Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

ANG ANIM NA KATANGIAN (6-SIFAT) NG DA’WAH AT TABLIGH:

Assalamo 'Alaikum sa lahat ng ginagalang naming nakakatanda at kapatid sa pananampalatayang Islam.

Alhamdulillah, nagpapasalamat tayo sa Allah dahil sa walang katapusang Ni'mah (biyaya) Niyang
binibigay sa atin. Nilikha niya tayong tao at isang Muslim at kabilang sa Ummah ng Rasulullah (SAW).
Ang Allah ang Tagapaglikha, ang Panginoon at ang Hari ng mundong ito at sa kabilang buhay. Tayo ay
nilikha ng Allah sa layuning upang sumamba sa Kanya ayon sa pagkasaad sa Qur'an Surah Dhariyat
51:56,

َ ‫ت ْال ِج َّن َواِإْل‬


ِ ‫نس ِإاَّل لِيَ ْعبُد‬
‫ُون‬ ُ ‫َو َما خَ لَ ْق‬

(Hindi ko nilikha ang mga Jinn at Tao maliban sa sumamba sa Akin.) Nais ng Allah na tayo ay
magtagumpay dito sa dunya at sa kabilang-buhay kaya’t Siya ay nagpadala ng mga Anbiya (AS) at ang
huling sinugo sa atin ay ang Propeta Mohammad (SAW).

Ang tunay na tagumpay ay iyong nabanggit ng Allaho Taalah sa Qur'an Surah Al-e-Imran 3:185

َ‫ار َوُأ ْد ِخ َل ْال َجنَّةَ فَقَ ْد فَاز‬


ِ َّ‫فَ َمن ُزحْ ِز َح َع ِن الن‬

(Ang sinumang makaligtas sa Naraka (Impiyerno) at makapasok ng Jannah (Paraiso) ay sila iyong
nagtagumpay). Ang buhay sa mundo ay sadyang napaka-ikli katulad ng pagkasabi ng Propeta sa Hadith
Mafhum na ang karamihan sa Ummah nya ay mabubuhay sa pagitan ng 60-70 taon. Pagkatapos nating
mamatay ay mabubuhay tayo sa kabilang buhay at doon ang buhay na may umpisa at walang katapusan.
Para maging matagumpay sa dunya at akhirat ay dapat makamtan natin ang Kumpletong Agama (Deen-
Relihiyon) at Iman (Paniniwala) ayon sa Pamamaraan (Sunnah) ng Rasulullah (SAW).

Para madaling makamtan ang Kumpletong Agama ay dapat magkaroon tayo ng mga mabubuting
katangian katulad ng Anim Na Katangian (6-Siffat) na kung saan ay karaniwan nang nasa mga Sahaba
(RA) na naging dahilan kung bakit nakamit nila ang kumpletong agama at iman. Ang kumpletong agama
ay ang Imaniyyat (Paniniwala), Ibadiyyat (Pagsamba), Muamalat (Pamamaraan ng Paghahanap-buhay),
Moasharat (Pakikitungo sa Kapwa) at Akhlaq (Pag-uugali). Kung susundin natin ang kumpletong agama,
ang tulong ng Allah ay nasa atin. Para makamit natin ito, kailangan nating magsumikap.

Ang Anim na Katangian (6-Sifat) na ito ay ang sumusunod:


1. Ang Yakeen (Pananalig) sa Kalima, La ilaha illa'llah, Muhammadur Rasulullah;

2. Iqaamus Salah;

3. 'Ilmo wa Dhikr;

4. Ikram al-Muslimin;

5. Ikhlas An-Niyyah, at

6. Da’wah Ilallah o Khoroods Fii Sabilillah.

1.a) Ang unang bahagi ay ang Yakeen (Pananalig) sa Kalima, La ilaha illa'llah:

KAHULUGAN: Ang kahulugan ay ang Pananalig sa Kalima, Walang Diyos na dapat sambahin maliban sa
Allah.

LAYUNIN: Ang ating layunin ay upang mapasok sa ating mga sarili ang Katiyakan (Yakeen) na ang
anumang mangyayari, ay mangyayari lamang sa kagustuhan ng Allah. Na ang Allah ay maaaring gawin
ang lahat nang walang tulong ang makhluq (nillikha), at ang makhluq ay walang maaaring gawin nang
walang pahintulot ang Allah. Ito ay upang tanggalin mula sa ating mga puso ang ghairullah (maliban sa
Allah) at pagmamahal sa makhluq, at ipasok ang pagmamahal sa Allah (SWT) dahil ang pagmamahal sa
Allah ay hindi papasok sa puso ng tao na puno ng pagmamahal ng Dunya.

KAHALAGAHAN: Isa sa mga kahalagahan ng Kalima ay nakasaad sa Muntakhab Hadith na,

• "Sinumang magsaksi na walang Diyos maliban sa Allah lamang ay makakapasok sa Paraiso." (Bazzar)

• "Sinumang magsaksi na walang dapat sambahin maliban sa Allah, at si Muhammad (SAW) ang huling
propeta ng Allah, at madalas itong bigkasin habang ang kanyang puso ay nasisiyahan dito, siya ay hindi
masusunog sa Apoy Naraka. " (Baihaqi)

• "Sinumang magbigkas ng 'Laa ilaaha illallaah' ng 100x sa umaga, at 100x sa gabi ay may gantimpalang
nagpalaya ng sampung alipin mula sa angkan ng Propeta Ismael (AS)". (Tirmidhi)

• "Ang pinakamabuting gawain ay paniniwala sa Allah lamang, pagkatapos ay ang pagsusumikap sa daan
ng Allah, pagkatapos ay ang hajj na tinanggap: Ang mga ito ay mas timbang kaysa lahat ng mga gawain
at ang distansya ay Silangan at Kanluran." (Ahmad)
• “Baguhin ang inyong Iman! Ito ay tinanong: O Rasulallah! Paano namin baguhin ang aming Iman?
Sinabi niya: Sabihin madalas ang ‘La ilaha illallah’. (Musnad Ahmad, Tabarani, Targhib)

PAGSISIKAP: Ang tunay na Yakeen (matibay na paniniwala) ay maaring makamit sa pamamagitan ng


pagsisikap;

• Magbigay Da'wat, pakikinig at pag-aalala sa Kadakilaan at mga Siffat ng Allah.

