipinakilala
bilang isang mapagkakatiwalaang kabataan, tapat na kaibigan, at mapagrespetong anak.
Noong panahong iyon sa Pilipinas, si Maria Clara ay kumakatawan sa mga katangian na
dapat taglayin ng isang dalagang Pilipina. Nais ni Rizal na ipahiwatig na ang lipunan ng
panahong iyon ay nagpapahalaga sa pagsunod, kaya’t binigyang-pansin niya ang kahanga-
hangang pagpapakita ni Maria Clara ng katangiang iyon.

Elias
Nagligtas kay Crisostomo Ibarra; anak ng angkang kaaway ng mga ninuno ni Ibarra.
Si Elias sa Noli Me Tangere ay ang misteryosong kaibigan ni Ibarra at dalubhasang bangkero.
May panahon na tinawag siyang “ang piloto”. Umakyat siya sa ranggo upang maging isa sa
pinakasikat na kriminal sa San Diego. Nais niyang simulan ang isang rebolusyon sa kanyang
bansa.Si Elias ay isa sa mga karakter sa Noli Me Tangere na kumakatawan sa karaniwang
Pilipino. Alam niya na ang kanyang mga kababayan ay hindi pinagtratrabaho ng patas at nais
niyang palayain sila mula sa kanilang mga mananakop.Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit
si Elias ay isang mahalagang karakter sa nobela. Sinasabing katulad siya ng bayaning si
Andres Bonifacio.

Kapitan Tiago o Don Santiago de los Santos


Si Capitan Tiago sa Noli Me Tangere ay isang hindi pangkaraniwang tao dahil siya ay isang
mayamang Pilipinong ipinanganak at naninirahan sa Binondo. Ang kanyang pangunahing
prayoridad ay maipakasal ang kanyang anak na si Maria Clara sa isang mayamang lalaki na
nagmula sa isang iginagalang na pamilya. Noong si Ibarra ay inakusahan ng pagiging
mapanghimagsik, handa niyang ipagpaliban ang kanyang katapatan sa binata. Dahil sa
kanyang kagustuhan na mapaboran sa lipunan, sumang-ayon na ipakasal kay Linares ang
kanyang anak na babae.
Padre Damaso Verdolagas
Ninong ni Maria Clara; humalay kay Pia Alba; nagpahukay sa bangkay ni Don Rafael.
Si Padre Damaso sa Noli Me Tangere ay isang matandang prayleng Pransiskano na nanirahan
sa Pilipinas sa loob ng halos dalawang dekada. Hangad niya ang kapangyarihan, isang tiwali,
at kilala siya sa pagiging walang hiya.Bagaman nanirahan na siya sa Pilipinas ng mahabang
panahon, hindi pa rin siya minahal o naging malapit sa mga Pilipino na kanyang “kawan”.Siya’y
mapanlait, malupit, mapang-api, at walang alinlangan sa paggamit ng kanyang napakalaking
kapangyarihan upang sirain ang buhay ng mga taong hindi gumagalang sa kanya.Si Padre
Damaso ang responsable sa pagpatay kay Don Rafael Ibarra. Hayagan niyang kinutya ang
anak ni Don Rafael, ang nakababatang Ibarra. Kinalaban siya ni Crisostomo Ibarra nang
iniinsulto ng pari sa publiko ang kanyang ama, at dahil dito, pinaalis ng pari si Ibarra sa
simbahan.Bukod sa pagiging ninong ni Maria Clara, siya rin ang tunay na ama ni Maria. Kaya
naman, mayroon siyang impluwensya sa relasyon nina Maria at Ibarra.

Padre Bernardo Salvi


Kurang pumalit kay Padre Damaso; may lihim na pagtingin kay Maria Clara. Si Padre Salvi sa
Noli Me Tangere ay isang mas bata at mas tusong Kastilang pari na pumalit kay Padre Damaso
bilang kura paroko ng San Diego.Sa maraming paraan, mas mapanganib siya kaysa sa kanyang
hinalinhan dahil siya ay isang mas mahusay na strategist na nagsasamantala sa kanyang
tungkulin sa relihiyon para sa impluwensyang pampulitika pati na rin ang mga personal na
paghihiganti. Madalas siyang makipag-away sa alperes ng bayan para sa kapangyarihan. Ang
kanyang pinakamahalagang papel sa nobela ay ang kanyang pakikipagsabwatan upang sirain
si Ibarra na kasintahan ni Maria Clara.

