Professional Documents
Culture Documents
Bidasari - EPIKO
Bidasari - EPIKO
(Epikong Mindanao)
2.1K
Ang epikong Bidasari ng Kamindanawan ay nababatay sa isang romansang Malay.
Ayon sa kanilang paniniwala, upang tumagal ang buhay ng tao, ito'y pinaalagaan at
iniingatan ng isang isda, hayop, halaman o ng punongkahoy.
Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang kunin
ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito'y ipinakukuwintas
kay Lila Sari at sa gabi'y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay
mamamatay. Pumayag si Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya
si Bidasari.
559
Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig
kung gabi. Kaya't si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa gabi.
Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng
isang magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.
Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang
magandang palasyo. Ito'y nakapinid. Pinilit niyang buksan ang pinto. Pinasok niya
ang mga silid. Nakita niya ang isang napakagandang babae na natutulog. Ito ay si
Bidasari. Hindi niya magising si Bidasari. Umuwi si Sultan Mongindra na hindi
nakausap si Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan. Naghintay siya hanggang
gabi. Kinagabihan nabuhay si Bidasari. Nakausap siya ni Sultan Mongindra.
Ipinagtapat si Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari. Galit na galit ang sultan. Iniwan
niya si Lila Sari sa palasyo at agad niyang pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari na ang
naging reyna.