• Sikapin nating laging makapagbigay Da’wat na ang Allah ay ang Mapagmahal at Maawain. Ang Allah
ang Tagapaglikha, Siya ang lumilikha sa lahat ng mga nilalang. Siya ang nagbibigay buhay at kamatayan.
Siya ang Tagapagbiyaya. Siya ay nagbibigay biyaya sa lahat ng nilalang. Siya ang Panginoon sa mundong
ito at sa kabilang-buhay.

• Laging mag-da’wat at isipin na ang pagkain ay makapagdudulot lang ng pakinabang sa mga nilalang sa
pamamagitan ng kalooban ng Allah. Ang tubig ay makakapawi ng uhaw sa pamamagitan ng hukm (utos)
ng Allah. Ang apoy ay makakasunog lamang ayon sa pahintulot ng Allah. Ang sandata ay maaaring
makamatay lamang ayon sa pahintulot ng Allah. Gayundin, ang gamot ay makakapagbigay lunas sa sakit
ayon sa hukm ng Allah. Ang Allah ang nagbibigay kapangyarihan sa kanino Niya gusto at ang Allah ang
nagtatanggal ng kapangyarihan sa gusto Nya. Ang Allah ang may hawak lahat ng pangyayari sa
sanlibutan at ng sangkatauhan, at Siya (Allah) ang may alam at saksi ng bawat lihim. Maganda at
masamang kalagayan ay mula sa Allah (SWT).

• Ang mag-Duaa sa Allah na makamit ang tunay na yakeen sa Allah.

1.b) Ang ikalawang bahagi ng kalima ay ang; Mohammadur Rasulullah:

KAHULUGAN: Ang kahulugan ay si Mohammad (SAW) ay Rasul (Propeta) ng Allah (SWT).

LAYUNIN: Ang ating layunin ay upang dalhin sa ating mga sarili ang Sunnah (pamamaaan) ng Rasulullah
(SAW). Ang Allah ay sinugo ang Propeta Mohammad bilang awa sa sangkatauhan. Kaya, ang ating
tagumpay dito sa Dunya at Akhirat ay sa pamamagitan sa pagsunod sa mga Sunnah ng Rasulullah (SAW).
Ang pamamaraan na iba maliban sa sunnah ng Rasulullah (SAW) ay Bid'ah at hindi katanggap-tanggap sa
Allah.

KAHALAGAHAN: Isa sa kahalagahan ay upang ang ating a'mal (gawain) ay magiging katanggap-tanggap
kaya dapat ito ay mahalagang naka-ayon sa Sunnah ng Rasulullah (SAW). Ang kahulugan ng ayaat sa
Quran Surah Mulk 30:2 ً‫" لِيَ ْبلُ َو ُك ْم َأيُّ ُك ْم َأحْ َسنُ َع َمال‬Para masubukan Nya kayo kung sino ang may magagandang
A’mal (Gawain)”. Ang A'mal na ginawa maski para sa Allah ngunit hindi ayon sa Sunnat ng Rasulullah
(SAW) ay hindi katanggap-tanggap. Ganon din kung ang isang A’mal na ginawa na naka-ayon sa Sunnah
ng Propeta (SAW) ngunit hindi para sa Allah ay hindi rin katanggap-tanggap. Ang katanggap-tanggap na
A’mal ay iyong ginawa para sa Allah (ikhlas) at ayon sa Sunnah ng Rasulullah (SAW).

• "Ang lahat ng aking Ummah ay papasok ng Paraiso maliban sa mga tumanggi. Ang nandon na
Sahaabah ay nagtanong," At sino ang tumanggi? "Sinabi nya (SAW): Sinumang susunod sa akin ay
papasok ng Paraiso at sinumang sumuway sa akin ay iyon ang tumanggi." (Sahih Al-Bukhari)

• "Walang pananampalataya ang sinuman sa inyo hangga’t siya ay may higit na pagmamahal sa akin
kaysa sa kanyang mga magulang, mga anak at lahat ng sangkatauhan." (Al-Bukhari at Muslim)

• “Mabuting balita sa mga naniwala sa akin at nakakita sa akin, at mabuting balita pitong beses mahigit
sa mga naniwala sa akin at hindi ako nakita”. (Musnad Ahmad)

• Ang sinumang magpatuloy sa aking Sunnah sa panahon ng katiwalian sa aking Ummah, para sa kanya
ang gantimpala ng isang Shahid. (Tabarani, Targhib)

• “Ang sinumang buhayin ang aking Sunnah, ay talagang minahal ako, at ang nagmamahal sa akin ay
makakasama ko sa Paraiso. (Tirmidhi)

PAGSISIKAP: Ang Sunnah ng Rasulullah (SAW) ay maaaring makamit sa pamamagitan ng pagsisikap;

• Magibigay ng Da'wat at pakikinig sa talakayan ng Sunnah ng Rasulullah (SAW).

• Sikapin nating matutunan at maisagawa ang mga pamamaraan ng Rasulullah (SAW) sa pagsamba,
paghahanap-buhay, pakikitungo sa tao, pag-uugali, kumain, matulog, gumising, pananamit, pag-da’wah,
atbp.

• Ang mag-Duaa sa Allah na makamit ang hakikat ng Sunnah ng Propeta (SAW).

2) Pangalawang Sifat ay ang Iqaamus-Salah:

KAHULUGAN: Ang kahulugan ay ang pagsasagawa ng Salah 5x araw-araw.