Don Rafael Ibarra


Ama ni Crisostomo Ibarra; mayaman kung kaya’t labis na kinainggitan ni Padre Damaso.
Si Don Rafael Ibarra ay ang ama ni Crisostomo Ibarra.Nagselos si Padre Damaso kay Don
Rafael Ibarra dahil sa kanyang kayamanan. Bukod dito, pinupuna ni Don Rafael ang mga
maling ginagawa ng mga prayleng Kastila. Dahil sa kanyang mga ginawa, nagalit sa kanya ang
mapagmatigas na si Padre Damaso at inakusahan siya ng erehiya at sedisyon. Namatay siya sa
bilangguan bago pa malinis ang kanyang pangalan.Bagaman ang kanyang bangkay ay
nakalibing na sa Katolikong sementeryo sa San Diego, pinagsabihan ni Padre Damaso ang isang
tagahukay na ilipat ang bangkay nito sa sementeryong Tsino dahil sa tingin niya ay erehe si
Don Rafael.

Pilosopo Tasyo o Don Anastacio


Matalino ngunit tingin ng karamihan ay baliw.Si Pilosopo Tasyo, na buong pangalan ay Don
Anastasio, ay isang kilalang tauhan sa Noli Me Tangere. Bagaman siya ay isang matandang may
pinag-aralan sa pilosopiya, karamihan sa mga tao sa kanyang bayan ay inakalang baliw
siya.Iginagalang siya ni Ibarra at nagbibigay ang matanda ng mabuting payo sa kanya.
Tumulong din siya sa ama ni Ibarra noon.Kabilang si Tasyo sa isang mayamang pamilya.
Madalas siyang maging pesimistiko at walang tiwala sa kagandahang-loob ng ibang tao. Bukod
dito, hindi siya relihiyoso tulad ng iba na laganap sa kanyang panahon.

Sisa
Inang nabaliw sa paghahanap sa dalawang anak; asawa ni Pedro. Si Sisa na isa sa mga
pangunahing tauhan sa Noli Me Tangere ay ipinakilala bilang tipikal na asawang Pilipina.Isa
siyang inaabusong asawa na nagtitiis sa pananakit at sa pagiging hindi nito responsable, ngunit
patuloy niyang itinuturing na “diyos” sa kabila ng lahat ng ito.Ina siya nina Crispin at Basilio, na
kanyang itinuring na tanging yaman. Masigla niyang hinihintay ang pag-uwi ng kanyang mga
anak mula sa simbahan upang siya ay makapaghanda ng kanilang paboritong pagkain.Makikita
siyang naglalakad sa mga kalsada, magulo ang kanyang buhok at gusgusin ang kanyang damit
habang tumatawag sa kanyang mga anak. Nang nakaharap niya si Basilio, hindi niya ito
nakikilala.Pinaniniwalaan na si Sisa ay kumakatawan sa inang bayan noong panahong dumaan
ito sa mahirap na panahon, tulad ng kanyang karakter nang mawala ang kanyang mga
anak.Ang mga malagim na pangyayari na sumira sa kanyang buhay ay simboliko ng pang-
aabuso na dinanas ng kanyang bansa sa kamay ng mga kolonisador.
Donya Victorina de los Reyes de Espadaña
Nagpapanggap na Kastila; asawa ni Don Tiburcio. Si Doña Victorina ay isang ambisyosang
karakter sa Noli Me Tangere.Iniisip niya na siya ay may lahing Kastila at nagpapanggap na
isang babaeng Kastila sa pamamagitan ng paglalagay ng maraming makeup sa mukha na
katulad ng isang babaeng Kastila.Isinalaysay sa kuwento ang kabataan ni Doña
Victorina.Marami siyang manliligaw, ngunit wala sa kanila ang mula sa Espanya kaya hindi
niya sila pinakasalan.Sa mga susunod na taon, nakilala at pinakasalan niya si Don Tiburcio de
Espadaña, isang empleyado ng aduana. Wala silang naging anak.Nais niyang ipakasal ang
pamangkin ng kanyang asawa, si Linares, kay Maria Clara, at ang pinaka-malamang dahilan
nito ay upang lalo pang itaas ang kanyang katayuan sa lipunan.Ang karakter ni Doña Victorina
ay kumakatawan sa mga taong may maling pagtingin sa kanilang pagkakakilanlan. Ang
ganitong uri ng pag-iisip ay tinatawag na “kolonyal na mentalidad.”

