Professional Documents
Culture Documents
Bantugan - EPIKO
Bantugan - EPIKO
(Epikong Mindanao)
3.1K
Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran. Ang
prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya't maraming dalaga ang naaakit sa
kanya. Dahil sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-utos
siya na ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang
sinumang mahuling makipag-usap sa prinsipe ay parurusahan. Nalungkot si Prinsipe
Bantugan at siya'y naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng
Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang hari rito at ang kapatid
niyang si Prinsesa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala si Bantugan. Tumawag
sila ng pulong ng mga tagapayo. Habang sinasangguni nila ang konseho kung ano
ang gagawin sa bankay, isang loro ang pumasok. Sinabi ng loro na ang bangkay ay
si Prinsipe Bantugan na mula naman sa Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari
kay Haring Madali.