LAYUNIN: Ang ating layunin ay upang maisagawa ng maayos ang Salah na may khushu (paggalang) at
khudu (pagpapakumbaba) sa mga takdang oras nito at jamaah (tipon-tipon). At kung paano ang
pagsunod ng mga bahagi ng katawan natin sa Allah habang nasa Salah tayo ay maging masunurin din ito
sa labas ng Salah kapag tayo ay nasa ating mga bahay at trabaho.
KAHALAGAHAN: Ilan sa mga kahalagahan ng Salah na ipinahayag sa Muntkhab Hadith ay,

• “Ang Islam ay binubuo ng limang haligi: 1) Ang pagsaksi na walang karapat-dapat ng pagsamba
maliban sa Allah at si Muhammad (SAW) ay Propeta ng Allah, 2) Pagsagawa ng Salah, 3) Pagbibigay ng
Zakah, 4) Pag-ayuno sa buwan ng Ramadan at, 5) Pagsagawa ng Hajj (ang may kaya) - (Bukhari)

• "Ang susi sa Paraiso ay Salah at ang susi sa Salah ay ang Wudu (Paghuhugas)". [Tirmidhi]

• "Ang unang bagay na itatanong sa alipin ng Allah (SWT) ay ang Salah, at kung ito ay mabuti, ang ibang
gawain ng tao ay magigiging mabuti; ngunit kung ito ay masama, ang ibang gawain ng tao ay magiging
masama "( Bukhari, Tabarani).

• "Ang Salah ay haligi ng relihiyon, sinumang magsagawa nito ay naitaguyod nya ang relihiyon at
sinumang iwanan ito ay nilalayong sirain ang relihiyon". (Baihaqi)

• Ang propeta ay nagwika, “Ano ang pinaka-mabuting gawain? Sinabi niya: ang magsagawa ng Salah sa
unang bahagi ng takdang oras nito. (Abu Dawud).

PAGSISIKAP: Ang hakikat (katotohanan) ng Salah ay maaring makamit sa pamamagitan ng pagsisikap;

• Magbigay Da'wat at pakikinig sa talakayan ng Salah.

• Sikapin nating gawin ang Salah sa takdang oras at jamaah sa Masjid (ang mga lalaki at sa bahay ang
mga babae). Pagbutihan natin ang bawat Salah na may konsentrasyon (walang halo). Isipin natin na baka
iyon na ang huling Salah natin. Isipin natin na nakikita natin ang Allah o kung hindi man ay tayo ay
nakikita ng Allah.

• Ang mag-Duaa sa Allah na makamit ang hakikat ng Salah.

3.a) Pangatlong Sifat ay ang 'Ilmo wa Dhikr:

KAHULUGAN: Ang kahulugan ay Kaalaman at Pag-aalala sa Allah.

LAYUNIN: Unang bahagi ay ang 'Ilmo at ang layunin natin ay upang magkaroon ng kaalaman sa relihiyon
mula sa Qur'an at Hadith. Upang malaman ang Halal at Haram. At upang malaman kung ano ang dapat
gawin sa bawat pagkakataon.
KAHALAGAHAN: ang ilan sa mga kahalagahan ng 'Ilmo nakasaad sa Muntakhab Hadith ay,

• "Ang pinakamahusay sa inyo ay iyong natututunan ang Qur'an at nagtuturo nito". (Tirmidhi)

• "Ang sinumang nais ng Allah ng kabutihan, ay binibigyan Nya ng gabay tungo sa pag-unawa ng
relihiyon (deen)". (Bukhari, Tirmidhi, Ahmad)

• "Sinumang lumakad ng landas sa paghahanap ng kaalaman sa relihiyong islam, ang Allah ay gagawing
madali para sa kanya ang makapasok sa Paraiso. Ang mga anghel ay ibinababa ang kanilang mga pakpak,
nalulugod sila sa kanya, at lahat ng nilalang sa langit at sa lupa ay humihingi ng kapatawaran para sa
kanya, kahit na ang isda sa pinakailalim ng tubig ay humihingi ng kanyang kapatawaran." (Abu Dawud,
Ibn Majah, Tirmidhi)

• "Ang sinumang abutin ng kamatayan habang abala sa pagkamit ng kaalaman na may intensyong
sariwain ang Islam sa tulong nito, ay may ay isang antas na pagitan lamang sa kanya at ang mga Propeta
sa Paraiso." (Tirmidhi Hadith 249. Isinaad ni Al-Hasan al-Basri)

• Ang sinumang magbasa ng Qur'an at isagawa ito, ang kanyang mga magulang ay magsusuot ng korona
sa Araw Paghuhukom, na ang liwanag ay mas maliwanag pa kaysa liwanag ng araw; kung sisikat ito sa
inyong mga bahay, ano pa kaya sa tingin mo ang mga taong nagsagawa nito? (Abu Dawud)

PAGSISIKAP: Ang hakikat ng “Ilm ay maaring makamit sa pamamagitan ng pagsisikap;

• Sa pag-Da'wat at pakikinig sa talakayan ng' Ilm.

• Maglaan ng oras upang pag-aralan ang Qur'an at Hadith at sa pamamagitan ng pagsali sa mga Ta'lim at
pagbabasa ng kitab. Pumunta sa mga Ulama upang matuto ng masail (alituntunin) at fadhail
(kahalagahan).

• Ang mag-Duaa sa Allah na makamit ang 'Ilm na kapaki-pakinabang.

LAYUNIN: Ang ikalawang bahagi ay ang Dhikr, at ang ating layunin ay upang magkaroon ng paggunita at
pag-aalala sa Allah sa 24 oras sa bawat pagkakataon.