Don Tiburcio de Espadaña


Isang pilay na Kastilang napadpad sa Pilipinas; asawa ni Donya Victorina; nagpanggap na
doktor. Si Don Tiburcio ay ang Kastilang asawa ni Doña Victorina na pilay at sunud-sunuran sa
kanyang asawa.Ang taong ito, na tinatawag na Doctor Tiburcio de Espadaña, ay isang
manloloko at impostor.Sa tulong ng kanyang asawa, naglalakbay siya sa buong bansa na
nagpapanggap na doktor at humihingi ng mataas na presyo para sa kanyang mga serbisyo,
kahit na wala siyang karanasan sa larangan ng medisina.Nang malaman ng kanyang mga
pasyente ang kanyang mga panlilinlang, napilitan siyang lumipat sa ibang lugar kung saan
halos hindi siya kilala.Sa huli, napunta siya sa San Diego, kung saan muling sinimulan ang
kanyang pekeng pagpa-praktis ng medisina.Ang kabuuan ng kanyang karakter ay isang
karikatura ng kamangmangan ng mga Pilipino noong panahon ng kolonyal na pamumuno ng
Espanya sa Pilipinas kung saan ang mga Kastila ay nagdulot ng kalituhan at gulo sa mga
rehiyon.

Padre Hernando De La Sibyla


Kura ng Tanawan; palihim na sumusubaybay kay Crisostomo Ibarra.Si Hernando de la Sibyla,
kilala rin bilang Padre Sibyla, ay isang Katolikong pari na nagsisilbing kura paroko ng distrito
ng Binondo sa lungsod ng Maynila.Siya ay nagtataglay ng katangian na makatwiran at
mapayapa, na kontrast sa mapanlinlang na si Padre Damaso at ang tiwaling si Padre Salvi.Sa
pagdiriwang ng pagbabalik ni Ibarra, ang magaling at matalinong orador na si Padre Sibyla ay
nasisiyahan sa pag-uudyok sa palalong si Padre Damaso, at maliwanag na nakukuha niya ang
malaking kasiyahan sa ganitong gawain.Kumakatawan siya sa progresibong prayle, ngunit
mas gusto niyang manatili sa likod upang hindi makuha ang galit ng iba pang mga pari na
naghahari.Kahit na alam niya ang mga kawalang-katarungan na nagawa laban sa mga
Pilipino, hindi siya kikilos upang ituwid ang sitwasyon dahil ang kaniyang pangunahing
alalahanin ay ang pagtaas ng kaniyang kongregasyon sa posisyon ng awtoridad.Bukod dito,
inilarawan siya na maliit at may maputing balat, at sinasabi na lihim niyang sinusubaybayan
ang mga gawain ni Ibarra.

Donya Consolacion
Asawa ng alperes; malupit at masama ang ugali.Si Doña Consolacion ay ang palaban na asawa ng
Alperes. Siya ay isang matandang Filipina na nahihiya sa kanyang pinagmulan at nagkukunwari
na hindi siya marunong magsalita ng Tagalog, ang kanyang sariling wika.Sa isang bahagi ng
kanyang buhay, nagtrabaho siya bilang labandera sa bayan ng Alperes. Naging mayaman siya
dahil sa kanyang pag-aasawa ng isang Kastila. Ang matandang babae ay nakakatawa kung
manamit at nahihiya ang kanyang asawa na makitang kasama siya nito sa publiko.Inisip ni Doña
Consolacion na mas maganda siya kaysa kay Maria Clara. Ipinagmamalaki niya ang kanyang
sarili at inaasahan niya na rerespetuhin siya ng iba, kahit na tinawag siyang pangit, may
maruming bibig, at may masamang ugali. Nakilala rin siya sa kwento dahil sa malupit na pagtrato
niya kay Sisa.

Alperes
Asawa ni Donya Consolacion; lider ng mga gwardiya sibil; kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa
San Diego. Siya ang hepe ng gwardya sibil sa bayan ng San Diego, ngunit walang nakakaalam ng
kanyang pangalan. May problema siya sa pag-inom at kasal kay Doña Consolacion, na palaging
nakikipagtalo sa kanya.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere

Talambuhay ni Dr. Jose Rizal


KABANATA 5
Ang Tala sa Gabing Madilim

You might also like