Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KABANATA 3

ANG HAPUNAN

*papunta sa hapagkainan
PADRE SIBYLA: <masayang kausap ang pilay na si Doktor de Espadaña>
PADRE DAMASO: <galit at sinisikaran ang kung anumang madaan, silya man o
kadete>
<Ang iba pang mga panauhin ay pinag-uusapan ang karangyaan ng handa.>
<Sa gitna ng mga usapan at paghanga, isang seryosong Tenyente Guevarra ang
lumutang.>
TENYENTE GUEVARRA: <naapakan ang laylayan ng bestida ni Donya Victorina>
DONYA VICTORINA: Tenyente! Nasaan ang inyong mga mata?
TENYENTE GUEVARRA: Ipagpaumanhin ninyo ngunit naligaw sa kulot ng inyong
mga buhok.
SIBYLA at DAMASO: <Sabay na lalapitan ang kabisera ng hapagkainan.>
Pransiskano at Dominikano: Para sa iyo, padre! <iaalok ang kabisera>
PADRE SIBYLA: Para sa kumpesor ng maybahay ang upuang iyan, Padre Damaso.
Isa pa’y mas matagal na ninyong kakilala sa Kapitan Tiyago at mas nakatatanda
kayo sa akin.
PADRE DAMASO: H'wag na nating idamay sa usapang ito ang katandaan, Padre
Sibyla. Kayo ang kura paroko. Kayo ang dapat maupo rito.
PADRE SIBYLA: Kung iyan ang utos ninyo, wala akong magagawa.
PADRE DAMASO: Hindi naman sa inuutusan kita.
IBARRA: <unang papansin ss nag-anyaya ng hapunan> Don Santiago, halika at
saluhan na ninyo kami. <bahgyang tatayo ngunit pipigilan ni Kapitan Tiyago>
KAPITAN TIYAGO: <pipigilan si Ibarra sa pagtayo> "H'wag ka nang tumayo, iho.
Para sa'yong maluwalhating pagdating ang piging na ito. <Ipapakuha ang tinolang
matagal na ring hindi natitikman ni Crisostomo>
UTUSAN: <ihahain ang tinola sa hapag>
MGA TAUHAN SA HAPAG: <tuloy ang kwentuhan at kamustahan>
PADRE DAMASO: <susulyap sa plato ni Ibarra at pagkatapos ay titingnan ang
sariling plato na may pagkadismaya sa mukha>
<nagsimula ang hapunan>
GINOONG LARUJA: “Ilang taon kana bang nasa ibang bansa?”
IBARRA: “Humigit kumulang pitong taon.
GINOONG LARUJA : Mabuti at ‘di mo nalimutan ang iyang bayan.
IBARRA: "Ang totoo ay tila ako ang nalimutan na ng aking bayan. Halos isang taon
na rin ang nakaraan mula noong huli akong makatanggap ng liham mula rito at hindi
ko man lamang nalaman kung paanong nasawi ang sarili kong ama.” Napatingin na
lamang kay Ibarra ang tenyente.
TENYENTE GUEVARRA: <napatingin kay Ibarra>
DONYA VICTORINA: "Dapat sinubukan ninyong tumelegrama? Saang panig ba
kayo ng mundo nagpunta?”
IBARRA: "Sa Alemanya at Polandiya ako nanatili nitong nakaraang dalawang taon.”
DOKTOR TIBURCIO DE ESPADAÑA: <pautal-utal ang pagsasalita> “Ma-marahil
nakita ninyo si Stadtnitzki, ka-kakilala ko sa Espanya na galing din sa Polandiya.”
IBARRA: "Maaaring nagkita kami ngunit sa ngayon ay 'di ko maalala," paliwanag ni
Ibarra.
DOKTOR TIBURCIO DE ESPADAÑA: "Ng-ngunit madaling makilala yaong si
Stadtnitzki! Ma-mapula ang buhok niya at hi-hirap syang mangastila.”
IBARRA: "Magandang paglalarawan ang inyong isinasalaysay ngunit malamang ay
hindi ko siya nakausap. Ang wika ng bayan kung saan ako naroroon ang aking
ginagamit kaya naman konsulado lamang ako ng Espanya gumamit ng Kastila.
PADRE SIBYLA: "Kung gayon ay marami kang natutunang iba't ibang mga wika sa
bawat bansang iyong binisita. Marunong ka rin bang mag-lngles?"
IBARRA: "Hindi man ako dalubhasa, kaya kong makipag-usap sa Ingles. Isang taon
akong namalagi sa Inglatera kung saan lahat ng tao ay marunong mag-Ingles kaya
agad akong nayuto.”
PADRE SIBYLA: "Ganoon din ako. Nakakatuwa nga naman!" ng binata sa tagal ng
kaniyang paglagi sa iba't ibang bansa.
IBARRA: "Natutunan kong may kaugnayan ang kalayaan o ang kawalan ng
kalayaan sa kaginhawaan o kahirapang dinaranas ng isang bansa." dagdag ni
Ibarra.
PADRE DAMASO: <biglang sasabat> “Iyon lamang ang natutunan mo? Nagsayang
ka lamang ng panahon at salapi! Kahit batang paslit alam na iyan."
MGA TAUHAN SA EKSENA: <nagtinginan at patuloy lang sa pagkain upang iwasan
ang pakailang sa sitwasyon>
IBARRA: Huwag kayong mag-alala, isa lamang iyong paalala ni Padre. <dahan-
dahang tatayo at magpapaalam sa mga nasa hapag-kainan>
KAPITAN TIYAGO: Aalis ka na? Hindi mo na ba mahihintay ang aking anak na si
Maria Clara? Darating na rin yon kasama ang kaniyang Tiya Sabael at bagong kura
paroko.
IBARRA: Ipagpaumanhin po ninyo ngunit marapat pong kami na ay magpaalam.
TENYENTE GUEVARRA: <susunod kay Ibarra>
PADRE DAMASO:<magsasalita bago pa man makaalis sila Ibarra> "Ang tawag
diyan ay kapalaluhan. Nakatungtong lamang ng Europa ay tila batang nakatuklas na
ng kung anong karunungan. Hindi dapat hinahayaang makatungtong sa Europa ang
mga Indio!"

You might also like