KAHALAGAHAN: Ang ilan sa ang kahalagahan ng Dhikr nakasaad sa Muntakhab Hadith ay;

• "Kapag ang mga tao ay nagtipon-tipon sa pag-aalala sa Allah (SWT), walang intensiyon maliban sa
kasiyahan ng Allah, ang mga anghel ay tumatawag sa kanila mula sa langit: Magsitayo kayong mga
pinatawad! At tunay na ang inyong mga kasalanan ay pinalitan ng kabutihan". (Musnad Ahmad,
Tabarani, Abu Ya'la, Bazzar, Majma-'uz-Zawaid)
• "Sinasabi ng Allah na Dakila at Makapangyarihan sa lahat: Kasama ko ang Aking alipin kapag siya ay
nag-aalala sa Akin hanggang ang kanyang mga labi ay abala sa paggunita sa Akin." (Ibn Majah)

• “May apat na katangiang tulad na isang likas na talagang pinagpala ang sinumang magkaroon nito at
sadyang pinagpala sa mundong ito at sa kabilang-buhay: (1) Isang nagpapasalamat puso, (2) Isang dila na
naaalala Allah, (3) Isang katawan na natitiis ang hirap at (4) Isang asawang mapagkakatiwalaan ng
kanyang asawa o hindi naglulustay ng kanyang kayamanan. (Tabarani)

• Ang Nabi (SAW) ay nagsabi, “Kapag dumaan kayo sa hardin ng paraiso, hayaan ninyong manginain ang
inyong puso. Ito ay tinanong: Ano ang mga hardin ng Paraiso? Siya ay tumugon: “Ang pagtitipon para sa
pag-aalala ng Allah.” (Tirmidhi)

• Ang taong naaalala ang Allah at ang kanyang mga mata ay umaapaw dahil sa takot sa Allah, dahil doon
ay may luhang tumulo sa lupa, hindi siya parurusahan ng Allah (SWT) sa Araw ng Paghuhukom.
(Mustadrak Hakim)

PAGSISIKAP: Ang hakikat ng Dhikr ay maaring makamit sa pamamagitan ng pagsisikap;

• Sa pag-Da'wat at pakikinig sa talakayan ng Dhikr.

• Sikaping gawin ang Dhikr sa Allah sa lahat pagkakataon sa bawa’t oras. Gagawin ang na may
konsentrasyon ng puso at isip. Pagtuon sa mga salita na binabanggit tulad Tilawat Qur'an at mga Dhikr
sa Allah katulad ng pagsambit ng "Laa Ilaaha Illallah", Ashtaghfirullah "," Allahummasalli 'Ala Nabiyyina
Mohammad (SAW) "100x araw at gabi at iba pang mga adhkar sa oras ng pagkain, pag-inom, pagtulog,
paggising, pananamit, atbp.

• At ang mag-Duaa sa Allah na makamit ang hakikat ng Dhikr.

4) Pang-apat na Sifat ay ang Ikram Al-Muslimin:

KAHULUGAN: Ang kahulugan ay Paglilingkod at Pagpaparangal sa kapwa Muslim.

LAYUNIN: Ang ating layunin ay upang magkaroon ng pagmamahal, mapagbigay, paggalang, magandang
loob at pasensya para sa ating mga kapwa Muslim. Dapat nating ibigay ang kanilang mga karapatan at
pasensyahin ang ating mga karapatan sa kanila.

KAHALAGAHAN: Ang ilan sa ang kahalagahan ng Ikram Al-Muslim na nakasaad sa Muntakhab Hadith ay;
• “Hindi kayo makakapasok ng Paraiso hangga’t hindi kayo mananampalataya, at hindi kayo tunay na
mananampalataya hangga’t hindi kayo magmahalan. Maari ko bang sabihin sa inyo ang isang bagay para
kayo magmahalan? Ipalaganap ang Salam sa inyong mga sarili. (Muslim)

• " Walang mas mabigat sa Timbangan sa Araw ng Paghuhukom na hihigit pa sa magandang pag-uugali."
(Abu Dawud)

• ”Ang may pinakaganap na pananampalataya sa inyo ay iyong may pinaka mabuting-asal; at ang mabait
sa kanyang pamilya " (Tirmidhi) at ang pinaka mabuti sa inyo ay ang mga mabuti sa kanilang mga
asawa". (Musnad Ahmad)

• “Sinuman ang may tatlong katangian ay sa ilalim ng lilim ng Awa ng Allah (sa Araw ng Paghuhukom) at
makakapasok sa Paraiso; 1) Maawain sa mahihina, 2) Matulungin sa magulang 3) Mabait sa mga alipin
(nakakababa). [Tirmidhi]

• "Sinumang magpakumbaba ng kanyang sarili para sa kapakanan ng Allah, siya ay itataas ng Allah, na
palagay nya ay maliit ang kanyang sarili, ngunit sa mata ng tao siya ay dakila. Subalit ang mga
mapagmataas, ay ibababa ng Allah, at siya ay magiging maliit sa mata ng mga tao, kahit na palagay nya
sa kanyang sarili ay dakila nguni’t ang palagay ng mga tao ay mas masahol pa siya sa aso o baboy ".
(Baihaqi)

PAGSISIKAP: Ang hakikat ng Ikram Al-Muslim ay maaring makamit sa pamamagitan ng pagsisikap;

• Sa pagbigay Da'wat at pakikinig sa talakayan ng Ikram Al-Muslimin.

• Sikaping matutunan at isagawa ang pag-galang sa matatanda, pagpaparangal sa mga Ulama,


pagtulong sa nangangailangan, kabaitan sa lahat kagaya ng kapitbahay, kamag-anak, pamilya at mga
kaibigan sa abot ng makakaya. Palaging ilagay sa una ang kapakanan ng iba kaysa sa sariling kapakanan.

• At ang mag-Duaa sa Allah na makamit ang hakikat ng Ikram Al-Muslimin.

5) Ika-Limang Sifat ay ang Ikhlas An-Niyyat:

KAHULUGAN: Ang kahulugan ay Katapatan ng Intensyon.

