Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Alamat ng Kalabasa

May dalawang mag-asawa na ang kanilang mga pangalan ay Aling Cucurbita at Mang
Basa. Sila ay mahirap lamang kayat naging masipag sila sa kanilang mga trabaho para makaahon
sa buhay. Sila ay mga mababait na mag-asawa. Hindi sila madamot kahit maliit na bagay ay
ipamahagi pa nila sa iba.

Isang araw sa trabaho ni Mang Basa ay may matandang ermitanyo na nahirapan kumuha ng
pagkain at ipinagtabuyan nalang ng mga tao. Nakita ito ni Mang Basa at tinulungan. May
natirang baon naman si Mang Basa, kahit maliit binigay nya pa rin. Nagkwentuhan sila ng
matanda at habang kumain ay may ibinigay and matanda na isang mustasa na kakaiba at
tinanggap niya ito. Sa pag uwi ni Mang Basa ay inilagay niya ito malapit sa hapag kainan nila at
bumalik sa kanyang trabaho. Noong pag uwi ng kanyang asawa ay nakita niya ito at nag akalang
mani at kinain niya.

Dumaan ang ilang buwan ay nabuntis si Aling Cucurbita at nanganak. Pinangalanan nila and
bata na Kabasa. Nang ito ay lumaki napansin nang kanyang mga magulang na napakalinaw and
pananaw nito kakaiba sa ibang mga bata. Siya ay makakita ng malinaw sa dilim. Sa murang edad
siya ay tumutulong sa kanyang nanay sa pananahi lalo na sa pagpasok sa sinulid sa karayum.

Lumipas ang isang taon, habang kasama ni Kabasa ang kanyang ina sa paghahanap ng pagkain
may isang sasakyan na pabangga sa kanyang ina. Iniligtas nya ito at ito ang sanhi ng kanyang
pagkamatay. Sa kanyang puntod ay may napansin ang kanyang mga magulang, may tumubo na
isang halaman na kumalat at ito ay may kakaibang bunga at ng tiningnan nila ito nakita nila and
mga mustasa na nasa loob. Natandaan agad ni Mang Basa ang mustasa na ibinigay ng
matandang ermitanyo sa kanya at naalala nila si kabasa kayat tinawag nila ang tumubong
halaman na kalabasa.

Makalipas and ilang dekada, isinuri ng mga siyentipiko and halaman at nalaman nila na ang
kalabasa ay isang gulay na pwedeng kainin at ito ay nagpalinaw ng mga mata at masustansya.

You might also like