LAYUNIN: Ang ating layunin ay upang magkaroon ng ikhlas (katapatan) ang ating mga a'mal para sa
kasiyahan ng Allah (SWT) lamang upang Kanyang tanggapin.
KAHALAGAHAN: Ang ilan sa ang kahalagahan ng Ikhlas na nakasaad sa Muntakhab Hadith ay;

• “Sigurado, ang gantimpala ng a’mal ay depende sa intensyon, at sigurado bawa’t tao ay tatanggap
nang kung ano ang kanyang intensiyon”. (Bukhari)

• “Tunay na ang Allah ay hindi tumitingin sa inyong mga mukha at ari-arian, ngunit ang tinitingnan Niya
ay ang inyong mga puso at a’mal (gawa). (Muslim)

• “Walang alinlangan sa muling pagkabuhay, ang mga tao ay tatratuhin ayon sa kanilang mga
intensyon”. (Ibn Majah)

• “Sigurado, ang Allah ay hindi tumatanggap ng anumang a’mal, maliban sa ginawa para sa Kanya at
para makakuha ang Kanyang kasiyahan”. (Nasai)

• “Tunayan na mahal ng Allah ang Kanyang alipin na matakutin, kaya ang sarili at kuntento kung anong
mayroon siya at hindi napapansin”. (Muslim)

PAGSISIKAP: Ang hakikat ng Ikhlas ay maaring makamit sa pamamagitan ng pagsisikap;

• Sa pagbigay Da'wat at pakikinig sa talakayan ng Ikhlas,

• Pagsisikap isagawa sa pamamagitan ng pagsuri ng intensyon bago gawin, habang ginagawa at


pagkatapos ng bawat a’mal. Kung may papasok na ibang motibo maliban sa kasiyahan ng Allah ay agad
magsisi at itama ang intensyon. Sa pamamagitan ng patuloy na pagsisisi at pag-tanggal sa mga lihim na
hangarin, ang intensyon ay aasenso tungo sa pagiging matapat sa Allah. InshaAllah

• At ang mag-Duaa sa Allah na makamit ang hakikat ng Ikhlas An-Niyyat.

6) Ika-Anim na Sifat ay ang Da'wah at Tabligh o Khoroj Fii Sabiilillah:

KAHULUGAN: Pag-iimbita at Pagpapalaganap o Paglabas sa Landas ng Allah (SWT).

LAYUNIN: Ang ating layunin ay upang maglaan ng oras sa pagsisikap ng pag-iimbita at pagpapalaganap
ng Agama (Deen/Relihiyon) nang sa gayon ay magkaroon tayo ng Hidayah (Gabay) kagaya ng nasabi ng
Allah sa Qur’an Surah Al-Ankabut 29:69;

‫َوالَّ ِذينَ َجاهَدُوا فِينَا لَنَ ْه ِديَنَّهُ ْم ُسبُلَنَا‬

(Ang mga taong nagsusumikap para sa Amin, ay tunay na aming gagabayan sa mga daan sa Amin). Ang
nagsasakripisyo sa landas ng Allah ay magkakaroon ng matibay na Iman (Paniniwala) sa Allah (SWT) at
mabubuhay ang Sunnah (Pamamaraan) ng Propeta Mohammad (SAW) sa ating mga sarili at
magkakaroon tayo ng magagandang katangian tungo sa tagumpay at kasiyahan ng Allah (SWT). Ang
tunay na tagumpay ay ang maligtas sa Impiyerno at makapasok sa Paraiso.

Ang mga Propeta (AS) ay nagsikap sa Agama ng Allah (SWT) at sila ay binigyan ng iisang gawain na mag-
imbita ng sangkatauhan tungo sa kanilang Tagapaglikha kaya sila ang kinalugdan ng Allah at makamit
ang mataas na gantimpala sa kabilang-buhay. Ang Propeta Mohammad (SAW) ay sinugo sa buong
mundo hanggang magunaw ang mundo. Subalit siya ay pumanaw na at wala nang propeta na susunod
sa kanya.

Isang karangalan na tayo ay napabilang sa Ummah ng Propeta (SAW) na binigyan ng pahintulot at


pagkakataong ipagpatuloy ang misyon ng Propeta (SAW) at ito ay hindi bilang pasan kundi isang
napakalaking biyaya. Ang Allah ay nagsabi sa Qur’an Al-e-Imran 3:110

ِ ‫اس تَْأ ُمرُونَ بِ ْال َم ْعر‬


‫ُوف َوتَ ْنهَوْ نَ ع َِن‬ ْ ‫ُكنتُ ْم َخي َْر ُأ َّم ٍة ُأ ْخ ِر َج‬
ِ َّ‫ت لِلن‬

Tayo ay hinirang ng Allah bilang KHAIRAH UMMAH (Pinakamabuting Nasyon) dahil tayo ay UKHRIJAT
LINNAAS (Pinalabas para sa mga tao) dahil ang gawain natin ay TA’MURU NA BIL MA’RUF WA TANHA
ANIL MUNKAR (Mag-utos ng mabubuti at magbawal ng masasama).

Ang Allah (SWT) ay RABBUNNAAS (Panginoon ng Sangkatauhan), ang Qur’an ay HUDALLINNAAS


(Patnubay sa Sangkatauhan), Ang Propeta (SAW) at KAAFATAN LINNAAS (Sinugo sa Sangkatauhan) at
ang Nasyon nya na hinirang ng Allah na KHAIRAH UMMAH ay UKHRIJAT LINNAAS (Pinalabas para sa
Sangkatauhan). Tayo ay pinalabas hindi lang para sa isang tribo, lalawigan, bansa kundi para sa
sangkatauhan hanggang katapusan ng mundo kaya ang pagsisikap sa agama ay resposibilidad ng
salinlahi.

KAHALAGAHAN: Ang ilan sa ang kahalagahan ng Da’wah at Tabligh na nakasaad sa Muntakhab Hadith
ay;

• “Isang umaga o isang gabi na ginugol sa Landas ng Allah (SWT) ay mas mabuti kaysa sa mundo kasama
ang lahat ng nilalaman nito”. (Bukhari)

• “Kanino mang paa ang magka-alikabok sa Landas ng Allah (SWT); ipinagbawal ng Allah ang mga paa na
iyon mula sa Apoy (Naraka).” (Musnad Ahmad)

• “Sinuman na ang mukha ay magka-maalikabok sa Landas ng Allah, ang Allah ay pangangalagaan ang
kanyang mukha mula sa Apoy sa Araw ng muling pagkabuhay. At para sa kanya na ang mga paa ay
makakuha ng alikabok sa Landas ng Allah, ang Allah pangangalagaan ang kanyang mga paa sa Araw ng
muling pagkabuhay mula sa Apoy (Naraka).” (Baihaqi)

• "Kapag ang alikabok sa Landas ng Allah ay pumasok sa katawan ng isang Muslim, ipinagbawal ng Allah
ang Apoy (Naraka) sa kanya". (Musnad Ahmad, Tabarani, Majma-'uz-Zawaid)

• “Isang araw na ginugol sa Landas ng Allah (SWT) ay mas mabuti kaysa isang libong mga ibang araw.”
(Nasai)

• "Ang iyong pagsusumikap sa Landas ng Allah ng ilang sandali, ay mas higit kaysa sa iyong
magagandang a’mal (gawa) nang buong buhay kasama ang iyong pamilya". (Mustadrak Hakim)

• “Sinumang lumabas ng isang gabi sa Landas ng Allah ay pagkakalooban ng Pabangong Muska sa Araw
ng muling pagkabuhay, katumbas ng alikabok na dumampi sa kanyang katawan.” (Ibn Majah)

• "Sinumang gumabay sa isang tao sa magandang gawa, ang gantimpala ay katumbas ng gumawa nito."
(Muslim).

• May nagtanong sino ang pinakamagaling sa mga tao? Ang Propeta (SAW) ay tumugon: “Ang mga tao
na nagsusumikap sa Landas ng Allah”. Nagtanong ang Sahabah: Sino ang sumunod? Siya ay tumugon:
“Ang Mu'min na nakatira sa isang lambak sa gitna ng mga lambak na may takot sa kanyang Panginoon at
ligtas ang mga tao mula sa kanyang kasamaan.” (Tirmidhi)

• Sino sa mga Mu'minin ang may pinaka-perpektong Iman? Ang Propeta (SAW) ay tumugon: “Ang isang
tao na nagsusumikap sa Landas ng Allah kasama ng kanyang buhay at kayamanan at ang tao na
sumasamba sa Allah sa isang lambak sa gitna ng mga lambak at ligtas ang mga tao mula sa kanyang
kasamaan.” (Abu Dawud)

• “Siya na gumugol sa Landas ng Allah (SWT), pitong daang beses na naitala sa kanyang aklat ng mga
gawa.” (Tirmidhi)

• “Sigurado, ang gantimpala ng nag-aalay ng Salah, Siyam at Dhikr sa Landas ng Allah ay mas mabuti,
pitong daang beses kaysa paggasta sa Landas ng Allah. (Abu Dawud)

• “Ang maging sa Landas ng Allah ng ilang sandali, ay higit pa kaysa sumasamba sa gabi ng Lailatul-Qadr
sa harap ng Hajar-al-Aswad (Batong Itim). (Ibn Hibban)

PAGSISIKAP: Ang ating layunin na makamit ang Hidayat at matibay na Iman ay sa pamamagitan ng
pagsisikap;

• Sa pagbigay Da'wat at pakikinig sa talakayan ng pagsasakripisyo sa agama o Khoroj Fii Sabiilillah,

• Sa pamamagitan ng pagsisikap at paglaan ng oras sa pagpapalaganap ng Agama ng Allah (SWT). Dapat


tayong magtakda ng oras at pilitin sa abot ng ating makakaya na masubukang lumabas sa daan ng Allah
(SWT) ng 4-buwan sa buong buhay natin, 40-araw sa isang taon, 3-araw bawat buwan at ang 5-a'mals sa
ating Mahala. Iyon ang 3-araw khoroj buwan-buwan, 2-Jaula (Maqami at Intiqali), Ta'lim sa bahay at
masjid, araw-araw na Mashwara, 2 ½ oras araw-araw at Huwebes ng gabi I’tikaf sa Markaz.

• At ang mag-Duaa sa Allah na tanggapin ang mga nakakatanda sa atin, ang mga kasamahan natin,
kakilala natin, kapamilya natin at sarili natin sa banal na gawain na ito ng Propeta (SAW).

DAPAT TANDAAN:

Ang bilang ng mga araw ay hindi sapilitan, ito ay inirerekomenda lamang tulad ng pag-aaral ng
pangunang lunas. Halimbawa, isang buwan bilang pagsasanay. Siya ay hindi magiging isang ganap na
manggagamot, ngunit matutunan nya ang mga pangunahing bagay na maaaring gawin sa panahon ng
isang pangangailangan. Katulad nito, ang isang tao na maggugol ng 3 araw, 40 araw, 4 na buwan, atbp.
ay hindi magiging isang dalubhasa sa Shariah Islamia, ngunit matutunan nya ang mga pangunahing
kinakailangan ng Shariah Islamia dahil karamihan ng tao ngayon ay hindi nakapag-aral ng agama. Mas
maraming oras ibigay, mas matututo tayo sa larangan ng agama. Ang sukat ng oras ay hindi isang
pamantayan ayon sa Shariah.

Mayroong ilang mga utos sa Shari'ah na kung saan ang paraan ay hindi itinakda. Halimbawa, isang utos
ng Shari’ah ang magkaroon ng kaalaman, ngunit ang paraan na kung saan ang mga Madrasa na itinatag
ay hindi napatunayan ayon sa Quran at Hadith. Sa nakaraan, ginamit ng Propeta (SAW), Mga Sahaba at
mga iskolar sa pagtuturo ay ang mga masjids. Pagkatapos noon ay ang mga mag-aaral ay sa mga iskolar
pumupunta para matutunan ang iba't ibang karunungan. Walang kaayusan sa tirahan o pagkain. Ngunit
ang interes ng pag-aaral ay nabawasan sa paglipas ng panahon, kaya naisip ng mga iskolar na
kinakailangang magtatag ng sistema ng kurikulum sa pag-aaral kagaya ng nakikita natin ngayon. Hindi
ginawa ng Propeta (SAW) at mga Sahaba (RA) ang mag-aral sa madrasa ng antas, grado o mag-diploma
bagkus ang sistema ng kurikulum na ito ay bago at hango sa sistema ng mga taga kanluran ngunit
walang nagpalagay sa umabot sa panahon ngayon na ito ay bid'ah.

Katulad nito, ang Allah ay iniutos sa ating gawin ang Da'wah & Tabligh nang grupo katulad ng pagkasabi
nya sa Qur’an Surah Al-e-Imran 3:104,

ِ ‫َو ْلتَ ُكن ِّمن ُك ْم ُأ َّمةٌ يَ ْد ُعونَ ِإلَى ْال َخي ِْر َويَْأ ُمرُونَ بِ ْال َم ْعر‬
‫ُوف َويَ ْنهَوْ نَ ع َِن ْال ُمنكَر‬

[Magtatag kayo mula sa inyo ng Ummah (grupo) na mag-iimbita tungo sa mabuti, isusugo nila ang
mabuti at ipagbabawal ang masama]. Hanggang sa pawala nang pawala ang grupong nag-iimbita at
nagpapalaganap ng agama. Hanggang sa ang mga marurunong ay nagtuturo na lang sa mga tao para
mag-utos ng mabubuting gawa at magbawal ng masasama nang indibiduwal. Sa paglipas ng panahon,
lumaganap ang kasamaan, at konti na lang ang mga taong nangangaral ng mabuti at magbawal ng
masasama. Samakatuwid, nararapat lang buhaying muli ang isang panlahatang pagsisikap na may
alituntuning sinusunod para ipagpatuloy ang gawaing ito.

Ang Allah ay nagsabi sa Qur’an Surah Al-An’aam 6:160,

‫َمن َجاء بِ ْال َح َسنَ ِة فَلَهُ َع ْش ُر َأ ْمثَالِهَا‬

(Ang taong makagawa ng mabuti ay magkakaroon ng sampung beses na gantimpala). Kaya kung tayo ay
magsisikap sa landas ng Allah (SWT) at maglalaan ng 3-days isang buwan ay katumbas ng 1-buwan, ang
40-araw isang taon ay katumbas ng 1-taon, ang 4-6 buwan ay katumbas ng halos buong buhay natin na
sakripisyo sa Landas ng Allah (SWT).

Ang positibong tagumpay ng Da’wah at Tabligh ay dahil sa paghahayag ng Anim na Katangian (6-Siffat)
na napapalooban ng Tawheed (kaisahan ng Allah), pagsunod sa Sunnah (pamamaraan) ng Nabi
Mohammad (SAW) at Islahi-Nafs (Pagtutuwid sa sarili).

MAHALAGANG MAINTINDIHAN:

a). Halos bawat Surah ng Qur'aan ay nagbanggit ng Jihaad sa landas ng Allaah (SWT) Kapag pinag-
usapan ang Jihaad, ipinahayag nito ang maraming aspeto na may kinalaman sa pangangalaga ng Deen.
Ibig sabihin, ang magsakripisyo para sa Deen, sa pagsusumikap para sa proteksyon ng Deen, sa
pagsusumakit para sa pagtatanggol ng Deen, upang maikalat ang Deen, upang ipangaral at palaganapin
ang Deen, upang ituro ang lahat ng mga sangay ng Deen, upang makisali ng pisikal na pangangalaga,
pagpapanatili, pagtatanggol, protektahan, ikalat at palaganapin ang Kalimah ng Tawheed ng Islam.

b.) Da'wah (Pag-imbita) at Tabligh (Pagpalaganap) ng Deen ay Jihaad (Pagsusumikap sa Deen). Ang Jihad
ay humahantong kalaunan sa Qitaal (pagkamartir o pagpatayan) para sa kasiyahan ng Allah (SWT) na
sang-ayon sa Shari’ah.

c.) Ang matuto tungkol sa Deen ay Fardh (tungkulin). Ang ipangaral at palaganapin ang Deen ay Fardh
(tungkulin) din. Ang protektahan at ipagtanggol ang Deen ay maaaring gawin sa iba't-ibang mga paraan
at ang Da’wah at Tabligh ay isa sa pinaka-mabisang paraan kung saan napatunayan sa pamamagitan ng
karanasan upang protektahan ang Deen. Mapapansin na ang Da’wah at Tabligh ay tulad ng isang
kumikilos na Madrasah at labis na mabisa sa masa at propesyonal. Ito ay pang internasyonal na
pagsasakripisyo na nagpabago sa buhay ng hindi lang daan-daan at libu-libo kundi milyon-milyong tao.
Maraming pumapasok dito sa araw-araw at nabago ang kanilang mga sarili at naging masunurin sa Allah
(SWT) at mabait na kasapi ng lipunan na hindi nila dating ginagawa.

MGA PANGUNAHING PRINSIPYO (OSOL):

And depensa ng isang bansa ay binubuo ng hukbong-katihan, hukbong-dagat, hukbong pang-


himpapawid, pulis at sundalo. Lahat ito at tulong-tulong sa pananatili ng kaayusan at pagtatanggol sa
bayan. Isang malaking kalokohan kung sila ay mag-away-away o magsiraan..

Ganon din ang Ummah sa gawain ng agama, para mapalakas at mapalaganap ito, mayroong nasa
larangan ng Madrasah, Imam, Muazen, Jihad, at Tabligh. Sila dapat ay tulong-tulong din at isang
kamalian na hamakin o insultuhin ang iba. Dapat silang magkaroon ng magandang intensiyon at
pagpapakumbaba ayon sa kagustuhan ng Allah at sa Sunnah ng propeta (SAW).

Ang payo natin sa lahat ay maging malawak ang ating kaisipan para sa isang banal at mabigat na gawain
na hindi kaya ng iisa. Maaring nandon lang tayo sa isa, dalawa o tatlong larangan kundi man natin
kayang sumali sa lahat ng gawain ng agama. Hindi natin dapat hamakin ang isang larangan dahil lang sa
tayo nasa kabilang larangan. Maaaring naranasan na natin na maliitin ang isang grupo dahil hindi pa
natin naiintindihan ang sa kanila kaya sana ay magkaroon tayo ng bukas na kalooban para ipaintindi sa
atin ng Allah (SWT). Hindi natin dapat maliitin ang isa bagkus ay magmahalan, magrespetuhan,
magtulungan at magpahalagahan.

Ang Allah ay nag-utos sa atin na, “Huwag ninyong insultuhin ang Diyos ng iba para hindi nila insultuhin
ang Allah bilang pagmamataas dahil hindi nila naiintindihan” (Surah Al-An’aam 6:108). Sinabi din ng
Allah (SWT) kay Musa (AS) nag gawing mahinahon ang pag-da’wah nya kay Fir’aun (Mafhum). At tayo ay
hindi kasing galling ni Musa at ang bibigyan natin ng da’wah ay hindi kasing-sama ni Fir’aun.

Sinabi pa ng Propeta na, “Huwag ninyong murahin ang mga magulang ninyo. Pag minura ninyo ang
magulang ng ibang tao ay mumurahin din nila ang magulang ninyo (Mafhum). Sinabi din nya na ang
karangalan ng isang Mu’min ay mahalaga pa kaysa Ka’bah (Mafhum). Kaya maging mahinahon tayo at
malambot sa mga tao kung hindi ay walang maniniwala sa atin at iiwasan tayo ng mga tao kung tayo ay
masungit at mapagmataas sa ating kaalaman o kinalalagyan.
Ang ating sakripisyo ay Ummumiyat (pangkalahatan) at hindi sa piling mga tao lamang. At dito tayo
matuto ng pagpapakumbaba at pasensiya. Kailangan nating magpakumbaba at magpasensiya dahil hindi
pa naiintindihan ng iba. Kailangan natin laging mag-duaa sa Allah ng tulong at patnubay dahil sa kawalan
natin ng lakas at kaalaman sa larangan ng pagsasakripisyo sa agama. Dapat lang tayong magpatuloy
dahil sa ito ay responsibilidad natin at pilitin nating huwag mawala sa gawaing ito nang makamit natin
ang gantimpala ng Allah (SWT) dito sa mundo at lalo na sa kabilang-buhay.

Kahit na ang ating pinakamahusay na pagsusumikap, gayunpaman, hindi maaaring maging perpekto at
andiyan lagi yong mga kakulangan at puna dahil hindi pa natin abot ang pagkaintindi ng Propeta (SAW)
at mga Sahaba (RA) sa gawaing ito. Maaari tayong mag-alinlangan at magkamali. Maaaring mabigo at
mawalan ng pag-asa. Dahil tayo ay tao lamang. Ngunit ang mahalaga ay ang ating intensiyon at
pagsisikap. Kaya dapat tayong magpatawad at huwag pansinin ang kakulangan ng iba at i-duaa ang
pang-iinsulto ng iba dahil hindi pa nila naiintindihan.

Lagi tayong magpakumbaba sa Mashwara at pakikitungo sa mga tao. Dapat nating palawakin ang ating
pang-unawa dahil pag may hirap at sakripisyo ay may kapalit na Hidayah kagaya ng pinagdaanang hirap
ng Propeta (SAW) at mga Sahaba (AS). Iwanan natin ang pakikipagtalo dahil wala itong idudulot na
mabuti sa mga taong nakasara ang puso. Dapat lang tayong magpaliwanag sa mga Modhakara kung
hinihingi ng pagkakataon.

Dapat lang na lagi tayong humihingi kay Allah (SWT) ng Hidayat at lagi tayong tulungan sa ating mga
gawain, kakulangan, kahinaan at kawalan ng importansiya sa mga tao dahil siya ang may kontrol at me
hawak sa puso ng mga tao.

Lagi nating isipin na higit sa lahat ay ang mga sarili natin ang nangangailangan ng patnubay ng Allah
(SWT). Susunod tayo sa Amer dahil iyon na rin ang pagsunod sa Propeta (SAW) at ang pagsunod sa
kanya ay pagsunod sa Allah (SWT).

Kapag pinabayaan natin ang mga pagsisikap at sakripisyo sa agama, ang pagpapasigla ng Islam ay
mananatiling sa mga salita at pangarap lamang. Upang matupad ang mga ito, kailangan nating
magpasiya na itong gawain na ito ang unang trabaho natin at dapat magbigay ng oras at kayamanan ang
ating mga sarili at mga kakayahan, ang ating mga personal na gusto at hindi gusto.
Ang Allah (SWT) ang higit na nakakaalam. Isama ninyo po ako sa inyong mga dalangin na tayo ay
tanggapin ng Allah sa gawaing ito at masali tayo sa mga taong bubuhayin sa kabilang-buhay na Da’ee
Ilallah. Ameen.

Mohammad-Manshawi

You might also like